"Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Grabe ang pinayat mo. Nagmukha kang saranggola. Buto't balat lumilipad," wika ni Cara. Natawa naman si Justine. "Ang bobo ko 'no? Hindi ako nakinig sa mga sinabi niyo. Tingnan niyo tuloy ang nangyari sa akin. Nagmukha akong g ago. Basta na lang niya akong iniwan ng walang paalam. Siguro, matatanggap ko pa kung nagpaalam siya ng maayos. Kaso wala. Basta na lang siya sumama sa matandang iyon." Bumuntong hininga si Cara. "Hayaan mo na. Wala ka ng magagawa pa. Mas maraming pera iyon. Mas sasamahan ka niya." Napangiwi si Jonah. Dumalaw kasi siya doon para mag- bonding sana silang dalawa ng kaibigan niyang si Cara. At hindi niya inasahan na nandoon ang ex husband nito. "Teka sandali, puntahan ko lang si Clyde sa kuwarto," sambit ni Cara. Napating