5

1137 Words
"Kumusta, pare? Mukhang busy ka masyado sa pagpapayaman, ha!" wika ni Steven nang dalawin niya si Clyde sa bahay nito. Natawa si Clyde. "Hindi naman. Ikaw ba? Kumusta ang negosyo mo? Mukhang umaasenso ka lalo. Masaya ako para sa iyo." "Oo lumalakas ang negosyo ko. Kayod lang para sa pamilya mabigyan ng magandang buhay. Ikaw ba, kailan mo balak magkaroon ng asawa? Kailan mo balak bumuo ng pamilya? Ilan taon ka na ba ulit? Thirty three? Ni wala ka pang pinakikilala sa amin na girlfriend mo. Baka maubusan ka na ng babae sa sobrang pihikan mo!" "Eh anong magagawa ko kung wala pang babae ang pumapasa sa standards ko? Hindi ako nagpapakayaman ng ganito para lang makuha ng isang babaeng pera lang ang habol sa akin. Kailangan kong masiguro na totoo ang pagmamahal niya sa akin. And of course, dapat mahal ko rin siya. Kahit umabot pa ako sa edad na singkwenta, guwapo pa rin naman ako at matibay pa ang tuhod," mayabang na sabi ni Clyde. Natatawang umiling si Steven. "Siya nga pala, ano ba ang nangyayari kay kumpareng Justine? Bakit nakikita ko siyang kasama si Karen? Tatlong beses ko na siyang nakita na kasama ang babaeng iyon. Nasaan ang asawa niya? Si Cara?" Bumuga ng hangin si Clyde bago ikinuwento kay Stevan ang tungkol sa dalawa. Nagulat ito sa kaniyang nalaman. "Parang g ago rin 'tong si pareng Justine! Kawawa naman ang asawa niyan!" Nagkibit balikat si Clyde. "Wala tayong magagawa. Pinagsabihan ko na rin siya pero hindi siya nakinig. Naaawa ako sa asawa niya. Sa akin pa talaga binilin eh busy akong tao. Kaya kapag may time ako, sinisilip ko saglit sa bahay nila. Baka mamaya kung ano na ang gawin eh." "Tangina talaga nito ni Justine. Sana lang talaga hindi siya karmahin." "Naiintindihan ko naman ang point niya. Ano nga ba ang magagawa natin kung hindi niya talaga kayang mahalin iyong babae? Ni hindi niya nga iyon ginalaw. Talagang nandidiri siya sa asawa niya. Ganoon kalaki ang galit niya kay Cara dahil sa nangyaring pagpapakasal nilang dalawa." Hinawakan ni Steven ang kaniyang sintido. "Bulag sa pagmamahal niya kay Karen. Eh kung ako ang tatanungin, ayoko sa babaeng iyon. Iba kung tumingin! Malagkit! Hindi na ako magtataka kung isang araw, lokohin siya no'n." Natawa ng mahina si Clyde. "Eh 'di karma na niya iyon." MABILIS NA LUMIPAS ANG BUONG MAGHAPON. Hindi naman gaanong napagod si Clyde sa kaniyang trabaho kaya naisipan niyang daanan si Cara sa bahay nito. Tatlong araw na rin ang lumipas no'ng huli niya itong dinalaw. Naging abala kasi siya. Kaya wala na siyang oras daanan pa ito. "Oh! N- Napadaan ka?" nakangising sabi ni Cara sabay hagikhik. Kumunot ang noo ni Clyde nang maamoy ang alak mula sa bibig ni Cara. Pumasok na siya sa loob ng bahay nito at nakita ang nagkalay na bote ng alak sa sala. Nangangamoy alak na nga sa salang iyon. Madilim pa ang paligid. Binuksan ni Clyde ang ilaw at nakita niya ang kalat sa loob ng bahay na iyon. "P- Pasensya ka na, ha? Hindi pa kasi ako nakapaglinis eh. Wala sana akong balak uminom kaso... kaso nasaktan ako ng sobra nang makita ko ang asawa kong masaya kasama ng iba eh. Sobrang sweet nila eh. Napaka- sweet! Naiingit ako eh. At nasasaktan ng sobra. Hindi ko maiwasang mangarap na sana... sana ako na lang si Karen. Sana ako na lang ang mahal niya..." garalgal ang boses na sambit ni Cara bago muling ininom ang alak mula sa boteng hawak niya. Napalunok si Clyde ng kaniyang laway at hindi maiwasang mahabag kay Cara. Kinuha niya ang alak sa kamay nito kaya naman tiningnan siya ng masama ni Cara. "Ano ba? Bakit ka ba nakikialam? Gusto kong mag- inom! Gusto kong makalimot! Gusto kong makalimutan ang sakit na nararanasan ko ngayon kahit saglit lang! Kahit isang araw lang! Gusto ko na ngang mamamatay eh! Kaso hayag na lang pala dahil hindi sa langit ang bagsak ko!" Bumuga ng hangin si Clyde bago binuhat si Cara. Pinaghahampas naman siya sa dibdib nito habang nagpupumiglas. "Ano ba? Bitawan mo nga ako! Bakit ka pa kasi nagpunta dito, ha? Naaawa ka sa akin? Hindi ko kailangan mg awa mo! Tangina niyong mga lalaki kayo! Mga hayop kayo! Mga manloloko! Mga malalandi! Oo kasalanan ko ng pinakasalan ko siya pero sana naman nirespeto niya ako bilang babae! Napakasama niya! Ang sama- sama niya!" Tuluyan ng napaiyak si Cara. Humagulhol siya ng malakas. Binuksan ni Clyde ang kuwarto ni Cara at agad na pumasok doon. Lumunok ng laway siya bago maingat na inilapag sa kama si Cara. "Magpahinga ka na. Huwag ka ng uminom pa ng alak. Lasing ka na. Hayaan mo na ang asawa mo. Sinubukan ko naman siyang kausapin para maayos ang relasyon ninyo pero wala siyang balak na gawin iyon. Hindi ka talaga niya mahal. Iyon ang katotohanan," diretsahang wika ni Clyde. Lalong napaluha si Cars. Hindi naman alam ni Clyde ang gagawin. Nakatitig lamang siya kay Cara habang nakaupo sa gilid ng kama katabi nito. "Bakit ba ganito kasakit magmahal? Bakit kailangan ko pa itong maranasan? Hindi ba talaga ako kamahal- mahal? Ano ba ang kulang sa akin para mahalin niya ako? Ano ba ang mali sa akin at bakit hindi niya ako magawang mahalin?" lumuluhang sabi ni Cara. Hindi umimik si Clyde. Sa katunayan, wala siyang masabi. Hindi naman niya maikakailang maganda si Cara. Kung tutuusin, nakakaakit ang ganda nito. Kaya hindi niya alam kung bakit hindi man lang nagkaroon ng damdamin ang kumpare niya para kay Cara sa loob ng isang taon nila bilang mag- asawa. "Matulog ka na at magpahinga. Bukas, dadalawin ulit kita dito. Huwag ka ng umiyak. Wala naman iyang matutulong. Hindi ka matutulungan ng luha mo para mahalin ka ni Justine." Tumayo na si Clyde at nagbabadya ng lumabas nang bigla siyang hatakin ni Cara. Napahiga sa kamang iyon si Cara kung saan nagpadagan sa kaniya si Clyde. Bumilis ang t***k ng puso ni Clyde dahil sobrang lapit ng mukha nilang dalawa ni Cara. Naaamoy na nga niya ang hininga nito.... ang amoy ng alak mula sa bibig nito. "Huwag mo akong iwan ngayong gabi... please.... gusto kong magkaroon ng kasama dito.... gusto kong sumaya saglit," mapupungay ang mata ni Cara na tumitig kay Clyde. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ni Clyde at akmang babangon ngunit bigla siyang nanghina nang isukbit ni Cara ang kaniyang magkabilang braso sa batok ng binata. "Maaari mo bang alisin ang sakit na bumabalot sa puso ko ngayong gawbi?" Nanlaki ang mata ni Clyde. "C- Cara... t- teka sanda---" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Clyde nang sakupin ni Cara ang kaniyang labi. Sa unang pagkakataon, hindi niya nagawang pigilan ang isang babaeng halikan siya. At natagpuan na lang ang sarili na tumutugon na pala sa mainit na halik ni Cara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD