Pagkauwi pa lang nina Cara at Clyde, hindi na nakakilos pa si Cara dahil si Clyde na ang umasikaso sa kanya. Tila naging baldado nga siya kung asikasuhin siya ng kaniyang nobyo. Ganoon siya kamahal ni Clyde. "Loko ka. Kaya ko na iyan eh. Bakit ikaw pa ang gumagawa? Masyado mo naman akong ginagawang baby," tumatawang sabi ni Cara. "Ikaw naman talaga ang baby damulag ko. Walang sinuman ang may karapatang saktan. Kahit sino. Dahil hindi ko sila mapapatawad at humanda sila sa akin..." matigas na banggit ni Clyde. "Paano kung masira ang pangalan mo gayong alam na ni Justine ang tungkol sa bawal nating relasyon?" nag - aalalang tanong ni Cara. Bumuntong hininga si Clyde. "Sigurado akong matanong masasabi ang ibang tao. Pero marami rin ang walang pakialam. Katulad na lang ng mga businessman n