"Hoy! May sasabihin ako sa iyo!" bungad ni Karen nang pagbuksan siya ng gate ng kaibigan niyang si Chelle. Dire- diretso siyang naglakad patungo sa loob ng bahay ni Chelle. Akala mo doon na siya nakatira kung umasta. Feel at home ang galawan ni Karen. Palibhasa, kahit naman madalas naiinis sa kaniya si Chelle, wala naman itong magawa dahil kaibigan niya pa rin si Karen. Mga bata pa lang sila, magkaibigan na sila. At madalas talagang gumawa ng kalokohan si Karen. Lalo pa't matigas ang ulo nito at sabik na makaranas ng kaginhawaan sa buhay. "Ang aga- aga naman ng chismis mo! Eh tungkol saan ba iyan?" naupo sa kaniyang harapan si Chelle bago humalukipkip. Inis na umirap sa hangin si Karen. "Grabe hindi ko akalain na isang kilalang tao pala ang kabit ni Cara! Punyetang babaeng iyon! Naka-