"Clyde, huwag kang hibang! Nilalason lang ng babaeng iyan ang isipan mo! Malamang, inakit ka talaga niya para magkaroon siya ng kakampi!" sigaw ni Justine kahit may bangas na ito sa mukha. "Tarantado ka talaga!" Muling sinuntok ni Clyde sa mukha ang kaniyang kumpare. Nag- iinit ng sobra ang ulo niya sa tuwing sasabihan ng hindi maganda ni Justine si Cara. Na para bang si Clyde ang nasasaktan para sa mga salitang natatanggap ng kaniyang nobya. "Makita pa kitang sinasabihan ng kung anu - ano si Cara at aambahan mo pang saktan, kalilimutan kong kaibigan kita," matigas at may diing wika ni Clyde habang nanlilisik ang mata sa galit. Nanindig ang balahibo ni Justine dahil binalot siya ng takot. Ngayon niya lamang nakitang galit na galit ang kaniyang kumpare. Nakita naman na niya itong nagali