Chapter 5

2375 Words
NAGISING AKO dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong bumangon sa kama saka nag stretch ng katawan ko. Tumayo ako saka tinungo ang banyo para mag hilamos at mag tooth brush na din. Nang matapos ako sa morning routine ko ay agad ako bumaba at dumiretso sa kusina para magluto ng agahan namin ni Nuroi. Natapos na ako mag ready pero hindi parin bumababa si Nuroi kaya napag pasyahan kong puntahan sa kwarto nito. Nakaka ilang katok na ako pero walang sumasagot. Umalis kaya siya? Bulong ko. Nagulat ako ng may kamay na humawak sa beywang ko. Napatili ako at dahan-dahang humarap sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Nuroi na pawisan. Naka jogger pants ito at naka sky blue tshirt na pawis na pawis. Ang gwapo ni Nuroi s**t! Bakit ganun pawisan na nga 'to pero mas lalo lang nagiging gwapo sa paningin ko. Dali-dali kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa beywang ko dahil nakikiliti ako. "Ahm-m nag exercise ka?" Tanong ko nalang para hindi halatang kinakabahan ako. "Yeah." Tipid na sagot niya sa 'kin. "N-Naka luto na ako ng agahan. Sumunod ka nalang sa baba kapag nakapag bihis ka na." Sabi ko at dali-daling bumaba ng hagdan. Hindi kasi ako maka tingin sakanya, paano ba naman kasi basang-basa ang suot niyang tshirt kaya bumakat do'n ang nagpuputukan niyang muscle sa braso at ang abs niya sa tyan. Manipis lang kasi ang suot niyang tshirt. Feeling ko pa ay tinatawag ako ng abs niya at sinasabing Touch me, Faith! Napa iling-iling nalang ako sa naisip ko. Kasalanan talaga 'to ng abs ni Nuroi eh.. kung ano-ano tuloy pumapasok sa isip ko. Nakaupo ako sa mataas na stool at hinihintay si Nuroi na bumaba. Maya-maya lang ay umupo si Nuroi sa tabi ko. "Let's eat!" Sabi niya at kinuha ang plato na may kanin. Nag simula narin akong kumain. Ganito palagi ang routine namin ni Nuroi, gigising siya sa umaga na pawis na pawis kaya laging busog ang mga mata ko sa view na nakikita ko kaya naiilang talaga ako. Pagkatapos no'n ay sabay kaming kumakain. Napansin ko rin na hindi na masyadong tahimik si Nuroi. Minsan nakakainis na din siya dahil ang lakas mang-asar. Ang sarap burahin ng mukha niya. Katulad ngayon kararating lang niya sa pag jo-jogging. Pumasok siya sa kusina na walang suot na damit. Dumako tuloy ang mga mata ko do'n sa abs niya. Letche talaga ang lalaking 'to. Nilalandi yata ako. "Done checking me, baby?" May panunuksong tinig niyang sabi sa 'kin. Inirapan ko na lang siya sabay iwas ng tingin. "Pwede bang mag damit ka." Pag susuplada ko dahil lagi nalang niya akong inaasar pag wala siyang damit pang itaas. Lumapit siya sa 'kin na ikinagulat ko s**t! Na malagkit. Napaatras tuloy ako hanggang sa naramdaman ko na nasa may lababo na ako. Iniwas ko nalang ang tingin ko kay Nuroi. Talagang inilapit pa niya ang katawan niya sa 'kin. Naamoy ko tuloy panlalaki niyang pabango at ang mabangong hininga niya. Kainis 'tong lalaking 'to pawis na nga lahat-lahat ang bango parin. Magsasalita na sana ako para pagalitan siya ng umangat ang kamay niya. s**t! Hahawakan ba niya mukha ko? Pipikit na sana ako ng hindi ko maramdaman na dumampi ang kamay niya sa mukha ko. Narinig ko nalang ang papalayo niyang yapak habang tumatawa. Bwesit talaga! Napahiya ako! Bakit kasi may papikit-pikit ka pang nalalaman Faith! Napasabunot tuloy ako sa buhok ko. Pagkatapos namin kumain ay nag kulong lang ako sa kwarto ko. Napalingon ako sa pinto ko nang narinig ko ang tatlong katok mula sa labas. Tumayo ako at binuksan ito. "Movie?" Bungad niya sa 'kin habang may dala pa siyang mga chichirya. Tumango ako at sumunod sakanya. Dumeritso muna ako sa kusina para magtimpla ng juice saka ako bumalik sa sala na may dalang baso at pitchel. Hawak naman ni Nuroi ang remote. "Anong gusto mong panoorin?" Tanong niya sa 'kin pero huminto 'to sa paglipat-lipat ng madaanan niya ang action movie at hindi na niya nilipat ulit. Tinanong pa ako, eh siya lang din naman ang masusunod. Gusto ko romance eh! Napasimangot nalang ako habang nanonood. Naubos ko nalang ang chichirya na hawak ko. Kukuha sana ako ng panibagong chichirya na nasa table. Ngunit, sabay naming hinawakan yun ni Nuroi kaya binitiwan ko agad. Tumingin lang si Nuroi sa 'kin at siya ang kumuha no'n saka binuksan 'to. Inabot niya sa 'kin ang binuksan niyang chichirya kaya napangiti tuloy ako. "Faith, gusto mo bang sumama sa 'kin?" Tanong niya pero ang mga mata niya ay nakatingin parin sa tv. "Saan?" Tanong ko. "Grocery store. Ubos na stock natin," saad niya kaya tumango ako agad dahil gusto ko din lumabas. Isang buwan mahigit na pala ako nandito sa bahay na 'to. Sa wakas makakalabas na din ako. "Magbibihis lang ako saglit." Sabi ko sakanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nag mamadali akong umakyat ng hagdan. Narinig ko pang sumigaw si Nuroi ng Be careful! Pagpasok ko sa kwarto ay agad ako nag hanap ng damit at isinuot yun. Nag suot ako ng highwaist na pantalon na fitted at nag suot ng tshirt. Inayos ko muna ang sarili ko saka ko kinuha ang sandals ko at isinuot yun saka ako lumabas ng kwarto. Hindi ko nakita si Nuroi sa sala kaya lumabas nalang ako ng bahay. Nadatnan ko si Nuroi na nakahilig sa gilid ng kotse niya habang ang mga braso nito ay nasa matipuno niyang dibdib. Nilock ko muna ang pinto ng bahay saka ako lumapit sakanya. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan sa passenger seat kaya agad akong pumasok sa loob ng kotse kaya isinara ni Nuroi ang pinto. Umikot naman siya sa driver seat saka siya pumasok sa loob. Nagtatanong ang mga mata ko ng hindi pa pinaandar ni Nuroi ang kotse habang nakatingin lang 'to sa 'kin. Napasinghap ako ng dahan-dahang lumapit siya sa 'kin. Naduduling tuloy ako sa sobrang lapit ng mukha niya. Ito na ba, hahalikan ba niya ako? Hindi ako prepared.. ano ba yan. Dahan-dahan akong pumikit ng may narinig akong nag click sa harap ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Nuroi at isinuksuk ang susi para paandarin ang sasakyan. Napahiya na naman ako. Ikinabit lang pala ang seatbelt ko. Sinamaan ko siya ng tingin na tatawa-tawa parin habang nag mamaneho. "Stop laughing!" Inis kong sabi. Kinagat n'ya ang ibabang labi niya para siguro pigilan ang tawa pero nakikita ko namang gumagalaw ang balikat niya. Kainis talaga 'to! Pinag krus ko nalang ang dalawa kong braso at humarap sa bintana. Hmmp! Hindi ko siya papansinin. Dumating na kami sa mall kaya agad naming tinungo ang grocery. Kumuha naman agad ng push cart si Nuroi at sabay kaming naglakad. Napansin ko ang mga kasabayan namin na bumibili na panay tingin kay Nuroi. Agaw pansin naman kasi talaga ang lalaki, lalo lang nagiging gwapo ito pag kumikinang ang isang hikaw niya. Bad boy look! Nakasunod lang siya sa likod ko dahil nauna akong naglakad sakanya. Hindi ko parin kasi siya pinapansin. Pag nagkakatinginan kaming dalawa ay natatawa parin siya sa 'kin. Kaya mas lalo akong naiirita. Nang matapos kami mamili ay agad naming tinungo ang counter para magbayad. Ito naman si ateng kahera ay todo pa cute kay Nuroi. At ang malanding lalaki naman ay ang laki ng ngiti. Burahin ko mukha niya eh. Natapos na din kami at padabog akong naglalakad. Doon sa babae ang laki ng ngiti, pero pag ako hindi naman ganon. "Faith, nagugutom ka na ba?" O kitam malamig ang boses na naman niya. "Hindi pa. Gusto ko ng umuwi." Sagot ko nalang at na unang naglakad. Derideritso akong naglakad hanggang sa nakarating kami sa parking lot. Agad akong sumakay do'n at pinabayaan si Nuroi na naglalagay ng mga pinamili namin sa likod ng sasakyan. Pumasok siya sa driver seat at tinignan muna ako. Sinigurado ko talaga na naka seat belt ako dahil baka mapahiya na naman ako sa kumag na 'to. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka inistart ang engine ng sasakyan saka niya pinausad. Tahimik lang ako habang naka masid sa labas. Hindi ko talaga pinapansin si Nuroi. Naiinis kasi ako sa pakikipag usap niya do'n sa babaeng cashier, eh halata namang nilalandi siya. Bakit ba ako nagagalit eh wala naman akong gusto kay Nuroi. Sabi ng maliit na boses sa isip ko. Napabuga tuloy ako ng hangin Huminto ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas ng mapagtanto kong nasa harap na pala kami ng bahay. Hindi ko man lang napansin. "Faith, pansinin mo naman ako." Dinig kong sabi ni Nuroi sa 'kin. Inabot pa niya ang pisngi ko. Hindi ako pumikit baka kasi pinag tri-tripan naman niya ako at mapahiya na naman ako. Nakatitig lang siya sa 'kin. "Sorry na. Wag ka ng magalit sa 'kin." Panglalambing niyang sabi. Para tuloy nawala ang inis ko. Pero ng maalala ko ang babaeng cashier ay nalukot ulit ang mukha ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko at tinulak ito. "Do'n ka sa cashier makipag usap." Sabi ko at akmang bubuksan na sana ang pinto ng kotse ng hinila ako ni Nuroi saka hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko nakita ang ginawa niya dahil sa bilis niya. Basta ang alam ko lang ay magkalapat ang labi naming dalawa. Naka pikit siya habang ako ay naka dilat ang mga mata. Narealize ko nalang na hinalikan niya ako. My first kiss. Hindi ako marunong humalik, para tuloy akong estatwa at pinipigilan huminga. Lumayo si Nuroi sa 'kin saka pinakatitigan ako sabay haplos ng daliri niya sa labi ko. Hindi parin ako nakapag salita, nawala ako. Mas lalo lang ako nawala sa sarili ko ng maramdaman ko ang labi ni Nuroi ulit sa labi ko. Para parin ako tuod at hindi malaman kung anong gagawin. Naramdaman ko kinagat ni Nuroi ang pang ibabang labi ko kaya napasinghap ako. Nagulat nalang ako ng pinasok ni Nuroi ang dila niya sa loob. Hindi ako makasabay sa galaw ng labi niya. Napapikit nalang ako hanggang sa nasasabayan ko na ang ginagawa niyang pag halik sa 'kin. May kumawalang ungol pa talaga sa bibig ko. Mabilis na lumayo si Nuroi sa 'kin at pumikit siya na parang nahihirapang huminga. Tumingin siya sa 'kin saka 'to nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Umikot siya sa likod at kinuha ang mga pinamili namin. Shit! Nag kiss talaga kami? Tanong ko sa sarili ko at napangiti pa. Kainis ka Faith akala ko ba wala kang gusto pero mukha kang tangang naka ngiti. Bulong ng isip ko. Bumaba ako ng kotse at pumasok na din sa bahay. Nakita ko pa si Nuroi na dali-daling umakyat sa 2nd floor at pumasok sa kwarto niya. DUMERITSO AKO sa banyo ng makapasok ako sa kwarto ko at agad pumailalim sa shower. Hindi ko napigilan kanina. Naputol ang pagtitimpi ko ng hinawakan ko ang mukha niya at napatitig sa labi ni Faith. Fuck! f**k! Tumingala ako at hinahayaan ang tubig na umagos sa katawan ko. Fuck it! Nawawala ako sa sarili kapag katabi ko si Faith. Hindi ko dapat ginawa yun. Napabuntong hininga ako at pinikit ang mga mata. Bigla naman nag flash sa isipan ko ang imahe namin dalawa ni Faith na nag hahalikan. Nararamdaman ko pa sa labi ko ang malambot na labi ni Faith, nalalasahan ko parin 'to. Gusto ko ulit yun matikman. Napasabunot nalang ako sa buhok ko ng maisip ko yun. Kailangan kong iwasan si Faith. Mapapahamak lang 'to kapag pinag patuloy ko ang kahibangan ko. May parusang naghihintay na sa 'kin pag naka balik ako sa Russia. Ayaw ko ng dagdagan ang kasalanan ko at baka pag nalaman ni Ruwi ay baka patayin niya si Faith. Alam kung hindi nag bibiro si Ruwi kapag nagagalit 'to. Pero gusto kung makasama si Faith. I really, really like Faith. First time ko itong maramdaman kaya hindi ko alam kung paano kontrolin ang sarili ko. Mas lalo ako mahihirapan ngayon lalo na't natikman ko ang mga labi niya. Natapos akong maligo at agad lumabas ng banyo. Umupo ako sa kama na naka tapis ang t'walya sa beywang ko. Napag desisyonan kong iwasan muna si Faith. Ito lang ang nakikita kong paraan para hindi 'to mapahamak. Ayos lang sa 'kin kung ako ang maparusahan, ngunit si Faith, baka mabaliw ako kapag may nangyaring masama sakanya. Nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya tumayo ako at lumapit sa mesa kung saan ko pinatong 'to. Nakita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag kaya napalunok ako ng ilang beses. Pinindot ko ang accept call at inilagay sa teynga ko ang cellphone. "Ruwi," bungad ko. Pero wala akong narinig sa kabilang linya, tahimik lang ito. "Why did you do that?" Tanong niya sa kabilang linya. Hindi ako nakasagot agad mukhang alam na ni Ruwi ang ginawa ko. "You even showed your face to Mr. De Guzman and Faith. I told you to protect the girl from afar," saad niya. Napapikit nalang ako habang nakikinig kay Ruwi. "I'm sorry, Ruwi." Yun lang ang nasabi ko. "Do you like her?" Tanong niya sa 'kin na hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya. Hindi nalang ako sumagot at naghihintay na magsalita ulit si Ruwi. "I guess, It's a yes. Should I kill her?" Saad niya. "No!" Galit kong sagot sakanya. Tumawa 'to sa kabilang linya. "I'll give you one week, Nuroi. Taposin mo na ang dapat mong taposin." Saad niya. "Yes, Boss!" Sagot ko at agad pinatay ni Ruwi ang tawag. Umilaw ulit ang cellphone ko ng may pumasok na text kaya agad ko 'tong binuksan para basahin. DON'T TRY ME, NUROI. I sighed. Kailangan ko ng tapusin ang mga kalaban ng ama ni Faith para malayang makalabas ang dalaga na walang pangamba. Nagbihis ako saka ko kinuha ang handgun at kumuha ng ilang bala saka ako lumabas ng kwarto. Nakita ko si Faith na papalabas ng kusina pero hindi ko siya pinansin at deri-deritso akong lumabas na hindi nag papaalam sakanya. Kampante ako na iwanan si Faith mag-isa sa bahay dahil alam kong secure ang bahay ni Lucifier. Kapag may nagtangkang pumasok dito na hindi si Faith or ako ay may lalabas na mga malalaking baril sa taas at pauulanan nang bala ang sino man mag tatangkang pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD