Chapter 6

3042 Words
UMALIS SI NUROI na hindi man lang ako pinapansin. Hindi man nga lang nagpaalam kung saan siya pupunta. Napabuga nalang ako ng hangin saka bumalik sa kusina. Sayang naman ang niluto ko! Bulong ko habang naka harap sa lamesa. Kaysa naman masayang ang niluto ko ay kumain nalang ako. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa panunood ng tv at hinihintay si Nuroi na dumating. Naka ilang lipat na yata ako ng channel pero wala parin ang binata. Mag gagabi na ngunit wala parin si Nuroi. Hindi nalang tuloy ako kumain ng pananghalian kanina. Umakyat nalang ako sa kwarto para matulog kaysa sa maghintay sa lalaking hindi ko alam kung saan nag punta. Kinabukasan, nagising ako sa malakas na ulan, mukhang may bagyo pa yata. Pumunta ako ng banyo para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ko ay agad akong nag palit ng damit saka ako lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at agad tinungo ang kusina para mag timpla ng kape. Masarap mag kape ngayon dahil sobrang lamig ng panahon. Napatigil ako sa paghakbang ng makita ko si Nuroi na naka upo sa stool. Naka talikod siya sa gawi ko kaya agad akong lumapit sakanya. "Good morning!" Bati ko sakanya ng makalapit ako. Ngunit, hindi man lang siya tumingin sa 'kin. Mabilis siyang tumayo at naglakad palabas ng kusina. Naiwan tuloy akong nakatulala habang nakatitig sa lamesa. Anong nagyari do'n? Iniiwasan ba niya ko? Ano ka ba Faith! Parang hindi kana nasanay sa lalaking 'yon. Pa bago-bago ang mood. Sabi ng maliit na boses sa isip ko. Biglang may pumasok na idea sa isip ko. Mabilis akong kumilos para ihanda ang mga kailangan ko. Yayain ko si Nuroi mag movie marathon ulit. Sinet-up ko sa salas ang mga kailangan ko saka ako umakyat sa kwarto ko para kumuha ng kumot na hindi pa nagagamit. Paglabas ko sa kwarto ko ay agad kong tinungo ang kwarto ni Nuroi para tawagin siya. Akmang kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya kaya naiwan ang kamay ko sa ere. Napansin kong bihis na bihis siya kaya alam kong aalis na naman siya. "Ahmm.. aalis ka?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Tumango lang siya sa 'kin saka isinara ang pinto ng kwarto niya. Nauna pa 'tong naglakad sa 'kin at bumaba ng hagdan. Bumuntong hininga na lang ako at bumaba nalang din ako ng hagdan. Umupo ako sa sofa saka tinignan ang mga hinanda ko. Mukhang ako na naman mag-isa nito. Three days ang lumipas, hindi parin nagbabago ang pakikitungo ni Nuroi sa 'kin. Akala ko nga bad mood lang siya kaya hindi niya ako pinapansin. Ngunit sa nag daang tatlong araw, napatunayan ko na iniiwasan nga talaga niya ako. Napasabunot nalang tuloy ako sa buhok ko. Naiinis na ako sa ginagawa niya, hindi na siya nakakatuwa. Siya 'tong ang lakas ng topak halikan ako pagkatapos hindi ako papansanin. Pranning ba siya! Letse siya! Wala akong planong lumabas ng kwarto ko. Ayaw kong magluto, dahil lagi lang nasasayang ang effort ko. Hindi naman niya pinapansin ang mga niluluto ko. Madapa sana yung lalaking 'yon. Argggh!!! Napagdesisyonan ko nalang na maglinis ng kwarto ko. Sinadya kong ituon ang isip ko sa paglilinis para hindi ko maisip si Nuroi. Baka mabaliw lang ako. Hindi ko nga namalayan na hapon na pala, kung hindi lang humapdi ang tyan ko ay hindi ko pa mapapansin. Lumabas ako ng kwarto, sobrang tahimik ng bahay, nakakabingi ang katahimikan. KANINA PA ako umalis ng bahay at sumama ako sa ama ni Faith. Maramin din 'tong kasamang bodyguards kaya hindi ako nag-iisa para protektahan siya. Gustong makipag kita ni Mr. Navarro sakanya kaya tinawagan agad ako ng ama ni Faith. Naka suot ako ng maskara ngayon habang naka sunod lang sa likod ni Mr. De Guzman. I think this is a trap! Nararamdaman ko 'yon. Ngunit mas gusto ko narin 'to para matapos at mapatay ko na ang mga kalaban ng ama ni Faith. Napaka tahimik ng paligid, idagdag pa ang malamig na hangin. Dapat maging alerto sa ganitong paligid, dahil baka may naka abang lang sa tabi-tabi. Hinila ko agad si Mr. De Guzman at itinago sa likod ko ng marinig ko ang putok ng baril. Fuck it! Takbo ang ginagawa namin habang naka sunod ang ibang tauhan ni Mr. De Guzman at pinoprotektahan ito habang nakikipag palitan ng putok ng baril. Nang makita kong marami ang nag babantay sa ama ni Faith ay agad akong umalis sa tabi niya. Inakyat ko ang haligi para makapunta ako sa taas. Hinugot ko ang katana na nasa likod ko ng tuluyan akong makapasok sa isang silid. Nakita kong may papalapit sa 'kin kaya agad kong ibinato ang katanang dala ko sabay takbo papunta sa lalaki. Hinugot ko ang katana na naka baon sa katawan niya saka ko winasiwas ito sa bagong dating na lalaki. May sumulpot na lalaki sa likod ko kaya agad kong tinapakan ang paa niya sabay tulak ng katawan niya sa sahig saka ko binali ang paa niya at sinaksak. Lumabas ako ng kwarto at lakad takbo ang ginagawa ko hanggang sa makarating ako sa isang silid. Mabilis akong nagtago muna sa isang poste ng mapansin kong may nag si labasan na mga lalaki sa silid na 'yon. I waited for them to come out until only one man was left. He was about to close the door when I quickly blocked the katana I was holding and slipped my hand through and punched him in the face. He let go of the door and stepped back and immediately pulled out a gun. Tinakbo ko 'to agad saka ako sumampa sa katawan niya. I grabbed the gun he was holding then I quickly detached the gun at mabilis kong isinaksak sa leeg niya. Humarap ako at nakita ang hinahanap ko na si Mr. Navarro. May kasama 'tong tatlong bodyguards na naka palibot pa sakanya. Sumugod sa 'kin ang isang lalaki at malalakas na suntok ang pinapakawalan niya na mabilis ko namang nasasalag. Nag pakawala ako ng malakas na suntok at tinarget ko ang leeg niya na agad ikinatumba ng lalaki. Lilingon na sana ako sa isa ko pang kalaban ng maramdaman kong humapdi ang tyan ko. Nakita ko ang lalaki na naka ngisi sa 'kin habang hawak parin ang kutsilyo na ibinaon niya sa tagiliran ko. Mabilis ko siyang sinaksak sa ulo dahilan para bumagsak ito sa sahig. Hinugot ko ang kutsilyo na bumaon sa tagiliran ko saka ko 'to hinagis sa sahig. Ayaw ko ng patagalin 'to kaya mabilis kong kinuha ang baril ng makita kong tatakas si Mr. Navarro at ang isang body guard niya. I pulled the trigger of the gun I was holding and used up all the bullets in both of them. Sapo-sapo ko ang aking sugat sa tagiliran ko habang papalabas ako sa kwarto. Finally, I killed the mortal enemy of Faith's father. Panatag na ako. Alam kong ligtas na siya kahit saan siya magpunta. Nakita ko ang ama ni Faith na papalapit sa 'kin. "Are you okay?" Tanong niya ng makalapit ako. Nag sabi pa ito na dadalhin ako sa hospital ngunit umayaw ako. Mas gugustuhin ko pang umuwi at makita ang mukha ni Faith. Hindi na ako nagpaalam sakanila. Sumakay ako agad sa kotse at pinaharurot yun papunta sa bahay kung nasaan si Faith. Lumalabo narin ang paningin ko kaya mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse. Kailangan ko makauwi. Gusto kong makita si Faith. NAPABALIKWAS AKO ng bangon ng marinig ko ang pagpasok ng sasakyan ni Nuroi sa loob ng gate. Tumingin ako sa orasan at nakitang 8:00pm na pala. Bumangon ako at agad tinungo ang pinto para lumabas ng kwarto. Ewan ko ba, gustong gusto ko lumabas kahit hindi naman ako pinapansin ni Nuroi. Gusto ko lang talaga makita ang mukha niya. Pagbaba ko ay saktong pag pasok din ni Nuroi. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang damit niya na punong-puno ng dugo habang sapo-sapo ang tagiliran niya. Natataranta akong lumapit kay Nuroi. "W-What happened?" Nau-utal kong tanong sakanya at inalalayan siya para umupo sa couch. Hindi ko alam ang gagawin ko, mas lalo lang akong nataranta ng marinig ko ang daing ni Nuroi. "Dadalhin kita sa hospital," natataranta kong sabi. Tumawa naman siya ng mahina. Animal talaga! Nakuha pang tumawa sa ganitong sitwasyon. "Ayaw ko sa hospital. Hindi naman malalim ang sugat ko. Kunin mo nalang ang first aid kit sa taas," utos niya sa 'kin. Hindi daw malalim pero naliligo na sa dugo niya. Hayy ewan ko nalang talaga. Litong-litong tumayo ako at tumakbo papunta sa taas. Hinahanap ko ang first aid kit na agad ko namang nakita. Pumasok ako sa kwarto ni Nuroi para kumuha ng pamalit niyang damit. Mabuti nalang at hindi naka lock ang pinto ng kwarto niya. Bumaba agad ako sa hagdan at halos madapa-dapa ako sa paglakad dahil sa tarantang nararamdaman ko. Lumapit ako sakanya at inangat ang damit niya. Nakita ko ang saksak niya kay tumayo ako ulit para kumuha ng planggana para lagyan ng tubig. Kumuha din ako ng towel para punasan ang kumalat na dugo niya sa katawan. Nanginginig ang kamay ko habang nililinisan ang sugat niya. Ngunit ginawa ko parin ang makakaya ko hanggang sa natapos ako sa paglilinis at ginagamot ang napuruhan niyang sugat. Hindi ko nga alam kung tama ba ang ginagawa ko. Tianggal ko ang leather jacket niya at ang tshirt niyang suot. Alam kung hindi pa ito natutulog at pinapakiramdaman lang niya ako. Isinuot ko ang damit niya at tinulongan siyang humiga sa mahabang sofa. Naramdaman kong lumalim ang hininga niya tanda ng nakatulog na ito. Niligpit ko na muna ang mga ginamit ko sa pag lilinis kanina at dinala 'to sa kusina. Kumuha narin ako ng mop para linisin ang nagkalat sa sahig na dugo ni Nuroi. Pagkatapos kong maglinis ay umupo ako sa sahig paharap kay Nuroi. Yung galit ko kanina dahil sa tatlong araw na niya akong hindi pinapansin ay nawala agad at napalitan ng pag aalala. Mahina kong sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Tumayo ako at nag lakad sa pang isahang upuan na kaharap sa hinihigaan ni Nuroi. Pabagsak akong umupo doon saka ko isinandal ang likod ko. Pakiramdam ko ay bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nakatulog ako. TINANGGAL KO ang isa kong braso na nakatakip sa nuo ko. Nag tulog-tulogan lang ako at pinapakiramdaman si Faith kanina. Lumingon ako sa kabilang couch at nakita ko si Faith na naka tulog habang nakaupo. Bumangon ako at lumapit sakanya at pinag pantay ang mukha namin dalawa. Mahina kong hinaplos ang pisngi niya. Napalunok ako ng dumako ang tingin ko sa mga labi niya. Fuck! Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ang malambot niyang labi. Dinampian ko ng tatlong halik ang labi niya saka ko siya binuhat na parang bagong kasal. Naglalakad ako papunta sa hagdan ng mapansin kong na alimpungatan si Faith. "Sleep, baby." Bulong ko. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko hanggang sa narating ko ang kwarto niya. Binuksan ko ang pintuan gamit ang isang kamay ko at naglakad papasok saka ko ibinaba ng dahan-dahan si Faith sa kama. Tinitigan ko muna 'to ng matagal bago ko napag desisyonan lumabas. Pumunta ako sa kwarto ko at agad akong pumasok ng banyo para maligo. Nag hanap ako ng gamot na pwdeng inumin sa sakit ng saksak ko ng may nakita ako at ininom 'yon. Humiga ako sa kama ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Agad kong inabot 'yon sa bed side table at binasa ang mensahe ni Andrei. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng mabasa ko ang text ng kaibigan ko. Pinapabalik na ako sa Russia ni Ruwi. NAPABALIKWAS AKO ng bangon sa kama at tumingin sa paligid. "Teka, di ba nasa couch ako nakatulog kagabi?" Tanong ko pa sa sarili ko. Binuhat ba niya ako? Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking yun. Bumangon agad ako at lumabas ng kwarto. Hindi man lang ako nag hilamos. Bahala na! Nakita kong bukas ang kwarto ni Nuroi kaya lumapit ako do'n saka sumilip, pero wala akong nakitang Nuroi sa loob. Kaya napagdesisyonan kong bumaba nalang ng hagdan. Nasa pang last na akong hakbang ng hagdan ng marinig ko ang nahulog na kutsara mula sa kusina. Kaya dali-dali akong pumunta do'n at nakita si Nuroi na naghahanda ng agahan. Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya lumingon siya sa 'kin at nginitian ako. Shit! Namiss ko ang ngiti niya. Akala ko hindi na naman niya ako papansin, pang five days na sana pag nagkataon. Pinag hugot niya ako ng upuan saka sinenyasan akong umupo. Naka ready narin ang kape ko. May pandesal din sa mesa at pizza. Akala ko pa naman nag luto siya, bumili lang pala sa labas. Kumain na kami at tahimik lang kaming dalawa. Paminsan-minsan din ay nakikita ko ang pa sulyap-sulyap niyang tingin sa 'kin. Niligpit ko na ang pinagkainan namin at nag hugas narin ako ng pinggan. Pag harap ko ay napa tili ako sa gulat ng makita ko si Nuroi na nasa likod ko. Hindi pala siyaumalis kanina. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa naman niya. "Gusto mo manood ng movie?" Tanong niya sa 'kin. Kumunot agad ang nuo ko. "Ahm..wala ako sa mood eh," sagot ko. Totoo naman kasi wala ako sa mood. "Gusto mo ba pumunta ng mall? Mamasyal tayo!" Sabi niya ulit. "Sige," nakangiti kong sagot. Umakyat ako sa hagdan at tinungo ang kwarto ko para maligo muna. Naghanap lang ako ng damit sa closet. Dress ang napili kong suotin. Naglagay narin ako ng kunting make up, light lang ang nilagay ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga make up talaga, pero ngayon gusto ko magpaganda. Gusto ko maganda ako sa paningin ni Nuroi. Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba na ng hagdan. Dumeritso ako sa labas at nakita ko si Nuroi na nakahilig sa kotse niya. Ngumiti siya sa 'kin kaya nginitian ko din siya saka ako lumapit sakanya. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat kaya pumasok agad ako. Pag pasok ko nilagay ko agad ang seatbelt. Mahirap na baka mapahiya na naman ako. Pag pasok ni Nuroi ay natawa siya sa 'kin, mukhang napansin niya yata ang paghawak ko sa seatbelt kaya inirapan ko nalang siya. Pagdating namin sa mall ay pumunta agad kami sa arcade. Nag laro lang kami ni Nuroi do'n. Nakita ko ang claw machine na may mga maliit na mga stuff toys. "Gusto mo ba?" Tanong sa 'kin ni Nuroi kaya tumango ako. Lumapit siya sa claw machine at nag hulog ng coins. Napansin ko pa na may tatlong babae sa gilid namin at nag bu-bulong-bulongan habang kinikilig kay Nuroi. May pa hampas-hampas pa yung isa sa braso ng kasama niya. Agad akong lumapit kay Nuroi at humawak sa braso niya na ikinatawa naman niya kaya sinimangotan ko nalang siya. Hindi ko alam kung nagpapa bilib ba si Nuroi sa tatlong babae sa gilid namin. Ang galing niya pala sa claw machine. Ang dami niyang nakukuhang stuff toy's kaya yung mga babae mas lalo nag titili. "Ang galing naman niya." "Kaasar te, malalag-lag yata panty ko sa kagwapuhan niya" "Gaga! maluwag lang garter ng panty mo." Sagot ng babae sabay hampas pa nito sa kaibigan niya. Hinawakan ko kamay ni Nuroi para patigilin na siya sa paglalaro. "Tama na yan. Ang dami mo ng nakuha ohh!" Saad ko. Doon lang din niya yata nakita na marami na siyang nakuhang stuff toy's. Bumitaw siya agad at pinilupot ang braso niya sa beywang ko. Kinilig tuloy ako. Lakad lang kami ng lakad sa mall. Kumain kami sa isang mamahaling restaurant at pagkatapos no'n ay balik na naman kami sa pag-iikot hanggang sa naisipan na naming umuwi dahil hapon narin naman. Nasa harap na kami ng bahay at agad kong tinanggal ang seatbelt ko at humarap sakanya. "Thank you, Nuroi!" Saad ko at bigla akong lumapit sa mukha niya saka dinampian ng halik ang labi niya na ikinatigil niya. Mabilis kong binawi ang mukha ko at dali-daling lumabas ng kotse. Mabilis ako naglakad papasok ng bahay. Pakiramdam ko kasi ay nagkulay kamatis ang mukha ko sa ginawa ko. NAPAKURAP-KURAP ako ng marealize ko na hinalikan ako ni Faith sa labi. Saglit lang 'yon ngunit nagulo ulit ang systema ko. Bumaba agad ako saka sinundan si Faith sa loob ng bahay. Nakita ko siya na nasa taas na ng hagdan kaya tumakbo ako ng mabilis para habulin siya. Mabilis ako naka lapit sakanya at agad kong hinila ang braso niya. Nakita kong nanlaki ang mata niya habang naka tingin sa 'kin. Magsasalita sana siya ng mabilis kong sinakop ng halik ang labi niya. Hindi siya gumalaw siguro dahil nabigla 'to sa ginawa ko. Kinalaunan ay sumasabay na 'to sa galaw ng labi ko. Umungol siya sa loob ng bibig ko kaya hinawakan ko ang batok niya para hindi 'to makawala sa 'kin. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magtimpi. Binuksan ko ang kwarto ni Faith habang naghahalikan parin kaming dalawa. Bumaba ang halik ko sa leeg ni Faith na mas lalong ikina-ungol ni Faith. "Ahh" Naglulumikot ang kamay ko sa beywang ni Faith at taas-baba ko itong hinahaplos. Sinunggaban ko ulit ng halik ang mga labi niya. Dumako ang kamay ko sa mayayamang dibdib at mahina kong minasahe 'yon. Napaungol ulit si Faith kaya mas lalong uminit ang katawan ko. Binuhat ko si Faith at dinala sa kama niya na hindi parin napuputol ang halik naming dalawa. Bumaba ang halik ko sa leeg niya at mahinang sinipsip. Tinaas ko ang suot niyang dress at talagang tinulongan pa ako ni Faith at siya na mismo ang nag hubad sa suot niya. Hinila naman ako ni Faith sa ibabaw niya. Tinanggal ko nadin ang pagkaka hook ng bra niya sa likod. Tumambad sa 'kin ang malulusog niyang dibdib kaya napalunok ako ng ilang beses. Dahan-dahan kong inabot ang isa niyang dibdib saka ko menasahe 'yon. Napa arko naman ang katawan ni Faith. Sinubo ko ang isa niyang ut*ng at mahinang sinisip-sip 'yon. "Ahh, N-Nuroi." Ungol niya habang naka hawak sa ulo ko. Tumayo ako saka hinubad ang suot kong tshirt. Bumalik ulit ako sa mga labi ni Faith saka nilukumos ng halik. "You're mine, Faith."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD