NAGISING AKO at bumungad sa 'kin ang hindi pamilyar na kwarto. Agad kong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto at mukhang dinala na naman nila ako sa ibang lugar.
Nasaan na naman kaya kami?
Bumaba ang tingin ko ng maalala ko ang tama ko sa braso. Agad ko tinignan 'yon nang makita ko na may gauze 'to. Wala narin ang dugo na kumalat sa braso ko. Pero hindi ako pinalitan ng damit. Hmmp! Dapat lang.
Tumayo ako sa kama ng mapansin kong may banyo dito sa kwarto. Pumasok ako sa loob at nag hilamos sa sink. Hindi na muna ako maliligo dahil wala akong pamalit na damit.
Nang matapos ako ay agad ako lumabas ng kwarto. Nakita ko na may hagdan kaya bumaba agad ako do'n. Hinahanap ko ang mga lalaking kasama ko ngunit wala akong mahanap sa sala kaya naglakad ulit ako hanggang sa narinig ko ang mahihinang boses ng mga lalaki.
S
inundan ko ang boses ng mga 'to hanggang sa makarating ako sa kusina.
Napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ko. Nag bubulungan pa ang dalawa kaya hindi ko sila masyadong marinig.
Bumuga muna ako ng hangin saka lumapit sakanila. Natigil ang dalawa sa pag-uusap at agad nag iwas ng tingin si Nuroi. Ang lalaki naman na tumulong samin kagabi ay may hawak na sandok habang nagluluto.
Kumindat pa siya sa 'kin saka 'to ngumiti. "Good morning!" Bati niya
sa 'kin.
Napipilitan naman akong ngumiti dahil baka mapahiya siya na hindi ko siya pinansin.
Napatigil ako ng mapagmasdan ko ang mga mata niya. Magkaiba kasi ang kulay ng mga mata niya. Ang left side ay black at ang sa right side naman ay red.
Namamangha kong tinitigan ang lalaki dahil first time ko makakita ng ganong kulay na mata.
"Wag mo akong tignan ng ganyan miss ganda at baka mabaril ako ng isa dyan," tatawa- tawa niyang sabi.
Sino naman kaya ang babaril sa kanya. Muntanga!
Nakita ko si Nuroi na tahimik lang habang umiinom ng kape. Umupo nalang din ako sa katabi niyang upuan at tumingin ulit sa lalaki na nagluluto.
Pinapanood ko lang ang kilos ng lalaking nagluluto dahil mukhang bihasa siya sa pagluluto. Hindi ko akalain na marunong siya dahil wala naman sa hitsura niya. Kung titignan kasi ay para 'tong bad boy na laging hanap ay gulo. Kaya hindi ko inaasahan na ang isang katulad niya ay marunong magluto. Ang tanong.. masarap ba naman ang luto niya?
Hindi ko pa alam ang pangalan n'ya. Nahuli na naman ako ng lalaki na nakatingin sakanya kaya kinindatan na naman niya ako. Parang tanga talaga!
"Baka ma in-love ka sa 'kin niyan," naiiling niyang sabi. "Magagalit si Nuroi sa 'kin nyan," pagpapatuloy niya.
"Bakit naman siya magagalit?" Balik tanong ko sakanya.
Tumawa lang ulit ang kumag. Tinignan ko naman si Nuroi na tahimik lang na nakikinig samin.
Bigla siyang tumikhim saka lumingon sa 'kin. "Kamusta sugat mo?" Tanong sa 'kin ni Nuroi.
"Ayos na. Hindi na masakit. Salamat nga pala kagabi dumating ka." Pagpapasalamat ko na ikina tango naman niya.
Biglang lumapit sa 'kin ang lalaki sabay umakbay sa balikat ko. "Sakin babe, hindi ka ba magpapasalamat?" Sabi niya sa nagtatampong boses.
Nagulat nalang ako ng tumayo si Nuroi at sinuntok sa tyan ang lalaking naka akbay sa 'kin.
Napasinghap ako dahil sa lakas ng suntok ni Nuroi sa lalaki. Nag aalala ako na baka magalit yung isa pero nagulat nalang ako na tumawa lang ng malakas ang lalaki para tuloy siyang tanga.
"Don't touch her! madumi yang kamay mo." Sigaw ni Nuroi sa lalaki.
"Malinis kaya kamay ko. Mabango pa!" Saad ng lalaki na inamoy pa talaga ang kamay niya.
Natapos naman kaming kumain ng matiwasay. Nalaman ko rin na Lucifier pala ang pangalan ng kaibigan ni Nuroi. Naiilang tuloy ako tawagin siya at baka bumuka ang lupa at lamonin ako.
Umakyat ako sa hagdan saka tinungo ang kwarto ko. Gusto kong humiga dahil kumikirot pa kasi kunti ang sugat ko.
Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako. Nagising lang ako sa mahinang katok sa pinto ko kaya agad akong bumangon at binuksan 'yon.
"Hey!" Bungad sa 'kin ni Nuroi. May dala siyang paper bag at inabot yun
sa 'kin.
Napakunot naman ang nuo ko saka ako nagsalita. "Ano 'tong mga 'to?" Tanong ko sakanya ng makuha ko ang paper bag at agad kong saka sinilip ang loob.
"Binilhan kita ng mga damit at hygiene na kailangan mo." Saad niya habang nag kakamot sa batok niya.
"Ahmm.. Thank you!" Naka ngiti kong pasasalamat.
Hindi pa 'to umalis at parang may gusto pa siyang sabihin sa 'kin. Kaya nag lakas loob ako. "May sasabihin ka pa?" Tanong ko sakanya.
Sumeryoso naman ang mukha ni Nuroi. "Wag kang mag lalapit kay Lucifier. May ketong yun baka mahawa ka." Sabi niya at dali-daling umalis sa harap ko.
Ano daw? May ketong si Lucifier. Napailing nalang ako saka isinara ang pinto at dumiretso sa kama. Tinignan ko agad ang mga pinamili ni Nuroi.
Namula ang mukha ko ng makita ko pati undergarments ko ay meron. Nakakahiya!
Tinignan ko pa kung tama ba ang size at ang galing ni Nuroi tumansya.
"Paano naman niya nalaman ang size ko." Bulong ko saka inayos ang mga damit at mga hygiene.
Naligo narin ako dahil nanlalagkit na ang katawan ko dahil 'to parin kasi ang damit ko kagabi.
Pagkatapos ko maligo ay bumaba ako saka hinanap si Nuroi. May narinig akong maliit na boses na nang gagaling sa kusina kaya tumungo ako do'n.
Naabutan ko si Lucifier at si Nuroi na mahinang nag uusap. Hindi na muna ako nagpakita at nagtago sa gilid.
"I'm just reminding you, six months ka lang dito. Baka nakakalimutan mo lang naman," rinig kong sabi ni Lucifier kay Nuroi. Hinintay kong sumagot si Nuroi pero wala akong narinig.
"Bilisan mo ng kumilos para maka balik ka na sa Russia." Dagdag na sabi ni Lucifier.
Hindi parin sumasagot si Nuroi kaya nagsalita ulit si Lucifier. "Baka sa susunod na mga araw ay malaman ni Ruwi ang mga ginawa mo." Sabi ulit ni Lucifier.
"So, be ready. You have to face your punishment." Dugtong ulit ni Lucifier.
Mapaparusahan si Nuroi? Pero bakit?? Naitanong ko nalang sa sarili.
TAHIMIK AKONG nakikinig kay Lucifier na pinagsasabihan na naman ako. Tama naman kasi talaga siya. Baka sa susunod na araw or buwan ay may dumampot sa 'kin dito at kaladkarin ako papuntang Russia.
Kung ako lang ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pang mag stay dito. Gusto ko nandito lang ako kay Faith. Ngunit alam ko naman na malabong mangyari yun.
Hindi naman ako ganito dati. Kapag binibigyan ako ng deadline na one week ni Ruwi ay lagi ko tinatapos agad at bumabalik ako sa Russia.
Pero ngayon.. parang ayaw kong madaliin ang mission ko. Simula ng makilala ko si Faith ay parang ayaw ko ng umalis sa tabi niya.
Fuck it!
"Dahil ba kay Faith kaya ka nagkaka ganyan?" Tanong bigla ni Lucifier
sa 'kin.
Hindi ko nalang siya sinagot. Malamang alam na 'to ni Ruwi. Pero nagtataka ako kung bakit hindi pa siya nagpapadala ng susundo sa 'kin.
"None of your business," sagot ko kay Lucifier.
This is the first time na lumabag ako kay Ruwi. Hindi ko rin alam kung bakit nakalimutan kong mag suot ng maskara.
Malinaw ang sabi ni Ruwi sa 'kin, protektahan ang babae sa malayo pero heto ako.. kasama pa si Faith at wala pang suot na maskara.
Biglang nakaramdam ako na parang may tao sa likod ko kaya agad ako lumingon. Nakita ko si Faith na nagtatago sa gilid at nakikinig sa usapan namin.
Sinenyasan ko si Lucifier na tumahimik kaya agad naman tumingin si Lucifier sa gawi ni Faith.
"Hi, babe!" Bati niya kay Faith. Masama kong tinignan si Lucifier ng nakakamatay na tingin.
Nakita ko namula ang pisngi ni Faith kay mas lalo akong nairita.
Huhugot na sana ako ng baril para itumba si Lucifier nang biglang umupo si Faith sa tabi ko.
Inayos ni Lucifier ang mga pagkain at nag simula na kaming kumain. Tunog lang ng kutsara ang naririnig ko hanggang sa tumikhim si Lucifier.
"So, baby girl, may boyfriend ka na?" Inosenteng tanong ni Lucifier kay Faith. Tahimik lang akong nakikinig sakanila at hinihintay ang sagot ni Faith.
Umiling ang dalaga bago sumagot. "W-Wala." Sagot niya.
Feeling ko ay nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yun.
Tumatawang tinignan ako ni Lucifier ng makita niya yata ang mukha ko.
Ngumisi na naman ito kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. "Ex-boyfriend?" Tanong ulit niya kay Faith.
Nakikita ko sa mata niya na gusto talaga niya akong asarin. Ang sarap pilipitin ng leeg ng gago.
"Oo meron. Last year lang kami nag break," sagot agad ni Faith. Natahimik ako at napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor.
Nag kiss na kaya sila? Tanong ko sa sarili ko. Mas lalo lang uminit ulo ko ng may pumasok na imahe sa isip ko. Si Faith at ang ex niya na nag hahalikan.
Fuck! Hindi na talaga ako 'to. Kailangan ko na humingi ng tulong kay Salem. Meron din yata akong sakit sa puso dahil ang lakas ng tambol nito kapag nasa tabi ko si Faith o kapag nakikita ko siya.
Natawa ng mahina si Lucifier sa 'kin kaya pinakita ko ang gitnang daliri ko.
"Anong pangalan ng ex mo?" Tanong na naman ni Lucifier. Hinihintay ko rin na sabihin ni Faith ang pangalan ng ex niya, baka mamayang gabi ay dalawin ko.
Not good!
"Ahm.. Jeric." Sagot ni Faith saka uminom ng tubig.
Narinig ko na naman ang nakaka-bwesit na tawa ni Lucifier. "Ano pre.. dalawin ko ba?" Tanong niya sa 'kin kaya pinandilatan ko nalang siya ng mga mata ko.
Biglang nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya kinuha ko 'to. Nakita ko may message si Atticus
sa 'kin tungkol kay Mr. De Guzman
Tumayo ako at nakita ko tumayo din si Lucifier.
"Dito ka muna. Ikaw na munang bahala kay Faith. May pupuntahan lang ako." Saad ko.
Tumango lang sa 'kin si Lucifier kaya agad akong umalis sa kusina at umakyat muna para pumunta ng kwarto ko. Kinuha ko ang dalawang baril at black na leather jacket saka ko kinuha ang maskara ko, kahit alam ko naman na useless na 'to dahil nakita na ang mukha ko.
NASA KWARTO lang ako at pa gulong-gulong lang ako sa kama. Napaka boring ng araw na 'to. Wala kasi si Nuroi, nagpaalam siya kanina na may pupuntahan kaya ang naiwan ay kaming dalawa ni Lucifier.
Mas pinili ko nalang umakyat kaysa maka usap yun. Pero napaka boring sa kwarto kaya napagpasyahan kong bumaba.
Nakita ko busy si Lucifier sa harap ng laptop niya kaya dumeritso agad ako sa labas dahil gusto kong makalanghap ng preskong hangin.
Naka upo lang ako sa labas sa may maliit na garden. Hindi naman masakit ang tirik ng araw kaya dito nalang muna ako tatambay.
Biglang may sumulpot sa likod ko kaya nagulat ako. Hindi ko man lang narinig ang yapak niya, ni hindi ko rin naramdaman ang presensya niya na nasa likod ko pala siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya saka umupo sa tabi ko. Nakasalampak lang kasi ako sa simento habang naka cross legs na naka upo.
"Ahm.. nag papahangin." Sagot ko agad. Tumango naman siya sa 'kin.
Ang boring kasi wala man lang akong cellphone, yung cellphone ko kasi ay naiwan ko sa kwarto do'n sa rest house sa Baguio.
Saan kaya pumunta si Nuroi. Bumuntong hininga nalang ako. "Ang lalim n'on ahh!" Sabi nitong lalaki sa tabi ko.
"Ano bang meron sa'yo na nakuha mo ang atensyon ni Nuroi!" Biglang sabi niya sa 'kin. Napalingon naman ako sakanya.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Nevermind!" Sagot niya saka 'to tumayo.
"Pumasok ka na sa loob mamaya. Baka may biglang sumulpot dyan." Saad niya sa 'kin.
Napabuga muna ako ng hangin saka ako tumayo at sinundan si Lucifier sa loob. Dumeritso ako sa kusina ng maisipan kong magluto ng pananghalian.
Nakita ko naman ang mga kailangan ko kaya nag ready na ko. Tinali ko muna ang buhok ko at nag simula ng mag hiwa.
Naririnig kong may kausap si Lucifier sa cellphone niya ngunit hindi ko nalang siya pinapansin at pinag patuloy ang pagluluto.
Natapos narin ako at saktong 12pm pero wala parin si Nuroi.
Umupo naman si Lucifier sa isang upuan. "Halika na! kain na tayo. Baka mamaya pa si Nuroi." Sabi niya at kumuha ng kutsara saka tinikman ang ni luto kong mechado.
"Ahmm ang sarap!" Sabi pa niya. Wala narin akong nagawa kaya umupo narin ako at kumain.
Tahimik lang akong kumakain hanggang sa natapos kami ni Lucifier kumain. Nag insist siya na siya na daw ang magliligpit at maghuhugas kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama habang naka titig sa kisame. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at tuluyang nakatulog.
Nagising lang ako dahil sa mahinang katok sa labas ng pinto ko kaya na gising ako.
Napatingin ako sa orasan na naka sabit sa wall at nakitang 6PM na pala. Ang haba pala ng tulog ko.
Tumayo ako sa kama para pagbuksan ang kumakatok. Bumungad sa 'kin ang mukha ni Nuroi. Nakatayo siya habang may hawak na milk tea at isang box ng pizza. "Para sa'yo!" Sabi niya sabay abot sa 'kin ng mga dala niya.
Nanubig ang bagang ko kaya agad kong inabot yun. "Thank you!" Saad ko saka ko binuksan agad ang pizza at agad na kumuha do'n. Ninamnam ko ang pizza sa loob ng bibig ko habang nakapikit.
Pagbukas ko ng mga mata ko ay nakita ko si Nuroi na titig na titig
sa 'kin. Naiilang ako sa pagkakatitig niya kaya tumikhim ako at inangat ang pizza na hawak ko. "Gusto mo ba?"
"Ako gusto ko!" Biglang sulpot ni Lucifier sa likod ni Nuroi habang naka ngisi. Akmang kukuha na sana si Lucifier ngunit mabilis na pinalo ni Nuroi ang kamay niya.
"Isa lang eh. Damot nito!" Kakamot-kamot na sabi ni Lucifier. Sinamaan lang siya ng tingin ni Nuroi habang ako ay pinag patuloy lang ang pag nguya ng pagkain.
"Kailan ka ba aalis Lucifier?" Tanong ni Nuroi sa pagalit na boses.
Tumawa lang si Lucifier saka niya itinaas ang dalawang kamay niya. "Chill naman pre! Init ulo eh. Actually, magpapaalam na ako." Saad ni Lucifier.
"Aalis ka na?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman ang dumuho.
"Bakit baby girl mamimiss mo ba- Ouch!" Naputol ang sasabihin niya ng sinuntok ni Nuroi ito sa mukha.
Tinignan ng masama ni Lucifier si Nuroi na wala namang pakialam kung magalit si Lucifier.
"Saan ka pupunta?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Russia," sagot niya saka 'to tumalikod samin at nag simulang maglakad palayo samin ni Nuroi. Kinaway lang niya ang kanan niyang kamay na para bang nag papaalam.
"Susundan ko lang si Lucifier," pag papaalam ni Nuroi sa 'kin.
Pumasok nalang ako sa loob ng kwarto at napabuga ng hangin. Ibig sabihin kami nalang dalawa ni Nuroi dito sa bahay.
Kumakabog ang puso ko ng maisip ko yun.
Iba talaga epekto ni Nuroi sa 'kin. Minsan ay hindi ako maka hinga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi naman ganito yung puso ko sa ex ko.
Inubos ko nalang ang dala ni Nuroi at pumunta ng banyo. Gusto kong maligo!
Mabilis lang akong naligo at agad lumabas ng banyo saka ako naghanap ng damit sa mga pinamili ni Nuroi
sa 'kin.
Nang matapos ako ay lumabas agad ako para magluto ng hapunan namin ni Nuroi. Ngunit, may narinig akong nag mumura sa kusina kaya mabilis akong pumunta do'n.
Nakita ko si Nuroi sa harap ng lababo na may hawak na rice cooker mag sa-saing yata siya at tina-try mag hugas ng bigas. Pero natatapon ang bigas pag binubuhos niya ang lamang tubig no'n.
Natawa nalang ako sa hitsura niya na naiinis dahil maraming natapon na bigas.
Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya. Nagulat pa yata siya dahil nabitawan niya ang hawak niyang rice cooker kaya natapon yun sa lababo.
Lumapit ako at kinuha ko yung lagayan "Itabi mo. Ako na!" Saad ko kaya nalukot ang mukha niya saka 'to gumilid.
"Putangina! Pati pag saing hindi ako marunong," bulong niya na parang pinapagalitan ang sarili nito.
Nag saing na ako habang mataman namang nakatingin sa 'kin si Nuroi sa gilid. Lumapit ako sa harap ng ref at tinignan kong anong pwdeng lutuin.
Sinusundan lang ako ng tingin ni Nuroi pero hindi na ako naiilang pag ganyan siya. Hindi tulad ng mga nakaraang araw na ilang na ilang ako sa mga titig niya. Nakaka ano kasi ang mga titig niya.
Natapos na ako magluto at naghain na ako sa mesa para maka kain na kami.
Tinitignan ko si Nuroi kung nasasarapan ba siya sa luto ko. Napansin ko naman na sunod-sunod ang subo n'ya. Nag angat siya ng tingin sa 'kin at biglang napa-ubo kaya dali-dali akong nag salin ng tubig sa baso at inabot ito sakanya.
Kinuha din naman niya sa 'kin ang isang basong tubig at ininom yun agad.
Gusto ko basagin ang katahimikan kaya nag salita ako. "Hindi ka marunong magluto?" Tanong ko.
Nakatitig siya sa 'kin at yumuko na parang nahihiya. "N-No. First time kong mag try mag saing," sagot niya kaya mahina akong natawa sa sinabi niya.
Natapos kami kumain at tinutulungan naman ako ni Nuroi maghugas ng plato, siya ang nag sasabon ng mga plato at kutsara. Natatawa nalang ako kapag naririnig ko siyang nag mumura kapag na bibitawan niya ang baso dahil nadudulas sa kamay niya na may sabon.
Ako naman ang taga punas ng plato para patuyin saka ko 'to inilagay sa lalagyan. Natapos si Nuroi maghugas ng plato at basang-basa ang suot niyang tshirt.
Natawa tuloy ako sa hitsura niya.
Sabay kami umakyat papunta sa mga kwarto namin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko ng tumikhim si Nuroi.
"Faith!" Lumingon ako sakanya dahilan para magkasalubong ang tingin naming dalawa.
"Ahm.. Good night," saad niya saka ngumiti sa 'kin.
Ngumiti naman ako sakanya bago ako nagsalita. "Good night din." Sabi ko saka ako pumasok sa loob ng kwarto. Napasandal ako sa likod ng pinto ng maka pasok ako sa loob ng kwarto ko.
Hinahaplos ko kung nasaan ang puso ko dahil sobrang bilis ng t***k nito. Ano ba nangyayari sa 'kin!