Chapter 3

2618 Words
IT'S BEEN TWO weeks since I've been here in Nuroi's rest house. I feel like I'm the only one here. Nuroi is always nowhere to be seen when I go down. Hindi ko alam kung trip niya lang bang mag kulong sa kwarto niya o iniiwasan niya ako. Ughh!! he's so annoying. Kainis talaga siya, dapat nga binabantayan niya ako. Hindi ko talaga alam ang trip ng lalaking 'yon. Minsan namamansin, minsan naman para kang hindi nakikita. May saltik yata. Bumangon nalang ako saka dumeritso ng banyo para maligo. Magluluto ako ng almusal KO.. oo akin lang, bahala si Nuroi sa buhay niya. Hindi ko din naman siya nakikita kaya bakit ko pa siya paglulutuan ng pagkain. Nang matapos akong maligo ay agad ako nag suot ng pambahay. Nag suklay narin ako ng buhok at pagkatapos ay lumabas agad ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong nakabukas ang kwarto ni Nuroi. Nagpatuloy ako sa paghakbang sa hagdan at tinungo ang kusina. Nang makalapit ako ay agad ko nakita si Nuroi na nakatalikod sa gawi ko, naka upo siya sa may island counter at parang may kausap yata sa laptop. Agad ako tumigil sa paghakbang at nag tago muna. Alam kung masama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ni Nuroi dahil ibang lenggwahe ang gamit niya. Unti-unti kong nakita ang mukha ng kausap ni Nuroi sa laptop niya. Isa itong babae. May kulay ang buhok niya na copper red at napakaganda ng babae kahit sa screen ko lang siya nakita. Talagang masasabi kong maganda siya. May pagka fierce tignan ang mukha ng babae na nakakadagdag sa kanyang kagandahan. Hindi ako makikita sa kinatatayuan ko kaya malaya kung nakikita ang kausap ni Nuroi. Sino kaya ang babaeng ito? Girlfriend ba 'to ni Nuroi? Nanlaki ang mata ko sa gulat ng lumingon sa gawi ko si Nuroi at dali-daling sinirado ang laptop niya. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko kung hahakbang ba ako pa abante o pa-atras. Nag mumukha tuloy akong nag cha-cha dito, dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Baka magalit sa 'kin si Nuroi dahil nakikinig ako sa usapan nila. Tumikhim ako para mawala ang kaba ko sa dibdib. "Ahm.. What do you want for breakfast?" Napipilitang tanong ko sakanya sabay naglakad papunta sa harap ng refrigerator saka ko 'to binuksan. "Ikaw na bahala," sagot naman niya sa 'kin. Hindi na lang ako umimik at baka hindi na naman niya ako sagotin. Kinuha ko nalang ang gusto kung lutuin para makapagluto na ako. I just cooked fried rice, egg, at bacon. Nakita ko siyang walang kape pero busy parin siya naka tingin sa laptop niya. Naisipan ko nalang na timplahan siya ng kape. Inilapag ko ang kape sa gilid ng laptop ni Nuroi. Nag-angat pa siya ng tingin sa 'kin at ngumiti bago yumuko ulit. Hindi ko alam kung gusto ba niya ng cream coffee o black, bahala siya kung ayaw niya ng black na tinimpla ko. Umupo ako sa katapat niyang upuan saka ko inayos ang baso. "Kain na tayo!" Sabi ko sakanya sabay iwas nang tingin ng magsalubong ang tingin namin dalawa. Tahimik kaming kumakain at agad kumunot ang nuo ko ng may mapansin ako sa mga braso niya. May mga hiwa kasi siya do'n na sobrang dami. Ang iba ay fresh pa, ang iba naman ay peklat na. Para din 'tong sinadyang sugatan. "Ahm pwde mag tanong?" Bigla kong sabi. s**t!malamang hindi 'to sasagot. Kainis ka Faith, hindi ka nalang manahimik sa tabi eh. "What is it?" Bored niyang tanong sa 'kin. Shit, should I continue the question or not? bahala na nga. I took a deep breath first. "Saan mo nakuha yang mga sugat na yan?" Tanong ko habang tinuro ang mga sugat niya. Yumuko lang siya at tumigil sa pagkain. Sabi ko na eh.. hindi siya sasagot sa 'kin, tatanong-tanong pa kasi ako, muntanga! I was about to stand up para sana ilagay ang ginamit kong pinggan ng magsalita ulit si Nuroi. "Training," maikli niyang sagot sa 'kin. Agad 'tong tumayo bitbit ang kanyang pinagkainan. "Ako na maghuhugas niyan," sabi ko sakanya ng makita ko papunta siya sa lababo. Gumilid naman siya para bigyan niya ako ng daan. Umalis siya sa tabi ko saka umupo ulit. Nakatingin ulit siya sa laptop niya. "f**k!" He cursed. "Bakit?" Tanong ko naman. Nakatitig parin siya sa laptop niya at may pinipindot siya do'n. Nag angat siya ng tingin sa 'kin at seryoso ang mukha niya. "I'm leaving now. May pupuntahan lang ako. Dito kalang sa bahay at wag na wang kang lalabas.'' Sabi niya at agad tumayo bitbit ang laptop niya. Nakatingin lang ako sakanya na nagmamadaling umalis sa harap ko. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik nalang sa paghuhugas ng plato. Natapos na ako maghugas saka ako naglakad papuntang sala ng makita ko si Nuroi. Naka suot 'to ng leather jacket na black. Ang cool tuloy niyang tignan. Isama mo pa ang seryoso niyang mukha. Hindi nalang ako umimik ng dumaan ito sa harap ko. Tumayo naman ako at lumapit sa main door para ilock yun. Naisipan ko nalang umakyat ng kwarto at mag basa ng romance novel. Sa sobrang busy ko sa pagbabasa ay hindi ko napansin na gabi na pala. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si Nuroi. Hindi narin ako kumain ng tanghalian dahil feeling ko hindi naman ako gutom pero ngayon ay nararamdaman ko na ang galit na mga alaga ko sa tyan. Tumayo ako at bumaba ng hagdan para magluto ng ulam. Baka kasi dumating si Nuroi at maghanap ng pagkain. Asawa yarn?? Nag 9:00PM na pero wala paring Nuroi na dumating. Hinintay ko pa naman siya, gusto ko kasi sabay kaming kumain. Nag simula na akong kumain nang may narinig ako na mga yapak sa labas. Agad ko ibinaba ang hawak kong kutsara saka lumingon kung saan nang gagaling yung mga yapak. Sino kaya yun? hindi yun si Nuroi dahil maririnig ko muna ang sasakyan niya pag dumating 'to. Tumayo ako at naglakad sa may bintana. Dumungaw ako sa gilid ng glass wall sa sala. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga armadong lalaki na nakapalibot sa bahay. Bigla akong pinagpawisan ng malapot saka napasabunot sa buhok ko. s**t, anong gagawin ko wala si Nuroi dito. Pilit ko pinapakalma ang sarili ko at dali-daling naghanap ng matataguan. Naririnig ko pang pilit binubuksan ang pinto sa sala kaya napasinghap ako. Natataranta na ako sa sobrang takot na nararamdaman ko. Gumapang ako sa sahig at tinignan kung may tao ba sa isang pinto na nasa kusina para sana do'n ako dumaan. Narinig ko ang pag sipa nila sa pinto sa sala kaya natataranta akong binuksan ang pintuan sa kusina at mabilis na tumakbo. Nang maka labas ako ay narinig ko ang putok ng baril na hinahabol ako. Patay. Nakita nila ako. Tumatakbo ako habang iniinda ang sakit ng paa ko dahil wala man lang ako suot na tsinelas. Napahinto ako sa pagtakbo at ang sunod kong narinig ay putok ng baril. "Ughh.." agad ko sinapo ang sugat ko sa braso. Nanlaki ang mata ko ng umagos ang dugo sa braso ko. Napaupo ako sa sobrang sakit habang sapo-sapo ko ang braso ko na tinamaan. Nakita ko na papalapit na sila sa 'kin kaya agad ako tumayo at naghanap ng matataguan. "Nasaan ka na!!! Mahahanap karin namin kaya wag mo na kami pahirapan." Sigaw ng lalaki at hinahanap ako sa mga halaman. Naiiyak na ako sa sobrang takot at sa sakit ng tama ko sa braso. Mamatay na yata ako dito. Hindi man lang ako nagka boyfriend ng maayos. Yung body guard ko iniwan ako. Akala ko pa naman pro-protektahan niya ako. Pag talaga namatay ako dito mumultuhin ko talaga siya. Nagtago ako ng mabuti at pinapakiramdaman ang paligid. May naramdaman akong tao sa likod ko na parang papalapit sa 'kin. Lumingon ako at sisigaw na sana ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Na amoy ko ang familiar na cologne niya kaya medyo kumalma ako. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko si Nuroi. Para tuloy akong maiiyak sa sobrang tuwa ko. Naiiyak ako sa takot, naiiyak ako sa galit dahil wala siya sa tabi ko kanina, at naiiyak ako dahil nandito na siya. Bigla ko nalang siya niyakap, pakiramdam ko kasi safe ako pag nandyan siya. Naramdaman ko naman na hinaplos niya ang likod ko. "Stop crying. Nandito na ako." Pag-aalo niya sa 'kin. Mas lalo lang tuloy akong naiyak. May dinukot siya mula sa likod niya at agad ikinasa ang baril. Hinila niya ako sa likod niya at naglakad kami ng dahan-dahan habang pinayuko ako. Tanging narinig ko nalang ay ang putukan ng baril. Nakikita ko nakikipag palitan ng putok si Nuroi ng baril sa mga kalaban at ang sexy niya humawak ng baril. Talaga lang Faith ha..naisip mo pa yan sa lagay niyo ngayon. Buhay pa kaya kami nito? Aabutan pa kaya kami ng umaga na humihinga? Wala na akong marinig kundi putukan ng baril, hila-hila lang ako ni Nuroi at pinapayuko kapag nakikipag palitan siya ng putukan ng baril. Biglang may sumulpot sa likod ko. Hindi ko man lang napansin ang kilos ni Nuroi na bigla niyang sinipa sa mukha at binaril ang kalaban. Napaka bilis niyang kumilos. Pinatayo niya ako at lakad takbo ang ginagawa namin. Nang makalabas kami sa gate ay agad kami tumakbo. Magkahawak kamay ni Nuroi na tumatakas sa mga kalaban. Napahinto kaming dalawa ng may humarang sa dinadaanan namin na kotse. Bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko ang lalaki na naka smirk habang naka tingin kay Nuroi. "Hello, fucker!" Agad naman lumapit si Nuroi sa kotse at binuksan agad ang backseat at pinapasok ako sa loob. Pumasok din siya sa loob ng sasakyan saka niya isinara ang pinto ng kotse. Nagtataka ako kung bakit hindi pa umaandar ang sasakyan kaya tumingin kami ni Nuroi do'n sa driver. Masama naman itong nakatingin samin ni Nuroi. "What? Gusto niyo ako gawing driver ninyo?" Inis niyang sabi. "Pwde bang mag maneho ka ng animal ka!" Inis na sabi ni Nuroi sa lalaki. "Ayaw ko!" Matigas na sabi ng lalaki. "Hi, miss. Lipat ka dito sa tabi ko." Sabi niya sa 'kin habang naka ngisi. Biglang lumabas si Nuroi sa back seat at pumasok do'n sa shotgun seat at masamang tinignan ang lalaki. "Ito naman hindi na mabiro," tatawa-tawang saad ng lalaki at agad pina-usad ang sasakyan. NALATE AKO NG dating kay Faith. Kinailangan kong puntahan si Mr. De Guzman ng makatanggap ako ng email galing kay Atticus na sinusugod ang ama ni Faith. Kaya mabilis ako pumunta do'n. Mabuti nalang ay nandoon si Lucifier at tinulongan ako kaya mabilis ko napatay lahat ng mga humarang sa sasakyan ni Mr. De Guzman. Nag usap pa kami ni Mr. De Guzman at may binibigay siyang instruction sa 'kin. Nag paalam na ako sakanya at sumakay sa sasakyan ni Lucifier. Tinignan ako ni Lucifier na para bang may problema. "Hindi mo ba na realize na wala kang suot na mask. You're not wearing a mask while talking to Mr. De Guzman?" Seryoso niyang sabi. Fucking s**t! Bakit ko nga ba nakalimutan yun. Damn it! "s**t Nuroi, pinapahamak mo lang ang babaeng yun sa ginagawa mo. You will be punished for what you did." Saad ni Lucifier na napabuga pa ng hangin. Bakit nga ba nawala sa isip ko 'yon. s**t! "Ihatid mo ko sa Baguio. Kailangan kung makabalik kay Faith." Utos ko kay Lucifier kaya agad niyang pina-usad ang sasakyan. "What are you doing here, anyway?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Dapat kasi nasa Russia siya. "Vacation." Tipid niyang sagot. I rolled my eyes on him. "Vacation, my ass. Ang sabihin mo tumakas ka na naman," saad ko kaya tumawa siya. "Hindi ko alam kung bakit naisipan mong magpakita kay Faith. Hindi ba ang utos lang sa'yo ni Ruwi ay bantayan siya sa malayo? Idagdag mo pa na hindi ka nag suot ng maskara," paninermon niya sa 'kin. "I don't know. Nawala sa isip ko." Sagot ko nalamang saka ako huminga ng malalim. Handa kong tanggapin ang parusa ko pag balik ko sa Russia. 9PM nakarating ako sa Baguio. Nagulat ako ng makita ko sa di kalayuan ang dalawang itim na van. Sinabihan ko si Lucifier na huminto sa may highway saka ako bumaba ng kotse niya. Tumakbo agad ako sa likod at do'n dumaan. Dahan-dahan ang mga galaw ko habang palinga-linga sa paligid at nakita ko ang mga lalaki na nag si akyatan sa 2nd floor. f**k! Asan kaya si Faith! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sakanya. Naglalakad parin ako ng may nakita akong lalaki na naka talikod. Nilapitan ko ito ng walang ingay at nilagay ang isa kong kamay sa bibig niya at mabilis na binali ang leeg nito saka ko binitiwan ang katawan niya. Umikot ako ulit ng may nakita akong nag tatago sa gilid ng halaman. Nababalot pa ng dugo ang kanang braso ng dalaga. Mabilis akong lumapit sakanya saka hinawakan ang balikat niya. Naramdaman ko na nagulat siya kaya mabilis ko tinakpan ang bibig niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin at parang nakahinga ito ng maluwag ng makita ako. Umiyak ito at mabilis akong niyakap. Natigilan ako sa yakap niya pero dahan-dahan ko paring inangat ang mga kamay ko saka hinagod ang likod niya. Alam kung natatakot siya. "Stop crying, nandito na ako." Saad ko ngunit mas lalo 'tong naiyak kaya tinulongan ko siyang makatayo. Hinugot ko ang baril na nasa likod ko at agad kinasa. Nakatitig lang sa 'kin si Faith kaya sinenyasan ko siya yumuko lang ito kapag nakikipag barilan ako sa mga kalaban. Nakikipag palitan ako ng putok ng baril at sinisigurado na lahat ng bala na lumalabas sa baril ko ay may natatamaan. Hila-hila ko lang si Faith na nasa likod ko, lakad takbo ang ginagawa namin hanggang sa makalabas kami ng gate. Tumatakbo kami sa kalsada ng biglang sumulpot ang sasakyan ni Lucifier. Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng backseat at pinapasok sa loob ng sasakyan. Pumasok narin ako sa loob ng kotse para talian sana ang sugat niya sa balikat. Pero ang putangina na si Lucifier ay ayaw mag maneho. Nag iinarte pa ang hayop at niyaya pa si Faith na tumabi sakanya. Kaya nagmamadali akong lumabas sa backseat at lumipat sa passenger seat saka sinamaan ng tingin si Lucifier na tumatawa. Tahimik lang kami sa byahe ng tignan ko si Faith na sapo-sapo parin ang braso niya at parang nakatulog. "Can you drive faster. Para kang may hinahatid na patay sa bagal mo mag maneho." Sigaw ko kay Lucifier. Pero ang kumag tumawa lang at biglang pinaharurot ang sasakyan. "Relax, daplis lang naman ang tama ni Faith eh. Natutulog lang yan," sagot niya sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin. Oo daplis lang pero 'to ang unang beses na nabaril si Faith. Kasalan ko talaga 'to. Dapat bumalik agad ako sakanya. Huminto sa maliit na bahay ang sasakyan namin. Hindi ko alam kung kanino 'to, hindi ko rin alam kung nasaan na kami. Bukas ko nalang tatanongin si Lucifier. Lumabas agad ako at binuksan ang backseat. Nasalo ko ang dalaga ng matumba ito dahil naka hilig ito sa pintuan ng kotse. Dahan-dahan ko siyang binuhat at sumunod kay Lucifier na binuksan ang pintuan ng bahay. Pumunta agad ako sa isang kwarto at idiniposito ko ang dalaga saka lumabas para maghanap ng first aid kit. Tinignan ko muna ang sugat niya kung may bala ba sa loob, laking pasasalamat ko ng daplis lang 'to. Agad kong nilinisan ang sugat niya at ginamot. Kinumutan ko lang ang dalaga at hinaplos ang mukha niya. Mahimbing ang tulog niya kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD