GUMISING AKO ng may ngiti sa labi, maaga akong nagising ngayon kaya bumungad sa 'kin ang sikat ng araw. I live in a condo unit by myself, ginusto ni daddy na mag isa ako dahil maraming nagtatangkang patayin ang pamilya namin.
My dad is a well-known businessman and at the same time he is also a lawyer.
Marami na itong nahawakang mga iba't-ibang kaso na lagi niyang naipapanalo. Kaya laging pinag-iinitan si daddy at laging pinapa-ulanan ng bala ang sasakyan niya sa t'wing nasa public place kami.
Natakot si daddy na baka mapahamak ako kaya mas pinili niya na hindi ako makilala ng publiko. They don't know that I am the only child of Rafael De Guzman. Good thing hindi ako mahilig sumama kay daddy at mommy kapag may gathering sa business world. I'm a shy type person kaya hindi ako mahilig makipag halubilo.
I got out of bed and went to the bathroom to take a bath. I was planning to go to the nearest grocery store because my stocks are running out.
Lagi naman nag papadala ang secretary ni daddy sa atm ko kaya hindi ako nauubusan ng pang gastos sa pang araw-araw.
I went to the kitchen to make a coffee.
Habang nag ka-kape ako ay panay ang scroll ko sa f*******:, pampalipas lang ng oras. I finished my coffee and got ready to go to the grocery store. Agad akong lumabas ng unit ko.
I was about to close the door when suddenly the opposite door to my unit opened. I stared at him, this is the man who was in the elevator with me yesterday. Hindi ko alam na dito din pala siya nakatira.
I stared at his faced and realize that this man is a very handsome.
Matangkad ito siguro hanggang leeg lang niya ako. Maputi siya na parang hindi nasisikatan ng araw.
It has a pointed nose, red lips and thick eyebrows. May isang hikaw ito sa left ear niya na mas nakakadagdag gwapo sa lalaki.
Natigil ako sa pagtitig sa lalaking nasa harap ko dahil bigla siyang tumingin sa 'kin. Bigla tuloy bumilis ang t***k ng puso ko na parang kinakabahan. s**t, bakit ba ako kinakabahan.
Nag angat ako ng tingin and suddenly he smiled at me making me even more nervous.
"Morning," bati niya sa 'kin. Kainis pati boses niya ang sarap pakinggan. Ang lalim.
Nag bow lang ako saka ngumiti sakanya. Nauna siyang naglakad
sa 'kin kaya naglakad na din ako kaso binagalan ko ang paghakbang dahil ayaw ko siyang maka sabay sa elevator.
Lumingon sa 'kin ang lalaki saglit bago 'to nag patuloy pumasok sa naka bukas na elevator.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng pumasok na ang lalaki, ngunit hindi parin sumasara ang pintuan kaya naisip ko baka hinihintay niya ko.
Nag lakas loob akong sumilip at saktong nagkasalubong ang aming mga tingin.
"Sasakay kaba?" Tanong niya sa 'kin.
"Huh? Ayy oo nga pala." Sabi ko at dali-daling pumasok saka ko pinindot ang button para sa ground floor.
Ang tahimik sa loob, kami lang dalawa ang naka sakay. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Kaya mas mabuti pa manahimik nalang ako.
"Do you know a grocery store near here?" Biglang tanong ng lalaki
sa 'kin.
Lumingon ako sakanya bago ako sumagot. "Hmm..oo meron. Doon din kasi ang punta ko," sagot ko.
"Great. Sabay na tayo," he said and smiled at me.
Shemss.. bakit ganun siya ngumiti feeling ko nakakalaglag ng ano..
I just smile and waited for the elevator to open. Sabay kami lumabas at naglakad palabas.
I was looking for a taxi while walking ng pumasok sa isip ko na hindi ko nga pala alam ang pangalan niya. Dapat maging alerto ako lalo na ang daming kalaban ng daddy ko. Baka nag papanggap lang pala ito at minaman-manan lang pala ako.
The man was just looking at me and suddenly extended his hand. "I'm Nuroi Fowler, by the way." Pagpapakilala niya sa 'kin.
Luhhh.. nababasa ba niya isip ko? Ang galing naman.
Tinanggap ko ang kamay niya saka nagpakilala. "Faith Angelica De Guzman." Saad ko. Naiilang ako kaya binawi ko agad ang kamay ko dahil naka titig lang talaga siya sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung may muta ba ako sa mata, mamaya pala meron. Nakakahiya!
Suddenly a taxi stopped in front of us and we got in. Sumakay din si Nuroi sa taxi at tumabi sa 'kin. Agad ko sinabi kay manong driver kung saan kami pupunta.
Habang nasa taxi kami ay binuksan ko ang wallet ko. Napatampal naman ako sa nuo ko ng mapagtanto ko na wala pala akong dalang cash. Mabuti nalang nandito ang atm card ko, mag wiwithdraw na lang muna ako.
Nakarating kami sa harap ng grocery store kaya inabot ni Nuroi ang pamasahe, nahihiya tuloy ako dahil siya din ang nag bayad ng pamasahe ko.
Bumaba kami ng taxi at palinga-linga ako sa paligid para maghanap ng atm machine.
Luckily there was an atm machine next door so I was able to withdraw. Nang matapos ako ay agad ako naglakad sa entrance ng store para sana pumasok. Napasinghap ako ng may humawak sa balikat ko. Agad ako lumingon at nakita si Nuroi.
Hindi pa pala siya pumasok. Hinihintay ba niya ako? I asked myself.
Binitiwan ni Nuroi ang pagkakahawak niya sa balikat ko saka sumeryoso ang mukha niya.
"Let's go." Sabi niya saka naunang naglakad papasok sa store.
Kumuha ako ng push cart at itinulak 'yon papuntang meat section. Bigla namang sumulpot si Nuroi sa likod ko.
Tumikhim siya kaya agad akong lumingon. Nakikita ko sa mukha niya na parang nahihiya ito.
"Ahm.. Pwde mo ba akong pilian ng meat," sabi niya habang nagkakamot ng ulo.
"Sige." Naka ngiti kong sagot sakanya.
Agad ako pumili ng karne na para kay Nuroi at inilagay 'yon sa push cart niya. Habang si Nuroi naman ay panay ang titig sa 'kin kaya naiilang tuloy ako.
Kompleto na lahat ng bibilhin ko at itong lalaki na nasa likod ko ay walang ginawa kundi sumunod
sa 'kin. Kung nasaan ako namimili ay nandoon din siya.
Naglakad ako papuntang counter para bayaran ang mga pinamili ko. Naka sunod parin si Nuroi sa likod ko.
"Do you live alone in your condo unit?" He asked.
"Ahh.. oo, wala na kasi akong mga magulang." Pag sisinungaling ko.
Mahina siyang tumawa kaya hindi ko tuloy maialis ang tingin ko sakanya. Ang sexy kasi pakinggan. "Bakit ka tumatawa?" I asked him.
"Nothing," nakangiti niyang sagot
sa 'kin sabay kagat sa ibabang labi niya na para bang pinipigilan ang ngiti niya.
Palabas na kami ng grocery store ni Nuroi at nag pumilit siya na siya na daw ang magdadala ng mga pinamili ko. Wala na akong nagawa dahil inagaw niya sa 'kin ang mga dala ko. Ang kulit naman kasi sabi ng kaya ko, pero nag pumilit siya na siya na daw magbubuhat dahil magkapitbahay lang naman daw kami.
Nang nasa tapat na kami ni Nuroi sa kanya-kanya naming unit ay agad ako nag paalam sakanya. Ngumiti naman siya kaya tumalikod ako para buksan ang pinto ng unit ko.
Napa-igtad ako ng biglang pinigilan ni Nuroi ang kamay ko. Agad naman akong nakaramdam ng kakaiba ng mag dikit ang balat namin ni Nuroi. "Wait. Don't go in." Pigil niya sa 'kin.
Tumingin ako sakanya na may pagtataka. Ngunit mas lalo akong nagulat ng hindi naka lock ang pinto ng unit ko, pero ang alam ko ay na ilock ko yun bago ako umalis kanina.
Agad ako hinila ni Nuroi papunta sakanyang unit at pinapasok sa loob. Sumunod din siya sa 'kin at isinara ang pinto.
Naguguluhan naman akong tumingin kay Nuroi.
"M-May problema ba?" Nauutal kong tanong.
Lumingon naman siya sa 'kin. "I think may naka pasok sa unit mo." He answered.
Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Nuroi. s**t, may nakapasok sa unit ko? pero sino kaya ang mga 'to.
I looked at Nuroi with a serious face. Naka sunod ang paningin ko sa ginagawa ng lalaki na itinapat ang isang teynga sa pinto na parang pinapakinggan ang kabilang unit.
Ginawa ko din ang ginagawa ni Nuroi at pinapakinggan kung may mga kalos-kos ba akong maririnig. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng unit ko at ang sumunod n'on ay ang pag sara.
Nagkatinginan kami ni Nuroi. "Wag ka munang umuwi sa unit mo." Sabi ni Nuroi sa 'kin.
"Bakit?" Tanong ko.
Hindi siya umimik at naglakad sa kusina ng unit niya dala ang mga pinag grocery namin saka inilapag do'n.
"You stay here. Don't come out until I get back." He said and went out immediately.
Nakatayo lang ako sa gilid habang nag iisip kung sino kaya ang naka pasok sa unit ko. Hindi kaya mga kalaban ni daddy? pero hindi naman ako kilala ng mga kalaban ni dad.
Palakad lakad ako habang kinakabahan parin. Paano pala kung hindi ako pumunta ng grocery store eh, 'di napahamak na ako, baka dead meat pa aabutin ko pagnagkataon.
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Nuroi.
"Okay na. Pwede ka ng bumalik sa unit mo," saad niya.
I sighed. "Hindi ba mga masamang tao ang pumasok sa unit ko?" Tanong ko kay Nuroi. Mahirap na baka balikan nila ako.
"Trust me. Ligtas na yung unit mo." Saad niya saka ngumiti sa 'kin.
Napabuga ako ng hangin saka tumango kay Nuroi. Hinatid niya ako sa unit ko. Nagpaalam lang ako at nag thank you saka pumasok sa unit ko at ini-lock yun. Tinignan ko pang mabuti ang loob ng unit ko at baka may biglang sumulpot.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang kakaiba. "Irereklamo ko talaga sa may ari ng condo building na ito ang mga pabayang staff niya." Bulong ko.
Mabilis kong inayos ang mga pinag grocery ko at naisipang magluto ng adobong baboy kaya hinanda ko na ang mga ingredients na gagawin ko.
Pumasok sa isipan ko si Nuroi kaya napagdesisyonan ko na bigyan na din ito. Sana magustuhan niya, hindi naman ako masarap magluto, marunong lang.
Natapos ako magluto at agad nag sandok para mabigyan ko si Nuroi ng niluto ko. Nasa tapat na ako ng pinto niya kaya kumatok ako ng ilang beses ngunit walang Nuroi na nag bukas
sa 'kin. "Umalis kaya siya?" Tanong ko pa sa sarili ko.
Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Nuroi na katatapos lang yata maligo. Naka jogger pants lang ito at s**t walang damit pang itaas kaya kitang-kita ko tuloy ang perpektong-perpektong abs niya na parang ang sarap hawakan.
First time ko maka kita ng abs kaya napalunok ako ng wala sa oras. Nag pupunas naman ng buhok si Nuroi gamit ang maliit na towel.
Nag angat siya ng tingin sa 'kin saka ibinaba ang hawak niyang maliit na towel. "Do you need anything?" Tanong niya sa 'kin.
Nakalimutan ko yata na may ibibigay akong ulam. Kasalanan ng abs niya 'to eh.
"A-ahh may ib-bibigay lang akong u-ulam sa'yo," nautal pa talaga ako.
Tinignan niya muna ito bago niya tinanggap.
"Ang tagal ko ng hindi nakaka kain nito." Sabi niya sa 'kin sabay ngiti kaya ngumiti narin ako. Nagpaalam ako sakanya at dali-daling naglakad.
I went back at my unit and quickly got some water. I was suddenly thristy from what I saw.
Akala ko talaga sa mga model ko lang makikita ang abs na yan or sa mga tv. Sa kapitbahay ko lang pala makikita.
Wala akong magawa buong araw kaya nandito lang ako sa sala naka upo, nanunood ng tv habang kumakain ng chips.
Gusto ko sana magtrabaho pero naisip ko baka malaman nila kung sino ako at matunugan pa ako.
Ayaw ko ng magulong buhay, gusto ko tahimik lang kaya nag titiis ang pamilya ko namalayo ako sakanila. Ayaw nila akong mapahamak.
"I miss my family." Bulong ko saka bumuntong hininga.
Natigilan ako bigla ng may kumatok sa pinto ko.
"Sino yan?" Tanong ko sabay tayo sa couch. Ngunit wala akong nakuhang sagot sa taong kumakatok sa labas.
Kumatok ulit ito kaya bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang nag ring yung cellphone ko sa couch.
Naglakad ako papunta sa couch at agad kong dinampot ang phone ko. Unregistered ang number ng tumatawag pero sinagot ko parin ito.
Bigla akong kinabahan dahil panay katok parin kung sino man ang nasa labas ng unit ko. "H-Hello S-sino to?" Nauutal kong tanong sa kabilang linya.
"Wag mong bubuksan pinto mo. Si Nuroi 'to," sabi niya sa kabilang linya.
"Idouble lock mo yung pinto mo." Narinig ko pang pahabol na sabi niya. Dali-dali akong lumapit sa pinto at nilock ko yung nasa taas.
Pero si Nuroi yung tumawag sa 'kin. Pano niya nakuha ang number ko? Tanong ko sa isipan ko.
Hindi parin tumitigil sa pagkatok ang sino man ang nasa labas ng unit ko. Maiiyak na yata ako nito sa sobrang takot.
Biglang nagsalita si Nuroi sa kabilang linya. "Pumunta ka sa kwarto mo at mag lock ka do'n. Ako ng bahala dito." Sabi niya sa 'kin.
"Okay. Salamat Nuroi." Sabi ko sakanya at dali- daling pumasok sa kwarto saka inilock yun.
Nagmamadali akong tumakbo sa kamat at nag talukbong ng kumot.
Natatakot ako. Paaano kung maka pasok sa kwarto ko ang lalaking kumakatok sa pinto ko at worst ay patayin ako.
Nawala na yata ang kumakatok dahil natahimik na sa labas ng pinto ko. Nag ring ulit ang cellphone ko at nakitang pareho ulit ng number ang tumawag sa 'kin.
"Hello!" Bungad ko.
"Safe na ba akong lumabas?" Tanong ko dahil hindi naman sumagot si Nuroi sa 'kin. Napa-igtad ako ng may kumatok ulit sa pinto ko.
Tumawa naman si Nuroi sa kabilang linya. "It's me. Nandito ako sa labas ng unit mo." Sabi niya.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at agad tinungo ang pinto para pagbuksan si Nuroi. Bumungad sa 'kin ang gwapong mukha niya.
"May iba ka pa bang lugar na pwede mong lipatan?" Bungad niya sa 'kin.
"Huh? Bakit?" Takang tanong ko.
"Hindi ka safe dito, baka biglang may bumalik dito ulit sa'yo," seryoso niyang sabi.
Bigla tuloy akong kinabahan, wala na akong ibang malilipatan. Hindi naman ako pwdeng humingi ng tulong kay dad at baka mag alala pa yun sa 'kin lalo. Pero saan ako pupunta??
Nakita ko si Nuroi na parang may dinadial sa cellphone niya na parang may tinatawagan.
"Hey, bud!" Sabi niya ng sumagot ang sa kabilang linya.
"Baka may maibigay kang safe house na pwede pag lipatan ni Faith." Sabi niya sa kausap niya.
"Faith, ready mo mga gamit mo. Sasama ka sa 'kin," sabi ni Nuroi na nakatitig sa 'kin.
Tapos na pala sila mag usap ng katawagan niya, hindi ko man lang napansin. Pero ano daw ready ko daw gamit ko? teka san ba kami pupunta.
"At bakit naman ako sasama sa'yo? Ka kikilala lang natin. At hindi naman kita masyadong kilala pa." Saad ko sakanya.
"Wala na akong panahon mag explain Faith basta magtiwala ka lang sa 'kin." Naiirita niyang sagot.
"Hindi ako masamang tao, kaya mag tiwala ka sa 'kin." Dugtong pa niya.
Pumasok ako sa loob ng unit ko at mabilis na kumilos. Nilagay ko ang mga importanteng gamit ko sa maleta.
Mamimiss ko ang unit ko.
Paglabas ko sa kwarto ay naghihintay na si Nuroi sa 'kin. Kinuha niya ang mga gamit ko saka 'to lumabas ng unit.
Sumusunod nalang ako sakanya at agad kaming sumakay sa elevator .
Tinungo namin ang parking lot ng condo building. Huminto si Nuroi sa naka paradang sasakyan na BMW X3 saka niya nilagay lahat ng gamit ko sa likod ng sasakyan at pinapasok ako sa shotgun seat. Pumasok siya sa driver seat at agad binuhay ang makina ng sasakyan. Biglang lumingon si Nuroi sa likod ng kotse kaya lumingon din ako at nakita ang mga armadong lalaki na pumasok sa condo building.
Shit na malagkit, ako ba habol nila?
Mabilis na pina-usad si Nuroi ang sasakyan. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi matakot. Alam na ba ng mga kalaban ni daddy kung nasaan ako?
Isa pa ito si Nuroi. Bakit niya ako tinutulongan. Sino ba talaga siya. Alam ba niyang manganganib lang ang buhay niya sa pagtulong niya
sa 'kin.
"Wag kang mag alala, hindi kita pababayaan," saad niya na parang nababasa ang isip ko.
"Sino ka ba talaga? At paano mo nalamang may pupunta do'n sa unit ko ulit?" Tanong ko sakanya na para bang maiiyak na ako sa takot.
Natatakot ako dahil baka masamang tao pala to si Nuroi at nag nagpapanggap lang.
Tahimik lang kami sa byahe, hindi ko na alam kung nasaan kami at feeling ko inaantok ako dahil sa sobrang tahimik ng sasakyan. Ang kasama ko dito ay hindi nagsasalita. Ugghhh nakakainis matutulog nalang ako.
Naalimpungatan ako na may tumatapik sa pisngi ko kaya minulat ko ang mga mata ko.
"Nandito na tayo. Gumising ka na!" Masuyo niyang sabi sa 'kin.
Umayos ako ng upo saka pinalibot ang mga mata ko. Napansin ko na parang rest house ang bahay at tahimik din ang paligid. Puro puno din ang nakikita ko sa paligid, walang bahay na malapit.
"Nasan tayo?" Tanong ko kay Nuroi na nilalabas ang gamit namin sa likod ng sasakyan.
"Baguio," tipid niyang sagot.
Naglakad na ito papasok kaya sumunod ako sakanya.
Pag pasok ko sa bahay ay bumungad sa 'kin ang maaliwalas na loob. Ang ganda ng bahay at napaka simple ng design.

"Bahay mo ba 'to?" Tanong ko sakanya.
"Nope." Sagot naman niya.
Ibig sabihin hindi pala sakanya 'to? Bakit kami nandito. Letcheng lalaking 'to treaspassing pa yata kami.
Tumawa naman siya kaya masama ko siyang tinignan. "Don't worry, sa kaibigan ko ang bahay na 'to," sagot niya na para bang nababasa ang isipan ko.
Hindi ko nalang siya pinansin at agad akong umakyat sa second floor. Grabe ang ganda ng view. Kitang-kita kasi ang mga puno dahil glass wall 'to.
Ang sarap matulog kapag ganito ang view sa gabi.
Agad ako pumasok sa kwarto ko, bahala na kung saang kwarto ako.
Inayos ko ang mga gamit ko para makababa ako dahil kailangan kong maka usap si Nuroi.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba agad ako. Naabutan ko si Nuroi sa salas na may kausap sa cellphone niya. Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya tumingin siya sa gawi ko saka pinatay ang tawag.
Pumemaywang ako sa harap niya sabay taas ng isa kong kilay. "Sino ka ba talaga?" Tanong ko sakanya.
"I already introduce myself, right?" Sagot niya sa 'kin.
Napa irap ako ng wala sa oras. "Alam mo bang mapapahamak ka sa pag tulong sa 'kin. Paano nalang pag nakita ng mga lalaking 'yon ang cctv na magkasama tayo." Saad ko sakanya.
Kung ako talaga ang habol ng mga lalaking 'yon ay malamang mapapahamak din si Nuroi.
Biglang nag ring ang cellphone na hawak ko at nakita ko sa screen ng phone ang pangalan ng secretary ni daddy. Kaya agad ko 'tong sinagot. "Hello Miss-"
"Faith.." Naputol agad ang sasabihin ko ng narinig ko ang boses ni daddy.
"Dad!!" Pabulong kong sabi dahil naiiyak ako. Namimiss ko na sila ni mommy.
"Anak. Kamusta ka na?" Hindi ko napigilang mapaiyak ng marinig ko ang boses ni daddy.
"I'm okay, dad. Umalis ako sa condo ko. May pumunta do'n at feeling ko mga kalaban mo sila daddy." Sabi ko habang umiiyak.
Narinig ko bumuntong hininga si daddy. "It's okay, anak. Alam kong magiging safe ka kung nasaan kaman ngayon. Wag ka sana mag pasaway kay Mr. Fowler." Saad ni daddy.
Agad akong lumingon kay Nuroi na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. Ibig sabihin ay kilala siya ni daddy.
"Dad, kilala mo siya?" Tanong ko.
"Yes anak. Siya ang kinuha kong body guard mo. Dapat sana ay babantayan ka lang niya sa malayo pero nalaman ng mga kalaban ko kung saan ka nagtatago kaya agad kang itinakas ni Mr. Fowler." Sagot ni daddy.
Bodyguard ko si Nuroi? Hindi ako makapaniwalang nakatitig sa lalaki.
"Please anak..wag na wag kang lalabas na wala si Mr. Fowler, kampanti ako na siya ang magbabantay sa'yo dahil alam kung magaling siya." Saad ulit ni daddy.
"Okay po dad." sagot ko.
"Mag-iingat ka daddy please pati narin po si mommy," saad ko.
"Yes anak, wag kang mag alala sa 'kin madaming naka bantay sa 'kin dito. Ikaw ang inaalala ko." Sagot naman ni daddy.
"Sige na anak kailangan ko ng patayin ang tawag natin baka may makarinig sakin dito." Pagkasabi ni dad no'n ay biglang namatay ang tawag. Napatingin ako sa screen saka bumuntong hininga. Hindi man lang ako nakapag paalam.
Hindi parin ako makapaniwala na bodyguard ko pala si Nuroi. Kaya pala nasunod sa 'kin 'tong taong 'to.
Pumunta nalang ako sa kusina para magluto. Napakamot ako sa ulo ng maalala ko kung may pagkain ba dito.
Hindi naman ako nabigo dahil may laman naman pala ang refrigerator dito.
Nagluto ako ng sinigang na baboy ng biglang may tumikhim sa likuran ko. Sa gulat ko ay nabitawan ko pa ang sandok na hawak ko.
Shit..hindi ko man lang narinig ang yapak ng lalaki kaya hindi ko alam na nasa likod ko na pala siya.
"Magaling ka pala magluto." Saad niya.
"Ahm.. marunong lang pero hindi magaling magluto magkaiba yun." Sagot ko.
Tinikman ko ulit ang niluluto ko at tinignan kung malambot na ba ang karne. Nang makita kong luto na ay agad kong pinatay ang kalan saka humarap kay Nuroi. "Kakain na tayo!"
Tumango naman siya saka naglakad papunta sa lagayan ng mga plato at kutsara at inilagay 'yon sa lamesa. Nag sandok narin ako ng ulam sa mangkok at inilapag yun sa lamesa. Kumuha na din ako ng kanin.
"Kain na tayo!" Aya ko ulit sakanya ng makaupo ako.
Kumain naman ito at tahimik lang kaming dalawa.
"Saan ka nga pala nakilala ni daddy?" Tanong ko sakanya.
"Sa tabi-tabi lang." Sagot naman niya agad.
Ang kumag na 'to, mabilaukan sana.
Hindi na ako nag tanong ulit dahil baka walang kwenta na naman ang sagot niya. Nakaka inis pa naman pag ganun. Yung seryoso kang nag tatanong tapos pabalagbag ang sagot.