Chapter 1

3877 Words
BIGLANG bumukas ang pintuan ng kwarto namin at pumasok ang isang tauhan ni Rodjan. Tumayo siya at ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto hanggang sa dumako ang tingin niya kay Ruwi. Naalarma ako, kaya agad akong tumayo, pati narin ang iba ko pang mga kasama. "Sumama ka sa 'kin, Ruwi. Pinapatawag ka ni boss," sabi ng lalaking ma-angas. Tumayo si Andrei at agad lumapit kay Ruwi. "Bakit saan niyo siya dadalhin?" Tanong ni Andrei. Masamang tinignan ng lalaki si Andrei saka siya nagsalita. "Wala ka na do'n," sagot ng nakakairitang nilalang. Tumayo si Ruwi mula sa pagkakaupo sa kama saka siya humarap samin. "Relax, malay niyo may itatanong lang," nakangiti niyang sabi sabay kindat pa talaga samin. Sumunod siya sa lalaki hanggang sa nakalabas ito. Isinara ng lalaki ang pinto ng makalabas si Ruwi kaya naiwan kaming nakatitig sa nakasarang pinto. Lumipas ang apat na oras, ngunit hindi parin nakakabalik si Ruwi. "May bantay kaya sa labas?" Tanong ko sa mga kasamahan ko. Bored akong tinignan ni Lucifier. "Try mong sumilip sa labas. Pag bumulagta ka malamang may bantay," sarkastimong sagot niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko. Wala talaga siyang kwentang kausap. Simula nakasama ko itong nag ngangalang Lucifier, ay puro kadiliman nalang ang nakikita ko. Tsk! "Wag mo ng tangkain at baka kumalat pa ang utak mo sa labas." Sabat naman ni Eros. "Bakit kaya wala pa si ate Ruwi?" Tanong naman ni Kier. Si Kier ang pinaka bata samin nang madukot kasi ito ay nasa 13 years old pa lang siya. Hindi kami makatulog lahat, hinihintay namin na bumalik si Ruwi. Alam kong nag aalala ang mga kasama ko pero dinadaan na lang nila sa biro. Tumikhim si Theo saka 'to nagsalita. "Nag aalala na ako kay Ruwi." Saad niya. "Baka mamaya pinapatay na siya." Dugtong pa niyang sabi. Kahit ako ay natatakot narin at kinakabahan. Akmang tatayo si Salem para siguro pumunta sa pinto ng biglang nagsalita si Lucifier. "Ano ba kayo!! wala ba kayong tiwala kay Ruwi? At isa pa hindi siya papatayin no! Kita niyo naman na tuwang-tuwa si boss sakanya. Alam naman nating lahat na si Ruwi ang pinaka mahusay sating lahat," mahabang sabi ni Lucifier. Napatango ako sa sinabi ni Lucifier dahil totoo naman talaga ang sinasabi niya. Sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na si Ruwi na gumagawa ng paraan araw-araw para tumakas na lagi namang nahuhuli. Kaya lagi din 'tong napaparusahan o di kaya sinusugatan ng kutsilyo ang katawan para magtanda. Sa sobrang sanay na niyang masugatan ay hindi na niya iniinda ang sakit ng mga sugat na natatamo niya. Napatigil kami sa pag-uusap ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin. Pumasok si Ruwi na puro mantsya ng dugo ang damit pati narin ang kanyang mukha na halos hindi na makilala. "Anong nangyari? May sugat ka ba?" Natatarantang tanong ni Salem sabay lapit kay Ruwi at agad sinuri kong may sugat ba 'to sa katawan. Nakahinga ng maluwag si Salem ng makita niya na hindi yun kay Ruwi ang mga dugo. Kumuha lang ng towel si Ruwi saka pinunasan ang mukha niya na puro dugo. "Sinaktan ka ba nila?" Tanong ko habang naka kuyom ang kamao ko habang hinihintay ang sagot ni Ruwi. Umiling naman siya bilang sagot niya. Tinignan naman ni Salem ang katawan ni Ruwi at napansin na may sugat siya do'n. "Saan ka ba talaga nang galing? Wag mo kaming lokohin Ruwi. Galing sa espada ang mga sugat mo." Saad ni Salem kay Ruwi. Napabuga naman ng hangin si Ruwi saka 'to umupo sa sahig. "Fine. Galing ako sa isang misyon." Sagot niya. "Nakalabas ka sa lunggang 'to?" Tanong ni Salem "Oo. Ngunit naka piring naman ang mga mata ko," sagot ni Ruwi na ngumiti pa. Sumenyas si Ruwi samin para hindi makita ng cctv saka siya nagsalita na walang lumalabas sa bibig niya na boses. Pumasok muna si Ruwi sa banyo para maligo dahil sobrang dami ng dugo nito sa katawan. Pagkatapos niyang maligo ay nagtago siya sa sulok at may inilabas na papel at ballpen. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Ruwi yun pero hinayaan na lang namin. Inabot niya samin isa-isa ang papel na pasekreto, kami naman ay may inaabot sakanya na gamit para hindi kami mahalata. Isa-isa kaming pumasok sa banyo para basahin ang sinulat ni Ruwi sa papel. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang naka sulat. Ibig sabihin ay tatakas na talaga kami. Sa wakas! Sana lang talaga hindi pumalpak ang plano ni Ruwi. Binigyan niya kami ng mga gagawin para sa pagtakas namin. Nag uusap lang kami gamit ang mga mata namin. Si Atticus ang naka toka sa mga pinto dahil may mga password ito at kailangan niyang mabuksan agad. Kasama niya si Andrei dahil silang dalawa ang expert do'n dahil pinag focus sila ni Rodjan sa pag gamit ng computer at gadgets. Pagkatapos no'n saka nila aakyatin ang cctv room para patahimikin ang bantay do'n. Si Raizen, Levi, Eros ang sa likod dahil ang daming bantay do'n. Si Salem, Isaac, Ako, Theo, Keir, ang mga kasama ko sa harap. Sa kabilang side naman ang iba ko pang mga kasamahan. Si Ruwi nadaw ang bahala sa boss na si Rodjan. Kaya excited ako sa mangyayari. Kinabukasan, tapos na ang training namin at pinapasok na kami sa loob ng kwarto namin. Hindi namin pinapahalata ang mga kilos namin. Hinihintay namin na payapa ang sa loob. Alam namin na marami pa sa labas na nakabantay kaya kailangan namin maghanda. Sana lang maka takas kami. Naliligo naman si Ruwi sa banyo. Nagulat kami ng bumukas ang pintuan at pumasok ang kanang kamay ni Rodjan. Sakto ding lumabas si Ruwi na katatapos lang maligo sa banyo. "Pinapatawag ka ni boss Rodjan." Sabi ng lalaki kay Ruwi. Inabot naman ni Ruwi ang towel kay Salem saka siya sumunod sa lalaki. May ibinulong pa ito kay Salem bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naghihintay lang kami sa pagbalik ni Ruwi. Hanggang sa bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Ruwi. "Atticus and Andrei, pumunta na kayo sa cctv room. Kunin niyo ang pwedeng kunin. Patayin ang lahat na makakasalubong." Utos ni Ruwi. Agad tumayo sila Andrei at Atticus at agad na lumabas ng silid. Humarap samin si Ruwi. "Napag usapan naman natin kung saan kayo pwe-pwesto diba?" Tanong niya samin na ikina-tango namin lahat. "Wala tayong ititirang buhay," seryosong sabi ni Ruwi. Tumango kaming lahat. "Magkita-kita tayo sa field. Mag-iingat kayo." Sabi samin ni Ruwi. "Mag-iingat ka din, Ruwi." Pagpapaalala ni Raizen kay Ruwi. Agad kaming lumabas sa kwarto at nakahinga kaming lahat ng makita naming walang bantay sa labas. Tulad ng plano, dahan dahan kaming pumunta sa harap. May nakita kaming bantay na naka talikod sa gawi namin kaya lumapit si Salem at biglang nilaslas ang leeg nito. "One down." Naka ngisi niyang sabi. "Bilisan na natin," saad ko sakanila. "Hoyyy!!!" Sigaw ng lalaki samin at akmang bubunot ito ng baril ngunit mabilis akong kumilos at agad ibinato ang kutsilyo na hawak ko. Tumama sa dibdib ng lalaki kaya natumba 'to agad. Narinig namin ang mga yapak ng iba pang mga kalaban. Kaya mabilis kong hinugot ang kutsilyo na binato ko sa lalaking naka handusay saka mabilis kong ibinato sa bagong parating na kalaban. Mabilis kaming kumilos. Hindi namin sila binibigyan ng pagkakataon na iputok ang baril para hindi maka gawa ng ingay. Tatlo agad napatumba ni Keir. Nakangiti ito at halatang nag eenjoy siya sa pag patay ng mga tauhan ni Rodjan. Akmang may babaril sa 'kin ng bigla kong binato sa kanya ang kutsilyong hawak ko dahilan para mabitawan niya ang baril. Lumapit ako sa lalaking naka handusay saka ko binunot ang kutsilyo sakanyang dibdib saka ko siya paulit-ulit na sinaksak. Puro sigaw ang naririnig namin. Pati sa loob kung nasaan ang kwarto ni boss Rodjan. Alam kong nandoon si Ruwi, malamang sa malamang pinapahirapan niya ito. Malinaw ang utos ni Ruwi. WALANG ITITIRANG BUHAY!!" Nagsidatingan pa ang mga tauhan ni Rodjan na walang magawa samin ni Theo. Sobrang bilis kumilos ni Theo na akala mo hangin sa sobrang bilis. Naliligo na kami sa dugo ng mga kalaban namin. Ang dami na din naming napatumba. Biglang bumukas ang pintuan ng field at sumulpot mula doon si Lucifier at Caleb na may bitbit na mga bag. "Ano yang mga yan?" Tanong ko sakanila. "Pera." Sagot ni Lucifier. "Sinira namin ang vault kung saan naka tago ang pera ni Rodjan." Dagdag na sabi ni Lucifier. Biglang bumukas ang pintuan at sumulpot si Ruwi habang naliligo ng dugo. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at halos nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pugo't na ulo ni Rodjan. Naka bukas pa talaga ang dalawang mata nito at tumutulo pa ang dugo sa leeg. Fuck, tinadtad yata ni Ruwi si Rodjan. Napangiti ako. Sayang hindi ko nakita. Kung nandoon lang ako, baka sumali pa ako sa pag chop-chop sakanya. "Where is Atticus?" Tanong ni Ruwi samin. "I'm here." Biglang sulpot ni Atticus. Nakasunod naman sakanya si Andrei na may mga dalang laptop at mga cellphone. May pinindot si Atticus sa laptop dahilan para bumukas ang gate na laging naka sirado. Halos masilaw kami sa liwanag ng bumukas iyon. "May liwanag!!" Sigaw ni Eros na tuwang 'tuwa nakakita ng liwanag. "Pano tayo aalis dito?" Tanong naman ni Caiden. May pinindot ulit si Atticus sa laptop na hawak niya. Biglang bumukas ang lupa na nasa gitna ng field. At mula do'n ay lumabas ang isang malaking itim na sasakyan. Nakangisi pang ipinakita ni Andrei ang susi ng sasakyan. "Sunugin na natin 'tong bahay na 'to." Biglang sabi ni Lucifier. "Ikaw na kaya gumawa, Lucifier naman pangalan mo." Pang aasar ni Salem kay Lucifier. Pinakita lang niya ang gitnang daliri niya kay Salem na ikinatawa naman ni Salem. Naghanap kami ng gas na agad naman kaming nakahanap. Binuhos namin ito sa buong lugar saka sinindihan ni Levi ang lighter na hawak niya saka inihagis. Sumakay na agad ako sa kotse. Namangha pa ako ng makita ko ang loob ng sasakyan. Pumasok narin ang mga kasamahan ko maliban kay Ruwi at Raizen na naka titig parin sa bahay na nasusunog. Naglakad ang dalawa at agad na sumakay sa kotse. Natigilan pa si Ruwi na parang namamangha ng makita ang loob ng kotse. "Gulat ka sa kagwapuhan ko no?" Pilyong sabi ni Lucifier na sinamaan ng tingin ni Ruwi saka umupo. Pina-usad naman ni Atticus ang sasakyan. Lumabas ang sinasakyan namin sa gate at agad bumungad samin ang makipot na daan. Pinipilit ni Atticus ipagkasya ang sasakyan sa makipot na daan hanggang sa makahanap kami ng highway. Panay lingon ang ginagawa namin dahil hindi pamilyar ang lugar samin. Inutusan ni Ruwi si Atticus na magtanong sa isang tao na naglalakad sa kalsada. Sabay-sabay kaming napa mura dahil hindi namin maintindihan ang sinasabi ng napagtanongan ni Atticus. "Sabi ko na eh.. wala tayo sa Pilipinas," biglang sabi ni Ruwi. "Pano mo naman na sabi?" Tanong ko sakanya. "Yung mga nakalaban ko sa mission ko. Iba ang salita nila." Sagot ni Ruwi sa 'kin. Tinawag naman ni Ruwi si Salem na agad nalukot ang mukha ng utusan ni Ruwi na bumili ng damit. Siya lang naman ang walang bahid ng dugo ang damit kaya siya ang inutusan lumabas. Naghanap si Atticus ng mall para makabili si Salem. Kinuha naman ni Ruwi ang bag na hawak ni Lucifier na nag lalaman ng pera. Natigilan pa ito habang titig na titig sa pera. Tumingin samin si Ruwi saka 'to nagsalita. "Ahm.. guys, mukhang alam ko na kung nasaan tayo," sabi ni Ruwi. Bumaba si Salem para bumili ng damit namin. Kami naman ay naiwan sa loob ng kotse na naka park sa parking lot. "What now? Ano na gagawin natin?" Tanong ni Ruwi. "Gusto niyo ba bumalik sa mga pamilya niyo?" Tanong ulit ni Ruwi dahil walang nagsalita samin. "May dalawang choices tayo. Ang una, babalik tayo sa mga pamilya natin at kalimutan ang nangyari. Pangalawa, gagawa tayo ng sarili nating grupo. Sayang din ang pinaghirapan nating training kung hindi rin natin magagamit," dagdag na sabi ni Ruwi. Napabuntong hininga naman ako. "Sa pangalawang choices ako, Ruwi." Sagot ko. Tumingin naman silang lahat sa 'kin. "Well, kung nasaan kayo andoon din ako. Para ko narin kayong pamilya. At alam ko rin na ma-miss niyo ang kagwapuhan ko." Mayabang na sabi ni Lucifier na agad binatukan ni Levi. "Okay. Si Ruwi na ang magiging leader natin." Sabi ko. "Bakit ako?" Tanong ni Ruwi na naka turo pa sa sarili niya. Natawa nalang ako. "Bakit naman hindi ikaw? Eh.. kung hindi dahil sa plano mo, hindi pa tayo makaka alis sa pisteng lugar na yun," sagot ko kay Ruwi "Ayaw ko!" Irap na sagot ni Ruwi. "Nag iisa na nga lang akong babae, tapos gagawin niyo pa akong leader." Naka busangot niyang sabi. "Pumayag ka na kasi Ruwi." Pangungulit ni Caleb sakanya. "Ayaw mo no'n sa'yo lang kami makikinig." Suhestyon pa ni Eros. "Oo nga. Pinapangako ko ikaw lang ang nag iisang babae ang pakikinggan ko." Saad naman ni Raizen "Kilabutan ka nga!" Nandidiring sabi ni Ruwi na umiiling pa. "Ikaw ang gusto namin humawak sa grupo Ruwi. Kaya tanggapin mo na." Sabi ko habang nakatitig sakanya. Bumuntong hininga naman siya. "Sige na nga. Pag kayo hindi nakinig sa 'kin. Babarilin ko talaga kayo lahat." Banta niya samin. Saktong dumating naman si Salem na maraming dalang paper bag. "Ano Salem, payag ka si Ruwi ang magiging leader natin sa itatayo nating grupo?" Tanong ko. "Oo naman. Kung kailangan niyo ng prince charming, aba ako ang dapat niyong kunin." Sagot niya at agad na umupo sa tabi ni Ruwi. Naghanap lang kami ng hotel na matutuluyan muna namin. Balak kasi ni Ruwi na bumili ng bahay at lupa para may sarili kaming bahay dito sa Russia. Buti nalang nakuha nila Lucifier ang pera ni Rodjan at yun ang ginamit namin. Nalaman nalang namin na three years na pala kami nandoon sa basement ni Rodjan. Ang bilis ng panahon, 14 lang ako n'ong nadukot ako at nalaman namin na three years kaming naka kulong sa basement. Three months lang ang lumipas ay naka buo ng grupo si Ruwi bilang Crimson Blade Assassination. Binabayaran kami para pumatay ng mga hindi na dapat nabubuhay sa mundong ito. Ang Crimson Blade Assassination, ang nilalapitan nila kung meron man silang ipapagawa sa mga kalaban nila. Napilitang makipag kaibigan si Ruwi sa isang kilalang General dito sa Russia, dahil sa ginagawa niyang pang didiin samin. Gusto niya kasi kaming kunin para magtrabaho para sakanya na inayawan naman ni Ruwi n'ong una. Ngunit makulit ang general at talagang binibigyan niya ng problema ang grupo namin. Kaya pinatulan ni Ruwi ang offer niya, kapalit no'n ay mag su-supplay siya ng guns and swords samin. Lilinisin din niya ang problema kung may mahuli man samin kahit isa. Marami ang lumalapit samin para kunin ang serbisyo namin. Hanggang ngayon ay nasa Russia parin kami kung saan pinatayo ni Ruwi ang bahay para samin. Para itong bahay sa labas ngunit kapag naka pasok sa loob ay bubungad kaagad ang elevator na may face recognation at finger scanner na tanging kami lang ng grupo ang naka register. Si Atticus ang dumesenyo ng bahay at gumawa ng mga security para walang makapasok. Kapag may mag pumilit na pumasok ay agad na lalabas ang mga baril at papaulanan ang sino mang hindi naka register dito. Pagkapasok mo sa elevator, ay bubungad agad ang napakaling field. Doon din kami nag tra-training. Sa kaliwa naman ay ang living room. Bawat isa samin ay may kwarto sa bahay. May dalawang kwarto din na punong-puno ng mga baril, swords, knife and bombs. Specialty ni Kier gumawa ng bomba, kaya may sarili siyang kwarto na pinagawa ni Ruwi kung saan siya pwedeng mag experiment. May isa din kaming kwarto kung saan naka palibot ang mga computers na naka connect sa satellite na nakuha ni Ruwi sa first mission niya do'n kay Rodjan. Ipinagkatiwala niya iyon kay Atticus. Bawat isa samin ay may suot na kwentas na ginawa ni Atticus. Nilagyan niya ito ng tracking device para pag may mangyaring masama ay mahahanap kami agad. May sarili din office si Ruwi sa bahay, do'n niya binabasa ang mga profile ng mga target at sinisigurado kung karapat-dapat ba talaga na mawala sa mundo. May ginawang Rules si Ruwi para hindi kami gumawa ng kalokohan na lagi naming sinusunod. 1. Our face are NOT allowed to be seen when we are on a mission. 2. They are not allowed to kill unless they have orders from the high position. 3. They are not allowed to have a relationship with their future mission. (Well, lalo na kung babae ang pinapabantay sakanila. Bawal landiin) Madami din nagtatangkang pabagsakin kami. Pero hindi nila magawa-gawa dahil hindi nila kami kilala sa likod ng maskara namin. Lagi din may nag tatangkang patayin si Ruwi dahil gusto nilang patahimikin siya. Siya lang naman kasi ang nakaka alam ng mga tagong sikreto ng mga ito at natatakot sila na baka ilaglag sila ni Ruwi. Kinaibigan ni Ruwi ang mga mataas na Rango sa Russia, Greece, Spain, Japan, USA. Dahil alam ni Ruwi na magagamit niya ang mga ito kapag nangailangan kami ng tulong. Three years Later.. NANDITO AKO sa kwarto ko at kagagaling ko lang sa isang misyon sa Canada. Nagbibihis ako ng damit ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok mula do'n si Ruwi na hindi man lang kumakatok. "Hindi ka ba marunong kumatok ng pinto, boss?" Tanong ko sakanya. Ngumisi lang siya sa 'kin at may inabot na picture. "New mission?" Tanong ko sakanya. "Yeah. Kailangan mo pumunta ng Pilipinas." Sagot niya agad. Tinanggap ko ang picture at bumungad sa aking paningin ang isang babae na nasa tansya ko ay nasa 19 years old palang 'to. Kunot nuo kong tinignan si Ruwi. "What? Ipapa-patay ba 'to?" Tanong ko dahil mukhang angel ang babae na nasa larawan. Tumawa lang ang leader namin. "Silly. Lumapit ang ama niyan na isang business man para sa protection ng kanyang anak. At tayo ang napili niyang lapitan." Sagot niya. Tumango ako kay Ruwi at tumitig ulit sa picture na hawak ko. Ruwi tapped my shoulder. "Don't forget our rules, Nuroi." "Gawin mo agad yan sa loob lang ng 6 months. At kailangan mo ding patayin ang mga kalaban ng ama niyan. Bantayan mo lang ang babae na hindi niya nalalaman." Mahaba niyang sabi. I sighed. Naglakad si Ruwi papunta sa pinto saka niya 'to binuksan para sana lumabas ngunit bigla siyang tumigil sa paghakbang. "Bukas na ang alis mo. Nasa bank account mo na din ang p*****t niyan kaya maghanda ka na." Dagdag niyang sabi saka tuluyang lumabas ng kwarto ko. Nakatitig parin ako sa picture ng babae. Binaliktad ko ng patalikod ang picture at nakita ang pangalan ng babae. Faith Angelica De Guzman. Bagay sakanya ang pangalan. She looks so innocent. May mala angel na mukha ang babae at ang ganda rin ng ngiti niya Kinabukasan, dumating na ako sa Pilipinas. Tinungo ko agad ang condo na binili ni Ruwi para sa 'kin. Ito ang gusto ko kay Ruwi, hindi niya kami pinapabayaan kapag nasa mga mission kami. Tama lang talaga na siya ang naging leader ng grupo namin. Nakarating agad ako sa condo. Lumapit ako sa front desk para mag tanong. Agad naman niya akong inassist at iginiya sa elevator. Nagpasalamat muna ako saka pumasok sa elevator. Akmang pipindutin ko na sana kung saan floor ako pupunta ng may pumasok na babae. Natigilan ako ng nakita ko siya. Beautiful! Ang mala anghel niyang mukha. Ang buhok niyang color brown na natural yata ang pag curly at ang kutis niyang porselana. Fuck! Bakit hindi sinabi sa 'kin ni Ruwi na dito din sa condo building nakatira ang dalaga. Nakita ko pinindot niya ang 11th floor. Pareho pa pala kami ng floor. Nakatingin lang ako sakanya at sinusundan ang bawat galaw ng babae. Naramdaman niya yata na may nakatingin sakanya kaya lumingon siya sa 'kin. "Ahm.. anong floor po, mister?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. Shit, ang ganda ng boses niya. Nakatunganga lang tuloy ako sakanya. "Mister, okay ka lang po ba?" Tanong niya ulit sa 'kin. Napapikit nalang ako at hindi ko nalang siya pinansin. Bumukas ang elevator at naunang lumabas ang dalaga sa 'kin. Sumunod naman ako sakanya. Lumingon muna siya sa 'kin kaya nagkatitigan kaming dalawa. Agad namang yumuko ang babae saka nag patuloy sa pagbukas ng pintuan ng unit niya at agad na pumasok. Pumasok narin ako sa unit ko na katapat lang ang unit ni Faith. Pag pasok ko bumungad sa 'kin ang simpleng disenyo ng unit. May isang kwarto ito sa loob at may isang banyo, may sala din at may isang malaking sofa na color black. May malaking tv din ito sa harap. Pumasok ako sa kwarto at agad nahiga. Pinikit ko ang aking mga mata at nag iisip kung anong pagbabantay ang gagawin ko. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinapa ko 'to sa bulsa ng pantalon ko saka ko sinagot na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. "Hello," bungad ko. "Wazzup fucker!!" Sagot ng nakakairitang boses ni Lucifier. Ano na naman ba kailangan ng sugo ng kadiliman nato. "May kailangan ka?" Tanong ko sa hayop na 'to. "Wala ka dito sa bahay? Nasaan ka?" Tanong n'ya. "I'm on a mission. Why?" Tanong ko sakanya. "Saan?" Tanong n'ya ulit "Pake mo ba. May sasabihin ka ba o wala?" Pagalit kong tanong. "Tsk. Sayang yayain sana kita mang chix eh." Sagot n'ya na tumatawa pa. "Bakit wala kabang misyon ngayon?" Tanong ko kay Lucifier. "Well, napagalitan ako ni Ruwi nalaman niya kasing nakipag s*x ako sa anak ng businessman. Galit na galit na sumugod ang babae dito sa harap ng bahay natin sa Russia. Tangina, yung babae naman nag aya eh. Sino ba ako para tumanggi." Sagot ng kampon ng kadiliman. "Gago. Buti nga sa'yo." Sabi ko sakanya sabay pinatayan ng tawag. Sakit lang talaga sa ulo si Lucifier, ni walang pinapakinggan samin. Hindi ko nga alam kung paano na kakaya ni Ruwi pag tyagan si Lucifier. Nag ring ulit ang phone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag kaya sinagot ko ito agad. "Boss.." pang aasar ko sakanya. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag na boss. "Gusto mong ipalunok ko sa'yo ang cellphone mo?" Galit niyang sabi. "Nakarating ka na ba?" Tanong n'ya ulit. "Oo boss. Bakit hindi mo sinabi nasa isang condo building lang ang tinitirhan namin?" "Bakit tinanong mo ba?" Balik tanong sa 'kin ng boss kong may saltik na naman yata. "Lilinawin ko lang Nuroi ha! Bantayan mo yan at wag na wag mong ikakama baka gumaya ka kay Lucifier. Ipapadala ko na talaga kayong dalawa sa kaharian niyo." Panenermon niya sa 'kin. "Bakit naman nasali ako dyan? Si Lucifier lang ang may kasalanan sa'yo bakit pati ako damay?" Reklamo ko. "Ayy oo nga pala, kasi hindi mo kinama yung pinabantay kong anak ng businessman sa Europe." "Nakaraan na yun Ruwi, 18 palang ako no'n, kalimutan na natin yun." Sabi ko para hindi na ako bungaga-an niya. Bigla nalang nawala sa linya si Ruwi kaya napatingin ako sa phone. Ang loko pinatayan ako. Bukas na ako mag sisimula bantayan ang babaeng may mala anghel na mukha. Sana lang hindi maging pasaway ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD