Prologue

2729 Words
Naglalakad ako mag-isa pauwi ng bahay galing sa eskwelahan. Nasa third year high school na ako ngayon ngunit wala parin akong kaibigan. Lagi kasi nila akong inaasar na ampon o anak sa labas. Hindi ko nalang pinapansin ang mga tawag nila sa 'kin kahit gustong-gusto ko na silang suntukin sa mukha. Kaya lagi akong mag-isang kumain at mag-isang naglalakad papuntang school. Walang gustong lumapit sa 'kin, walang may gustong makipag kaibigan. Sanay na ako do'n kaya hindi na ako nalulungkot. Habang naglalakad ako ay parang may naramdaman akong nakasunod sa 'kin. Agad akong lumingon sa likod ko ngunit wala naman akong makitang kakaiba kaya nag patuloy nalang ulit ako. Nakayuko ako habang naglalakad dahil napansin ko na hindi nakatali ang sintas ng isa kong sapatos. Yumuko ako para ayusin ang sintas ko. Nang matapos ako ay tumayo ako saka ako naglakad ulit. Ngunit, napatigil ako sa paghakbang ng may mabilis na humarurot na van at bigla itong huminto sa unahan. Bigla akong kinabahan ngunit hindi parin ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Wala namang lumabas mula sa loob ng sasakyan. Inisip ko nalang na baka nasiraan lang sila ng sasakyan kaya huminto. Naglakad nalang ulit ako hanggang sa tumapat ako sa pinto ng sasakyan. Lalagpasan ko na sana ng biglang bumukas ang pintuan ng van at may lumabas na limang lalaki. Nakasuot sila ng itim na maskara at may mga nakasukbit na malalaking baril sa kanilang katawan. Napasigaw ako ng bigla nila akong hinawakan sa balikat. Nagpupumiglas ako at pilit na kumakawala sa mga lalaking nakahawak sa 'kin. "Sino kayo? Bitawan niyo ako!" Sigaw ko sakanila. Pilit nilang nilalagyan ng takip ang mukha ko ngunit mabilis akong umiwas. Naglakas loob akong sipa-in ang lalaking nakahawak sa isa kong braso dahilan para mabitawan niya ako. Sinipa ko din ang isa niyang kasama na nakahawak din sa 'kin. Akmang tatakbo na sana ako ng may sumuntok sa sikmura ko. Napaubo ako at napaluhod dahil sa lakas ng suntok niya sa sikmura ko. "Parang awa niyo na.. hindi ko po kayo kilala. Pakawalan niyo na po ako," pagmamakaawa kong sabi. Ngunit, sinuntok ng lalaki ang mukha ko na ikinalabo ng paningin ko. "Tarakan niyo na ng pampatulog yan para hindi na mag pumiglas. Dalian niyo at baka makita pa tayo ng mga tao!" Dinig kong sabi ng lalaki kahit lumalabo na ang paningin ko. Naramdaman ko nalang na parang may karayom na tinusok sa balikat ko. Biglang akong nawalan ng lakas at para bang namamanhid ang buo kong katawan. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim. Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko. Iminulat ko ang aking mga mata, ngunit wala akong makita. Bumungad sa 'kin ang kadiliman na akala ko'y nakapikit ang mga mata ko dahil sa sobrang dilim. Kahit kunting liwanag ay wala akong makita. Kinapa ko pa ang mga mata ko kung nakabukas ba talaga ang mga 'to. "Nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili ngunit nakakabingi ang katahimikan. Naglakas loob akong gumapang sa sahig para makahanap ng pader para makatayo ako. Gusto kong hanapin ang switch ng ilaw para buksan dahil nakakatakot ang dilim. Gumagapang ako ngunit wala parin ako makapa na kahit ano hanggang may matamaan ang kamay ko. "s**t, Ano yun?" Gulat kong sigaw sabay atras. Sinubukan ko ulit hawakan ang bagay na yun at napagtanto ko na paa ang nahahawakan ko. Mas lalo akong nagulat ng bigla itong kumilos. "Sino ka? Nasaan ako? Bakit wala akong makita?" Sunod-sunod na tanong ng babae na hindi ko makita ang mukha dahil sa sobrang dilim. "Hindi ko din alam kung nasaan tayo!" Sagot ko nalamang kahit hindi ko siya nakikita. Narinig kong umiyak ang babae at nagsimula siyang mag sisigaw. "Tulong! Tulong! Tulongan niyo kami!" Sigaw ng babae. "Nag aaksaya ka lang ng lakas kakasigaw," biglang may nag salita sa gilid ko na boses ng lalaki. Ibig sabihin lang nito ay hindi lang kami ng babaeng 'to ang nandito sa madilim na lugar. Biglang may umuntog sa nuo ko na ikina-igik ko. "s**t, ang sakit.. pader ba yun? Bakit kasi ang dilim." Sabi ng lalaki na umuntog sa nuo ko. "Gago, hindi ako pader." Sabi ko habang hinihimas ang nauntog kong nuo. Natigilan kaming lahat ng biglang may nakita kaming liwanag. Bumukas ang pintuan at mula do'n ay pumasok ang isang matandang lalaki. May nakasunod sa kanyang likuran na mga nakasuot ng maskara habang may mga dalang baril. "Ito na ba yung mga batang napili niyong dukutin?" Tanong nang matandang lalaki na naka tingin samin. "Yes, boss!" Sagot ng isa niyang tauhan. Pinalibot ko ang paningin ko at nakitang may mga kasama ako, ibig sabihin lang n'on ay hindi lang ako ang nadukot. Ang iba ay naka handusay pa sa sahig at wala paring malay. Habang kaming apat lang ang tanging gising na nakaupo sa sahig. Binilang ko kung ilan kaming lahat at nasa fifteen katao kami kasama na do'n ang nag iisang babae na nadukot na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Lumapit ako sa babae at pilit na pinapatahan. "Pakawalan niyo na kami! Sino ba kayo?" Sigaw ng babae sa mga lalaking nakatayo sa harapan namin. Ngumisi lang ang matandang lalaki na nasa harap namin. "Ako si Rodjan Lacarzus, mula ngayon.. lahat ng utos ko ay susundin ninyo. Wag na kayong magpumilit tumakas dahil hindi niyo rin alam ang lugar na 'to." Pagpapakilala niya samin. Akmang tatayo ang katabi kong lalaki upang sugurin ang nagpakilalang Rodjan. Ngunit biglang nag angat ng baril ang isang tauhan ni Rodjan at binaril ang isang binti ng katabi ko. "Aghhh.." sigaw ng kasama ko na binaril. Napasigaw ang katabi kong babae at mas lalo 'tong umiyak habang nanginginig ito sa takot. Natatakot din ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kung wala kaming magagawa. "Tahimik!!" Sigaw ng matandang lalaki samin. "Kapag sinuway niyo ang utos ko, ganyan ang mangyayari sa inyo!" Sigaw ni Rodjan saka ngumisi na parang demonyo. "Sige dalhin niyo na ang mga yan at siguraduhin niyong mahuhubog sila sa paghawak ng mga armas." Utos ni Rodjan sa mga tauhan niya bago ito tumalikod samin at lumabas ng silid. Nag silapitan ang mga tauhan niya at isa-isa kaming pinagdadampot. Hindi namin alam kung saan nila kami dadalhin. Naglalakad lang kami habang nasa likod namin ang mga bantay. Nakatutok pa talaga samin ang mga baril nila. Huminto kami sa isang puting pinto at agad binuksan 'yon ng lalaki. Bumungad samin ang isang kwarto na may mga kama na sakto para samin. "Mula ngayon ito na ang magiging silid ninyo. Nandyan narin ang mga damit ninyo. Pumasok na kayo at magbihis dahil magsisimula na ang training ninyo," mahabang litanya ng lalaki na may hawak na baril. Walang gumalaw samin kaya biglang nag kasa ng baril ang isang bantay. "Walang papasok?" Tanong niya samin. Pumasok ang kasama naming babae kaya agad kaming sumunod sakanya. Hawak din namin ang isa naming kasama na nabaril kanina sa binti. May ibinigay na box ang lalaki sa 'kin na agad ko namang nahawakan. "Oh.. gamutin niyo ang kasama ninyo," sabi nito at malakas na isinara ang pinto. Katahimikan ang bumalot sa silid at walang nagsasalita samin. Biglang tumayo ang babae na kasama namin sabay kuha ng first aid kit na hawak ko. Naglakad siya papunta sa lalaking nabaril kanina saka 'to lumuhod at binuksan ang first aid kit para gamutin ang sugat ng lalaki. "Daplis lang pala," sabi ng babae habang ginagamot ang sugat ng kasamahan namin. "Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ng lalaki na may kakaibang kulay ng mata. Napatitig ako sakanya dahil ngayon lang ako nakakita ng magkaiba ang kulay ng mata, red sa right side at black sa left side niya. Biglang tumingin sa 'kin ang lalaki at agad akong tinaasan ng kilay. Iniwas ko nalang ang tingin ko. Tangina kasi, nakakamangha ang mata niya. "Tatakas tayo!" Dinig kong sabi ng babae na kasama namin. "Pano naman tayo tatakas, kung hindi natin alam kung nasaan tayo. At ipapaalala ko lang ha! puro armado ang mga naka bantay sa atin," saad ng lalaking nakaupo sa sahig. "Ahhh basta, kailangan natin maka alis dito." Sabat ng lalaking nabaril kanina. "Kung ako sainyo.. hindi na ako magsasalita pa," tumingin kaming lahat sa lalaki na nakaupo sa sahig. Nag angat siya ng tingin at may tinuro sa taas. Sabay-sabay naman kaming nag-angat ng tingin para tignan ang tinuturo niya. Napatigil kaming lahat dahil nakita namin na may cctv sa loob ng kwarto namin. Ibig sasabihin lang nito ay pinapanuod nila kami. "Mukhang hindi tayo makakatakas ng basta-basta dito," saad ko sabay buntong hininga. "Ahm.. ako nga pala si Nuroi," pagpapakilala ko. Biglang tumayo ang naka salampak na lalaki kanina sa simento sabay pagpag nito sa kamay niya. "Salem pala pre," sabi niya sa 'kin habang nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko ang kamay niya saka ako tumingin sa iba ko pang mga kasama. Nag angat naman ng tingin ang nag iisa naming babae. "Ruwi," biglang sabi niya saka 'to yumuko ulit. Tumikhim ang lalaking magkaiba ang kulay ng mata. saka 'to nag salita. "Lucifier," saad niya habang naka taas ang isang kamay kaya tumingin kaming lahat sakanya. Naguguluhan naman siyang tumingin din samin. "What? Parang gulat na gulat kayo sa pangalan ko ah," natatawa niyang sabi. "Kier," saad ng lalaki na nabaril kanina. "Andrei." Pagpapakilala din ng isa naming kasama. "Eros" "Atticus" "Levi" "Caiden" "Isaac" "Caleb" "Theo" "Raizen" "Aizen mga pre," pinakahuling nagpakilala. Nagpakilala na kaming lahat kaya bigla na naman kami natahimik. "Anong plano natin ngayon?" Tanong ni Kier. "Sa ngayon kailangan natin sumunod sakanila, dahil kung hindi papatayin nila tayo." Sabi ni Ruwi na nakatingin samin lahat. "s**t. Wala na talaga tayong choice. Ano bang binabalak nila satin," saad ni Lucifier na galit na galit pa ang mukha. Natigil kami at nagulat ng biglang bumukas ang pintuan ng silid namin. Pumasok ang lalaki na madaming tattoo sa katawan habang may hawak na baril. "Lumabas na kayo!! Mag sisimula na ang training ninyo!" Sigaw niya. "At ikaw!" Turo niya kay Kier. "Lumabas karin. Wala akong pakialam kung may iniinda kang sakit," sabi nito. Hindi kami kumilos at nakatitig lang kami sa lalaki. "ANO PA HINIHINTAY NIYO!! LABAS!!!" Bigla itong sumigaw dahilan para magulat kami. Agad kaming tumayo saka lumabas ng kwarto. Dinala kami sa isang malaking field. Sa gilid no'n ay nandoon ang lalaking nag ngangalang Rodjan. "Simula ngayon, tatawagin niyo akong Boss Rodjan. Maliwanag ba??" Sabi niya sa amin habang nakatayo sa harapan namin. Wala namang sumagot sa mga kasama ko kaya mabilis nag paputok ng baril si Rodjan at pinatama yun sa kasamahan namin na si Raizen. "Sagot!!!" Sigaw ni Rodjan samin. "YES BOSS!!" Sabay-sabay naming sagot. Napadako ang tingin ko kay Raizen na tinamaan ng bala sa binti. "Magsisimula na ang training ninyo ngayong araw. Galingan ninyo!" Sigaw ni Rodjan saka tumalikod samin. Pinapunta kami sa gitna ng field at pinahawak nila kami ng espada. Sinasanay nila kami at pagnagkakamali kami ay agad nila kami sinasaktan o hindi kaya binaril kami na parang dinadaplisan ng bala. Kanina pa kami dito pero hindi parin nila kami pinapatigil sa pag e-endayo. Hindi ko na maramdaman ang kamay ko dahil namamanhid na 'to. Hindi ko namalayan na papunta pala sa 'kin ang espada ng kalaban kaya tinamaan ako sa tagiliran. "Aghh.." napa-igik ako sa sakit habang sapo-sapo ang sugat ko. "Sinabi ko bang tumigil ka!" Sigaw sa 'kin ng lalaki habang pinapaikot ang espada sa kamay niya. "Nangangalay na ang kamay ko at hindi ko na maramdam," hinihingal kong sabi dahil kanina pa nila kami tinuturuan humawak ng espada. Napatingin ako kay Ruwi na nakahiga na din sa damuhan. Duguan din ito kaya nag-alala ako sakanya. Akmang lalapitan ko sana si Ruwi para tulungan 'to ng bigla akong sinaksak ulit sa likod. "Subukan mo lang tulungan ang kasamahan mo. Papatayin talaga kita. Mag focus ka!" Sigaw sa 'kin ng lalaki. Nahihirapan ako habang nakikita ko si Ruwi na gumagapang at pilit na tumatayo habang hawak ang espada. Tumingin ako sa kalaban ko at mabilis ko siyang sinugod. Naiinis na ako. Gusto ko silang patayin sa ginagawa nila samin. Winasiwas ko ang hawak kong espada na agad namang nasalo ng kalaban ko. Umikot at mabilis na pinatamaan ang kanyang likod kaya nasugatan siya dahilan para mapa sigaw ito. Bigla kaming may narinig na pumapalakpak kaya tumigil ako. Si Rodjan pala 'yon at mukang tuwang-tuwa sa ginawa ko. "Ituloy niyo na bukas yan. Pinahanda ko na ang pagkain ninyo," saad niya saka ito umalis sa field. Ang sama ng tingin ng nakalaban ko sa 'kin sabay alis sa harap ko. Mabilis akong lumapit kay Ruwi na dalawang saksak ang natamo. Ngunit hindi naman malalim ang pagkaka saksak. Lumapit rin si Lucifier na agad tinulungan si Ruwi kaya hinawakan ko din ang braso ni Ruwi para umalalay. Nakarating kami sa kwarto namin at nakita namin ang pagkain na sinasabi ni Rodjan. Hindi ko alam kung pagkain pa ba ang matatawag dito, para kasi 'tong pagkaing baboy. Napabuntong hininga nalang ako habang nakaupo sa sahig. Napatingin ako sa gawi ni Ruwi na ginagamot na ngayon ni Salem. "Kailangan nating makatas dito." Sabi ni Ruwi habang nahihirapan sa sugat niya. "Kailan naman yun?" Tanong ni Caleb. "Not now, But soon." Sagot naman ni Ruwi Nailing nalang ako dahil maski ako ay hindi ko din alam kung kailan o makakatakas pa ba kami sa lugar na ito. Nakatulog na ang iba ngunit hindi parin ako makatulog. Napansin kong umupo si Ruwi sa kanyang higaan kaya agad akong bumangon sa kama ko saka ko siya nilapitan. "Nauuhaw ako," sabi ni Ruwi kaya dali-dali kong inabot sakanya ang isang basong tubig. "Kamusta na ang sugat mo?" Tanong ko sakanya "Bwesit ang mga yun! Gaganti talaga ako. Makikita nila." Sabi niya na may bahid na galit ang mga mata. "Ilang taon ka na nga pala?" Tanong ko. Tumingin muna sa 'kin si Ruwi saka 'to sumagot. "15 na ako," sagot niya. "Mas matanda ka pa pala sakin, 14 palang ako eh," sagot ko. "Ano naman ngayon? mas matanda naman hitchura mo sa 'kin," sabi niya na ikinatawa ko. "Tsaka mukhang hindi na natin malalaman ang edad natin dito." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko. "Bakit mo naman nasabi yan?" Takang tanong ko. "Walang kalendaryo o orasan ang naka display sa letcheng bahay na 'to." Sagot niya. "Paano mo naman nasabing walang orasan at kalendaryo?" Tanong ko. "Hindi mo ba napapansin? Pati ang mga tauhan niya walang mga suot na relo at kahit saan ka tumingin walang relo na naka sabit. Puro cctv lang ang nakikita ko," saad ni Ruwi "Ibig sabihin lang nito ay hindi natin malalaman kung umaga o gabi dahil wala naman tayong makita sa labas nang field na pinag trainingan natin," dagdag niyang sabi. Napaka secure nga ng lugar na ito kung nasaan kami ngayon. Wala kaming mahanapan na butas o pwdeng lusutan man lang. "Matulog na tayo ulit. Malamang bukas pahihirapan na naman tayo ng mga demonyong yun." Sabi ni Ruwi na humiga sa tabi ko. Tumingin lang ako sakanya saka ako nagsalita. "Sige. Matulog ka na!" Sabi ko. Buong araw at gabi lagi kaming tini-training, walang pahinga dahil ayon kay Rodjan ay wala daw kaming karapatan na magpahinga. Naaawa ako kay Kier na hinahambalos ng latigo dahil sumuway na naman sa utos ni boss Rodjan. Tutulong sana si Lucifier ng biglang may nag kasa ng baril at itinutok yun kay Lucifier. "Sinabi ko na sa inyo hindi ba! hindi kayo dapat maawa," sigaw ni boss Rodjan saka hinampas ng latigo si Lucifier na napaigik sa sakit. Hindi na namin alam kung anong taon na ngayon. Simula ng nandito kami ay puro puting kisame at pader lang ang nakikita namin sa paligid. Si Ruwi naman ay humusay sa lahat mula sa baril, espada, hand to hand combat at maging sa talas ng isip ay natutunan niya. Nag matured narin ang mga hitchura namin kunti. Lahat kaming labing lima ay magkakasundo sa mga bagay-bagay. Nasanay na din ako na sila ang kasama ko. Kung dati ay wala akong kaibigan, ngayon ay nahanap ko ang mga taong tanggap ako at itinuturing akong kaibigan. Alam kong may pinaplano si Ruwi sa pagtakas namin sa lugar na 'to. Nangako siya na sabay-sabay kaming lalabas sa lugar na ito at walang maiiwan kahit ni isa samin. Hanggang ngayon ay umaasa parin kami na makakalabas kami sa impyernong lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD