Chapter 8

1800 Words

“TITO TERRENCE!” masayang bungad ni Kyden nang makapasok siya sa loob ng hotel kung saan pansamantalang nakatigil ang kanyang tiyo. Agad niya itong natanaw na nakaupo malapit sa verandah kaya nang mabaling ang tingin nito sa kanya ay hindi na siya nag-atubili pang lapitan ito. “Mabuti naman po at dinalaw n’yo ako rito. Kumusta na po sa bahay?” tanong niya nang makaupo sa harapan nito. Agad na dumako ang kanyang paningin sa mga bote ng alak na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Dismayadong tinapunan niya ito ng tingin. “Bakit puro alak? Tito, mag-order naman po kayo ng pagkain. Hindi pa po ako naghahapunan, eh. Pakainin n’yo naman po ako. Tingnan n’yo, pumayat na ako,” reklamo niya. Natawa naman ito sa sinabi niya saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. “Bakit? Ubos na ba ang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD