Chapter 9

1854 Words

HALOS sabunutan ni Kyden ang kanyang sarili sa sobrang inis habang nilalakad-takbo ang daan pauwi sa apartment. Masyadong napasarap ang usapan nilang dalawa ng Tiyo Terence niya at hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Nawaglit sa kanyang isip ang binitawan niyang pangako kay Arya na babalik agad siya para sabayan ito sa hapunan. Nasisiguro niyang galit na galit na ito ngayon sa kanyang ginawa. “Kainis! Bakit ko ba kasi nakalimutan ang tungkol doon?” pagmamaktol niya saka binilisan ang pagtakbo. Papasok na siya sa kanto kung saan naroroon ang kanilang apartment nang biglang matigilan. Nag-angat siya ng tingin saka pinagmasdan ang mga nakahelirang poste ng ilaw. Halos karamihan sa mga ito ay hindi na gumagana. “Dapat ayusin nila agad ang mga ilaw rito. Masyadong madilim at delikado

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD