“HINDI ko ginawa iyon. Wala akong ninanakaw,” paulit-ulit na sambit ni Arya. Simula nang makarating sila sa opisina ni Sir Kenny ay hindi na ito tumigil sa kakasambit ng mga katagang iyan. Nababahala na si Kyden sapagkat walang tigil na ito sa pag-iyak. “Arya.” Humigpit ang pagkakahawak ni Kyden sa kamay ng dalaga. Nag-angat ito ng tingin saka siya matamang pinagmasdan. “Kyden, hindi ko talaga ginawa iyon. Maniwala ka sa akin,” pagmamakaawa nito sa kanya. Ngumiti si Kyden at sunod-sunod na tumango. “Wala kang dapat ipaliwanag, Arya. Naniniwala ako na hinding-hindi mo magagawa ang lahat ng mga ibinibintang ni Thalia sa iyo. Mabuti kang tao, may paninindigan at may takot sa Diyos. Kaya makinig ka sa akin. Stop crying and fix yourself. Kung talagang gusto mong linisin ang pangalan mo, the