Chapter 26

1822 Words

ISANG malalim na buntonghininga ang kumawala sa mga labi ni Kyden habang matamang nakatitig sa mataas na gusali ng Southland Academy. Naibulsa niya ang kanyang mga kamay at dahan-dahang iginala ang paningin sa buong eskuwelahan. Natapos ang weekend na wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-isip ng plano kung paano niya haharapin ang araw ito. Sinubukan din niyang tawagan si Moira kahapon para mapag-usapan ang mga hakbang na kailangan nilang gawin ngunit may schedule ito ng photoshoot. Sa huli, mag-isa siyang nag-isip ng mga paraan. Malakas ang kutob niya na nasa loob lang ng Southland Academy ang taong nakakaalam ng tungkol sa tunay niyang pagkatao. Naisip niya na habang hindi pa niya natutukoy ang taong iyon ay makikipagmabutihan na muna siya sa lahat ng mga nasa paligid niya, nang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD