Chapter 19

1651 Words

“ALAS otso na ng umaga! Alam n’yo ba kung ano’ng oras ang pasok n’yo? Seven-thirty!” galit na sigaw ng lalaking guro na nagbabantay sa labas ng gate ng Southland Academy. May hawak itong patpat sa kanan nitong kamay kaya halos lahat ng mga kasama ni Kyden sa pila ng mga sandaling iyon ay halos hindi na makapagsalita sa sobrang takot. “Mamili kayo, isang oras na community service o uuwi kayong walang nalalaman? Tandaan n’yo, malapit na ang examination week.” Napahikab si Kyden. Bakit ba ang dami nitong sinasabi? Kanina pa niya gustong pumunta sa kanilang silid. Nasasabik na siyang makitang muli si Arya. Dahil sa mga nangyari kagabi ay umaga na nang makatulog si Kyden. Ninamnam niya nang husto ang sandaling yakap-yakap niya ang dalaga sa kanyang mga braso. Ngunit nang magising ay wala na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD