Chapter 10

1948 Words

PANAY ang hikab ni Kyden habang naglalakad papasok ng Akademiya. Maliban sa hindi siya nakatulog nang maayos kagabi ay medyo masakit din ang kanyang katawan. Pagkatapos ng mga nangyari kay Arya ay hindi na niya ito hinayaan pang bumalik sa sarili nitong apartment. Minabuti niyang sa silid na niya ito matulog habang siya naman ay sa sofa nagpalipas ng gabi. “Hinding-hindi na talaga ulit ako matutulog sa matigas na sofa na ’yon. Sobrang sakit ng likod ko,” reklamo niya habang minamasahe ang kanyang balakang. Nasa ganoong isipin siya nang hindi sinasadyang nabaling ang kanyang tingin sa gilid ng mayayabong na halamanan. Nahuli ng kanyang paningin ang tatlong estudyante at isang matandang lalaki na patagong nag-uusap. Sinipat niya ng tingin ang mga ito. Hindi siya puwedeng magkamali, ito r

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD