Chapter 15

1668 Words

“WHERE have you been, Mr. Jimenez? Hindi mo ba narinig na tumunog na ang bell? Siguro, nakiusyuso ka rin sa pagdating ni Miss Levine, ’no?” bungad ng guro kay Kyden nang makapasok siya sa loob ng kanilang silid. Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot niya bago naglakad papunta sa kanyang silya. Agad na nabaling ang tingin niya kay Moira na nagkataong nakatingin din sa kanya. Ngumiti siya saka sumenyas na okay na ang lahat. Tumango ito at gumanti ng ngiti. Sa halip na ituon ang pansin sa harapan ay napatingin ito sa katabi niya, kay Darryl. Tinapunan niya ng tingin si Darryl na seryosong nakatingin sa gitna ng pisara, wari’y hindi ito apektado sa presensiya ng pinsan niya. Sumimangot si Kyden saka pinandilatan ng mga mata si Moira. Sumenyas siya na ituon nito ang pansin sa harapan at h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD