Chapter 16

1710 Words

“ARYA. . .” Mula sa pinagkukublian ay tanaw ni Markus ang magkayakap na sina Kyden at Arya. Matapos niyang masaksihan ang mga nangyari sa loob ng Cafeteria ay nagmadali siyang sundan ang mga ito. Bagama’t hindi niya eksaktong narinig ang kanilang pinag-usapan ay batid niyang hindi iyon nagustuhan ni Arya. “Arya. . .” sambit niyang muli. Napayuko siya saka napabuga ng malalim na paghinga. Rinig na rinig sa kanyang puwesto ang malakas nitong pag-iyak. Wala sa sarili na napahawak siya sa kanyang dibdib. Parang binibiyak sa dalawang bahagi ang kanyang puso habang pinapakinggan ang paghikbi nito. Masakit para sa kanya ang makita itong nasasaktan. Hindi nagtagal ay nagpatuloy na sa paglalakad ang dalawa. Akay-akay ni Kyden ang dalaga at hindi niya napigilan ang sarili na makaramdam ng inggit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD