Chapter 17

1542 Words

TAGATAK ng pawis ang buong bahagi ng mukha ni Kyden nang makarating siya sa tapat ng gate ng Southland Academy. Humabol siya ng paghinga bago sinilip ang gate ng eskuwelahan. Sarado na ito. Sunod niyang iginala ang kanyang paningin. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makapasok sa loob. Maliban sa Akademiya ay wala na siyang ibang lugar na mapupuntahan. Napamura si Kyden nang walang mahanap na kahit na anong bagay na makatutulong sa kanya para mabuksan ito. Kahit magawa man niyang akyatin ang mataas na bakod ay mahihirapan naman siyang buksan ang padlock nito, unless, kung nanaisin niyang sirain ito. “Mag-isip ka, Kyden,” usal niya sa sarili. Hindi sinasadyang nabaling ang kanyang tingin sa walang malay na si Arya. Kanina pa niya ito akay-akay at aminado siyang nangangalay na ang kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD