“Violet!”
Kasabay ng muling pagtawag ni Connor sa pangalan ni Paisley ay ang pagbaha ng liwanag sa kusina nang buhayin nito ang ilaw. Magkasalubong ang kilay ni Connor habang nakatayo ito sa pintuan ng kusina.
Ngunit tulala pa rin si Paisley habang pinagmamasdan ang nakabukas na bintanang sa tingin niya ay nilabasan ng estranghero. Ang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa nakatakip na towel sa katawan niya. Gulong-gulo ang isip niya sa biglaang nangyari. She really let her guard down. Again...
“Violet? Why are you not—”
Naputol ang iba pa sanang sasabihin ni Connor nang mabungaran ang ayos niya. Ilang segundo itong natulos sa kinatatayuan bago kumilos. Nanlaki ang mga mata nito at kaagad na lumapit sa kanya. Mabilis nitong inayos ang pagkapulupot ng towel sa katawan niya dahil hindi pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan.
“Violet! What happened to you? Why are you in such a messed?” magkasalubong ang kilay na tanong ni Connor sa kanya.
Hindi sumagot si Paisley. Hinayaan niya si Connor sa pag-ayos nito ng towel sa katawan niya.
Dahil hindi pa rin siya umiimik ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Saka siya bahagyang niyugyog upang matauhan bago marahan siyang iginiya sa kalapit na upuan at pinaupo.
“Violet? Ano bang nangyayari sa'yo? Ba't ka ba nagkakaganyan?” naiinis nang tanong ni Connor nang hindi pa rin siya sumasagot. “Nasaan na ang matapang na Violet Striker na kilala ko? Bakit bumabalik ka na naman sa pagiging Paisley mo? Nawala na ba lahat ng tapang mo kasabay ng pagkawala ng lalaking iyon?” nagtatagis ang bagang na tanong nito habang hindi inaalis ang matalim na titig sa kanya.
“Connor...” may bikig sa lalamunang tawag ni Paisley. Tumingala siya at sinalubong ang matatalim nitong tingin, “I think it's him. Nandito siya,” walang lakas na imporma niya.
Ginugulo ang utak ni Paisley ng halik na ninakaw ng lalaking 'yon. Kung hindi pa siya inuga ni Connor hindi pa tuluyang magising ang diwa niya.
Lalong dumilim ang mukha ng ka-partner. Mahigpit itong napahawak sa mesa at matalim ang matang inilapit ang mukha sa kanya.
“Siya? Sino'ng siya? Ano'ng nakita?” kasing lamig ng yelo ang boses nito na timatagos sa puso ni Paisley. Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang pisngi niya.
“Bakit ang gulo ng ayos ng bahay mo? And look at you. Who the heck came here?” he asked. May bahid ng labis na pagtataka ang boses nito habang parang ini-interrogate siya sa paraan ng pagtitig nito.
Tinabig ni Paisley ang kamay nitong may hawak sa baba niya saka marahang sumandal sa sandalan ng silya. Nasa kusina pa rin sila ni Connor at habang siya ay nakaupo sa silya ito naman ay umupo sa mesa paharap sa kanya.
“'Yong lalaki kanina sa bar,” panimula ni Paisley. Mababa lang ang boses niya. Kinalkula niya muna ang ekspresyon ni Connor bago nagpatuloy ng makitang hindi nagbago ang mukha nito. “Nandito siya, Connor. He followed me here so I'm sure it's him. It's Hindler.” Napasabunot siya sa buhok. Itinukod niya ang siko sa mesa habang nakasabunot ang kamay sa buhok.
“I know it's him, Connor,” tumingala siya sa binata at sinalubong ang matiim na nitong tingin, “Ang boses niya... alam kong siya 'yon!” bahagya nang nangangatal ang katawan niya. Gusto na naman niyang umiyak, “Bumalik siya para guluhin ako. Bumalik siya para maghiganti! I know I can beat him, but I can't. I don't want to hurt him.”
Tumayo si Connor mula sa pagkakaupo sa mesa at umupo sa tabi niya. Inilapag nito ang baril na hawak sa mesa at hinawakan ang nanginginig niyang kamay.
“Violet, ilang beses ko bang sasabihin sayo na patay na si Hindler? At imagination mo lang ang nakita mo. It's not real. Hallucination mo lang,” seryosong pahayag nito, “We both know na wala na siya. And we both witnessed his death. Alam kong labis mong pinagsisihan 'yon, pero he’s, our mission. Hindi mo dapat pinapairal ang puso pagdating sa trabaho!” nauubusan ng pasensyang pangaral nito.
“But I saw him alive and breathing. I even touched him. Andito siya, Connor. I don't know how, pero nakapasok siya sa pamamahay ko!” giit pa niya.
Naniniwala siyang buhay pa si Hindler at hindi imagination o hallucination ang nakita niya tulad ng sinasabi ng ka-partner.
Natigilan ito ng ma-realize ang sinabi niya.
“What did you say? Pinasok ang bahay mo?” Mabilis itong tumayo nang marinig ang sinabi niya. Iniwan siya nito na nakatanga sa mesa saka malalaki ang hakbang nitong lumabas ng kusina.
Nanlalata ang katawan na sinundan ni Paisley ang ka-partner. She only fastens her pace when she heard him calling her name.
“Walang dapat makaalam kung sino ka, Violet. Confidential lahat sa'tin. You know that. Red Dragon Society must remain unknown,” seryosong sabi ni Connor ng maabutan niya ito sa sariling kwarto. Sandali siya nitong nilingon ng maramdaman ang presensya niya. Saka muling inabala ang sarili sa paghahalungkat sa mga gamit niya sakaling may nawawala.
Hindi kaagad nakaimik ang dalaga. She's been out of her mind these past few weeks simula nang mamatay si Hindler. And would she even care if someone found out about RDS? She would be the happiest person if that would happen.
“Okay, Im sure you have a monitor? I should check your cctv. It's seem's like nothing lost here,” pagkaraan ay Wika ni Connor. Tuluyan itong humarap sa kanya ng matapos ito sa paghahalungkat sa gamit niya.
Tumango si Paisley saka siya naglakad palapit sa study table kung saan nakapatong ang laptop niya na nagmomonitor sa cctv ng buong bahay. Ilang metro ang layo ng study table sa kama niya at kalapit ito ng pintuan patungo sa kanyang walk-in closet. Pero bago siya tuluyang humakbang ay nahagip ng kanyang mata ang cabinet niyang pinag-papatungan ng kanyang One Piece collection figures. Blangko na ang espasyo kung saan nakalagay ang nag-iisang picture frame ni Hindler.
Nanlaki ang mata ng dalaga sa nakita. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Agad siyang lumapit at sinipat iyong maigi.
“Wait!” pigil ni Paisley kay Connor.
Tumigil sa paghakbang si Connor papunta sa study table niya. His vigilant eyes stared at her.
“Why? What's the matter?” nagtatakang tanong nito.
“'Yong picture ni Hindler, nawawala.” May kaba sa dibdib na sagot ni Paisley.
Kanina lang niya pinalitan iyon kaya sigurado siyang merong picture na nakadisplay 'dun. Kaagad niyang inusisa ang drawer kung saan nakalagay ang pinakaiingatan niya. Ang kanyang scrapbook na nagsisilbi na rin niyang diary sakaling may bumabalik na alaala mula da nakaraan niya. Pero halos nakalkal na niya lahat ng laman ng drawer ay wala pa rin siyang nahanap.
“Bakit, Violet? Is there something missing?” tanong ni Connor at mabilis na lumapit sa kanya.
“Kinuha niya 'yung picture ni Hindler. And even my scrap book,” mahinang sagot niya.
“Anong scrapbook? Is that really important for the culprit to steal it?” Connor asked.
Hindi alam ni Paisley kung iiling siya o tatango. Ang alam lang niya ay kailangan niyang mabawi ang bagay na 'yun.
“He must be an expert. Infiltrating your house with your locks, without you even noticing. Why didn’t your alarm trigger? Unless he is someone whose work is the same with ours,” napaisip si Connor sa sinabi. He looked at her intently before continuing.
“Kung ikaw ang pakay niya, bakit niya kinuha ang picture ni Hindler? Does he know about your connection with him? Isa ba siya sa tauhan ng donya na inutusang hanapin ka?” tanong muli ni Connor ng hindi siya nakaimik. Umupo ito sa upuang kaharap ng kanyang study table saka pinakialaman ang laptop niya.”If he infiltrated your house, he must been caught in your cctv,” sabi nito habang kinakalikot ang laptop niya. Pero ilang minuto na itong abala sa pagta-type ay wala pa rin itong makita.
“Damn it!” palatak nito. “Your camera was frozen! He knows everything about your cctv. It was hacked!” madilim ang mukha nitong bumaling sa kanya.
“Namukhaan mo ba siya? You said he was Hindler, so you mean kamukha siya ni Hindler?”
“Yes... no...” nalilitong sagot niya. She didn't see the man's face that infiltrated her house. Iyong boses lang ang pinagbasehan niya. Samantalang nakita lang niya ang kamukha ni Hindler sa bar kanina. Hindi siya sigurado kung nag hahallucinate lang siya. Hindi rin siya sigurado kung ito rin ang pumasok sa bahay niya.
“What do you mean by yes and no?”
“I didn't see my intruder's face. I was basing on the man's voice. He spoke like Hindler. At tulad ng sabi ko, may nakita akong kamukha ni Hindler 'dun sa club,” paliwanag niya saka walang lakas na umupo sa swivel chair niya na naroon.
Nakatapis pa rin ang towel sa katawan niya at ang basa niyang buhok ay bahagya nang natuyo.
Naihilamos ni Connor ang palad sa mukha saka magkasalubong ang kilay na tumitig sa kanya.
“Sigurado ka bang wala siyang kapatid? Or worst, kakambal?” tanong nito.
Umiling ang dalaga. Hindler is the only son. Mama's boy and lakwatsero. Malinis ang pagkatao nito ayon sa pag iimbestiga niya kaya laking pagtataka niya kung bakit naging target ito ng agency nila.
“Iwan mo muna ako, Connor. I need to fix myself up,” seryosong sabi ni Paisley sa ka-partner niya makalipas ang ilang segundong pananahimik.
Nakatungo ang ulong tumango si Connor bago tumayo at tinungo ang pinto. Sumaludo pa ito sa kanya ng makarating sa pinto bilang pagpaalam at tango lamang ang isinagot niya.
Pagkaalis ng lalaki ay mabilis siyang bumalik ng banyo saka agad na binanlawan ang sarili. Mabilisan ang kanyang pagligo. Ilang minuto lang ay tapos na siya at kaagad na tinungo ang walk in closet na may pintuang nakakonekta sa banyo upang magbihis.
Sa pag halungkat niya ng gamit ay biglang nalaglag ang kwentas na matagal na niyang inaalagaan. Malungkot niya iyong pinulot at hinawakan ang pendant na hugis kabiyak na puso.
“Kailan kaya kita muling makikita? Mabubuo pa kaya 'tong kabiyak na puso? Matutupad mo kaya ang iniwan mong pangako?” malungkot na tanong niya sa sarili.
Hinaplos niya ang pendat na may larawan. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang pangako ng lalaking nagbigay sa kanya ng kwentas. Alam niyang imposible nang mangyari 'yon. It's been 12 years, pero wala man lang siyang nabalitaan tungkol dito. Pero sa katagalan ay numinipis na ang pag-asa niyang muli sila nitong magkikita. Muli niyang ibinalik ang kwentas sa pinaglalagyan.
“Dapat lang na nakatago ka. Hindi ka na rin naman babalikan ng kabiyak mo eh,” puno ng hungkag ang puso niya na itinago ang kwentas.
Pagkatapos magbihis ay dumiretso sa kama si Paisley upang magpahinga.
Bukas na niya sisimulan ang pag hahanap sa lalaking iyon. Kung siya man si...
“Hindler...” malungkot na usal niya.
At tulad ng agos ng talon ay bumuhos ang mga alaala sa isip niya sa araw nang pagkikita nila ng yumaong kasintahan.
“Why are you just standing there and staring at me like that? Didn't you come here to give me my food?” supladong tanong kay Chloie ng binatang amo niya.
Hhhmmp!!! Suplado naman nito,’ inis na hiyaw niya sa isip bagama't may nakaplaster na ngiti sa kanyang labi. Marahan siyang naglakad palapit dito.
“Ah eto na po s-sir,” mahinang wika niya. Hindi siya sanay tumawag ng sir kaya medyo nauutal siya. Tahimik niyang inilapag ang tray sa mesitang katabi ng kama nito.
“Can you pass me the juice?” narinig niyang utos nito pagkalapag na pagkalapag niya ng tray.
Bahagyang nanigas ang katawan ni Paisley sa sinabi nito at nag alangan kung susundin ang sinabi nito. Pero kinuha pa rin niya ang baso ng juice at iniabot dito. Pero bago nito tuluyang mahawakan ang baso ay nag ring ang cellphone nito. Sinenyasan siya nitong maghintay bago sinagot ang tawag.
“Sino ba naman 'tong istorbong ito?” tanong niya sa sarili saka dumako ang tingin sa hawak na baso.
“Just bear a little longer Chloie, matatapos mo na rin tong target mo.” mahinang bulong niya at sumulyap sa binata. Pero nagkasalubong ang mata nila at nakita niya ang matiim na pagtitig nito na nagpabilis sa t***k ng puso niya. She even trembles.
“Ano bang nangyayari sayo Chloie? Titig lang yan, nangangatal ka na? Asan na 'yung tapang na sinasabi mo?” inis na saway niya sa sarili.
Pero kahit anong saway niya sa sarili ay di niya mapigilan ang pagrambol ng puso. Ni hindi rin siya umiwas sa mga titig ng binatang amo. Hindi tuloy niya namalayan na tapos na pala ito sa pakikipag usap sa telepono at ngayon ay nakatayo na sa harap niya.
“Can I have my glass of juice?” mahinang tanong ng binata at inabot ang hawak niyang baso.
‘Why the hck are you hesitating, Paisley?’
Napasinghap siya nang mamalayang nakalapit na pala ang binata sa tabi niya at kinuha ang baso ng inumin. Sa pag-abot nito ay sumagi ang palad nito sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan niya sa pagdaiti ng balat nila.
“Ah eh... O-of c-course!” nauutal na sagot niya at unti unting niluwagan ang paghawak sa baso.
“Thank you,” sagot nito ng tuluyang makuha ang baso at agad na inilapit iyon sa bibig para inumin.
Napalunok si Paisley at halos di makakilos lalo na at magkalapit pa rin ang katawan nila.
“Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay...” usal niya at mabilis na inagaw ang basong hawak nito bago pa man iyon tuluyang lumapat sa labi nito.
“Wait!” aniya at sinadyang tabigin iyon.
Sa lakas ng ginawa niya ay agad nitong nabitawan ang baso. Pero hinabol ng kamay nito ang baso upang di tuluyang bumagsak kaso nga lang mabilis ang reflexes niya. Hinila niya ng malakas ang lalaki kaya nagtagumpay siyang di nito makuha ang baso kaya tuluyan itong bumagsak sa sahig at nabasag.
Pero tuluyang ding bumagsak ang binata, hindi sa semento kundi sa katawan niya. Sa lakas ng hatak niya ay napabagsak siya sa kama kasunod ang katawan nito.
Napasinghap si Paisley ng mapagtantong magkapatong ang katawan nila. Muling nagkasalubong ang titig nila at halos magkadikit na rin ang mukha nila. Nakatukod ang kamay nito sa magkabilang gilid ng ulo niya.
Pigil ni Paisley ang paghinga at ramdam ang malakas na pagkabog ng dibdib, hindi lang sa kanya kundi maging sa lalaki. Parang iisa ang pintig at sigaw ng puso nila.
Napabuka ang bibig niya ng unti unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Langhap na langhap niya ang mabango at mint fresh na amoy ng bunganga nito. Pero hindi siya pumalag. Hindi siya pumalag ng tuluyang lumapat ang labi nito sa labi niya. She pressed her eyes closed when he smoothly brushes his lips against her. Di niya ito nagawang pigilan, bagkus nagustuhan pa niya ang ginawa nito. Hindi niya maintindihan ang sarili.
Nagulat na lang si Paisley sa sarili niya ng gumalaw ang labi niya upang tugunin ang halik ng binata. Lust is not the feeling they feel habang pinagsasaluhan ang halik na 'yun.
They feel the same way as the kiss goes deep. It's not just a kiss with a lust but a kiss with a
“Love? Compassion? In just two minutes upon seeing him. It can't be!” hiyaw ng utak ni Paisley.
Pero bago pa niya bigyan ng malalim na dahilan ang iniisip niyang iyon ay biglang may malalakas na katok na nagpatigil sa kanila at agad na nagpakalas sa isa't isa. Agad niyang tinulak ang binata at mabilis na tumayo.
“Sir Hindler?” bungad ng nakakunot noong si Manang Delia. Nakapasok na ito sa loob ng kwarto ng binata.
Mabuti na lang at dumiretso ang tingin nito sa nabasag na baso ng juice sa sahig, kaya nagkaroon siya ng pagkakataon ayusin ang nagulong buhok at nagusot na damit.
“Ikaw!” pasigaw na duro ng mayordoma kay Paisley ng makita siya. Nakapamewang itong naglakad papunta sa kanya. “Anong ginawa mo? Ke bago bago mo pa lang nakabasag ka na agad ng gamit dito?”
Bago makasagot si Paisley ay sumingit si Hindler sa usapan.
“Ah... Manang Delia. Wala po siyang kasalanan. Ako po ang dahilan kung bakit nabasag yung baso,” kaila ni Hindler na siyang humarap kay Manang Delia. Nagbaby face pa ito sa matanda para tuluyan itong mapaniwala.
Lihim namang napangiti si Paisley sa inasal ng binata.
“He's so cute!” nakangiting usal niya.
“Hoy ikaw, anong nginingiti ngiti mo diyan?”
Napatayo naman siya ng tuwid sa biglang pagsigaw ni Manang Delia. Tinimpi niya ang sariling sagutin ito dahil sa pagsigaw nito.
“Linisin mo na 'yan, madali! At sumunod ka sa akin!” utos nito bago ito tuluyang lumabas hinayaan siyang maglinis sa sahig.
Napabuntong hininga naman siya bago sinimulan ang pagdampot sa nabasag na baso.
“Tulungan na kita.”
Napatingala si Paisley sa pinagmulan ng boses at muling nagtama ang mata nila ng binata. Muling bumalik sa kanya ang tagpo bago sila maabutan ni Manang Delia. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Kailangan niyang di magpadaig sa nararamdaman niya. Kelangan niyang mapagtagumpayan ang misyon na 'to. Isa ito sa pinakamalaking mission niya.
“Ahh, huwag na po sir, kaya ko na po ito,” pagpigil niya sa binata habang patuloy pa rin sa pagpulot ng nabasag na baso. Buti na lang ceramic ang type ng baso kaya hindi maliliit ang bawat pirasong nabasag.
Tumayo siya nang matapos sa ginagawa. Muli itong nagsalita habang inaabot sa kanya ang tissue.
“Ahh, about that kiss...” mahinang usal nito.
Tahimik niyang inabot ang tissue at bahagyang yumuko. Hindi siya nakaimik sa tinuran nito.
“I like it,” muling wika nito. Sa pagkakataong ito ay tinawid nito ang ilang hakbang na agwat nila. “Who are you?” tanong nito.
Unti-unting umangat ang mukha ni Paisley at sinalubong ang mga titig ng binata. Muli, hindi na naman niya napigilan ang pagrambulan ng daga sa dibdib niya habang nakatitig sa mga mata nito.
“It's Chloie sir, your new maid,” pagpapakilala niya at tumalikod na kaagad para iwanan ito.
“Wait!” pigili nito at hinabol siya. Hinawakan pa siya nito sa braso upang paharapin sa kanya. “I think I already like you Chloie. Not just your kiss. But you,” seryosong wika nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala ang isang katulad nito ay mag coconfess sa kanya sa unang pagkikita pa lang nila. Napatitig siya sa gwapo nitong mukha at sa kulay asul na dagat nitong mata. Totoo ang sensiridad na nababasa niya sa mga mata nito.
“Sir?” Tanging usal niya. Lahat ng tapang na baon niya ay biglang naglaho sa isang halik mula sa target ng misyon niya. Hindi rin siya pumalag nang hinaplos nito ang mukha niya at muling dinampian ng masuyong halik ang mga labi niya.
“Ano to? Na-love at first sight ka na rin sa kanya?” tanong niya sa isip. Ni hindi kayang manlaban ng utak niya sa ginagawa ng lalaking 'to sa kanya.
“See you later Chloie,” malapad ang ngiting sabi nito ng kumalas sa kanya.
Tumango lamang si Paisley at nakangiting tumalikod dito. Parang may paru-parung nagliliparan sa sikmura niya. Yan ang nararamdaman niya ngayon.
She's insane. How can she like someone who she knew for not even an hour? Pero sigurado siya. She likes him. Bahala na ang misyong nakaatang sa kanya. Basta ang alam niya kakaiba ang sayang nararamdaman niya ngayon. At ayaw niyang maputol iyon kahit pa ilang minuto pa lang niyang nakikilala ang binata. Iyon ang isip-isip niya habang lutang ang diwa na naglakad pababa sa kusina. Bahala na kung anuman ang kahihinatnan ng misyon niya.