Foxtrot

3198 Words
“Ano ba, Connor! Ibalik mo ako 'don sa club!” naiinis na sigaw ni Paisley sa ka-partner niyang abala sa pagmamaneho. Nasa get-away car sila na pagmamay-ari ng RDS na minamaneho ng ka-partner. Nagpo-protesta si Paisley dahil nais niyang bumalik sa club na pinaggalingan ngunit kahit anong gawin niya ay ayaw siyang payagan ni Connor. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya nang hinila siya nito pasakay sa kotse. Dahil distracted siya sa lalaking kamukha ng yumaong kasintahan ay wala siyang lakas. Pero kahit anong sigaw niya sa binata ay hindi siya pinakinggan ni Connor. Bagkus ay lalo pa nitong binilisan ang pagmamaneho. “Stop it, Violet! Ano bang nangyayari sayo?” nauubusan ng pasensyang palatak ni Connor. Humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Malamig ang mga mata nitong sumulyap kay Paisley saka muling inabala ang sarili sa pagmamaneho. “Alam mong sinusundan ka ng tauhan ni Congressman. Kailangan mong makalayo 'don! Then why the fck are you telling me to go back?” Hindi kaagad nakaimik si Paisley. Tama ang ka-partner. Kailangan nilang iwasan ang tauhan ng Congressman. But the man that Paisley saw glued in her mind. Lalo na ang klase ng titig nito sa kanya. “Connor, I saw him. . .” mahinang wika niya pagkaraan ng mahabang katahimikan. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Nilingon siya ni Connor nang marinig ang sinabi niya. Unti-unti nitong binagalan ang pagpapatakbo ng kotse ng masigurong wala ng sumusunod sa kanila. “Saw him? Who?” naka-kunot-noong tanong nito at nilingon siya. Madilim pa rin ang mukha. “Hindler. . .” anas niya ni Paisley. Hindi siya sigurado kung narinig ito ng ka-partner. Hindi niya kayang lakasan ang boses. Bigla huminto ang kotse dahil sa biglaang pag-preno ni Connor sa gulat sa sinabi niya. Napasubsob si Paisley sa dashboard. “What did you say?” magkasalubong ang kilay na tanong nito. Ang mukha nitong dati ng madilim ay lalong hindi maipinta. “You saw who? Where?” hindi makapaniwalang dugtong na tanong nito. Paisley can see Connor’s fist tightly gripping the wheel. His cold voice echoed inside the car, breaking the deadly silence. “At the club. . .” mahinang sagot niya. Her fingers are fidgeting in agitation. Tumingala siya at sinalubong ang matalim nitong tingin. “And I'll swear, Connor, its him! It's Hindler. He's alive!” matigas na giit niya. Alam ni Paisley sa sarili na hindi siya sigurado kung si Hindler nga ang nakita niya. But she wanted to try. Gusto niyang usisain muli ang club kung naroon pa ang lalaki upang makompronta niya. Kung bakit sila magkamukha ng namayapa niyang kasintahan. “C'mon, Connor, i-drive mo ang kotseng 'to pabalik sa club,” nakikiusap na wika niya. Alam ni Paisley na lumalambot na naman siya. Basta pagdating kay Hindler, 'di talaga niya kayang kontrolin ang damdamin niya. Seryosong tumitig sa kanya si Connor bago ito sumagot. “Stop imagining things that cannot be happen, Violet. We both know na patay na si Hindler! Wala na siya at 'di na siya babalik!” mariing saad nito. May bahid ng galit ang boses nito habang pinapaintindi sa kanya na wala na si Hindler. Marahas itong bumuga ng hangin bago muling pinaandar ang kotse. Hindi na ito muling nagsalita. Ngunit habang tumatakbo ang kotse palayo sa club ay bumibigat ang damdamin ni Paisley. Kaya muli niyang binasag ang nakakabinging katahimikan upang kulitin ang ka-partner. Halos dumukwang na siya kay Connor. “Connor, I'm pretty sure that it's him. Si Hindler 'yon!” Umayos siya sa pagkakaupo at wala sa sariling niyakap ang sarili habang inaalala ang imahe ng lalaking kamukha ng yumaong kasintahan. “Ang tindig niya, ang mukha niya. . . at ang mga titig niya. Alam kong siya 'yon,” pamimilit ni Paisley. Napayuko siya dahil sa biglang pagsingaw ng luha sa nga mata. Ang konting luhang iyon ay nauwi sa hagulgol. Ang akala niya ay matatag na siya at akala niya kaya na niyang tanggapin na wala na si Hindler. Pero bakit nakikita niya sa ibang tao ang lalaki? Is she imagining things because of too much longing? Paisley becomes softer again. Just the thought of Hindler makes her a naive woman again. Even the culprit is just sitting next to her. How can she break out the RDS if she is soft like this? Naikuyom ni Connor ang isang kamao na hindi nakahawak sa manibela. Matiim ang mga mata nitong tumingin kay Paisley pero hindi nakaramdam ng anumang pagkahabag. Kapagkuwan ay napailing ito dahil sa pinagsasabi niya. Ilang minutong namalagi ang katahimikan maliban sa mahihinang hikbi ni Paisley. “I guessed you're tired, Violet. You should go home and rest. I'll pick you up tomorrow,” basag ni Connor sa katahimikan kapagkuwan. Inihinto rin nito ang kotse at tahimik siyang pinagmasdan. “But--” hindi na nakapag-protesta si Paisley ng makitang nakaparada na ang sasakyan ni Connor sa harap ng condominiun niya. Walang nagawa si Paisley kundi ang tahimik na tumango. Wala siyang kalatoy-latoy na bumaba ng sasakyan. Ni hindi na niya nagawang lingunin ito nang makababa. At wala na siyang lakas upang makipag-argumento rito. Hindi na niya pinansin ang matiim na pagsunod ng tingin nito sa kanya habang papasok siya sa lift ng tinutuluyang condo. Ukupado ang isip ni Paisley ng lalaking kamukha ni Hindler habang nakasakay siya ng elevator. Kaya hindi niya napansin na imbes na sa 13th floor siya lalabas ay sa 12th floor siya nakalabas. Iiling-iling na naghagdan siya patungo sa unit niya sa 13th floor. Bago tuluyang buksan ang pintuan ng unit ay napatingin sa siya saradong unit sa dulong bahagi ng corridor. She wondered if somebody is staying there. Dahil simula nang tumira siya sa Diamond towers ay wala siyang naabutan na nagbubukas ng pinto. Kibit-balikat na ipinagsawalang bahala niya ang naisip. Pagod na binuksan niya ang pinto at walang pakundangang dumiretso sa banyo. Kailangan niya ng matinding babaran ng katawan. Naiisip pa lang niya ang paghaplos ng target niya kanina ay nawawala na ang bigat ng pakiramdam na nararamdaman ni Paisley. Napalitan na agad iyon ng inis at pandidiri. “The smells of that dirty old man, really stinks! F*ck him! You didn't deserve a single beating. Pasalamat ka at nagmamadali ako. Dahil kung hindi ay pinaglaruan pa sana kita. I should've cut his balls!” inis na bulong niya habang 'di mapigilang amuyin ang sarili. Langhap na langhap niya ang mabahong laway ng matanda dahil sa walang tigil nitong panghahalik nito sa kanya. Sa isiping iyon ay lalo siyang nandiri sa sarili. Mabilis na pinuno ni Paisley ang bathtub ng tubig. Upang mapadali ay nilakasan niya ang agos ng tubig. Sandamakmak na bath soap ang inilagay niya saka pinabula iyon ng husto. Matapos maghubad ay kaagad siyang lumusong. Saka niya maiging kinuskos ang katawan upang siguradong wala ng anumang amoy ang dumikit sa balat niya. At upang masigurong tanggal ang pakiramdam niya na may humahalik sa katawan niya. Pagkatapos magkuskos at masigurong wala ng naka-kapit na amoy ay d-in-rain niya ang bathtub. Saka niya pinalitan ng malinis na tubig at nilagyan ng bath oils. Sumandal siya sa gilid at ipinikit ang mata. To ease and calm her chaotic mind. Pero sa pagpikit niya ay bigla na namang lumitaw ang imahe ng lalaking nakatitigan niya kanina. Muli na namang nakaramdam ng lungkot si Paisley. “Hindler. . .” malungkot na usal niya saka muling napaluha. With her eyes closed, her mind drifted away to the memories of when she first met Hindler. “Chloie, Dalhin mo 'to sa kwarto ni Hindler sa taas. Siguradong nagugutom na sa kakagala ang batang iyon,” utos kay Paisley ng mayordoma ng pinasukang mansiyon bilang isang katulong. Ini-abot nito sa kanya ang tray na may lamang isang plato ng fried chicken at isang basong fruit juice. Kaagad namang tumalima si Paisley upang sundin ang inuutos nito. Bilang isang bagong katulong ay kailangan niyang magpakitang-gilas. Ayaw niyang mapahiya at ayaw niyang masabihang tatamad-tamad. Pero ang totoong dahilan ay gusto niya lang usisain ang magiging target niya. Kahit hindi siya sanay sa gawaing bahay ay pinasok niya ang pagiging katulong. Hindi siya dapat mag-inarte. Bahagi ito ng kanyang misyon. Kailangan lang niyang tapusin agad ang target para matapos na ang pakay niya sa mansyon. Umaga pa siya nakarating ng mansyon, galing kunwari sa agency na nagha-handle ng tauhan ng mansiyon. Pero ni hindi pa niya nasilayan ang mukha ng boss niya. Ang target niya. Marahil ay kakauwi lang nito tulad nga ng sabi ng mayordoma. But the time has come. Bago pumunta sa kuwarto ng target ay mabilis na kinuha ni Paisley aka Chloie sa bulsa ang maliit na bote ng lason. Luminga-linga muna siya sa paligid. She already circled the house to check for the cctv's angle. Kaya alam na niya ang lugar na pwedeng mapag-taguan na hindi siya makikita ng camera. Nang masigurong clear na ang paligid ay walang atubiling ibinuhos niya ang laman ng lason sa baso ng orange juice na hawak. Sinaid niya iyon hanggang sa huling patak. Napangisi siya. One day is enough! Ayaw ko ng magtagal dito! “I'll swear. After this, boy, mahimbing na mahimbing ang tulog mo, hanggang sa kabilang buhay,” nakangising hiyaw ng isip ni Paisley. Papalapit na siya sa kwarto ng binata kaya inihanda niya ang sarili. Nakaready na ang escape plan nila ng partner niya sakaling magawa na niya ang misyon. At iyon ay ang patayin ang lalaking tinatawag na Hindler. Ayaw niyang tumagal sa malayong lugar na ito, she will take this light and easy. Inayos muna ni Paisley ang sarili bago kumatok. This is it, Violet. Just give him the drink, and it’s done. Tatlong magkakasunod na katok ang ginawa niya bago ito tinawag. “Sir?” tawag niya. Pero dalawang beses na niyang inulit ang pagtawag ay wala pa ring sagot mula sa loob. Kaya naman nagpasya na siyang pihitin ang doorknob at unti-unting binuksan ang pinto. Sa pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang isang lalaking naggigitara. Nakasandal ito sa headboard ng kama at nakasuot ng headphone, kaya siguro hindi siya naririnig. Bagama't nakapikit ay nakapaskil ang naka-kaakit na ngiti nito habang nagpapatugtog. Napako sa kinatatayuan si Paisley. S-um-entro ang tingin niya sa gwapong mukha ng binata. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumahip ang kaba sa dibdib ni Paisley habang nakatitig sa maamong mukha ng boss niya. Yes, she admits. Hindi lang ito basta gwapo. Malakas din ang appeal nito lalo na kapag tinititigan ang maamo nitong mukha. “I wonder. Ano kayang meron sa likod ng nakasarado niyang mata? Does he have a seductive look?” wala sa sariling bulong niya habang hindi mapigilang tumitig sa nakapikit na mukha ng lalaki. “What's happening to you, Violet? Ba't ba ganyan ang iniisip mo? And why the heck are you feeling that way? Nasaan ang matapang at manhid na walang pakialam sa pagmamahal na si Violet Striker? Will you please concentrate on your mission?” kaagad na kontra ng kabilang side ng isip niya. Muntik pang mabitawan ni Paisley ang hawak na tray ng bigla na lang itong magmulat at matiim na sinalubong ang titig niya. “Yes?” baritono ang malamig na boses na tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang titig sa kanya. Hiniwalay lang nito ang tingin nang Inilapag nito sa kama ang hawak na gitara at isinukbit sa leeg ang headphone. Ipinagsalikop nito ang mga braso saka muling tumingin sa kanya. Alam ni Paisley na simple lang ang ganda niya dahil ibinagay niya lang iyon sa isang simpleng Chloie Pineda. Pero alam niyang kahit naging morena ang kulay ng balat niya ay nandoon pa rin ang kagandahan niyang taglay. Her chocolate brown deep-set eyes, her pointed nose and seductive lips na may natural na pagkapula at ang kanyang divided chin. Siguradong kahanga-hanga pa rin ang angkin niyang ganda. “Ahh. . . Kasi. . .” nauutal na wika niya. Bigla yata siyang natameme sa klase ng titig nito. Ang kulay asul na dagat na mga mata nito ay matiim na nakatitig sa kanya na may. . . paghanga? Lahat yata ng baon niyang tapang ay biglang naglaho. This is the first time that this is happening to her. Hindi niya maintindihan kung bakit. Hindi siya madaling ma-attract sa isang lalaki lalo na kung kakakita pa lamang. Biglang naalimpungatan sa pagmumuni-muni si Paisley ng nakarinig ng mahinang kaluskos mula sa kuwarto niya. ‘Someones here?’ hindi makapaniwala na tanong niya sa sarili habang nakataas ang isang kilay. Iniwan niyang bukas ang pinto ng banyo dahil mag-isa lang naman siya sa unit at walang sinuman ang puwedeng pumasok doon. Maliban siyempre kay Connor na siguradong pini- pick up ang lock. Tuluyang bumalik sa kasalukuyan ang isip niya at umahon sa bathtub upang tingnan ang pinagmulan ng kaluskos. Ibinalot niya ang katawan sa nakahanda niyang towel at nakatapis na lumabas ng banyo at hinayaan ang basang buhok na tumulo. Dalawa lang ang kwarto sa unit niya. Her own room saka ang mini gym na fingerprint lang niya ang makakabukas. Kinuha niya ang baril na nakatago sa ilalim ng kanyang unan sa kama niya saka dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Tinungo niya ang sala habang ikinakasa ang hawak na baril. “Connor, ikaw ba yan?” sigaw niya. Sigurado siyang tao ang may gawa ng kaluskos na 'yon Dahil wala naman siyang alagang hayop. “Connor?” Muling sigaw niya habang naglalakad papunta sa living room at nilampasan ang mini gym. Kung mayroong ibang tao sa unit niya, it's only Connor. “Connor!” sa pangatlong pagkakataon ay muling sigaw niya. Alam niyang hindi siya dapat lumikha ng ingay upang mahuli ang pangahas. But she is getting a bit impatient. She wants to take her sweet time in the bathtub to reminisce Hindler's memory. Sa huling tawag ni Paisley ay may bahid na ng inis sa boses niya, pero wala pa rin siyang naririnig na sagot mula kay Connor. She frowned. Imposibleng may ibang tao sa bahay niya at imposibleng si Connor iyon. Hindi siya nito pagtataguan lalo na siguro kung makita nito ang ayos niya. Madilim ang paligid dahil hindi niya binuksan ang ilaw kanina nang makapasok dahil agad siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Tanging ang liwanag ng bilog na buwan ang tumatanglaw sa kanyang sala, pero sapat na iyon upang makaaninag kung may bulto ng taong nakapasok. Paisley walked tiptoeing until she reached the living area. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya habang mahigpit na hawak ang baril na nakahanda ng iputok anumang sandali. Nang makasigurong walang tao sa sala ay lumapit siya sa pinto papuntang kusina at dahan-dahang pinihit ang doorknob. Nang mabuksan ay marahan niya iyong tinulak sa pamamagitan ng baril na hawak. Kinapa niya ang switch sa gilid ng pintuan upang i-on ang ilaw. Nang bumaha ang liwanag at mapagtantong walang tao ay inis niyang ipinatong ang baril sa mesa. Tinungo niya ang fridge upang kumuha ng tubig. Bahagyang nanlamig ang pakiramdam niya ng buksan ang ref at bumuga ang malamig na hangin mula sa loob. Pero bahagyang tumaas ang balahibo niya ng maramdamang may mainit na hiningang humaplos sa punong tainga niya at sandali siyang natulos sa kinatatayuan. Kasunod niyon ay ang pagbulong ng namamaos na tinig. “I wonder what’s inside with this towel?” Natigilan si Paisley nang marinig ang boses na 'yon. Halos nakadikit na ito sa kanyang tainga. At sa bawat mainit na paghinga nito'y bumabalik ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing kasama niya si. . . “Hindler?” bulong niya. Nanlaki ang mata niya sa naisip. Ang boses niya! Ang boses na laging nagpapabilis ng tahip ng kanyang dibdib. Is this Hindler? Wala na siyang pakialam sa naiisip. Alam naman niyang patay na si Hindler. Kitang-kita niya iyon ng gabing tumakas siya. Nag-aagaw-buhay na ito. Did he really survive? Pero kinontrol ni Paisley ang damdamin. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon niya. Kailangan niya munang mailigtas ang sarili sa kung sino man ito. Inuntog niya ang kanyang ulo sa baba nito at mabilis na tinadyakan ang paa. Pero parang kasingtigas ng bakal ang katawan nito dahil di man lang ito nakaramdam ng sakit. Ni hindi ito tuminag sa kinatatayuan. Akmang sisikmuraan niya ito sa pamamagitan ng kanyang siko pero mabilis nitong napigilan ang braso niya at kinabig siya paharap dito at pasalampak siyang napayakap sa dibdib nito. “Who the heck are you? What do you want from me?” matalim na tanong ni Paisley dito habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito. Ngunit malakas ang lalaki kaya nanatili siyang nakakulong sa matitipuno nitong braso. Pero bakit parang gusto niya ang pakiramdam na magkalapit sila nito? “I'm the one who must ask you that question. Who are you?” sagot nito sa tanong niya pero hindi tulad kanina wala ng lambing sa boses nito. It was sharp and deadly. Cold and it brings chill to the depths of her heart. Hindi siya umimik bagkus ay malakas niya itong kinagat sa dibdib at mabilis na umikot ng bahagya itong napahiyaw sa sakit saka muli niya itong sinikmurahan. This time, mas malakas dahilan upang napaigik ito at bahagyang lumuwag ang pagkayakap sa kanya. Sinamantala niya ang pagkakataong 'yon upang makaalis sa pagkakayakap nito. Hinawakan niya ito sa braso at marahas na tinanggal sa pagkapulupot sa leeg niya. But wrong move. Dahil sa paghakbang ni Paisley ay nahablot nito ang buhol ng nakatapis niyang towel at napaiwan sa kamay nito. Nanlaki ang mata niya ng lumantad ang kahubdan niya. “Wew! Strike two!” nang-aasar at pilyong wika nito. Shit!!! Wala nga pala akong damit! inis na turan niya at walang choice kundi ang humarap dito para hablutin ang towel. Pero sa pagharap niya ay nakatambad sa kanya ang nakataas na towel na hawak nito sa dalawang kamay at nakatabing sa mga mukha nito. Natigilan si Paisley sa ginawa nito dahil alam niyang itinago nito ang mukha para hindi makita ang kahubdan niya. Gentleman huh? She smirked. Walang namagitan na salita sa kanila habang unti-unti niyang inaabot ang towel at ibinaba sa tapat ng dibdib niya. At habang ibinababa ang towel ay unti-unti niyang nasilayan ang mukha nito na lalong nagpatigil sa kanya. Ang makinis nitong noo. Ang makapal nitong kilay. Ang- Hindi pa man niya tuluyang nasilayan ang mukha nito'y isang pamilyar na boses ang umagaw sa eksena. “Violet!” Bago pa man makagalaw si Paisley upang hablutin ang towel sa lalaki ay mabilis itong kumilos at inabot ang switch ng ilaw na nasa likuran niya at mabilis na ibinalot sa kanya ang tuwalya. Biglang bumaha ang dilim sa paligid. Nahigit niya ang hininga ng maramdaman ang matitigas na brasong nakapulupot na sa baywang niya. Kasunod niyon ay ang mainit na labing dumampi sa labi niya. She fought so hard to push him, but her mind was battling. The kiss was so tempting that she couldn't resist it a bit and she likes it. His lips were expertingly moving making her to respond. Nakakapang-init, nakakamanhid. Na wala siyang magawa kundi ang ibuka ang mga labi para tugunin ang nang-aakit nitong labi. But he suddenly stopped. And before she could protest, in a split seconds he was gone in the middle of the dark. “Violet!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD