Napakislot si Paisley nang narinig na tumunog ang cellphone na nakapatong sa recliner, malapit sa kinaroroonan niya. Sinadya niyang lakasan ang volume niyon dahil nagpapatugtog siya ng music habang nakapikit na nakababad sa jacuzzi at nasa isip ang namayapang kasintahan. Solo niya ang pool na kanyang ipinagtaka pero nagkibit-balikat na lang siya.
Nasa Diamonds Tower siya— ang condominium na tinutuluyan sa Makati— matapos takasan ang nangyari sa Casa Merah.
Matamlay siyang umahon mula sa kinalulubugang jacuzzi at tinuyo ang kamay gamit ang towel saka inabot ang cellphone na hindi pa rin tumigil sa pag-iingay. Patamad niyang sinagot ang tawag dahil alam na niya kung sino iyon.
Isa lang naman ang tatawag sa kanya dahil isa lang ang nakakaalam ng bago niyang number. Isa pa, wala na siyang ibang kapamilya na kokontak sa kanya.
“What do you f*cking want, O'neal?” matalim ang boses na tanong niya. Galit pa rin siya sa ka-partner dahil sa ginawa nito kay Hindler at pinangunahan ang desisyon niya. Hindi niya alam kung paano pawiin ang galit na ‘yon sa lalaking itinuring na niyang kapatid at kaibigan.
“Hey! What's with the greetings? Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa pagligtas ko sayo?” nang-aasar na balik tanong nito.
Lalong kumulo ang dugo niya dahil sa wala itong pakialam sa damdamin niya kung nasasaktan siya o hindi. Ang tanging mahalaga rito ay ang trabaho nito.
Madilim ang mukhang sinagot niya ito. “Pwede ba tumigil ka na? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala akong dapat ipagpasalamat? I. Don't. Owe. Anything. From. You!” idiniin pa niya ang mga huling salita upang ipamukha rito ang galit niya.
Simula no'ng araw na nagkatagpo at niligtas 'kuno siya ay hindi na siya nito tinantanan. Paano nga ba niya ito maiiwasan kung lagi silang magkasama sa trabaho? Nagtiim ang bagang niya sa isiping iyon.
“Ow c'mon, Violet Striker. A simple dinner is fine with me,” pamimilit nito at hindi alintana ang galit sa boses niya. Violet Striker ang code name niya kaya ito ang tawag sa kanya ni Connor. “Para saan ba ang pagkakaibigan natin kung sa simpleng dinner lang ay hindi mo ako masaluhan?” nang-aasar na dugtong nito.
Nagtagis ang bagang niya pero pumayag sa gusto nito dahil baka mapatay pa niya ito ng wala sa oras. Dahil sigurado siyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya pumapayag sa gusto nito.
“Fine!”
Dahil sa inis ay kaagad na niyang pinutol ang tawag na hindi hinintay ang susunod pa nitong sasabihin.
Bumalik siya sa pagba-babad sa jacuzzi at mariing napapikit nang maalala ang pagtatagpo nila ni Connor O'neal, her partner, sa bus isang linggo na ang nakakalipas.
“What the f*ck, Connor?” inis na tanong niya sa lalaki nang tuluyan itong makalapit sa kanya. Wala siyang pakialam kung mabasa nito kung ano man ang emosyon ng mukha niya. She wants to show him how angry she is because of what he did. Gusto niyang malaman nito na hindi basta-basta maghihilom ang sugat sa puso niya kahit ano pa ang gawin nito.
Connor smirked as he sat beside her. Wala itong pakialam sa ibang katabi nito dahil sa kanya lang nakatutok ang mata nito.
Dumilim ang loob ng bus nang muli iyong umandar kaya hindi nito nakita ang matatalim niyang tingin.
“What’s up, Violet? ‘Buti naman natakasan mo na sila. I can finally rest,” wika nito. Isinandal nito ang likod sa sandalan ng bus at walang pasabing umakbay ang braso nito sa balikat niya.
Umirap siya kahit alam niyang hindi siya nito makita at pilit na inalis ang pagkaka-akbay nito.
Nang hindi ito sumunod ay malakas niya itong siniko. Malakas itong napaigik pero wala siyang pakialam kahit pa nilingon sila ng ilang pasahero. Tinalikuran niya ito ng tuluyan nang natanggal ang braso nito sa balikat niya at pinanatili ang tingin sa labas ng bintana.
“This is all your fault, Connor! Hindi sana ako tumatakas ngayon kung hindi mo ginawa ‘yon!” galit na asik niya rito.
“Ow c'mon, Violet. Tinapos ko lang ang misyon mo na hindi mo kayang gawin!” giit nito at ipinikit ang mata saka relax na sumandal sa kinauupuan.
Matalim ang matang nilingon niya ito.
“You know that I still don’t have the chance. I am waiting for it, but you f*cking appeared and interrupted my mission!” she hissed. Umuusbong na naman ang galit niya para sa binata.
Connor chuckled and opened his eyes to look at her.
“Don't get me wrong, Violet! Pareho nating alam na hindi mo siya kayang patayin. Why is that?” nakausli ang labing tanong nito. Sa madilim na paligid ay ramdam niya ang matiim nitong titig.
“You're in love with him,” malamig na dugtong nito nang hindi siya umimik.
Iniwas niya ang tingin at muling ibinalik sa labas ng bintana.
“Sinusundan mo ba ako?” iwas niya sa tanong nito.
“I don't need to do that. Alam mong kahit saan ka pumunta ay kaya kitang i-track,” kaswal na sagot nito at ipinikit ang mata.
Marahas siyang bumuga ng hangin at kinapa ang barcode na tattoo sa likod ng kanyang kanang tainga. Ito ang dahilan kung bakit nate-trace siya ng kasapi nila sa agency at ito ang palatandaan na isa siyang agent ng Red Dragon Society.
Walang nakakaalam na isa siyang secret agent o assassin bukod sa lalaking minahal niya, na labis niyang pinagsisihan. Dahil makalipas ang isang linggo matapos niyang magtapat dito ay isang malagim na trahedya ang nangyari na siyang dahilan kung bakit siya tumatakas.
Napalingon siya sa lalaking katabi.
“Ano kaya kung patayin ko ito ngayon?” bulong niya sa isip habang tahimik na pinagmamasdan ang nakapikit nitong mata.
Pasimple niyang inabot ang bag at kinuha mula roon ang natitira niyang syringe. Akmang ituturok na niya iyon sa vial na may lamang nakakamatay na lason nang biglang nagsalita ang lalaki na pumigil sa akmang gagawin niya.
“Don’t you ever try to think about it, honey. We’re in a team, and I just did what is right, not to abort that mission of yours,” seryosong wika nito.
Sa madilim na paligid ay ramdam niya ang pagmulat ng mata nito.
Galit niyang ibinalik ang hawak na syringe sa loob ng bag saka muling ipinagpatuloy ang tahimik na pagmamasid sa labas ng bintana. Mabilis ang takbo ng bus kaya wala rin siyang gaanong nakikita dahil walang gaanong streetlight sa lugar na nadadaan nila pero bilang pag-iwas kay Connor ay sa bintana niya ibinaling ang tingin. Hanggang sa makabalik ng Maynila ay hindi na niya ito pinansin.
Marahas siyang napabuntong-hininga nang muling bumalik sa kasalukuyan ang isip. Payapa na kaya siya ngayong nakabalik na siya sa condo niya? Alam niyang patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng pamilya ni Hindler.
Kahit mali-mali ang impormasyong ibinigay niya sa mga ito ay alam niyang hindi pa rin siya titigilan ni Donya Efifania. Ipapahanap at ipapahanap siya nito dahil sa laki ng kasalanang nagawa niya rito.
Mabigat ang loob na umahon siya sa jacuzzi at muling lumangoy sa mahabang swimming pool. She swam for ten lapses and only stopped when she felt tired. Ilang araw na rin siyang nagmumukmok sa kuwarto. Upang libangin ang sarili ay naisipan niyang bumaba at lumangoy upang hindi sumaging muli sa isip ang namayapang kasintahan.
Pero lalo lang siyang ginugulo ng ala-ala ni Hindler dahil paulit-ulit itong naglalaro sa diwa niya. Matamlay siyang umahon at inabot ang towel na nakaabang sa gilid ng pool nang matapos ang paglangoy saka tinungo ang elevator upang umakyat sa unit niya.
Pagkapasok sa loob ng condo ay kaagad siyang dumiretso sa banyo upang magbanlaw.
Hindi na naman niya mapigilang isipin ang namayapang kasintahan habang nakatapat sa shower. Mariin niyang ipinikit ang mata nang dumaloy ang luha kasama ng lumalagaslas na tubig mula sa shower.
Sa pagpikit niya ay ang guwapong mukha ni Hindler ang nakita niya sa balintataw niya. Ang matamis nitong ngiti na kinahuhumalingan niya. Ang lalaking minahal niya ng totoo.
Hinayaan niyang tangayin ng tubig ang luhang pumatak sa kanyang mata. Matigas ang puso niya. Hindi marunong magmahal. Pero simula nang nakilala niya si Hindler ay nagbago ang pananaw niya sa buhay pag-ibig. Hindi niya alam kung paano nahulog ang loob niya sa yumaong kasintahan. Basta isang araw namalayan na lang niyang tumitibok na pala ang puso niya para rito.
“Hindler. . . I really missed you so much. Alam kong ‘di na tayo magkikita pero umaasa ako na balang araw ay magtagpo ang landas natin at muli kang makasama. Umaasa ako na muli nating ipagpatuloy ang pagmamahalan natin. “Pero paano? Paano natin ipagpatuloy kung wala ka na?” she grieved. Naninikip ang dibdib niya dahil sa sakit dulot ng pagkawala ng kasintahan.
Tumagal siya sa ilalim ng shower upang pakalmahin ang sugatang puso bago napagpasyahang magbihis.
Suot ang boxing shorts, sports bra at ang nakapatong na towel sa balikat niya ay tinungo niya ang kanyang mini gym na nasa loob lang din ng condo unit niya. Pero nagulat siya nang mabungaran sa sala ang nag-iisang lalaking kinaiinisan niya at printeng nakaupo sa sofa na para bang pag-mamay-ari nito ang unit niya.
“What the f*ck!” madilim ang mukhang asik niya rito. “What are you doing here at paano ka nakapasok sa unit ko?” tiim ang bagang na tanong niya. Kumuyom ang kamao niya habang tinitingnan ito. Tinatantiya ang dahilan kung bakit ito nasa unit niya.
Umayos ng upo si Connor mula sa naka de-kuwatrong upo nito sa sofa at taas kilay na tumingin sa kanya.
“Bumaba yata ang self-defense mo, Violet? Ni hindi mo na namalayang nakapasok na ako. Ang daling buksan ng lock mo. Pumupurol na ata ang talas ng pakiramdam mo!” pang-aasar na sagot nito.
Hinablot niya ang pigurin na nakadisplay sa glass cabinet na katabi niya at malakas na ibinato rito sa sobrang inis.
“Puwede ba, Connor? Get out of my house!” matigas ang boses na taboy niya rito at walang pakialam kung mabasag ang pigurin na ibinato rito.
Umilag ito pero mabilis na nasalo ang figurine sa takot na makabasag.
“Hep-hep!” awat nito nang akma siyang susugod. Hawak-hawak nito ang figurin na sinalo nito. “Stop it now, Violet! Your emotions are getting into you. Itigil mo na ang kahibangan mo sa lalaking 'yon. Wala na siya. Alam mong hindi tayo puwedeng umibig lalo na sa target natin,” madiing wika nito. Naglakad ito palapit sa kanya upang ibalik sa kinalalagyan ang figurine na hawak.
Dala ng matinding galit, mabilis na umigkas ang kamao niya at malakas na sinuntok ang sikmura nito nang makalapit ito sa kanya. Hindi ito nakahuma dahil dala ng pagkabigla dahil sa ginawa niya.
“You know I always want to do this to you!” malamig na saad niya at madilim ang mukhang tumingin dito.
Connor grimaced in pain. Sapo ang sikmura nitong humarap sa kanya.
“Ano ba,Violet? Kailan ka ba titigil sa kahibangan mo? Mag move-on ka na. Hindi siya ang lalaking nababagay sayo! Wala, walang lalaking dapat na umibig sayo!” matigas na wika nito habang iniinda ang sakit dahil sa suntok niya.
Lalong tumalim ang titig niya rito. She smirked and uttered another word to him.
“And who do you think you are para sabihan ako ng ganyan? Wala kang karapatang pigilan ako, Connor. Wala kang pakialam kung sino man ang gugustuhin ko. Wala kang karapatang diktahan ang puso ko kung sino ang iibigin ko!” galit niya itong tinalikuran, “And just to let you know, hinding-hindi ako mag mo-move-on kay Hindler dahil siya lang ang nag-iisang lalaking uukupa dito sa puso ko,” hinarap niya itong nakaturo ang daliri sa dibdib kung saan ang puso niya.
She felt a lump in her throat and wanted to cry, again. Kaya agad siyang tumalikod dito bago pa man nito makitang pumatak ang luha niya. Pero bago siya tuluyang makatalikod sa lalaki ay napigilan nito ang braso niya at pilit na pinaharap kaya't tumambad dito ang luhaan niyang mukha.
“Ano? Kukutyain mo na naman ako? Kukutyain mo ako dahil nagpadala ako sa damdamin ko? Dahil mahina ako? Sige, sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Pangaralan mo ako kung bakit ang hina-hina ko!” garalgal ang boses na aniya habang patuloy na umaagos ang kanyang luha.
Malamlam ang matang tinitigan siya ni Connor at akmang bubuka ang labi pero walang salitang namutawi sa bibig nito.
Ipiniksi ni Paisley ang brasong hawak ni Connor na agad nitong binitawan.
“Makakaalis ka na!” malamig ang boses na taboy niya rito saka tuluyan itong tinalikuran at dumiretso sa kanyang mini gym.
Oo, tama si Connor. Lumalambot siya. Bumabalik na ang dating siya. Ang Paisley kung saan marunong siyang magmahal at magpatawad. At lahat ng 'yon ay nagsimula nang makilala at mahalin niya si Hindler. Hindi na siya kasingtigas tulad ng nakasanayan niya, na kayang pumatay ng kapwa kahit inosente.
Love really makes us soft. Love can melt the anger, pain and bitterness inside us. And that's what happened to Paisley. Love gave her a new her. Binago ng pagmamahal niya kay Hindler ang batugan niyang puso. Ang puso niya na matagal na niyang isinara sa pagmamahal. Pagmamahal na ipinalasap muli ni Hindler pagkatapos ng labindalawang taon.
“Argh!” malakas niyang sigaw at sinuntok ang punching bag na nasa harap niya. She needs to calm herself down. Nawawala siya sa focus.
“C’mon, Paisley! Cheer up! You need to get yourself back!”
Wala siyang tigil sa pagsuntok at sipa sa punching bag na nasa harap niya. Dito niya ibinuhos lahat ng galit para kay Connor at hinanakit dahil sa masakit niyang kapalaran. At higit sa lahat paghihinagpis dahil sa pagkawala ng kasintahan.
Makaraan ang ilang sandali ay napahagulgol na naman siya at napayakap sa punching bag. Hindi na niya alintana ang paghalo ng pawis at luha.
“Hindler. . . Patawad. Patawarin mo ako. Dahil sa’kin nawala ka. Pero maniwala ka, hindi ko binalak 'yon sayo at hinding-hindi ko kayang gawin 'yon sayo. I love you, baby. I love you with all my heart,” luhaang bulong niya.
Ilang minuto siyang nanatili sa gano'ng posisyon bago kumalma at ipinag-patuloy ang pag-eensayo. This time, umalis siya sa punching bag at pumunta sa firing station. Soundproof ang mini gym niya kaya walang makakarinig kahit magpaputok man siya ng magpaputok ng baril.
“Don't worry, Hindler. Ipaghihiganti kita. Ako mismo ang papatay sa hayop na lalaking 'yon!” nagtagis ang bagang na bulong niya habang naglalagay ng earcover upang hindi mabingi sa malakas na ingay ng putok ng baril. Ilang metro rin ang layo ng practice target sa kinatatayuan niya. Malawak ang mini gym niya dahil pinasadya niya ang pagdesinyo ng unit.
Matapos mailagay ang earcover ay agad niyang nilagyan ng bala ang magazine ng paborito niyang Glock17. Nang makumpleto ang bala ng magazine ay galit niyang inasinta ang target, kung saan nakalagay ang picture ni Connor saka sunod-sunod na nagpaputok. Nang maubos ang bala ay tiningnan niya ang target. Napangisi siya sa nakita.
Iisang butas lang ang mayroon sa target, lahat ng iyon ay sa noo ni Connor tumama. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang isipin na totoong Connor ang nasa harap niya upang maipaghiganti niya ang nangyari kay Hindler. Pero alam niyang imposible 'yon. Connor is one of the top agents of RDS. Hindi ito agad-agad mamamatay.
“Sige lang, Connor O'neal. Magpakasaya ka ngayong hinayupak ka dahil darating din ang araw na katawan mo na ang paglalandingan ng bala ko! Lahat kayo. Lahat kayong nagpapatay kay Hindler.”
Ibinalik niya sa pagkasalansan sa mesa ang hawak na baril saka muling nagpatuloy sa pag-eensayo. Pero ngayon ang paghawak naman ng pocketknife ang napagbalingan niya. May human size statue siyang inilagay sa loob ng gym para magsisilbing kanyang kalaban. Gawa ito sa matigas na goma upang maramdaman niya ang bawat pag-daplis ng kutsilyo sa statue.
Nasa kalagitnaan na siya ng pag-eensayo nang marinig ang pagtunog ng suot na smartwatch. Huminto siya sa ginagawa at kinuha ang towel na inilapag niya sa mesa saka pinunasan ang pawisang mukha at tiningnan kung saan galing ang message.
“File received”
She frowned when she read the message. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Work.
Lumabas siya ng gym at marahang isinara ang pinto na nag-o-automatic lock saka agad na bumalik sa kwarto at ‘di na tinapos ang pagsasanay. Nang makapasok sa kuwarto ay agad niyang binuksan ang laptop at tiningnan ang file na natanggap mula sa opisina.
Napangisi si Paisley nang mabasa ang bagong misyon. Kailangan niya 'to. She needs this to face Connor para hindi siya maduwag na patayin ito. Kailangan niyang ibalik ang sarili sa pagiging matigas at walang takot pumatay na si Violet Striker.
Siya ang binansagang killer dragon sa Red Dagon Society, dahil kaya niyang pumatay kahit pa may batang nakatingin. Balewala na 'yon sa kanya. Simula no'ng sapilitan siyang ipasok sa RDS ay unti-unti na siyang naging manhid at walang pakiramdam. Not until she met Hindler. Naipilig niya ang ulo nang muling maalala ang kasintahan.
“Tama na, Paisley. You need to concentrate para maabot mo ang sarili mong misyon,” pursigidong bulong niya sa sarili.
Matapos suriin ang file ng target ay agad siyang nagbihis. Mula sa boxer shorts ay pinalitan niya iyon ng ripped jeans at ang suot na sports bra ay pinatungan niya ng fitted na violet turtleneck shirt. Her favorite color. Medyo maiksi 'yon kaya sa bawat paggalaw niya ay kita ang maputi at makinis niyang pusod. Pinatungan din niya iyon ng black leather jacket na binigay sa kanya ni Hindler. Naitago niya ito noong isang araw na lumabas siya ng mansiyon.
Pakiramdam tuloy niya ay kayakap niya ang kasintahan dahil sa naiwang amoy ng pabango sa jacket nito. Malungkot siyang napangiti sa naisip at humarap sa salamin upang titigan ang sarili.
Ipinuyod niya ang lampas balikat na buhok na ngayon ay kulay golden brown na at may highlights pang lightblue. Nagpahid din siya ng konting lipstick para hindi masiyadong halata ang pagkaputla ng labi niya.
She stands six feet flat. Maliit ang bilugan niyang mukha na binagayan ng maliit pero matangos niyang ilong. Her deep-set brown eyes are filled with emotions like anger, guilt, longings, and revenge. Her face screams innocence that fools everyone who is naive about her real identity.
Napabuntong-hininga siya matapos sipatin ang sarili.
“Here we go, Paisley. Balik na tayo sa pagiging mabangis na mamamatay tao,” patuyang wika niya sa sarili bago tuluyang nilisan ang condo.