“Ma, why are you forcing me to go home? I can't leave my job here!” pigil ni Hervey ang pagtaas ng boses habang kausap ang ina sa kabilang linya. Mag-aalas-onse na ng gabi nang bigla na lang itong tumawag.
Kakauwi pa lang niya ng bansa at hindi pa inabot ng isang oras ay pinipeste na kaagad siya nito. He doesn’t like being bothered. Kung ayaw niya ay ayaw niya. Period. That's how he is. But if it something that caught his interest then he can give a damn.
“But, son, can you at least come home for a while? Your brother. . .” she trailed.
Nangunot ang noo niya. Ano na naman kaya ang kalokohang ginawa ng kapatid niya? He is fed up with doing things for his brother. He needs to stand up on his own. Malaki na ito. Kaya na nito ang sarili.
“What is it this time?” naiiritang tanong niya. Ang makapal niyang kilay ay halos magkadikit na dahil sa pagkairita. Padabog siyang humiga sa kama.
When it comes to his brother, her mother is soft that sometimes he feels envious.
“Hindler. . . He is not with us anymore. Can you go home and comfort your mama?” nakikiusap ang napipiyok nitong boses. Halatang hindi ito nagda-drama tulad nang nakagawian nito kapag kausap siya sa telepono para lang mapauwi siya.
“Ano na naman ba’ng ginawa niya, ma?” hindi niya mapigilang tumaas ang boses nang nagtanong.
Mainit ang ulo niya dahil pagod siya sa trabaho at nadagdagan dahil sa pangungulit ng ina kaya napagbuntunan niya ito ng inis. Pero kaagad din siyang humingi ng paumanhin. Ang pinakahuli niyang gusto ay ang magkasamaan sila nito ng loob.
“Sorry, ma,” hingi niya ng paumanhin.
Ngunit tanging impit na pag-iyak ang narinig niya sa kabilang linya.
Nagkasalubong at nag-isang linya ang makapal niyang kilay sa narinig. Sigurado siyang dinadramahan na naman siya nito para lang pauwiin siya sa mansion nila sa Casa Merah. Kilala niya ang ina. She uses Hindler as an excuse to make him go back home.
His brother, Hindler, is a happy go lucky man. Walang itong ibang ginawa sa buhay kundi ang maglimaliw at iwanang mag-isa ang kanilang ina. Kahit ang negosyo nila ay ang ina pa rin ang humahawak dahil walang interes ang kapatid. Mas gusto nitong mag-banda at ikotin ang buong mundo sa mga shows nito.
Hindi na siya nagtataka kung nawawala na naman ito at siya ngayon ang pinipeste ng kanilang ina. Humugot siya ng hangin at marahas na ibinuga saka naihilamos ang malayang kamay sa mukha bago nagsalita.
“Ma, kung ano man 'yang drama niyo, puwede ba itigil niyo na? Alam n'yong 'di uubra sa akin 'yan. I don't want to leave every single task here. Marami akong inaasikaso dito sa resort,” puno ng pinalidad na sagot niya rito. Pagod siya at wala siyang panahon sa drama nito.
Halos sa trabaho na umiikot ang mundo niya. Magmula nang bumalik siya sa Pilipinas sa isla Thalassina na rin ang buhay niya. At ayaw niyang maistorbo lalo na kung may importante siyang misyon.
“I'm not joking, son!” giit nito. Patunay na seryoso ito nang humagulgol ito.
Dinig na dinig ni Hervey sa boses ng ina ang hinagpis at ramdam niyang tunay nga ang bawat tangis nito.
“Hervey, hindi ako nagbibiro. Wala na ang kapatid mo. Hindler is dead!” Humahagulgol na patuloy ng ina.
Namingi si Hervey sa narinig at hindi kaagad nakakilos. Pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya sa balitang pinasabog ng kanyang ina. Walang namutawing salita sa kanyang bibig dahil sa pagkabigla.
Muntikan na niyang mabitawan ang cellphone na hawak dahil nanginginig ang kanyang katawan sa hindi maipaliwanag na dahilan, kung galit o hinagpis.
Ilang segundo siyang hindi kumibo at pilit na inaalisa kung tama nga ang narinig. Nang mahimasmasan ay saka niya tinanong ang ina.
“What are you talking about, ma? What do you mean patay na si Hindler? Is this a prank you pulled out to bring me back home?” mahinang tanong niya. Pero sa kaloob-looban ay nagtatalo ang isip ni Hervey. May naririnig siyang bahid ng katotohanan sa boses ng ina.
Alam niyang hindi ito nagbibiro. Siguro ay ayaw lang tanggapin ng isip niya ang sinabi ng ina. Dahil hindi pa niya kayang tanggapin na wala na ang kapatid. Hervey knows he is in denial stage. Maybe in this way he doesn’t feel any pain for losing his brother.
Denial and acceptance are two different words, but it has the same meaning for Hervey. Denying, so that he can’t feel the pain. Accepting the truth and he will feel every pain. But at the end of the day, even if you accept or deny it, the pain is still there.
So that’s why Hervey thought that denying would be easy. Eventually, the pain won’t penetrate inside him. He’d been in a lot of it for losing his family. He doesn’t want any more pain because it will turn into remorse and anger.
“I am telling you the truth, son,” untag ng kanyang ina. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak, “Hindler. . . Hindler is dead!” pumiyok muli ang boses nito.
Tuluyan nang napabangon sa pagkakahiga sa malambot na kama si Hervey.
Nanikip ang dibdib niya habang iniisip kung gaano ngayon nasasaktan ang ina. Naaawa siya rito. How he wished he was there to comfort her. He wants to hug her and tell her that everything will be alright. But can he?
Kung siya mismo ay nahihirapang tanggapin sa sarili na wala na ang kapatid.
He wants to comfort her mother, truthfully. That's the least he can do to make her feel better, pero wala siya sa tabi nito.
“He's really dead?” mahinang tanong niya. Hindi pa rin siya makahuma.
Hervey knows when he is in battle, he doesn’t feel anything when someone dies. But this is his brother. Kahit kinakainggitan niya ito sa atensyon ng ina ay mahal na mahal niya ang kapatid. Kaya nahihirapan siyang tanggapin ang sinapit nito.
“What happened, ma? How did he die? He is not sick right? He is strong as a bull,” mapait siyang napatawa at malumbay na naglakad patungo sa bintana. Hinawi niya ang kurtina ng kuwarto at tumingin sa nagkikislapang ilaw sa kabuuan ng isla. “Did he die in an accident?” patuloy siya sa pagtatanong. May bikig sa lalamunan niya pero pinigilan niya na lamunin siya ng emosyon.
Hindi siya iyaking tao pero pagdating sa pamilya ay kasing lambot ng tofu ang puso niya.
Kung gaano siya katapang sa bawat misyong hinahawakan ay gano'n naman siya kalambot pagdating sa pamilya. Kahit hindi sila laging magkasama ng kapatid ay mahalaga pa rin ito sa kanya. Ito lang ang tanging nasasandalan niya simula nang namatay ang kanilang ama.
“Hindler was killed. Hindi siya namatay sa sakit o aksidente. Pinatay ang kapatid mo, Hervey! Pinatay nila ang kapatid mo!” mataas ang boses na sagot nito.
Sa tumatangis na boses ng ina ay ramdam ni Hervey ang galit.
Natigilan siya. Is it true? Nagdilim ang mukha niya at nagtagis ang bagang dahil sa poot. Kumuyom ang kamao niya. Hindi siya makapaniwalang pinatay ang kapatid niya. Pero sino? At bakit ang kapatid niya? Is it someone related to his job?
Katanungang hindi masasagot ni Hervey hangga't hindi niya malalaman kung ano ang tunay na nangyari.
Mataman siyang nakinig sa ina habang isa- isa nitong idinetalye ang nangyari sa kapatid. Habang nagkukuwento ito ay panay ang tagis ng bagang niya. Pilit niyang kinokontrol ang galit para sa taong pumatay sa kapatid. He needs to calm down to think of a better solution.
Namumula na ang mukha ni Hervey sa pigil na galit matapos magkuwento ang kanyang ina.
“Damn, b***h! I. Will. Kill. Her!” matigas na aniya. “I'll swear! I will bring her back to you, ma. Ibabalik ko siya sa’yo na wala nang buhay!” madilim ang mukhang anas niya.
Hindi niya akalaing babae ang pumatay sa kapatid. And because of a love interest? F*ck love!
“Walang karapatan ang babaeng 'yon na bawiin ang buhay ng kapatid ko, ma! Wala! God damn it!” he shouted as anger inside him was rising in every second. He needs to blow it off before it's exploded.
He's livid. All he can see is red. He needs to kill. And he swears he will find that woman. Pagbabayarin niya ito sa ginawa nito kay Hindler.
Matagal-tagal na simula nang huli silang magkitang magkapatid dahil sa klase ng trabaho niya. He wanted to surprise him ngayong kakatapos lang niya sa misyon. Humingi siya ng dalawang buwang bakasyon upang makasama ang pamilya at si Velvet, ang kasintahan niya, ngunit ninakaw ng babaeng 'yon ang pagkakataong makita niya ang kapatid. His emotions heightened.
“Send me the details, ma. Ako ang bahalang maghanap sa kanya. I will make sure; she will pay for this!” tiim ang bagang na utos niya sa ina.
Hervey tried his very best na huwag pumiyok ang boses sa kausap. Sa klase ng trabaho niya ay naging bihasa na siya sa pagkontrol ng emosyon pero sa pagkakataong ito ay gustong sumabog ng puso niya sa nabalitaan. Gusto niyang magwala. Pero kinontrol niya ang sarili. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay ang makita ang taong pumatay sa kapatid.
After the talk, his mother sent him the murderer's details through his mail. Walang masiyadong detalye tungkol sa taong pumatay sa kapatid kundi ang biodata nito noong nag-a-apply pa lamang. Ang importante ay ang pangalan at ang larawan nito. Si Rick na ang bahala roon, his hacker.
Nang tumambad sa kanya ang larawan ng suspek ay biglang kumabog ang dibdib ni Hervey. Isang pamilyar na kaba na ngayon lang niya ulit naramdaman. Pero sigurado siyang matagal nang namahala sa puso niya ang kabog na 'yon. Nagising lang nang makita ang larawan ng dalagang pumatay sa kapatid. Bigla nitong ginulo ang sistema ng isip niya habang patuloy na tinititigan ang mukha ng babae sa hawak na cellphone.
Who are you, Chloie Pineda? Why does my heart beats like it know you? tanong niya sa isip.
Why do you look so familiar? Is it you? Are you the girl I’m looking for?
Ipinilig niya ang ulo sa sunod-sunod na naisip. Bakit ba niya naisip na ito ang kababata niya? It can't be her! My cappuchino is dead. And it must not be her! Dahil hindi ko kakayaning malaman na siya ang pumatay kay Hindler.
Suot ang plain black nike t-shirt at maong pants ay tinungo niya ang labas ng unit kung saan naka-park ang kanyang tatlong sasakyan. A Porsche Carrera GT, a Bugatti Veyron and his Ducati xdiavel motorbike na siyang gagamitin niya ngayon patungo sa underground HQ ng CSS.
His unit was on the top floor of HT— Hervey’s Tower. Instead of basement parking, he designed every unit has its car park. HT is a 14th storey building, and a car lift will carry the car up.
Bago siya tuluyang umalis ay sinecure niya muna lahat ng kanyang gamit. Dalawang buwan din siyang mawawala at hindi makakabisita sa isla. Dalawang buwan, kasi gusto niyang sulitin na makasama ang kanyang ina; kung may pagkakataon.
Kailangan niyang siguraduhin na walang makapuslit sa condominium niya, kahit pa ang girlfriend niyang si Velvet. Hi-tech ang lahat ng locks at gamit niya na pinasadya pa niya kay Marx, ang hari ng gadgets at locks, isa sa mga kasamahan niya.
Sa labas ng pintuan ay may voice scanner at six-digit pincode bago tuluyang mabuksan ang unang pintuan. Pagdating sa pangalawang pintuan ay may iris scanner at super electronic card na kailangang i-tap para tuluyang bumukas ang main door. He finds it troublesome so he personally installed it to his smartwatch and in one tap the door will open.
Nang makalabas ng condo ay kaagad na naglakad si Hervey sa sasakyan na gagamitin. His Ducati. Iginiya niya iyon sa carlift bago pinindot ang button pababa. Ilang segundo ang binilang niya bago tuluyang makarating sa baba. At sa loob ng segundong iyon ay hindi maalis sa isip ang mukha ng babaeng pumatay sa kapatid.
Ipinilig niya ang ulo pero kahit anong gawin niya ay nakatatak pa rin sa isip niya ang mukha ng dalaga. Marahas siyang napabuntong-hininga.
Why is she lingering in my mind? tahimik na usal niya.
Nang makarating sa first floor ay magulo pa rin ang isip ni Hervey. Pero hindi niya hinayaang manaig kung anuman ang nararamdaman. Kaagad siyang sumakay sa motorsiklo at bumiyahe patungo sa Headquarters.
Dahil hindi kalayuan ay kaagad niyang narating ang distinasyon. It was a man-made cave entrance. At sa loob niyon matatagpuan ang kanilang opisina.
The CSS Headquarter’s gate was operated through facial recognition, and it was only accessible by CSS agents.
Nang bumuka ang sementadong gate ay mabilis niyang ipinasok ang dalang Ducati. Matapos maiparada sa carpark ay kaagad siyang umibis ng motorsiklo.
Mabilis na nilakad ni Hervey ang distansya patungo sa kanyang opisina. Dala-dala niya sa dibdib ang pait at poot dulot ng pagkawala ng kapatid. Pero pilit niyang pinakalma ang sarili. He doesn’t want to break down in front of his teammates.
Isa pa matao ngayon sa resort at may mga importante silang guest, ayaw niyang makita siya ng mga ito sa miserableng kalagayan. Dadaan siya mamaya sa resort upang kausapin si Velvet.
Hindi kalayuan sa HT at HQ nila ay isang modern resort na pagmamay-ari ng walang iba, kundi siya. Simula nang mamatay sa isang misyon ang dati niyang superior, two years ago, ay binili niya ang buong isla. Ginawa niya iyong hotel and resort bilang cover sa lokasyon ng kanilang headquarter. Isa ito sa dahilan niya kaya pumirmi siya sa Pilipinas.
Ang CSS o Clandestine Secret Service ay branch nila dito sa Pilipinas. Their main HQ is in New York. CSS was built for the FBI and CIA’s specialized and classified mission. A dark side of missions.
The CSS is a highly independent organization to covert a mission that the FBI and CIA couldn’t do because it was against the law. Its purpose was to destroy and sabotage all the black-marketing led by the terrorist, especially those who aim for war. To sabotage the drug den and stop human trafficking.
They were trained to be the best espionage, an agent, a saboteur. Mula sa pag-decode ng ibat-ibang klaseng codes, intercepting signals, setting up explosives, and assassination; they were trained for this. They withstand any interrogation without saying any word about their secret organization.
Sa resort nakilala niya ang girlfriend na si Velvet. She was pretty, tall and tan but the hair was colored blond. Her figure and curve droves him crazy. But his hacker, Rick, hated Velvet the most, thinking she is a spy. He doesn't love Velvet. Siguro masaya lang siya pag kasama ito, lalo na at naibibigay nito ang gusto niya pagdating sa kama.
Hindi niya kayang mahalin ang babae dahil iisang babae lang ang umu-ukopa sa kanyang puso, it was his first love.
Velvet is his resort manager. Pero wala itong kaalam-alam tungkol sa pagkatao niya. Ultimo ang mama niya ay walang alam tungkol sa klase ng trabaho niya. Ang alam nito ay namamahala lang siya ng resort.
Malayo ang isla Thalassina mula sa Casa Merah at wala na siyang time umuwi dahil sa misyon niya. Wala ring oras ang kanyang ina na bisitahin siya sa isla dahil abala ito sa hasyenda. Isa pa, lagi rin siyang nasa labas ng bansa dahil sa mga misyon niya.
Nasa dulo na ng Pilipinas ang Isla Thalassina at halos tanaw na ang karagatan ng Malaysia. This island was a secured spot for tourist. Maputi at pino ang buhangin kaya't mahahalina kung sinuman ang gustong mamalagi sa isla. This was called isla Thalassina because of its lobster like shaped. The shoreline was red from the reflection of the sunset. Ito ang isa sa dinarayo ng mga turista bukod sa nagagandahang istruktura ng hotel na may luxurious rooms and lifestyle ammidities.
Tahimik ang headquarters dahil karamihan sa mga nasa loob ay kanilang IT experts. Abala ang mga ito sa computer na magkakahilera sa gitna ng malapad na control room, kaya’t hindi siya napansin ng mga ito nang pumasok siya. Bukod kay Rick na nasa isang sulok dahil malapit sa pinto ng opisina niya ang kinaroroonan nito. Nakaharap ito sa sariling laptop ngunit alam pa rin nitong dumating siya.
Tinanguan niya ang ka-partner na tahimik din siyang binalikan ng tango. Marahil ay alam na nito ang nangyari. Rick is one of a hacker in the darkweb. Walang makakaligtas na sekretong impormasyon dito.
Pumasok siya sa loob ng opisina upang doon antayin si John Wilson, ang superior niya. He is a big guy, one of his father’s assets. John recruited him in CSS after recovering from his accident twelve years ago. He trained and toughened Hervey before he recruited him to the organization. It was when he knew about what had happened to his father. The sudden urge to kill grows inside him. He used it to withstand the conscience of killing people.
Dahil nasa ibang bansa ang field agent na ka-partner niya, pati ang mga baliw niyang teammates, ay mag-isa lang siya sa opisina. Ipinagpasalamat niya iyon upang mag-isip ng plano kung paano hulihin ang suspek sa pagpatay kay Hindler.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at marahas na ibinuga bago tuluyang umupo sa swivel chair na naroon. Kinuha niya ang cellphone at muling tinitigan ang mukha ng babaeng pumatay sa kapatid.
Muli na naman siyang sinalakay ng pamilyar na kabog ng dibdib habang nakatitig sa larawan nito. The girl looked simple and innocent yet seductive the way she carries her smile. The same look from the woman he known twelve years ago. Simple lang ang walang kolorete nitong mukha. Ang tipo ng babaeng hindi mo kayang pagdudahan.
He narrowed his brows while looking at the photo. He wants to believe this is the girl she felt inlove with. Pero ang matinding pumipigil sa kanya ay ang katotohanang ito ang taong pumatay sa kapatid niya. Naglalaban ang damdamin niya kung galit ba ang nararamdaman niya o... Ikaw nga ba talaga ‘to?
Kaagad niyang naitago ang cellphone na hawak ng biglang bumukas ang pinto. Umayos siya ng upo ng pumasok ang nakakunot noong mukha ni John.
“Hey, buddy!” bati nito at nakipag-forearm shake sa kanya. “Don't file a leave. I'll give you another action. I'm sure, you don't want to miss this!” pahayag nito. Inilapag nito sa mesa ang hawak na folder kung saan ang files ng bagong misyong hahawakan.
Seryoso ang mukhang humarap siya rito.
“Uncle John. . .”
Bumuga ito ng hangin. Naglakad ito saka umupo sa sofang naroon at inihilamos ang palad sa mukha bago nagsalita. “I'm sorry about your loss. I heard from your mother. I'm sorry I failed to protect them. I should have known better. RDS is still hunting you. This is all my fault. Kung hindi ko lang sana pinabalik si Hindler dito, hindi sana mangyayari 'to!” may pagsisi sa boses nito. Malungkot ang mata nitong sumulyap sa kanya.
Mapait siyang ngumiti.
“No. It's not your fault, Uncle John. Ang babaeng iyon ang may kasalanan. At pagbabayarin ko siya dahil sa ginawa niya kay Hindler,” he said firmly. His eyes held lividness. His anger rose again.
Tumayo si Uncle John at lumapit sa table niya saka binuksan ang folder na inilapag kanina upang ipakita sa kanya ang profile na naroon.
Kunot-noo siyang yumuko at pinasadahan ng tingin ang file na inilahad nito.
“Who is this?” he asked, eyes glued on the file.
“Well, he’s one of RDS's agents. A gunner and drug dealer. As we speak, I’m running an investigation into him. I heard his last coordinates were in Casa Merah!” Uncle John said with seriousness in his voice.
Kaagad na nagdilim ang mukha niya nang marinig ang sinabi ni Uncle John. Mahigpit niyang naikuyom ang kamao.
“Connor O'Neal!” malamig ang boses na aniya. Ipinukpok niya ang nakakuyom na kamao sa mesa. “Does this mean that he's one of Hindler's killer?” Mabigat ang loob na pinasadahan niya ng tingin ang hawak na files.
Tumango si Uncle John bilang sagot at naglakad-lakad bago nagsalita.
“Find him, Kurt. Kasama ang kasabwat niya. Dahil sa oras na malaman kong sila ang pumatay kay Hindler, pati buto nila ay wawasakin ko. No one gets away with me, when they messed with my family.”
Hervey took a glance at Uncle John. He can see his dark face full of anger that he’s holding back.
Uncle John is a family he considers mula nang mamatay ang papa niya. Hindi na ito nag-asawa dahil abala sa pagprotekta sa kanila laban sa RDS.
“Don't worry, Uncle John. I'll make them pay!” Nangangalit ang bagang na pangako niya.
Tango lang ang isinagot nito bago tumalikod at iniwan siya sa opisina. Kung masakit sa kanya ang pagkamatay ng kapatid, gano'n din sa Uncle John niya. Itinuring na nitong anak si Hindler. At siya, gagawin niya ang lahat mahuli lang ang taong pumatay sa kapatid.
Tumayo siya at lumabas ng opisina dala-dala ang pangako para sa yumaong kapatid. Nilampasan niya si Rick na nagtatanong ang matang humabol sa kanya.
Dumiretso siya sa resort upang magpaalam kay Velvet. Wala roon ang dalaga ayon sa assistant nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Mananagot na naman siya rito kung hindi siya maka-pag paalam ng maayos.
Ngunit ilang araw nang hindi nagpapakita sa kanya ang kasintahan. Na hinayaan niya dahil hindi naman nito napapabayaan ang pagpapatakbo sa resort. Ang ipinagtataka lang niya ay hindi siya nakakaramdam ng pagka-sabik sa dalaga.
Nagkibit-balikat siya at muling bumiyahe pabalik sa Hervey's Tower. Dumiretso siya sa rooftop kung saan naghihintay si Tyler, ang jet fighter pilot niyang teammate. Ito ang magmamaneho ng chopper niya papuntang Maynila.
“Where to, Larsen?” nakangising salubong nito. “Siguraduhin mo lang na may lalapagan 'tong chopper mo. Kung wala, rappel ka na naman pababa!” Nilingon siya nito mula sa cockpit. Nanatili ang ngisi ng loko habang nakatingin sa kanya.
Napailing siya. Last time he remembered, pina-rappel siya nito pababa sa masukal na kakahuyan. Nasa isang misyon siya noon sa Visayas at walang malapagan ang chopper niya.
“Dylan's. May hellipad ang condo ng lovesick na 'yon. And remind me please, bakit ba ikaw ang nagmamaneho? Akala ko ba sa Afghanistan ka? Bakit imbes na fighter jet ang minamaneho mo, bakit itong chopper ko?” Nakatikwas ang kilay na tanong niya.
Tyler softly chuckles. Nakakaloko ang tingin nitong sumulyap sa kanya bago mina-obra ang chopper pataas ng hellipad.
“Larsen, may I remind you. I'm the best pilot remember that. At na-miss kita kaya ihahatid kita!” Pagbibiro pa ng loko.
“Oh! F*ck up and drive, Tyler!” he grunts.
Tyler chuckles.
“Yeah, yeah! I love to f*ck!”
He chuckled and closed his eyes. Umaandar na naman ang pagkasintu-sinto ng ka-teammate.
Habang paunti-unting tumataas ang sinasakyang chopper ay umuusbong ang galit at pananabik niya na makita ang taong pumatay sa kapatid.
“Wait me, Hindler. Sisiguraduhin ko sayo'ng makikita ko ang taong may sala sayo.”