Delta I

2382 Words
Eye Contact Mula sa condominium niya sa Quezon City ay nagmaneho si Paisley patungo sa office ng Red Dragon Society sa Makati. Nais ng kanyang superior na magkita sila nang kanyang ka-partner para sa bago niyang misyon. Pagka-park ng itim niyang BMW E250 ay inabot niya ang kulay lilang sumbrero sa dashboard. Pagkatapos ay kinuha niya ang nakatagong facemask sa compartment at isinuot bago tumingin sa rearview mirror. Saka lamang siya bumaba nang masigurong ayos na ang get-up niya. Kailangan niyang mag-ingat upang hindi siya mamukhaan ng mga tauhan ng Donya sakaling napadpad ang mga ito sa Maynila. Kaya todo get-up siya. Nag-iba na ang anyo ni Paisley. Mula sa simpleng Chloie Pineda, ay lumabas ang sopistikada pero maangas niyang katauhan. The true nature of an agent. Bumalik na ang dati niyang maputing kutis mula sa pinasadya niyang tan na kulay ng balat. Wala man gaanong pinagbago ang hitsura ng mukha niya ay imposibleng makilala siya kaagad sa kulay ng kutis niya. Walang pumuputi kaagad sa loob lang ng isang linggo. Kahit glutathione ay hindi kaya. Ngunit kahit gano'n paman ay maigi pa rin ang kanyang pag-iingat. She still can't roam around freely. She, even a secret agent, must still hide. For someone like Donya Effifania whose a well-known woman in the secret agents world, can easily track her down. That what she discovered upon spying on Hindler. Pasalamat na lang siya sa hacker ng RDS at magaling ito sa pagtago ng mukha niya sa alinmang sulok ng camera. Hindi rin siya sigurado kung nabisto ng Donya ang tunay na katauhan niya. Kaya ba tinapos na kaagad ni Connor ang misyon niya? Mahigit isang linggo pa lang ang nakakalipas matapos ang pagkamatay ng kasintahan. Siguradong mainit pa rin siyang hina-hunting ni Donya Effifania. And within those past weeks, the pain and longing for Hindler are still lingering around her. Walang kasing-sakit ang mawalan ng taong minamahal. Paisley has been there a lot of times. Pero kahit ilang beses na siyang nakaranas na masaktan ay lalo lang tumitibay ang loob niya. Paisley barely manages to eat. Kung hindi lang sa pangungulit ng ka-partner ay hindi na siya lalabas ng condominium unit. Miss na miss na niya si Hindler. But she needs to keep going. Gusto niyang ipaghiganti ang pagkamatay ng kasintahan. Gusto niyang buwagin ang ahensyang may hawak sa kanya. Nagkapatong-patong na ang kasalanan ng mga ito sa kanya. Nang tuluyang makalabas ng sasakyan ay umakyat siya sa level one ng building mula sa basement parking upang tunguhin ang elevator. Nasa 10th floor ang office ng RDS at kadalasan ay hinahagdan na niya ito paakyat, bilang workout routine, pero ngayon naisipan niyang mag-lift. She felt gloomy, not in the mood for anything so the one thing in her mind to escape from this, is to buy a gun. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay inabala niya ang sarili sa pag ba-browse sa paborito niyang online store upang maghanap ng bagong baril. It is covered by RDS and private for all their agents and clients. So even if it's online she's not afraid to buy, it is safe. Hindi pinansin ni Paisley ang ibang tao, na karamihan ay empleyado ng RDS na naghihintay din sa pagbukas ng elevator. Kahit ang pamilyar na presensiya na tumabi sa kanya. She was so engrosed while looking at the display of guns on her phone. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay kaagad siyang pumasok habang nakatutok pa rin sa cellphone ang mga mata. Hindi niya napansin ang lalaking katabi na nakangisi habang nakatitig sa kanya. She let her guard down because she knows she is inside of RDS building. For an agency like them, even this is just the secondary office, the security is tight. All the employees are knowledgeable about safety and precautions of the agents. Napakislot si Paisley nang biglang bumulong sa tainga niya ang lalaking katabi. Marahil hindi na makatiis sa pag-iignora niya. She can feel his piercing gaze yet buying guns online is more important than him. “Hi there, partner!” a familiar teasing voice sounded her ear. Mahina pa nitong binugahaan ng hangin ang tainga niya na nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alertong lumingon si Paisley sa katabi. Irritation filled her eyes. Ayaw niyang iniistorbo ‘pag nag-oonline shopping siya. Besides, this is her stress reliever. Hindi na siya nagtaka nang mapagsino ito. Kilalang-kilala na niya ang awra nito. Malisyoso. Kahit siya ay kilala rin nito kahit pa nga may tabon ng face mask ang mukha. Marahas niyang inalis ang nakatakip na face mask sa mukha at inis itong nilingon. “Partnerin mo 'yang mukha mo!” magkasalubong ang kilay na asik niya rito. Ibinalik niya ang tingin sa cellphone na hawak at nagpatuloy sa ginagawa. Gustuhin man niya itong sigawan ay 'di niya magawa, may ibang nakasakay sa elevator. It would be unprofessional of her. The employees here are love gossiping rumors. There are already rumors spreading about her and Connor-her partner- about their relationship. But afterall it was just a rumor, as the relationship among agents are forbidden. “Ouch, partner! Ang sakit na naman ng bungad mo sa'kin!” natatawang asar ni Connor bagama't kontrolado ang boses. Sinapo nito ang dibdib at umaktong nasasaktan. Bahagya itong dumikit sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita. “I’m still your partner, you know!” He whispered beneath her ears. Nanindig ang balahibo ni Paisley sa ginawa ng ka-partner. Dahil halos magkasingtangkad lang sila nito ay ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nitong humahaplos sa punong tainga niya. But that didn't give Paisley a good feeling. It's annoying her. Sa sobrang inis ay malakas niya itong sinikmuran gamit ang siko dahilan para mapaigik ito sa sakit. Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng ibang nakasakay sa elevator. Kunot ang mga noong lumingon ang mga ito sa kanila. Paisley faces them apologetically with a fake face. Nakangiwing nginitian niya ang mga ito. “Ah. . . pasensiya na po,” hinging paumanhin niya sabay taas sa dalawang kamay upang ipakita ang sensiridad, “Masakit lang kasi ang tiyan nitong kasama ko, hindi niya mapigilang mamilipit sa sakit,” dugtong ng dalaga. Kunwari niyang hinawakan sa braso si Connor upang suportahan ito. Napangisi siya ng lingunin niya si Connor na namimilipit pa rin sa sakit. Malakas ang pagkasiko niya rito, sigurado siya roon. Pero hindi siya nakaramdam ng awa. The anger she felt for him is nothing compared to the pain he felt now. Kung puwede nga lang na tuluyan na niya itong kitlan ng buhay ay gagawin niya upang maipaghiganti ang pagkamatay ni Hindler. But she must be patience. Every plan must brew and execute properly for the winning side to be hers. “Violet!” Nanlilisik ang matang asik ni Connor sa kanya. Mahina ang boses nito ngunit puno ng puwersa. Ngunit alam ni Paisley na kahit anong gawin niya sa ka-partner ay balewala rito. She knew Connor valued her so much. Humalikipkip siya at hindi ito pinansin. Mamaya na niya ipagpatuloy ang pagtingin sa bagong baril. “It doesn’t matter, Violet. I'm still your partner for the next mission, you know,” nakangising usal nito at sumandal sa pader ng elevator. His handsome face shows his dimple when he smirks. His features match that smirk, dark and mysterious, but that doesn’t affect Paisley. Ang braso nitong nakahalukipkip ay ibinababa nito at ibinulsa ang kamay. Kunot ang noong nilingon ni Paisley ang binata nang ma-realize kung ano'ng ibig sabihin ng ka-partner. Matiim ang titig nito sa kanya ng malingunan niya. “What did you say?” siya naman ang magkasalubong ang kilay na nagtanong sa binata. As long as she can, she doesn’t want to partner with Connor anymore. Mas gusto niya ang solo mission, lalo na at minemendahan niya ang sugatang puso. Napalakas ang pagkakatanong niya kay Connor kaya muling naglingunan ang kasabayan nila sa elevator. Ngunit hindi ito pinansin ni Paisley. Kay Connor ang atensyon niya na ngayon ay nakangising nakatingin sa kanya. Hindi sumagot ang binata. Kinindatan lang siya nito na lalong nagpatindi ng inis ni Paisley. Saktong tumunog ang lift at idinala sila sa palapag na kanilang patutunguhan kaya tuluyang hindi sumagot ang binata. Nagpatiunang lumabas si Connor at dali-daling sumunod si Paisley. She wants to extract Connor from her next mission. To achieve that, Paisley needs to go to their superior’s office. But to ask for the higher-ups, she needs Connor. “Wait! What the f*ck, O'neal?” she grunted grinding her teeth. Mabibilis ang hakbang niya na nakasunod dito. Hindi siya sinagot ni Connor at nagpatuloy lang ito sa mabilis na paglalakad hanggang sa makapasok sila sa opisina ng kanilang superior. Sub office lang ang buong building na ito ng Red Dragon. Ginagamit ito kung may mga meeting na hindi gaanong classified. The top-secret mission and classified information were held in the main office. Ang main base ng RDS ay abot langit niyang kinasusumpaan. As long as she wants, she doesn't want to come back to that place. “Connor!” naaasar na sigaw ni Paisley sa lalaki habang patuloy ito sa paglalakad patungo sa office ng superior nila. Habang siya ay malalaki ang hakbang na nakasunod dito. Pinagsa-walang bahala niya ang nagtatakang tingin ng ibang empleyado na nadaanan nila. Kahit ang naguguluhang mukha ng sekretarya ng superior nila ay hindi pinansin ni Paisley. Nakasentro ang tingin niya sa hinahabol na ka-partner. Hanggang sa makapasok sila sa loob ng office ay hindi pa rin nawawala ang inis niya kay Connor. Kunot ang noong napatingin ang kanilang superior ng makita ang hitsura niya na nagmamadaling sumusunod kay Connor. “Yes, Striker?” Scott Stanford’s cold voice drifts through the room. The atmosphere around suddenly changes. Paisley feels the intimidation around with this guy. The coldness on his voice. The superiority. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa huling misyon niyang pumalpak. Pero ipinagsawalang-bahala niya iyon. That mission is also critical for her. Kaya wala siyang gaanong pakialam kung hindi niya naisagawa ng maayos ang huling misyon. Handa siya sa anumang parusang ibibigay nito, kung meron man uli. “Well, sir,” si Connor ang sumagot. Umupo ito sa upuan na kaharap ng mesa ni Scott Stanford bago tumingin sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Miss Striker here,” hinawakan siya nito sa braso at hinila paupo sa single sofa na katapat nito. “Wants to make sure that I will really be her partner for this mission. We will make a good team, right Striker?” may bahid ng pang-aasar ang boses ni Connor habang nakataas ang sulok ng labi nitong nakatingin sa kanya. Napaawang ang labi at hindi makapaniwala si Paisley sa sinabi ng binata. Ayaw niya. Ayaw na niyang maka-partner ito sa anumang mission at baka matuluyan na niya ito. Masisira ang plano niya. Naikuyom niya ang kamao sa pigil na inis. Bago niya maibuka ang bibig upang magprotesta ay ang malamig na boses ng superior ang nagsalita. “Do you have a problem with that? If no, then you all can leave!” asik nito saka pabagsak na inilapag ang files sa harapan nilang dalawa bago sila tinalikuran at tumungo ito sa inner office nito. Malawak ang office nito at sa pinakasulok ay ang pinto patungo sa sinasabi nitong inner office. Ang superior lamang ang tanging makakapasok doon, kaya may hinala si Paisley na may tinatago ito roon. And she already planning in mind how to infiltrate that office. Madilim ang mukhang tumingin siya kay Connor na nakangisi hanggang ngayon. Paisley felt enraged seeing that smiling face of her partner. Her eyes bloodshot while staring at him. If looks could kill, Connor will be long time dead. “Why, Violet? Ganoon na ba talaga ako kaguwapo para iwasan mo? Kaya ayaw mo akong maging ka-partner? Takot kang ma-inlove sa'kin?” nang-aasar na namang tanong ni Connor na nagpakulo ng dugo niya. Kumindat pa ito bago inilapit ang mukha sa mukha niya. Paisley's brows knitted, and her leg reacts fast. Bago tuluyang makalapit ang mukha ni Connor sa mukha niya ay kaagad na lumipad ang paa niya at tinadyakan ang tiyan nito. Dahil hindi nito akalaing magagawa niya iyon ay bukas ang depensa nito. Tumama ang paa niya eksakto sa puson nito. Napangisi si Paisley nang makitang namilipit sa sakit ang ka-partner. Hindi niya ito tinulungan at hinayaan itong masaktan. Her kicked was strong. Tumayo siya sa sofa at taas ang kilay itong tinalikuran matapos kunin ang files na ibinigay ng superior nila. Bilang sagot sa sipa ni Paisley ay mahinang tawa ang ginawa ni Connor. Saka niya naramdaman na tumayo ito mula sa kinauupuang sofa. “You love me that much, Partner? You treat me so well. I appreciate it,” puno ng panunukso ang boses nito. Paisley halted her steps but didn't looked back. “Shut your Goddamn mouth and let’s discuss about the plan,” asik niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng opisina. There is no use in staying in the superior's office. Ayaw niyang magtagal dito. The killing intent inside her are just churning and her mind keep thinking of killing. Dahil alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon para maghiganti ay kailangan niyang pigilan ang sarili. A plan must be ripened to produce a sweet revenge. And she is looking forward for it. Akmang hahawakan na niya ang handle ng pintuan ng biglang nagsalita si Connor. “Where are you going? Akala ko ba pag-uusapan natin ang plano?” may bahid ng pagtataka ang boses nito ng tanungin siya. Marahil ay nag-aalala na naman ito baka iwanan na naman niya ng hindi napag-uusapan ang plano. “Oo nga, pero do'n sa mesa ko. Hindi sa mesa ng boss mo!” Malamig ang tinig na sagot niya bago tuluyang binuksan ang pintuan at lumabas. Saka siya dumiretso sa sariling cubicle. Nakasimangot ang mukha niya at nakahalukipkip na umupo. Habang hinihintay ang binata na makapasok ay hindi siya umimik. Napailing na lang si Connor sa sinabi niya bago tuluyang umupo sa mesa niya habang siya ay nakaupo sa upuan. Halos magkadikit na ang katawan nila at hindi pansin ni Paisley ang malagkit na titig sa kanya ng binata. Abala siya sa files na hawak at puno ng konsentrasyon na pinag-aralan ang target. She needs this new mission to escape from the painful memories of Hindler.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD