“Hindler?”
Nanatiling tahimik si Hervey. Hindi siya kumibo habang matiim na nakatitig sa dalaga. Tulala itong nakatayo sa gitna ng pinto ng elevator.
Ngayong natitigan ito ni Hervey sa malapitan at wala nang kolorete sa mukha ay nasisiguro niyang ito nga si Chloie. Mas malinaw na ang pagkakahawig nito sa larawang i-s-en-end sa kanya ng ina. Bagama't maputi at makinis ang balat ng dalagang nasa harap niya ngayon, malaki ang pa rin ang pagkakahawig nito sa suspect.
Ilang segundong nakatitig lang sa kanya ang babae. Puno ng pangungulila at lungkot ang mga mata nito. She was standing in the middle of the elevator's door. Rooted and couldn't move a single step.
‘What the heck is she standing there for? And why I am not doing anything? Shouldn't I be grabbing her and surrendering her to my mother?
Hervey's minds were in turmoil seeing the woman up-close. Kaya kahit alam niyang ito ang killer ng kapatid niya ay wala pa rin siyang ginagawa. Pero nang papasara na ang pinto ng elevator ay malakas niyang hinatak ang babae. Dumiretso ito sa malapad niyang dibdib.
Walang ibang taong sakay ang elevator kundi sila lamang dalawa. Hervey gasped as he inhaled her sweet and seductive perfume. Nang-aakit ang bango nito upang lalo pang hapitin ang baywang nito. Nang-aaya sa kanya upang lalong idikit ang katawan nito sa kanya. He even smells her conditioned hair. ‘Fck! How can I let go of this sweet sensation? The heck Hervey, wake the fck up!’
Hervey was enjoying the scene when was pushed suddenly. Napalunok siya at kaagad na binitawan ang dalaga at hinarap ito. Nagbago ang hitsura niya at malamig ang mga tinging ipinukol dito.
“Who are you?” may talim na ang mga mata nito nang humarap sa kanya. Malamig ang boses nito nang nagtanong. Nakabawi na pala ito sa pagkatulala.
Hindi kaagad nakaimik si Hervey. Hindi dapat nito malaman kung sino siya at baka mabulilyaso pa ang plano niya. He wants to know her first kung ano ang kaugnayan ito kay Hindler. What's their reason for killing his brother? Sa ngayon kailangan muna yata niyang paghirapan 'yon.
“Who are you?” muling tanong ng dalaga kay Hervey.
Nahagilap ng mata niya ang pagkuyom ng kamao nito habang matalim ang matang nakatitig sa kanya.
The elevator was slowly going down. Each one of them is vigilant against the other. Analyzing each other's identity.
Nanatiling nakatikom ang mga bibig ni Hervey at hindi nag-abalang sagutin ang tinatanong ng dalaga.
“Sino ka! Ba't ayaw mong sumagot!” tumaas ang boses nito sa pagtatanong sa kanya at nahuli niya ang mata nitong bahagyang namamasa sa luha. Ang mga kamay nito ay nanatiling matiim na nakakuyom.
Natigilan si Hervey nang makita ang emosyon sa mukha nito. There is really a feeling deep in her eyes for someone who look like him.
Seconds later the lift rang and the door opened. Giving Hervey no time to speak. A group of teenagers walked inside with their sports bags hanging on their shoulders. The lift can carry until thirteen persons and the newcomers were already fourteen. The lift stuck. Overweight.
Sinamantala agad ni Hervey ang pagkakataon. Mabilis niyang nilisan ang elevator at malalaki ang hakbang na tumakbo palabas bago pa man siya masundan ng babae. Mabuti na lang naharangan ito ng mga kabataang kapapasok pa lang. Giving him enough time to escape. He come out the building safe and free.
Nasa ikalawang palapag huminto ang elevator kaya mabilis niyang tinungo ang hagdan pababa. Kaagad siyang dumiretso sa naghihintay niyang sasakyan. This is his car that was deliverd last night from the island. Alam niyang susundan siya ng babae kaya naman agad niyang inarangkada ang sasakyan palabas ng gusali.
Nakahinga lamang ng maluwag si Hervey nang mapagtantong wala ng nakasunod sa kanya at malaya na siyang nagmamaneho patungong SLEX.
“Lumiliit na ang mundo niyo ng babaeng 'yon, Hervey. Kailangan mo nang gumawa ng paraan upang mahuli siya,” he said puffing out a small yet unsettled breath.
Kampante si Hervey na hindi ma-t-trace ang sasakyan niya. Dahil magaling ang ka-partner niyang hacker, si Rick. Before someone can get a trace of his car it was already block by the system on his car, created by Rick.
Halos walong oras din ang b-in-yahe ni Hervey mula sa Maynila papuntang Casa Merah. Mag aalas-kuwatro na ng hapon ng makarating siya. Dumiretso siya sa burol ng kapatid sa Casa Merah memorial, kung saan nakalagak ang bangkay nito.
Humugot si Hervey ng lakas ng loob at inayos ang nakabusangot na mukha bago bumaba ng sasakyan. Ayaw niya sa mga ganitong okasyon lalo na kung isa sa pamilya niya ang nakahimlay. Sanay siyang pumatay ng tao, pero hindi ang um-attend sa lamay ng mga ito. He just wants to see Hindler for the last time.
Nang tuluyang makalapit sa puntod kung saan kakatapos lamang mag sermon ng pari ay tahimik na tumabi si Hervey sa kanyang ina. Panay ang tulo ng luha at impit na pag-iyak.
Lihim na napamura si Hervey sa nakitang kalagayan ng ina. Naikuyom niya ang kamao habang nakatingin sa humpak na pisngi nito. Bakas sa hitsura nito ang labis na paghihirap sa pagkawala ng kapatid. Halata ang pagiging miserable nito sa loob ng ilang araw mula ng mamatay ang kapatid niya.
‘Don't worry Ma, makakamtan mo ang hustisya sa pagkamatay ni Hindler. I will make sure of it. Magbabayad ang babaeng iyon sa pagpatay niya kay Hindler at sa pagiging miserable ng buhay niyo.’
“Hervey, anak! Salamat naman at nakarating ka. Ikaw na lang ang hinihintay ng kapatid mo. Kaya't nagtagal ng dalawang linggo bago pa man siya mailibing. Ang tagal mo kasing umuwi,” bakas sa boses nito ang pagtatampo.
Seryosong humarap sa ina si Hervey. Sinadya niyang tumagal sa Maynila dahil masakit din para sa kanya ang pagkawala ng kapatid. Hindi niya kayang tanggapin na kailanman ay hindi na niya ito makikita. At ngayong unti-unti itong ibinababa sa hukay ay sumisikip ang dibdib niya. He can't just accept it like this. Watching someone who’s closer to you buried six feet underground. It really pissed him off ten folds.
“I don't want to miss this ceremony 'ma. Ito ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Kahit alam kong masakit. Kahit hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. You know how important Hindler for me is. Sending him off. . .” hindi matapos-tapos ni Hervey ang sasabihin dahil may bumikig sa lalamunan niya.
Naninikip ang dibdib niya sa galit.
“Sending him off like this is like walking in the path full of flames and thorns, 'ma. Nakakapaso ang init na dulot ng galit. Nakakasakit ang tusok na dulot ng paghihinagpis. Pero wala tayong magagawa kundi tiisin lahat ng 'yon 'ma. Wala na tayong magawa dahil hindi na babalik sa atin si Hindler.” Hervey was trying his best not to break down in front of his mother. Pero yumugyog din ang balikat niya at unti-unting napahagulhol.
Niyakap siya ng kanyang ina at hinaplos ang kanyang likod. Ilang minuto silang nasa ganoong posisyon Hanggang sa isa-isa nang nagtatapunan ng puting bulaklak sa kabaong ni Hindler ang mga nakiramay.
Lalong bumibigat ang pakiramdam ni Hervey sa nakikita. Nagtatagis ang bagang niya habang mahigpit na nakakuyom ang kamao.
Ilang sandali ang lumipas ay kinalma niya ang sarili. Kumuha siya ng puting bulaklak at inihagis sa kabaong ng kapatid na ngayon ay tuluyan ng naibaba, habang tahimik na nagdarasal.
‘I'll promise you bro, I will make them pay. No one messed up with you and get away with it. Dahil ako ang lalaban para sayo. Rest peacefully in there. Ipaghihiganti ko ang pagkamatay mo.’
Gumagalaw ang panga niya sa pigil na galit habang matiim na nakatingin sa hukay na ngayon ay unti-unting tinatakpan ng lupa upang isilyado.
“You need to capture that woman, son. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kapatid mo.”
Ang boses ng ina ang nagpabalik sa katinuan niya. Kaagad na napabaling dito si Hervey at mabilis na pinahid ang luha nito gamit ang kanyang palad.
“Ang anak kong walang kalabang labang pinatay ng babaeng ‘yon,” may diin ang bawat salitang binitawan nito at matalim ang matang nakatitig sa kanya.
Masuyo niya itong niyakap.
“Leave it to me, ma. Ako ang bahala sa kanya.”
Tumango ang ina at nagpaalam na mauna ng umuwi dahil naninikip ang dibdib nito dala ng matinding stress.
Matapos ang libing ay nanatili si Hervey sa puntod ng kapatid kasama ang dakilang alalay nito na si Manang Delia. Pero dahil gusto niyang mapag-isa ay pinayuhan niya itong umuwi.
“Okay sige sir, mauna na po ako sa inyo,” sagot nito bago saglit siyang tinitigan ng matiim bago ito humugot ng malalim na buntong hininga. “Hindi ko akalaing maiisip ko ang ganito. Ang isipin na ang kaharap ko ay si Hervey, at hindi ang pinakamamahal kong alaga na si Hindler.”
Malungkot siyang ngumiti.
“Tanggapin na lang natin ang nangyari at panagutin ang may sala, manang,” nahirapan man ay nagawa niyang isagot.
“Tama ka, iho. Pero hindi ko lang matanggap na ang babaeng pinakamamahal ni Hindler ay siya pa palang papatay sa kanya,” malungkot na wika nito at lumuhod sa harap ng lapidang bagong kabit pa lamang.
Nangunot ang noo ni Hervey sa sinabi ni Manang Delia.
“What do you mean, manang?”
“Si Chloie, siya ang babaeng pinakamamahal ni Hindler,” pag-uumpisa nito at tumayo upang humarap sa kanya. “Sa maikling panahon na nagkakilala ang dalawa ay nagkagusto agad sila sa isa't-isa. Na mahigpit namang tinutulan ng mama mo. Kaya nga patago ang naging relasyon nila. At hindi ko akalain siya pala ang suspek sa pagpatay sa kapatid mo” walang preno ang bibig nito sa pagsasalita.
‘So, that's it. Kaya pala. Kaya pala noong makita niya ako ay halos tumalon ang puso niya sa tuwa,” sa isip-isip niya.
‘But I'm sure sinadya niya lang paibigin si Hindler dahil target niya ang kapatid ko!’
Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kakaibang kirot siyang naramdaman. Dahil pa rin ba sa pagkamatay ng kapatid niya o dahil sa katotohang hindi siya ang nakikita ng babaeng 'yon, kundi ang kapatid niya?
Napabuntong hininga siya sa naisip.
Isang huling sulyap ang iginawad niya saka tuluyang nilisan ang puntod na may isang planong nabuo sa isip.