Nagmamaneho pabalik ng Maynila si Hervey nang biglang tumawag sa kanya si Rick. Nasa Pilipinas na raw ang bagong target niya. Napangisi siya sa narinig. Finally after a boring three days, his life is back to action.
“Unit 18, 12th floor at Marriote Hotel, Manila.”
“Weapons ready?” he asked.
Rick chuckled before answering him.
“Your room is just beside your target. Unit 19. Your thing is ready in the attacheè case inside the closet. Gun fully loaded, a teargas and a mask. My asset will be waiting at the lobby to pass you the card key when you reach the hotel. EAT, five minutes. No . Escape route, rooftop with your Hawk.”
“Copy that!”sagot ni Hervey at binilisan lalo ang pagpatakbo ng kotse. Napangisi siya sa sinabi ni Rick na Estimated Assassination Time. Five minutes is just a matter of time for him when he's doing this kind of mission. Plain and simple. Rick really knows him too well.
“My asset reported. May iba pang gustong tumira sa target mo. I am sure you will be compromise. Before that happens eliminate your target ASAP, before they know Larsen is already in the Philippines,” muling imporma ni Rick.
“Roger that,” sagot niya saka pinutol na ang tawag.
“Hmmm. . . This is going to be a fun night.”
Dahil nasa SLEX pa rin si Hervey ay malaya niyang napatakbo ng mabilis ang kotse. Upang makarating agad ng Maynila. Mabuti na lang at maluwag ang trapiko kaya walang sagabal sa byahe.
Maghahatinggabi na nang tuluyang makapasok ng Edsa si Hervey. Hindi na rin gaanong mabigat ang trapiko sa kahabaan ng Edsa kaya mabilis siyang nakarating sa lungsod ng Maynila.
Ilang minuto pa ang lumipas ay binabaybay na niya ang daan patungong Marriote Hotel. Pagkarating niya, tulad ng sinabi ni Rick ay naghihintay na sa kanya ang asset nito- a pretend bellboy- at iniabot sa kanya ang keycard ng kwartong inukupa nito para sa kanya. Inabot niya rito ang susi ng kotse at hinayaan itong i-drive ang kotse niya pabalik sa condo ni Dylan.
Dumiretso si Hervey sa elevator at umakyat sa 18th floor upang doon hintayin ang target. Ang huling balita niya ay kinatagpo na ng target ang ka-dealer nito sa droga.
Nang makapasok sa kuwartong kinuha ng asset ni Rick ay kaagad niyang ininspekyon ang kabuuan ng hotel. He then went straight to the closet and found a brown attaché case. Inside was a Beretta M9 with silencer already attached. Fully loaded. All Hervey needed to do is to fire the bullet. There was a mask matching with a teargas that made by the CSS chemist.
“Let's get this done. I have important mission to do,” Hervey coldy muttered while checking the Berreta M9. Ang nasa isip niya ngayon ay ang babaeng pumatay kay Hindler.
Sariwa pa sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Manang Delia, ang yaya ng kapatid. Kung nagmamahalan ang dalawa ay sapat na dahilan na iyon upang isipin niya na hindi si Chloie ang pumatay sa kapatid niya. Unless in the first place, she had a hidden motive. Base sa nakita nakita niyang pagkatao ng babae sa bar ay hindi ito ordinaryo. She may be like him. A killer.
He called Rick to monitor the cctv of the hotel and to delete every of his footage. Naka-monitor ang ka-partner sa computer nito, sa isla Thalassina. In CSS base while navigating the target's situation.
Isinusuksok niya ang baril sa likuran at isinilid sa bulsa sa loob ng jacket ang teargas at saka isinuot ang mask. It's just a simple mask yet it's special as CSs made it for their agent to protect them from any kind of poison gas.
Hervey checked the time on his wristwatch. Ten minutes before the target come. He sat on the bed. Waiting. He's not very keen on waiting.
Exactly ten minutes past, the elevator bell rang. Hervey stand up and peek on the peephole of the hotel door. He smirked when he saw his target alone. Without any single guard. Labis niya iyong ipinagtaka.
“Are they being an idiot? ‘Di bale na. This is the perfect timing,” anas niya tsaka muling sumulyap sa suot na wristwatch. He set his timer. “Okay, there you are. Five minutes.”
“Rick, do you copy?” maya-maya'y tanong niya sa ka-partner. His communication partner.
“Loud and clear. I’m in!” sagot ni Rick habang naririnig niya ang mabibilis na pagtipa ng daliri nito sa keyboard.
“Roger that! Im going out!” imporma ni Hervey.
Nang masigurong nakapasok na ang target sa sarili nitong kwarto ay pasimple siyang lumabas habang hinahanda ang hawak na baril.
This time he didn't do undercover. As long as he have an order to kill, he will do it straight to the point. In this kind of situation mission must be done in short time. Target must be eliminated fast. Incoming and outgoing must be accurate in the timer you set. Kanina pa nai-hack ni Rick ang cctv sa buong floor. Now he's safe.
There were three rooms on each side of the hallway. Magkabilaan. The other rooms are on the west side and you need to turn into the corner to go into it. And that counts twelve rooms altogether. The elevator was on the east side situated on the far corner of the hallway. The fire exit was just beside the elevator. It's just a few meters away from his room. Agad niyang tinungo ang katabing unit at kumatok. Pagkatapos ng tatlong beses na katok ay tsaka lamang sumagot ang nasa loob.
“Yes? Who's there?”
The target is being cautious yet an idiot. He know that someone will come after him but wonders alone. Such an idiot who knows nothing but to sat his bum shut.
“Your servant sir. I'm here to report!” nakangising sagot niya habang nire-ready ang baril at tsine-check ang pagkakabit ng silencer. His voice was void with emotions. Alam niyang mabobosesan siya ng target kung tunay nga siyang kakampi o kalaban.
Ilang minuto ang hinintay ni Hervey bago narinig ang mahihinang kaluskos. As the noice shuffled next to the door he readies himself. He know this old man prepared something.
“Here we go, Choochoo,” he let go a cold smirk as the door in front of him open.
Bumulaga sa harapan ni Hervey ang matabang katawan ng target. Wearing only his inner clothes his target broke into a cold sweat upon seeing him. Unfortunately, his target is already known. Kilala niya ito dahil isa ito sa kasamahan ng target niya sa China last month. Nakatakas ito dahil sa hindi ito ang main target nila. And unfortunately his time has come now. Sa kanya pa rin pala ang bagsak nito.
Napangisi siya ng nakakaloko at mabilis ang kilos na itinutok dito ang baril na hawak. Nabigla ito ngunit agad ding nakabawi. Pero handa ang loko, may baon itong baril na agad ding itinutok sa kanya. But Hervey is straightforward. He didn't let a second past. He shoot. A mere second later and his target's body drop dead on the cold hard floor. Blood oozing from his head and pooling on the floor.
“Goodbye, Choochoo,” his lazy look glance at the dead body before he took a step back. Not caring for the blood spilling all over the place.
“Well, that's so easy. It didn't even kill my boredom,” tumingin siya sa wristwatch na suot at napailing. “It didn't even took five minutes.”
Muli niyang isinusuksok ang baril sa kanyang likuran. Kinabig niya pasara ang pintuan upang walang makakakita sa bangkay ng lalaki. Just as he almost closed the door tightly he heard the fire exit door opened. The door remained ajar as he turned his head to take a look.
A woman step out from the exit. Face covered with a facemask.
For instance their gazed locked for a couple of seconds then her gaze flew towards the door. A small gap is enough for her to see what is inside. It's too late for Hervey to block.
Marahil ay nahagip na nang tingin ng babaeng dumating ang nakahandusay na bangkay sa loob. Kaagad na kumilos ang katawan nito. Tinakbo nito ang ilang metrong pagitan nilang dalawa at mabilis siyang binigyan ng magkakasunod na sipa.
Dahil laging na nakahanda ang depensa ni Hervey ay naiwasan niya ang paa ng babae. Kung hindi ay sapol siya sa mukha dahil halos isang dipa lang ang agwat nila sa isat-isa.
Muli itong lumapit kay Hervey. He can feel that her assault is vigorous. Her movements are fast and strong. Sa loob lang ng ilang segundo ay ilang beses na silang nakapalitan ng suntok at sipa.
Alam niyang babae ito pero alam din niyang kalaban ito at protector ng target niya. Every enemy's ally must eliminated. Lalo na kung nakaharang ito sa daraanan niya.
Si Hervey naman ngayon ang gumanti ng sipa. Double kick with his right leg and the other was steady on the floor. The girl suddenly stop his kick by grabbing his leg. Not letting him go. Malakas ang babae. She then spun him around and dropped him on the floor.
Hervey smirked.
“Aba't may ibubuga. Not bad,” Hervey's mind murmured. Inihanda niya ang sarili upang muling umatake.
Malakas niyang pinatid ang paa ng dalaga dahilan upang matumba rin ito sa sahig. Agad niyang kinubabawan ang babae. Lumuhod siya sa magkabilang gilid nito at iniumang ang kamao upang bigyan ito ng malakas na suntok. He don't really care if this was a woman. Kalaban pa rin niya ito. Pinuntirya niya ang mukha nito pero malakas ang babae at nasangga lamang nito ang kamao niya. The girl moved her leg to kick him using her knee. Napaigik siya ng tumama ang tuhod nito sa likod niya.
“Aba't talagang malakas ka ha! Dammit” Hervey can't stop cursing.
Mahigpit na hinawakan ni Hervey sa magkabilang braso ang babae at malakas na iniikot ang katawan nilang dalawa. Siya na ngayon ang nasa ibaba at nakakubabaw ito sa kanya. He crossed his legs between hers. Buong pwersa niya itong siniko sa mukha habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa braso nito upang hindi ito maka ganti ng suntok.
Muli siyang umikot habang nakaipit pa rin ang mga hita nito sa paa niya.
Muli itong kinubabawan ni Hervey habang nakapiin ang kamay nito sa sahig at nakaipit ang binti sa binti niya. Matiim niya itong tinitigan dahil sa pamilyar na mata nito. He let go of one of her arm para subukang tanggalin ang takip nito sa mukha.
Pero inuntog ng babae ang ulo sa ulo niya na nagbigay sa kanya ng sakit pero binalewala naman niya.Nakapokus ang atensyon niya sa pagtanggal ng takip nito sa mukha. Gusto niyang makita ang pagmumukha ng babae.
But before he could finish what he's been doing the elevator bell's rang.
Saglit silang nagkatitigan ng babae. The lights on the hallway giving their face a clear view.
Nangunot ang noo ni Hervey nang makita ang pamilyar na mga mata ng kaharap. He can't forget these eyes. Lalo niyang binilisan ang pag-alis sa takip ng mukha nito.
Bago pa siya makahuma ay tuluyang bumukas ang elevator.
Napamura si Hervey ng makita ang ilang armadong kalalakihan na agad na inilang hakbang ang pagitan nila. In just a few strodes they appeared closer to them.
“s**t!” mabilis niyang pinakawalan ang babae at malakas na ibinalya sa pader saka kaagad na tumayo.
Sa pagsulyap niya sa babae ay nahagip ng mata niya ang barcode na nakatattoo sa punong tainga nito. Dahil naka-expose ang ilalim na bahagi ng tainga nito kaya't kitang-kita niya iyon. It is a familiar tattoo. Lumakas ang hinala niya tungkol sa pqgkatao ng babae. Pero dahil ang makaalis sa lugar na iyon ang priority niya at ayaw niyang matadtad ng bala ay hindi niya ito pinansin.
Bago makalayo si Hervey ay kaagad na nagsilapitan sa kanila ang ilang kalalakihan habang ang iba ay dumiretso sa loob ng kwarto ni Mr. Choo. Marahil ng malaman kung ano ang sitwasyon ay agad siyang tinutukan ng mga ito ng baril.
“Get him!” utos ng isa sa mga ito na sa tingin niya'y siyang pinuno ng bantay ni Mr. Choo.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong kumilos si Hervey at sa isang iglap ay muli niyang nahablot ang babae saka tinutukan ng baril. Napaubo naman ito dahil sa biglang paghaklit niya sa kuwelyo ng suot nitong jacket.
Bago pa man ito makapagsalita ay isang pamilyar na mukha ang bumulaga sa kanila mula sa isa pang elevator.
“Bitiwan mo siya!” maawtoridad ang boses nito, habang nakatutok na rin sa kanya ang baril nitong hawak.
“Connor O'neal?” nakangising tuya niya. Kung nakalantad lang ang mukha niya ay nakita na nito kung paano ang ngiting aso niya para sa maangas nitong mukha. Ngayon ay halos magkasalubong na ang kilay nito sa labis na pagtataka kung bakit niya ito kilala.
Hindi sumagot ang bagong dating bagkus ay dahan-dahang humakbang palapit sa kanila. Siya naman ay humakbang paatras patungo sa fire exit habang nakatutok pa rin ang baril sa dalaga. No choice. He needs to take a hostage. It's up to him if he will kill the girl or not.
“Come closer, and I'll put a hole in her skull!” mariin at malamig na wika wika niya. Lalo niyang diniinan ang pagtutok ng baril sa babae.
Naramdaman ni Hervey ang pagpalag ng babae pero hindi niya ito pinansin. Wala siyang pakialam kung nasasaktan ito sa ginagawa niya. She's an enemy's ally by the way. Pero may umagaw sa pansin niya. Dahil nagulo ang pagkakatali ng hanggang balikat nitong buhok ay langhap na langhap niya ang mabangong amoy ng buhok nito. It's familiar!
“No it can't be!” anas niya. He gritted his teeth in annoyance.”Just concentrate Hervey!” inis na saway niya sa sarili dahil sa reaction ng katawan niya ng maamoy ang pamilyar na bango ng dalaga.
Nakita niyang itinaas ni Connor ang kamay nito at sinenyasan ang tauhan ni Mr. Choo upang pababain ang baril ng mga ito na nakatutok sa kanila. Mabikis niyang sinamantala ang pagkakataon upang tuluyang makalabas ng fire exit.
Hervey dragged the girl until he reached the hellipad. Dahil may isa pang floor bago maabot nila ang rooftop ay buong lakas itong binuhat ni Hervey paakyat sa hagdan. Pilit itong kumawala pero wala magawa ang pagpupumiglas nito sa lakas ng pagkahawak niya lalo na at nakatutok pa rin sa ulo nito ang baril niya. Naghihintay na sa kanya ang run away vehicle niya, ang chopper niya, habang nakasunod naman sina Connor at ang tauhan nito.
Nang makalapit na siya sa chopper ay pasadlak niyang itinulak ang babae sa sahig. Mabilis niyang kinuha ang teargas na kanina pa nakaabang sa loob sa bulsa ng jacket at mabilis iyong inihagis sa kinaroroonan nina Connor. Bumulaga sa mga ito ang usok na agad naman niyang sinamantala upqng takasan ang mga ito.
Agad siyang sumampa sa nakahanda ng chopper na minamaneho ng ka-team mate niyang si Austin. Pero bago tuluyang makalipad pataas muling nagkasalubong ang titig nila ng dalaga, at sa pamamagitan ng usok ay muling nagtagpo ang mga mata nila.
“There's really strange about that woman! Something strange!” bulong niya habang ikinakabit ang seatbelt at ang headset saka ipinayapa ang katawan sa biyahe.