Chapter 12

1099 Words
Chapter 12 "Ate, hanapin natin ang bola ko." Pangungulit ni Paul sa kapatid. Kasalukuyan sila nasa silid ni Emma at kinukulit nito ang kanyang Ate na hanapin ang nawawala nitong bola. "Mamaya na Paul, may ginagawa pa ako." Naka-tuon lamang ang atensyon ni Emma sa ginagawang assignment na kailangan niyang tapusin sa araw na ito. "Sige na kasi Ate, mabilis lang naman eh." "Please Paul huwag makulit okay? Kapag natapos ko na ang aking ginagawa, tutulungan din kita sa pag hahanap mo." Pag susuko na salita ni Emma pero hindi pa rin ito natigil . Wala nang narinig pang sagot o himutok ang kapatid at nag asseum na lang si Emma na tumigil na ito sa pangungulit sakaniya. Sa sandaling iyon nakapag-focus si Emma sa ginagawa at pasalamat na rin siya dahil tumigil na rin si Paul. Maka-lipas muli ang dalawang minuto, narinig na naman ni Emma ang hagikhik ng kapatid at pag tatakbo nito sa kanyang silid. Naiirita at hindi makapag-focus si Emma sa ginagawa dahil rinig mo ang yabag ng paa nito na patakbo sa sahig nila na gawa sa kahoy. Patuloy ang pag takbo ni Paul sa loob nang silid ni Emma at kasunod ang pag-talon nito kaya't naubos na rin ang timpi ng galit na kanina niya pa pinipigilan. "Paul naman sabi eh." Sa sandaling ito bumaling na si Emma sa kapatid para alamin ang ginagawa nito. "Hihi!" Patuloy na hagikhik ni Paul at nababalutan na ito ng makapal na kumot–nag lalaro sa ibabaw mismo nang kaniyang kama. "Hays! Bumaba ka diyan Pau!" Patuloy lamang kinakausap ni Emma ang naka-talukbong nang kumot na kapatid. "Paul pwede bang huwag mo akong istorbohin kahit limang minuto lang?" Sabay hila ni Emma nang comforter ngunit walang Paul ang naroon. Mistulang nag laho ang bulto ng kaniyang kapatid at nanalaytay ang takot at kilabot sa katawan ni Emma na humampas sa kaniyang balat ang malamig ná simo'y na hangin. Kahit igala niya ang paningin walang bakas ni Paul sa aking silid. Sino iyon? Sino ang nilalang sa ilalim na kumot? Nanubig ang mata ni Emma kasabay ang pamumutla ng labi sa labis na sindak. "Bakit ba tinatawag mo ako Ate?" Huminto ang yabag na paa sa likuran ni Emma at doon sumulpot ang inosenteng si Paul na halatang kararating lamang. "P-Paul?" Nanatili pa din hawak-hawak ni Emma ang kumot–at wala ng bakas nang anumang pigura ng tao sa loob. "Bakit? May problema ba Ate? Kanina ko pa kasi naririnig na tinatawag ang pangalan ko kaya't binalikan kita sa iyong silid." Pareho sila natigilan ni Paul nang Pumagulong-gulong galing mula sa ilalim ng kama ni Emma ang bola na hinahanap ng kapatid. "Nariyan lang pala ang bola ko." Panaka na tuwa ni Paul. "Sandali Paul, h-huwa——" huli na dahil nahawakan na ni Paul ang bola. "Nakuha ko na ate ang bola k——" sa isang iglap may malamig na kamay ang humawak sa batang si Paul sabay hila sa bata pailalim sa kama. "Ahh! A-Ate! Tulong!" Sabay tili nang malakas ni Paul sa takot. Hinawakan ni Emma ang kamay ng kapatid para pigilan na pumasok ito sa ilalim ng kama. "A-Ate! Huwag mo akong bibitawan! Ate!" Ginamit ni Emma ang buong lakas para hatakin ang kapatid– sa nakaka takot na maputlang kamay na naka-hawak sa kamay ni Paul. Matutulis ang mga kuko na kayang warakin ang iyong lamang-loob at kulubot at nakaktakot nitong kamay. Patuloy na umiiyak ang batang si Paul sa takot at hinahatak lamang ito ni Emma–mistula bang mas malakas ang kamay na iyon na kayang hatakin sila pareho nang kapatid sa ilalim ng kama. "Emma! Paul!" Tinig nang bagong dating na si Flora. "Auntie, si Paul po." Sumbong ni Emma sa pagitan ng pag-iyak. Dali-daling lumapit si Flora at tumulong na rin humatak para bawiin si Paul sa nakaka-kilabot na nilalang na gustong kunin ang bata. Matagumpay na nahila ni Flora si Paul at niyakap niya ang dalawang bata nang puno ng higpit– kinurot ang puso ni Flora na marinig ang munting iyak ng mga bata na takot na takot sa kanilang nakita. "Auntie." "Auntie natatakot po kami." Iyak nang dalawang bata. Unti-unting lumabas sa ilalim nang kama ang nakaka-kilabot na katawan ni Ester. Bagsak at sobrang nipis ang kaniyang balat–na nanunuyot na. Maitim ang ilalim ng mata at nakaka-takot ang itsura. Hindi mo nanaisin na pakinggan ang pag-kabali nang buto ni Ester– kasabay ang nakaka-kilabot na pag-hum nito ng kanta. "Hello, mga anak!" Naka-ngisi at umaapoy ang mata sa galit ni Ester. Abot hanggang taenga ang hiwa sa bibig nito na kaya kang kainin nang buo. "Ahhh! N-No!" Patuloy na impit na sigaw ng dalawang bata. "Ester, please tigilan mo na ito. Natatakot ang mga bata sa'yo!" Pabaling-baling ang ulo ni Ester na natutuwa sa kanyang nasasaksihan. Lalo siyang ginaganahan na marinig ang iyak at takot na takot na mga bata. "Nandito lang si Auntie," pag papatahan ni Flora dito. "Tumakbo na kayo, ako nang bahala dito." Pag papasunod ni Flora dito. Kailangan nilang takasan kong ano man ang masamang espiritu ang sumapi sa kanyang kapatid. Tumatak na lamang sa isipan ni Flora na mas importante ang kaligtasan ng mga bata kaysa sakaniya. "N-No, ayaw po namin iwan ka Auntie." Patuloy na iyak ni Emma habang akap si Paul. "Tumakbo na kayo! Takbo!" Sigaw ni Flora. Kahit takot na takot man ang dalawang bata-hinakbang nila ang kanilang paa paalis sa silid. Ginamit nila ang huling lakas para maka-alis kahit nangingibabaw sakanila ang kilabot–sa mabangis na nilalang na gusto silang dakpin. "Hindi niyo ako matatakasan!" Sigaw ni Ester at sumugod sa bata para sakmalin ito ngunit mabilis na humaramg si Flora para pigilan ang kapatid. "Hindi ko hahayaan na saktan mo ang mga bata Ate Ester," matapang na saad ni Flora at hindi siya handa sa sumunod na nangyari. Walang ano-ano dinakwat ni Ester ang leeg nang kapatid at inanggat sa ire. Kinakapos nang hiningga si Flora sa higpit na pag-kakasakal ni Ester sakaniya– domoble ang lakas ni Ester na kaya nitong ianggat sa ire habang sinasakal ang kaawa-awang si Flora. "Hindi ikaw ang kailangan ko, kundi ang mga bata!" Ngumisi ito ng mala-demonyo–at binalibag ang kaawa-awang si Flora at tumilapon ang katawan nito sa Study area ni Emma. Pagulong-gulong na bumagsak ang hinang-hina na katawan ni Flora kasabay ang nakaka-hindik na tunog na pag-kabasag ng ilang gamit sa silid. Bumaling-baling ang pag galaw nang ulo ni Ester–at naging matalas ang pakiramdam nito na hanapin ang dalawang bata na kailangan niyang wakasin ang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD