Chapter 11

2012 Words
Chapter 11 Kanina pa hindi mapakali sa kina-upuan si Flora, hindi namalayan na ngingatngat niya na pala ang kuko sa labis na takot at gimbal na kaniyang naranasan kagabi. Ano ang karumal-dumal na aking nasaksihan mula kagabi? Bakit si Ester ang aking nakita? Kahit si Flora gulong-gulo na rin at wala pa ring kasagutan kong ano nga bang misteryoso iyon. Pinaninindigan balahibo sa tuwing naalala niya ang maitim na pigura na kahawig ng kaniyang kapatid. Kinikilabutan sa tuwing maalala ang nakaka-takot na bulong nito. Sinapo ni Flora ang mukha na naka-upo sa couch, wala rin siyang sapat na tulog simula kagabi. Rinig ni Flora ang yabag ng paa at kasunod napa-angat ng tingin ng makita na nag lakad si Ester papunta sa kusina. Diretso lamang ito mag lakad at hindi man lang ako pinansin. Kahit sabihin na kapatid ni Flora si Ester, hindi siya ganun kampanti. Kampanti na kasama ito sa iisang bubong. Bagsak ang katawan ng kapatid na si Ester at maitim din ang ilalim nang mga mata nito na mukhang walang sapat na tulog. Pinapakiramdaman lamang ni Flora bawat kilos at galaw nito–at para bang may mali. Bakit parang iba? Ilang beses na sinabi ni Emma na may nakikita itong kakaiba tungkol sa Ina, ngunit hindi niya magawang pakinggan at paniwalaan dahil sa una pa lang wala naman talagang napapansin na kakaiba si Flora. Tuwing gabi pumapasok siya sa trabaho at kapag umaga naman mag hapon siyang tulog para kumuha ulit nang lakas dahil kina-gabihan may pasok na naman siya muli. Ganun tumatakbo ang cycle ng pang araw-araw na ginagawa ni Flora, at ang tanga niya dahil hindi niya napapansin na may kakaiba na palang nangyari. Kailangan na may gawin ko. Kailangan na kumilos na ako. Kinuha ni Flora ang coat na naka-sabit sa couch at nag mamadaling lumabas. Pag labas ni Flora naka-salubong ang pamangkin na si Emma na papasok pa lang sa bahay. Kahit na rin ang bata nagulat rin dahil sa aking pag mamadali. "Auntie, saan po kayo pupunta?" "Aalis muna ako saglit, dito lang kayo ha?" Habol-hiningga na tugon ni Flora sa bata. "Yes po Auntie," "Kapag may nangyari, tawagan mo na lang ako Emma, maintindihan mo ako?" "Bakit? Ano po ang problema Auntie?" Kahit na rin ito nababahala sa aking naging sagot at ayaw kong mag alala so Emma hangga't hindi pa talaga klarado sa akin kong ano ba talaga nangyayari. "W-Wala, babalik ako. Huwag mo iiwan si Paul." Paalala ni Flora at nag mamadali na siyang sumakay sa sasakyan. *** "Bakit mo ba ako tinawagan? Alam mo naman na busy akong tao Flora." Himutok ni Janna na isa sa kaibigan ni Flora. Kasalukuyan na nag mamaneho ng sasakyan si Flora at katabi naman ang kaibigan na kanina pa nag tatalak. "Basta samahan mo lang ako." Tinuon ni Flora ang atensyon sa pag mamaneho. "Ano bang nangyayari?" "Mahirap ipaliwanag." Kahit na rin si Flora hindi rin maipaliwanag kong ano bang kababalaghan ang aking nakita. Sapat na kong ano nakita ko kagabi, ang gumawa ng aksyon para alamin kong ano ba talaga ang nangyari sa kapatid ko. Natatakot ako sa posibilidad na mangyari kapag pinatagal ko pa ang ang aking hinala. "Tungkol sa kapatid ko, si Ester." Mahina kong bulong na sapat na rito na marinig ang sinabi ko. Tatlong taon na coma ang kapatid ko. Hindi ko man ito gaanong nadadalaw sa Hospital pero para bang napaka-bilis na bigla na lang ito sumulpot sa harapan ng bahay ko. Napaka-lusog at walang iniindang sakit. "Oh bakit? Nag away ba kayo?" "Hindi, pakiramdam ko Janna, may nangyaring kakaiba sa kapatid ko." "Bakit? Nabagok na naman ba ang kaniyang ulo? Na coma na naman ba siya!" "Hindi, basta ipapaliwanag ko sa'yo mamaya." Hininto ni Flora ang sasakyan sa tapat ng hospital. Hospital kong saan nag pagamot ang aking kapatid sa mahabang panahon. Habang nag lalakad sila, naikwento na rin ni Flora sa kaibigan ang totoong nangyari. Nag lalakad sila sa hallway ng Hospital. Medyo may kalumaan at ilang taon na ang Hospital na iyon pinatayo at maraming nag papagamot doon dahil public hospital lamang iyon. "Over reacting ka lang Flora. Ang kapatid mo kumikilos nang kakaiba? Baka naman kailangan mo na talaga ipa- bendisyunan ang pamamahay mo at baka pinupugaran na nang masasamang multo at elemento." "Alam ko kong ano ang nakita ko kagabi Janna." Pag didiin ko pa. Ilang taon na ang bahay ko at masasabi ko talaga na walang multo doon. Nag simula lamang ang kakaibang pag paparamdam ng dumating ang kapatid kong si Ester. "Si Ate Ester ang nakita ko kagabi, at mas natatakot ang itsura niya. Kong ako nga natakot at kinilabutan pano pa kaya ang mga pamangkin ko? Sila ang mas maraming nakaka-alam dahil matagal na oras silang naiiwan sa bahay." Sabay silang nag lalakad at may nakaka-salubong sila na doctor at pasyente sa hallway. "Kailangan kong kumilos at alamin kong ano nangyari sa kapatid ko at ayaw kong madamay dito ang mga pamangkin ko Janna." Ito lamang ang naisipan na paraan ni Flora ang mag imbestiga sa simula at alamin kong ano ba talaga ang nangyari sa kapatid ko. Ito lamang ang hospital na sasagot ng aking mga katanungan. "Good morning, " bati ko sakanila na mapadaan sila sa information desk. "Yes po Mam?" May dalawang nurse na naka-assign doon para tumingin ng rooms at ilan mga information sa pasyente. "Gusto ko sanang mag tanong. Na- admit ang kapatid ko dito si Ester Flores dito sa Hospital na ito. Gusto ko sanang tanungin at alamin ang medical records ng kapatid ko o ano man makaka-tulong sa akin, para malaman kong ano ba ang nangyari sa kapatid ko nag papagamot dito." "Sandali lang Mam." May tumipa ito sa computer. "Yes po base sa records namin nandito po si Miss Ester Flores." Anito. "Pasensiya na po Mam hindi po kami nag bibigay ng anumang records sa mga pasyente. Kong gusto niyo talaga makuha ang medical records ng kapatid niyo hihinggi ako authorization letter." "Wala akong dala Miss, baka naman pwede mo naman ibigay sa akin dahil kapatid niya naman ako. Importante talaga na malamam ko. Kahit na lang nangyari sakaniya 2 years ago." "Pasensiya na talaga Mam, ngunit hindi kita matutulungan sa pabor mo ngayon. Bumalik na lang po kayo." "2 years ago?" Sabat naman ng nurse na katabi nito na halatang kanina pa nakikinig sa pag-uusal naming dalawa. "Iyan ba ang insidente na nag pakamatay ang nurse na si Meredith, two years ago, sa loob ng isa sa mga pasyente coma patient dito, Sheena?" Dugtong nito kaya't nag katinginan na lang sa mata si Flora at Janna sa pag tataka. "Shh!" Saway ng kasamahan at pinanlakihan ito ng mata para tumahimik ito. "Anong sinasabi niya? Anong insidente?" Tanong ni Flora at binawi naman kaagad iyon ng nurse na animo'y may tinatago. "Pasensiya na Mam ngunit wala talaga akong maitutulong sa'yo, bumalik na lang kayo kapag may authorization letter na kayo." "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalalaman kong ano nangyari sa kapatid ko dito sa Hospital na ito.. Ilang oras ang byenahe ko at hindi ako aalis para kuhanin lang ang gusto niyo!" Gumawa na ng eskandalo si Flora kaya't naagaw na nila ang atensyon ng ibang pasyente at tao na naroon. "Pasensiya na talaga Mam, hindi ko talaga pwede ibigay ang g——" "Ano kaguluhan ito?" Sabat ng babaeng bagong dating. Naka-suot ito ng lab coat. Base pa lang sa itsura nito, nasa 50 years old na ito at hindi pa gaanong matanda sa itsura nito. "Doc, pasensiya na po." Sabat ng nurse na kausap nila. "Gusto ko lang hingin ang medical records ng kapatid. Dito siya na hospital ang pangalan niya Ester Flores.. Please tulungan niyo ako, iyon lang ang gusto kong malaman–nababahala ako dahil umuwi siya na kakaiba na ang kinikilos matapos mag pagamot dito." "Ester Flores ba kamo?" Anito at sa isang iglap naging seryoso ang mukha nito. "Sumunod ka sa akin." Sumunod na sila ni Janna sa doctor at dinala sila nito sa kaniyang Opisina. Pina-upo sila sa bakanteng couch at naupo na rin ito sa swivel chair na kaharap lamang nila. "I'm Derector Gemma Tuazon ang may ari ng hospital na ito." "Ako nga pala si Flora Flores at siya naman ang kaibigan kong si Janna." Pakilala niya dito. "Pasensiya na kong naka-gawa ako ng eskandalo kanina, gusto ko lang malaman kong ano ang nangyari sa kapatid kong si Ester." Panimula ni Flora. "Kilala ko ang kapatid mo na si Ester, pwede kong ipakita sa'yo ang medical records na hin-hininggi mo at hanggang doon na lang kita matutulungan." Tugon nito. "Ano bang nangyari sa kapatid kong si Ester? At sino si Meredith? Naikwento ng isa niyong nurse na may insidente na naganap dito 2 years ago. May kinalaman ba siya sa kapatid ko?" Matagal sumagot ang doctor at nag pakawala ito nang malalim na buntong-hiningga bago sumagot. "Si Meredith, ang katiwalang nurse namin dito at matagal na nag tra-trabaho dito sa hospital.." kwento nito. "Mabait at masiyahin na tao si Meredith at lahat ng mga nurse at doctor dito kasundo siya dahil mabait at mapag-mahal sa mga pasyente namin dito sa hospital.. Everything got changed na matapos nang mag bakasyon ito sa probinsya ng kaniyang pamilya Antique.. Nang bumalik siya sa pag trabaho sa Hospital naging iba ang behavior ni Meredith ng sumunod na mga araw at may nakikita siya na hindi namin nakikita.." Patuloy na kwento nito at nakikinig lamang si Flora at Janna. "Buong akala namin stress lamang siya dahil nag break sila ng 4 years boyfriend niya, kaya't umaakto ng kakaiba si Meredith ngunit iyon na pala ang simula nang unti-unti niyang pag-babag. Iba na ang kaniyang kinikilos at kahit na ang mga katrabaho niya natatakot na sa kaniyang kinikilos dahil sa kaniyang pagiging agresibo at muntik niya nang mapatay ang kaibigan niya... As of director of this hospital, kinausap ko si Meredith at doon niya inamin sa akin ang lahat kong ano ba ang totoong nangyari sa Antique. Doon nila nalaro ang spirit of the glass at may napakawalan sila na masamang bad evil spirit, na nanirahan sakaniyang katawan.. Bumubulong sakaniya at umuutos na pumatay nang tao." Hindi makapaniwala si Flora sa kaniyang narinig.. "Pinayuhan ko siya na huwag na munang pumasok sa trabaho hangga't hindi pa siya magaling at napapatingin sa psychiatrist.. Hindi ko inaasahan na papasok siya sa trabaho nalaman ko na lang na may dalawang pasyente na pinatay si Meredith at huli niyang pinasok ang kwarto ni Ester, iyon ang silid nang kapatid mo Flora." Tuloy na saad nito at may kong anong kilabot ang nanalaytay sa katawan ni Flora na marinig ang ganung kwento. "Pinasok ng mga nurse at hospital guard ang room ni Ester para pigilan si Meredith sa kaniyang tangkang plano na maka sunod pa ng mabibiktima na mga pasyente....Sa huling pagkakataon parang nababaliw na ginilitan ni Meredith ang leeg gamit ang kutsilyo at kusang bumagsak ang malamig niyang bangkay malapit sa kama kong saan naka-himlay ang kapatid mong si Ester." Nilapag ng director ang kuha na mga litrato ng cctv na nakuhanan sa loob ng silid ng kaniyang kapatid. Hindi makayanan ni Flora na pag masdan na ganun ka brutal na sariling pinatay ni Meredith ang sarili. Dilat ang mata ni Meredith at nakaka-kilabot ang kaniyang itsura kasabay ang pag danak ng malapot na dugo katabi ng na coma niyang kapatid. "Pilit namin na hindi pinaalam sa publiko at media ang totoong nangyari kay Meredith para maiwasan na takutin ang mga tao. Sino ba naman ang maniniwala na kagagawan ng evil spirit ng kaniyang pag-aamok at dalawang pasyente ang kaniyang pinatay." Dugtong pa nito. "Sinabi pa ni Meredith bago siya namatay, na babalik siya. Babalik siya para mag higante. Malakas ang kutob ko na sa pag kamatay ni Meredith, sumapi ang evil spirit sa taong malapit sa kaniyang pag kamatay." "A-Ang mga pamangkin ko." Wala sa sariling saad ni Flora at hindi maipaliwanag ang takot at pangamba sa kaniyang sarili. "Bakit Flora?" Janna. Pawisan at dali-daling lumisan ng Opisina si Flora para balikan ang pamangkin sa bahay. No. Huwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD