Chapter 13

1519 Words
Chapter 13 Takot na takot na tumakbo ang mag kapatid na si Emma at si Paul, at hindi nila alam kong ano ang dapat gawin. Nag danak ang pawis at pinag halong luha pareho sa kanilang mga mata sa labis na sindak at takot na takasan na iba na ang itsura ng kanilang kinilalang Ina. Minabuti na tumago ang dalawang bata sa closet na lalagyan na mga damit at ilang inimbak na mga gamit. Hawak-hawak ni Emma ang bibig nang kapatid para pigilan na lumabas ng anumang tunog. Minabuti talaga nila na hindi mapapansin ang kanilang pag-tatago sa malaking closet. May konting siwang na maliliit ang closet kaya't masisilip ng dalawang bata kong may taong parating. Ilang sandali lamang rinig nang mag kapatid ang makapa-nindig balahibo na pag apak nang paa sa sahig at namuong anino na kanilang kinakatakutan. Sobrang bigat ng yabag at kahit ikaw hindi mo nanaisin na pakinggan. "Emma." "Paul." Patuloy na pag tawag na nakakatakot na nilalang para hanapin ang dalawang mag kapatid. Takot na takot ang mag kapatid at siniguro na hindi gagawa ng anumang inggay para maagaw ang atensyon at mahanap kong saan sila tumatago. Puno nang bigat at nakaka-sindak ang pag apak ng paa ni Ester sa sahig na para bang nakikipag laro lamang ito ng taguan at siya ang taya. "Lumabas na kayo, alam kong narito kayo." Umaagos ang luha sa munting mga mata ng dalawang bata na patuloy na narinig ang pag tawag ng kanilang Ina para lumabas sa kanilang pinag tataguan. "Emma." "Paul. Hmm. Hmm" nag hum muli nang kanta si Ester na parati nitong kinakanta. Nanginig ang katawan ng dalawang bata kasabay ang pag agos ng luha sa munti nilang mga mata. "Emma, lumabas na kayo ni Paul." Tawag ni Ester Tumagal ng mahigit dalawangput minuto sa silid si Ester at para sa dalawang bata—pinaka mahabang oras na iyon para sakanila. Sunod na lamang nilang narinig ang mabigat na yabag ng paa ni Ester at unting pag kawala ng maitim na anino nito palabas nang silid at sa ganun naka-hinga nang maluwag ang mag kapatid. "U-Umalis na siya a-ate?" Pabulong na tanong ni Paul, at isang iling lamang ang naging sagot ni Emma. "S-Siya ba talaga ang Mommy natin? Anong nangyari sakanya A-Ate? Natatakot ako." Hikbi na iyak ni Paul at niyakap na lang ito nang mahigpit ni Emma para damayan at iparamdaman dito na hindi ito nag iisa. "Ayaw ko na dito Ate, umalis na tayo. Hanapin natin si Auntie Flor——Ahhh!" Hindi na natapos ni Paul ang sasabihin nang pumasok at tumagos ang kamay ni Ester at nasira ang pintuan ng Closet. Matutulis ang kuko nito na hawak ang ulo ni Paul. "No! Ahh!" Hiyaw nang bata at naging malakas na hinatak ni Ester Paul palabas sa kinatataguan. "N-No Paul!" bulalas na sigaw ni Emma at lumabas na rin sa closet para habulin ang kapatid. "M-Mommy. Ahh!" Hiyaw ni Paul sa sakit na bumaon ang matutulis na kuko ni Ester sa tyan ng bata at dinakwat iyon. "Ahhh!" Nakaka-binggi at nakakatakot ang palahaw na sigaw sa sakit ng munting bata. Hindi pa nakuntento si Ester at binaon niya pa lalo ang kuko niya sa laman nito kasabay ang unggol na kumuwala sa bibig nito. Sumugod si Emma at para kunin ang kapatid at at gamit ang matutulis na kuko ni Ester–nasugatan niya si Emma sa kaliwang braso. Naging mabilis at maliksi ang kilos ni Ester at dinakwat nito ang leeg ng anak at inanggat sa ire. "M-Mommy, please." Iyak na sumbong ni Emma at nahihirapan na itong humingga sa higpit na pg kakasakal ni Ester dito. Pumabaling-baling ang ulo ni Ester kasunod ang pag kabali nang buto nito. "P-Paul." Iyak na tawag ni Emma sa kapatid ngunit nawalan na ito nang malay. Tumutulo sa sahig ang malapot na dugo nito at sobrang lalim ang sugat. Naiyak pa lalo ang batang si Emma dahil alam niya sa kanyang sarili na kagagawan ng kaniyang Ina na saktan ang kapatid– dahil nabahiran na nang dugo ang kamay at kuko nito. "M-Mommy, please t-tama na po. T-Tama na." Kahit takot man, sinubukan ni Emma na pigilan ang Ina kahit hindi naman siya nito papakinggan. Bumuka ng sobrang laki ang bibig ni Ester at lumabas ang dila nitong napaka-haba. "Ahh!" Hiyaw ni Emma sa takot at tinapon ang dalawang bata na sabay kaya't pagulong-gulong ang katawan nila sa malamig na sahig. Tumilapon naman ang katawan ni Emma sa pader at kasunod na tumama iyon sa maliit na table–at nasagi ang babasagin ang figurines na nakapatong doon. Sugatan at hinang-hina ang dalawang bata at nakaka-bingging pag kabasag at tunog ng mga figurine at mga basag na bubog sa sahig. "A-Auntie:" bukas ang pintuan sa kwarto ni Emma kaya't nasaksihan niya ang malamig na katawan ni Ester na naka-handusay sa sahig at duguan. "P-Paul." Inaabot ni Emma ang kapatid na walang malay. Sunod na lang pumatak ang luha sa mata ni Emma dahil pareho sa kaniyang mga mahahalagang tao sugatan na. Hindi niya alam sa sarili kong kaya niyang maka-alis ang nakaka-takot na nilalang sa harapan. Mabilis na sumugod si Ester at pumaibabaw kay Emma. Bumuka ang bibig ni Ester at tumutulo ang laway nito. Nakikipag laban sa huling lakas ang batang si Emma at naging porsigedo si Ester–gamit ang matutulis na kuko nito, pinunit ng walang kahirap-hirap ang laman ng bata–kasabay ang malakas na palahaw nito sa sakit. Galit na galit ang mata ni Ester at hindi mo nanaisin na makita kahit sa iyong panaginip ang itsura nitong sinasapian na nang demonyo. Duguan na si Emma at ngayon naman sinakal na ni Ester ang anak para wakasin na ang buhay nito. "M-Mommy, h-huwag." Kinakalampag ni Emma ang kamay at nawawalan na nang hiningga sa pag kakasakal nito sakaniya. "M-Mommy please, huwag po." Umagos ang luha sa gilid ng pisngi ni Emma at naka-ngisi lamang si Ester na natutuwa pa na makita na nahihirapan ang kaniyang anak. "Acghkk! M-Mommy." Pinikit ni Emma ang mata na kusang bumagsak sa pisngi ng bata ang laway nito na tumutulo. Ginamit ng bata ang huling lakas para galawin ang kamay at may mahawakan siya na pwedeng idepensa dito. Inabot ni Emma ang matulis na figurine at walang ano-ano tinarak niya ito sa leeg ni Ester. Nakaka-binggi at galing sa ikalaliman na lupa ang munti nitong sigaw kasabay ang pag bulwak na dugo sa parteng leeg nito. "Ahhh!" Hindi pa nakuntento si Emma at hinugot ang figurine at tinarak muli iyon nang paulit-ulit. Tumalsik ang malapot na dugo ni Ester sa mukha at damit ng batang si Emma. "Ughhk!" Unggol na kinakapos nang hiningga si Ester at kusa na itong napa-bitaw sa pag kakahawak sa leeg ng anak. "Ughhck!" Patuloy na unggol at nahihirapan na huminga. Pilit na hinahakbang ni Ester ang paa para tumakas ngunit hindi na nakayanan pa nang balanse ng paa nito–nahulog at nag pagulong-gulong ang malamig na bangkay nito pababa ng hagyan. Umagos na lang ang luha sa mata ni Emma at pilit na bumangon–hindi ininda ang pananakit ng katawan at sugat na natamo. Hawak ang tagiliran at paika-ika na lumapit sa kapatid. "P-Paul." Niyakap ni Emma ang katawan ng kapatid at kasunod mong marinig ang munting hikbi ni Emma. ***** 1 day Later Kasalukuyan nag papagaling si Emma at si Paul sa hospital. Matapos ang malagim na insidente dumating ang kaibigan ni Flora na si Janna para alamin ang kalagayan nila–mabilis naman kaagad itong rumespunde at tumawag nang ambulansiya at pulis na makita na nasugat at duguan sila. Dead on arrival na ang kanilang Ina at wala ng tanda pang bakas nang buhay, kahit ang mga pulis hindi makapaniwala at mapaliwanag sa kanilang nadiskubre na nakaka-takot na pangyayari. "Emma." Luhaan na lumapit si Flora sa kama kong saan naka-himlay ang kaniyang mga pamangkin. May sugat at benda rin ito sa katawan. Kahit kumikirot ang sugat at nahihirapan–pinilit nitong lapitan at yakapin ang mga bata. "Emma, Paul, akala ko wala na kayo." Umiyak na si Flora at nag papasalamat na buhay pa ang kaniyang mga pamangkin. Si Paul himala na naka-ligtas pero hindi nito magawang igalaw ang katawan dahil sa lalim na sugat na natamo nito. "Pasensiya na kong hindi ko man lang kayo natulungan at na protektahan. I'm s-sorry kong ano man ang nangyari kay Ester. Kong nakinig lang ako sana sainyo noon hindi mangyayari ang bagay na ito. Hindi s-sana hindi kayo mapapahamak ng ganito. I'm so sorry talaga." Nag iyakan na sila sa silid at dinarama ang bawat isa. Nag papasalamat sa diyos dahil binigyan pa sila nang pangalawang buhay. "Kahit wala na ang kapatid ko, pangako, aalagaan at pro-protektahan ko kayo na higit pa sa totoong mga anak." Niyakap ni Emma ng higpit si Flora at ganun na rin si Paul. Hanggang ngayon wala pa rin kasagutan kong ano ba talaga ang totoong sumapi sa kaniyang Ina. At kong ano ba talagang pakay nito sakanila. Ngunit ito lamang ang masasabi ni Emma. Hindi hindi lamang ordinaryo na espiritu ang kaniyang nasaksihan ng gabing iyon. Kundi isang demonyo. THE END.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD