Chapter 7

1819 Words
Chapter 7 Simula no'ng madilim na pangyayari, hindi na gaanong naka-usap ni Emma ang kapatid na si Paul. Sa tuwing kina-kausap at tangkang uungkatin niya kong ano nangyari at nakita no'ng gabing iyon. Sa isang iglap mababahiran ng takot, at pamumutla nito ng labi ni Paul. Balisa din ito at hindi mapakali na animo'y may kina-katakutan. Hindi maiwasan ni Emma ang matakot na rin at mag-alala dahil sa sinapit nang kaniyang kapatid, ngunit hindi pa rin maalis sa aking isipan ang sinabi nitong halimaw na nakita nito sa basement? Sinong halimaw na iyon? At bakit paulit-ulit niyang bina-banggit na may nakita siyang babae? Sino iyon? Siya na kaya ang babaeng minsan ko na rin nakita sa kusina–at kamukha ni Mom? Sa tuwing iniisip iyon ni Emma, tumatayo talaga ang aking balahibo. Hindi pa rin masagot sa aking isipan ang misteryo na nangyari sa akin at sa aking kapatid. Paano kong kaugnay at iisa lamang ang nakita namin ni Paul? Malalim na ang gabi tapos na nilang kumain ng hapunan. "Paul? Paul?" Katok ni Emma sa silid ng kapatid at walang narinig. Nag asseum na lang si Emma na natutulog na ito kaya't hindi na niya na iyon kinatok pa. Napa daan si Emma sa harap ng silid ng kaniyang Mom. Gaya pa ron ng dati naka sarado pa rin iyon at ayaw mag papasok ng ibang tao sa kaniyang silid. Kagat-labi na hahawakan ni Emma ang seradura, at bigla siyang natigilan nang may maputlang kamay na pumigil sa akin. Bakas ang nerbyos at lakas ng pintig ng kaniyang puso ng makita niya kong sino iyon. "M-Mom?" Kurap na saad ni Emma. Suot ni Mom ang puting bestida na mahaba ang kutis ng kaniyang Mom sobrang putla. Maitim din ang ilalim ng kaniyang mata na halatang kulang ito sa tulog. Nag nipis din ang kutis nito at kahit ang katawan medyo bumagsak na nga. Ibang-iba ang itsura at dating nito no'ng bumalik siya dito at marami din ang timbang na nabawas sakaniya. "Mom okay ka lang?" Hindi maiwasan na maitanong ni Emma sa Ina. "O-Oo, okay lang ako." Maya't ang kakaibang galaw ng ulo nito pag kamot nito sa parteng leeg na sobrang kati no'n. "Bakit ka nandito?" Malalim at ibang-ibang boses nito–na hindi natural sa tuwing nakaka-usap namin siya. "Gusto ko lang sana na dalawin kita Mom.." pinag mamasdan ni Emma ang Ina at patuloy na kina-kamot ang leeg nito. "Suklayin mo ang buhok ko Mom, iyong parati mo sa akin na ginagawa noon. Namiss ko na kasi eh." Naging intense ng pag scratch nito at pabilis nang pabilis, na namula na nga dahil tumatama ang kuko ni Ester sa balat. Hindi pinansin ni Ester ang Anak at nanatili pa din ito naka-tayo at patuloy na kumakamot. Pabaling-baling din ang pag galaw ng ulo nito–na mag pa kaba sa puso ni Emma. "Mom? Ulit ni Emma. "Alis!" Matinis nitong asik at sobrang bilis ang kamot nito sa leeg at likod na taenga, kasabay na sumugat ang balat ni Ester. "Po?" Gulat na tanong ni Emma, hindi niya rin sigurado kong tama ba ang kaniyang narinig. "Papasok na ba ako sa loob?" "Sabi nang alis!" Malakas na bulyaw at galing sa malalim na lupa ang boses ni Ester at namutla at kusang napa-atras ng paa ang batang si Emma sa takot na makita na kakaiba ang itsura nang kaniyang Ina. Sobrang dilim at nanlilisik ang mata nito sa galit. Mas lalong nakaka-takot ito at alam niya sa sarili na mapanganib kong hindi pa siya aalis. Mabilis na tumakbo si Emma papunta sa kaniyang silid at pabagsak na sinarhan ang pintuan. Sandal niya ang likod ng pinto at hindi pa rin maalis ang malakas na kabog ng kaniyang puso. Hindi gaanong naka-tulog si Emma ng maayos ng kaganapan na iyon at sa tuwing pinipikit niya ang kaniyang mata, naalala niya pa din ang nanglilisik na mata ng kaniyang Ina. Matang, mag bibigay kilabot sa kaniyang laman. Siniguro talaga ni Emma na naka-kandado ang pintuan ng kaniyang silid at kahit bintana. Kinakabahan siya na baka sa pag dilat nang kaniyang mata, biglang pumasok ang kaniyang Ina. Maliwanag na nang, mapag pasyahan ni Emma na bumaba. Lumabas siya sa silid at mukhang siya pa lang ang gising. Naabutan niya si Auntie Flora na nag lalagay ng mga pinamili nitong stocks sa bahay nila–na kakagaling lang nito mula sa trabaho. "Ohh, ang aga mo atang nagising Emma, hindi pa ako nakapag-handa ng almusal." Dinadaan na lang ni Emma si Auntie Flora. Hindi umalis si Emma doon at nag hihintay na maka-kuha ng pag-kakataon para maka-usap ito. "Auntie?" Mahina na tawag ni Emma. "Ano iyon?" "B-Bakit iba si Mom? Mommy ba talaga namin siya?" Sa wakas nasambit na din ni Emma ang katanungan at matagal nang bumabagabag sa kaniyang isipan. Matagal kong pinag-isipan, ngayon siguro na talaga ako. May iba sa aking Ina. Ngumiti na lang ito at lumapit kay Emma. "Oo, naman Mommy mo siya. Ano bang klaseng tanong iyan Emma?" Iling nitong sambit. "Hindi mo ba napapansin Auntie, parang may mali. Parang may iba kay Mommy no'ng dumating siya dito." Giit niya ngunit mukhang hindi ito pinapaniwalaan ni Flora. "Napansin kong napapadalas ang pag kamot niya sa leeg niya. T-Tapos kagabi, ibang-iba po si Mommy, nakakatakot siya, a—-." "Ahh iyon ba? Naikwento sa akin ni Ester na madalas kumakati ng kaniyang leeg. May iinom na siyang gamot doon para sa allergy niya." No, hindi lamang simpleng allergy ang pag-kamot nito sa leeg. "Eh i-iyong kaniyang silid naka-kandado, hindi ugali ni Mommy, mag lock ng pinto. Kilala ko si Mommy Auntie, ayaw niyang nag lock ng pinto sa silid nila dati ni Dad at kahit sa silid namin ayaw niya din mag lock kami." Sumbong ni Emma. "No'ng dumating siya dito, pansin ko na talaga na may mali sakaniya, sa kinikilos niya. Naka-kita ako na kamukha ni Mommy at nakaka-takot ang itsura niya parang m-multo siya..., A-At iyong nangyari kay Paul sinabi niya din may nakita siyang babae sa basement na monster daw...May kakaiba talaga sakaniya Auntie, hindi po siya si Mommy n-namin." Naiiyak na sumbong ni Emma dito. Sa wakas nasambit niya na din ang bigat sa kaniyang dibdib na hindi masabi sa Auntie Flora niya. "Tigilan mo na iyan Emma." Giit ni Auntie, na mukhang hindi naniniwala. "Alin ang tigilan?" Pareho kami natigilan at nahinto ni Auntie sa pag-uusap nang marinig namin ang biglang pag-sulpot ng tinig. Nanigas at namutla si Emma ng makita ang kaniyang Ina, na naka-tayo medyo malapit sa amin. Ang pinag-tataka ni Emma, dahil iba na ang itsura ngayon dahil sobrang aliwalas ng itsura nito. Sobrang malayo sa maputla, nakaka takot at bagsak na katawan na nasaksihan ko kagabi. "Wala Ester. Ang anak mo kong ano-ano sinasabi na iba kana raw." Iling na salita ni Auntie, at pinag-patuloy nito ang pag-aayos sa mga pinamili. "Nababanggit niya rin sa akin, na possibleng hindi ka niya totoong Ina at marami pa siyang sinabi na may nag papakita daw na babae sa bahay ko."kwento ni Auntie kay Mom na natutuwa pa, at para kay Emma— kakaibang takot sa aking puso dahil binanggit niya pa talaga ito kay Mommy. Pakiramdam ni Emma naka-apak siya sa sobrang nipis na salamin, na anytime nahuhulog siya sa kakaibang tensyon ng sandaling iyon. Nahuli ni Emma ang matalim na titig sa akin ni Ester at sa isang iglap biglang ngumiti–nang humarap sakaniya si Auntie. "Ganun ba?" Sinuntok ang dibdib ng batang si Emma sa takot. "Hayaan mo na Flora, siguro nasasabi lang iyon ng aking anak dahil nanibago siya sa aking pag-babalik. Tatlong taon akong nawalay sa mga anak ko, kaya't naintindihan ko naman sila. Tama ba ako Emma?" Pahiwatig na sambit ni Mom, na hinintay ang aking magiging opinyon. Nag daplis ang malamig na pawis ng batang si Emma at malilikot na rin ang mata. "O-Opo, ganun na nga po." Napilitan na sagot ni Emma, kahit napaka-bigat sa dibdib na bitawan ang kagatang iyon. Lumawak ang ngisi labi ni Ester. Ngisi na mag papatayo ng balahibo sa iyong katawan. ***** Nang matapos nilang kumain, nauna ng pumanhik si Emma sa silid para mag pahingga. Pinili na lang ni Emma na mag kulong sa kaniyang silid–para sa ganun maiwasan ang kaniyang Ina. Naka- upo si Emma sa upuan kaharap ng malaking salamin, na mapag-masdan niya ang repleksyon doon. Kinuha ni Emma ang hair-brush na naka-patong sa lamesa kasama ng mga ilan pa niyang gamit. Pag anggat ng ulo ni Emma paharap sa salamin–nakita niya ang nakaka-takot na bulto ng babae sa labas ng aking silid. Sobrang lakas ng pintig ng puso ni Emma na pilit na inaaninag ang itsura ng babae na naka-tayo. Ilang segundo, namukhaan niya ito–na para itong multo na naka-tayo soon at nilamon na ng kadiliman ang kaniyang pigura. "Mom?" "Maari ba akong pumasok Hija?" "S-Sige po Mommy." Nag lakad si Ester palapit sa kaniyang anak at piniling pumwesto sa likuran ni Emma. Nakita ni Emma ang repleksyon ni Ester mula sa salamin at hinayaan lamang iyon ng bata kahit sa loob–hindi siya gaano kampanti na naroon ito. "Pasensiya na, kong ano man ang inasal ko sa'yo kagabi–hindi lang talaga maayos ang pakiramdam ko kagabi Emma." Hinawakan ni Ester ang balikat ni Emma at sabay ngiti sa salamin. "Naintindihan ko naman po Mommy," si Emma na pumutol ng eye-contact nila sa salamin. "Galit ka ba sa akin? Hindi ko sinasadya na mataasan kita ng boses kagabi, natakot ka siguro sa naging inasal ko... Hayaan mo, hinding-hindi ko na uulitin iyon. Emma." Naging malambing ang boses nito. "Sa totoo lang talaga, nahihirapan na ako, dahil tatlong taon akong nawala Emma.. Tatlong taon akong walang malay at nasa Hospital." She paused. "Marami akong na-miss na mga pangyayari sainyong dalawa ni Paul, at matagal ang tatlong taon na iyon Emma. Hindi ko man lang nasubaybayan ang pag laki mo at kahit na rin si Paul." Emosyonal na salita nito at nakita ni Emma ang bakas na lungkot sa mata nito. "Hayaan mo akong bumawi sainyo ni Paul. Hm?" "Sige po Mommy." Napawi ang lungkot sa labi ni Ester at napalitan kaagad ng saya sa naging sagot ng kaniyang anak. Pilit na ngumiti si Emma at nakita– ang bakas na pamumula at sugat sa parteng leeg ni Ester na tanda ng pag-kalmot nito. Hindi na lang nag salita si Emma. "Susuklayan kita Emma." Kinuha ni Ester ang suklay na hawak ni Emma at sinimulang suklayin ang mahaba at maitim nitong buhok. Buong ingat ang pag-suklay ni Ester sa buhok nang anak. Ilang minuto na lumipas, simulang i-hum ni Ester ang tunog ng kanta. "Hmm. Hmm" patuloy na hum ni Ester na sinusuklay ang buhok ng kaniyang anak. Ang tunog na paulit-ulit na naririnig ni Emma. Ang tunog na narinig ko sa aking panaginip. Ang tunog ng kanta, na nag papakilabot sa kaniyang laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD