Chapter 8

2105 Words
Malalim na ang gabi at mag-isa na lang ang batang si Emma sa malawak na dining. Naiwan na lamang naka-bukas ang ilaw paakyat sa hagyan–kaya't hindi na abot ang liwanag no'n sa malawak na sala at dining. Nabalot na ng kadilaman ang paligid at nakaka-binggi rin na katahimikan ng gabing iyon. Patuloy nag browse si Emma sa laptop at tanging liwanag ng laptop ang mag bigay ng liwanag sa naturang dining area kong saan ngayon si Emma naka-pwesto, pero may konting liwanag din naman na nag mumula sa street light sa labas, na mag katulong ng konting liwanag na rin. Pinatong ni Emma ang laptop sa lamesa at umupo na rin siya sa bakanteng silya na kaharap lamang no'n. Bukas na bukas pa ang kaniyang diwa at hindi gaanong maka-tulog ng batang si Emma. Sila lamang dalawa ni Paul ang naiwan sa bahay, dahil pumasok na sa trabaho ang kanilang Auntie Flora. Samantala naman ang kaniyang Mommy–maaga na itong nag paalam na mag papa-hingga na ito sa kaniyang silid. "Wow ang ganda naman." Amazed na tinig ng batang si Emma na nag scroll ng magagandang litrato na kaniyang nakikita sa f******k. Sa likuran ng batang si Emma may namuo na maitim na bulto na nakaka-takot na nilalang. Nilalang na mag papanindig ng iyong balahibo. Matangkad ang anino at ang mata nito umaapoy sa galit, na kanina pa pinapanuod si Emma. Palapit nang palapit ang nasabing anino sa walang kamuwang-muwang na bata na abala sa pag-titipa ng kong ano sa laptop na kaharap nito. Hindi alam ng bata nasa likuran, ay may mabangis na nilalang nag hahanda lamang sa pag-atake. Nilabas ng nilalang ang matutulis na kuko nito, na kayang tuklapin ang iyong laman na walang kahirap-hirap. Tinaas ng nakaka-kilabot na nilalang ang kaniyang kuko para sakmalin ang batang si Emma–ngunit biglang nawala ang nakaka-takot na anino ng biglang bumukas ang ilaw. Kusot-mata si Paul na binuksan ang ilaw, sa kusina para kumuha ng maiinom. "Paul?" Gulat na salita ni Emma na makita ang kapatid. "Oh bakit gising ka pa?" "Ate?" Malilikot ang mata ng batang si Paul, may gustong sabihin ngunit hindi alam kong paano sisimulan. "Bakit?" "Pwede mo ba akong samahan matulog?" Balisa at mukhang nahihiya pa itong sabihin ang katagang iyon. "Hindi kasi ako maka-tulog. Pwede bang samahan mo ako sa aking silid?" Mahina nitong sambit, na sapat na para kay Emma na mapakinggan kong ano man ang sinabi nito. "Sige sasamahan kita Paul." Sinarhan ni Emma ang laptop at sabay na silang umakyat papunta sa silid nito. Magkatabi sila ni Paul nahiga sa kama, kasyang-kasya sila na kahit gumulong pa dahil malaki talaga ang espasyo no'n. Sakto lang naman ang laki ng silid ni Paul at kulay sa light blue ang pintura ng silid nito– sa kabilang dako naroon ang malaking wardobe para sa mga damit nito, at sa isang tabi kaharap ng bintana, nandoon ang study table. Hindi na matukoy ng batang si Emma kong ilang minuto na bang naka-titig sa kisame. May naka dikit doon na maliit na parang bituin at buwan, at umiilaw lamang iyon kapag madilim ang silid. "Paul? Gising ka pa ba?" Hindi maiwasan na maitanong ni Emma iyon. Alam niya sa sarili na gising pa ang kapatid dahil maya't-maya ang galaw nito. "Oo Ate, hindi kasi ako maka-tulog." Mahina nitong bulong, na pareho ata sila na hindi maka-tulog nang gabing iyon. Hindi rin matukoy ni Emma ang sarili dahil ito ang kauna-unahang nag pasama ang kapatid niya sa pag-tulog sa silid nito. Makulit at bibo si Paul, pero matapos ang insidente na nangyari sa basement–gusto na lang nito palagi na nag-iisa. "Okay na ba ang sugat mo?" Iniiwasan rin ni Emma na hindi gaanong malikot para hindi matamaan ang sugat nito. Naka-benda iyon, pero sariwa pa din ang sugat. "Hindi na Ate, malakas kaya ako. Hihi." Natutuwa siya dahil nagawa na nitong mag biro at ngumiti. "Sabi sa akin ni Auntie Flora, may regalo daw siya sa akin bukas.. Birthday ko na Ate, at excited na akong makita kong ano ang regalo niya sa akin." Sinilip ni Emma ang kapatid, kahit may kadiliman sa silid nito—nakita ko ang saya habang kinu-kwento ang bagay na iyon. "Lulutuan daw ako ni Auntie ng spaghetti at mga paborito kong fried chicken!" Tuloy na kwento nito at sabay harap sa akin. "Eh, ikaw Ate! Ano ang regalo mo sa akin?" "Ah regalo? Secret muna!" Bumusangot ang kapatid, dahil hindi ko masabi ang aking regalo. Hindi naman naka-limutan ni Emma ang birthday ng kapatid, katunayan pa nga bumili na ako ng ipang-reregalo sakaniya no'ng naka-raang linggo pa. "Gusto ko ate iyong toys! Iyong malaking-malaki na Toys!" Hinila ni Paul ang kumot para takpan ang katawan. Sabay sila nag kwentuhan at nag kulitan na dalawa hanggang hini-hintay na dalawin sila nang antok. Kong saan-saan nga napunta ang kanilang kwentuhan na dalawa, at parang nawala ang bigat na naka-pasan sa aking dibdib na makita ko na itong masaya. "Pwede ba akong mag tanong sa'yo, Paul?" Tanong ko. "Pwede mo bang ikwento sa akin kong ano ang nakita mo sa basement?" Biglang natahimik ang batang si Paul. "Wala Ate." Saad nito na halatang ayaw nitong pag-usapan kong ano man ang nakita niya doon. "Alam kong may nakita ka, dahil paulit-ulit mong sinasabi na may naka-kita kang monster at babae." Hindi ito umimik at halatang natatakot na ito. Kahit paulit-ulit niyang sabihin na wala–hindi ko makaka-limutan ang sinabi nito na may nakita siyang babae sa Basement. Hindi ko alam kong sino o ano ang nilalang ang kaniyang nakita. "Paul?" Tawag kong muli. May pag-aalinlangan sa mata nito, bago bigkasin ang katagang ito. "Sa totoo lang Ate, may nakita ako sa basement." Bulong nitong pag-bigkas na ayaw nitong iparinig kahit na sino. "Ano? Nakita mo ba ang itsura niya?" Umiling ito at sabay naging seryoso muli. "Hindi ko alam Ate, pero nakaka-takot siya at nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit." Sa puntong iyon, doon na manginig at mamutla ang batang si Paul na kinu-kwento ang malagim na kaniyang nakita sa basement "Mahaba ang kaniyang buhok at maputla ang kaniyang balat. B-Babae siya Ate. Babae siya." Ulit nito at tumitig si Paul na bakas na trauma sa mata nito. "Babae?" "Oo, babae siya." Dugtong nito. "Ramdam ko naka-masid siya sa akin. Nariyan lamang siya sa paligid at sa pagitan ng mga dingding at sulok sa bahay, naka-abang at nag-hihintay ng pag-salakay muli...Pinapakinggan at pinapanuod ang aking pag-kilos.."malilikot na ang mata nito sa takot, hindi rin maitago sa dibdib ni Emma ang matakot na rin. "Pero ang babaeng nakita ko sa Basement Ate, kamukha siya ni M-Mommy." Doon nagimbal ang dibdib ni Emma kasabay ang kilabot na nanalaytay sa katawan ng marinig ang sinabi ni Paul. ***** "Happy birthday Paul!" Bati ni Auntie Flora kay Paul, nang sabay kami bumaba para kumain sa almusal. Napa-takip ng bibig ang batang si Paul at hindi maipaliwanag ang saya na nadarama ng makita ang mga naka-handang mga pag-kain sa lamesa. Meron spaghetti, chicken, lumpia , cake at ilan pang dinagdag ni Auntie na paborito ni Paul na pag-kain. Simple lamang ang mga iyon na handa at mabilisan na inorder sa online na pag-kain. Kahit pagod at puyat si Auntie Flora sa trabaho, parati nitong naalala at ig celebrate ang mahalagang kaarawan para sakanilang dalawa. "Wow! Thank you so much Auntie." Patakbong niyakap ni Paul ang Auntie Flora, na hinagkan naman ang batang si Paul sa ulo nito. "Are you happy" mabilis na tumango ang bata na may ngiti sa labi. Hinaplos ni Flora ang buhok ni Paul, at nawala kaagad ang pagod at puyat niya na makita lamang itong masaya. "Sorry, kong iyan lang ang nakayaman ko ah? Hindi ito kasing engrande ng mga naka-raan mong mga birthday." "Ayos lang po iyon Auntie. Masayang-masaya nga ako kasi mayron na spaghetti at mayron na cake oh!" Aliw na aliw ang bata na tinuro ang cake sa lamesa. "Oh siya." Kumalas na si Flora sa pag kayakap dito. "Halika na Emma, para masimulan na natin kantahan ng happy birthday songs, si Paul. Tawagan mo na ang Mommy mo sa itaas." "Yes po Auntie." Lalabas na sana si Emma sa malawak na dining at sakto naman na naka-salubong niya ang kaniyang Ina, na kagigising lamang. "Good morning Mom," bati ni Emma dito. "Good morning din anak, sorry kong natanghali na ako ng gising. Sandali, ipag-hahanda ko na kayo ni Paul nang almusal at baka gutom na kay—-" natigilan si Ester na maagaw sa atensyon niya si Flora na naka-tayo sa isang tabi kasama si Paul. Naguguluhan si Ester na makita ang mga naka-handang mga pag-kain sa lamesa. "Nandito kana pala Flora, pasensiya na kong natangghali na ako ng gising.. Sandali, anong meron?" "Ano ka ba Ate Ester, birthday ng anak mo." Pag-papaalala ni Flora sa kapatid. "Birthday ngayon ni Paul!" "Ah ganun ba?" Doon na naalala ni Ester na naka-limutan niya ang mahalagang araw sa kaniyang anak. Nag lakad si Ester sa gawi ng kaniyang anak na si Paul sabay hawak sa kabilang balikat nito. Pasensiya na kong naka-limutan ko, anak. Happy birthday Paul, pasensiya na kong hindi ako naka-bili kaagad ng regalo mo.. Ihahabol na lang ni Mommy later okay?" Matamis na ngumiti si Ester dito. Alangan at mukhang iniiwasan ng batang si Paul na mag-karoon ng eye-contact sa kaniyang Ina. "Ayos lang iyon Mommy, naintindihan ko naman po." Bulong na tinig ni Ester. "Masaya ako dahil kasama na kita ngayon na birthday ko." Lalo pang lumawak ang ngisi sa labi ni Ester. Hindi man lang napansin ni Flora ang pagiging malamig ng batang si Paul sa Ina nito, na akala niya lamang normal na pag-uusap lamang iyon. "Oh siya! Kantahan na natin na happy birthday si Paul!" Agaw atensyon ni Flora kaya't naka-iwas ang batang si Paul. Sinindihan na ni Flora ang kandila sa cake ni Paul at sinimulan na nilang kantahan ng happy birthday ito, at pag katapos kumain na sila. Hindi maipaliwanag ang saya ng batang si Paul na binigay nila ang kanilang regalo. Binigay na rin ni Emma ang biniling regalo sa kapatid, at pag-kakataon na si Auntie Flora na ang bibigay ng regalo. Naroon silang tatlo sa malawak na sala, nag kukulitan ngunit hindi na lang sumama si Ester, dahil mas piniling ligpitin at mag hugas ng kanilang pinag-kainan. "Gusto mo na bang makita ang regalo ko sa'yo Paul?" Naka-squat na naka-upo si Paul sa carpet at sabik na makita kong ano ang regalo sakaniya. "Saglit lang." Tumayo si Flora at pumunta sa isang silid at pag-balik nito dala ang isang 6months old na golden retriever na aso. "Wow! Auntie!" Tumalon-talon ang batang si Paul sa saya at excitement na makita ang paborito at matagal niya nang gusto na aso. Hindi paman nakaka-upo si Flora, niyakap ng batang si Paul ang aso at pinang-gigilan. "Hahah! Do you like her?" "Yes po Auntie!" Pinang-gigilan pa ni Paul ang aso at kasabay ang pag-ningning ng mata nito sa saya. "Ate! Look oh! Ang ganda ng aso ko!" Pinag mamalaki pa ni Paul ang aso na natanggap nito. Ngumiti na lang si Emma at nilapitan ang aso para haplusin at laruan ito. Lingid sa kaalaman, pareho nila gusto na mag karoon ng aso. "Her name was summer." Flora. "Hanggang hindi pa gaanong kabisado ni Summer ang paligid, dito muna siya sa loob. Iwasan niyo rin na naka-bukas palagi ang pintuan at bintana at baka maligaw at mawala siya, okay?" Paalala nito na kina-tanggo naman ng dalawang bata na sabik na sabik sa aso. "Yes po Auntie." Tuwang-tuwa na pinapanuod ni Flora ang pamangkin na nakikipag-laruan at kulitan sa aso na kaniyang binili. "Mga anak, halika na at——-" natigilan ang bagong dating na si Ester sa living area, na suminggit na galit na galit ang aso na si Summer. Pinag-tatahol nito si Ester, nang paulit-ulit. "Summer! Stop it." Saway ni Paul ang aso at hinahatak ang aso palayo sa Ina. Hindi pa rin maawat ang aso, at patuloy na tinatahol nito si Ester. "Tama na Summer," sumaway na rin si Emma ngunit hindi pa rin ito tumigil. Hindi na mapigilan ni Flora na marinig ang malakas na pag-tahol ng aso, kaya't lumapit siya sa bata. "Sige na Paul, Emma. Idala niyo na lang muna si Summer sa itaas para tumigil na kakatahol." "Yes po Auntie." Sabay hinila ni Emma ang tali kay Summer at sabay na ang mag-kapatid na umakyat sa itaas para italo ito. Hanggang sa pag-lisan nila ng kapatid sa sala–nahuli ni Emma ang matatalim na titig ng kaniyang Ina sa aso. Titig na puno ng galit at dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD