Chapter 6

1762 Words
Chapter Rinig mo ang malakas at nakaka-takot na sigaw ng batang si Paul, nang mayanig ang mundo ng mga taong nandoon. Kabang-kaba na lumabas si Emma palabas ng living area ng marinig ang boses ng kapatid na animo'y humi-hinggi ng tulong. Naabutan ni Emma, si Auntie Flora na nilalabas si Paul palabas nang basement. Wala sa sariling napa-tutop ng bibig si Emma ng makita ang kapatid na patuloy na pumalahaw ng iyak na tila ba nasasaktan na ito at kasabay ng pag tulo ng malapot na dugo sa ibaba ng braso nito. Markang-marka ang tatlong mahabang kurit ng sugat na tila ba kinalmot iyon kong ano man mabangis na nilalang. Malakas na lang ng iyak ng kaniyang kapatid kasabay ang pamumutla ng mukha ni Auntie Flora, na hindi alam ang dapat gawin ng makita na sugatan ang bata. "Paul. Ano ba kasing ginagawa mo sa ibaba ha?" Pagalit na sermon ni Auntie doon. "Auntie masakit po. Ayaw ko na po Auntie ahh!" patuloy na palahaw nito at dinala ito ni Auntie sa living area para gamutin ang sugat na kapatid at sumunod na lang si Emma sakanila. Pinaupo ni Auntie ang kapatid sa malambot na couch at tumabi na rin si Auntie para masaksihan ng malapitan ang sugat ng bata. Lalo pang napa-ngiwi at naiyak si Auntie ang pag danak ng sariwang dugo sa sugat ng bata–na tumuklap ang laman no'n sa buong lalim ng sugat. "Auntie, a-ang sakit po. Ang sakit." Sumbong ng kaawa-awang si Paul na hindi alam ng musmos na bata ang gagawin sa sakit ng sugat nito. Kahit ang auntie nila hindi alam ang gagawin at natataranta na rin. Bumaling ng tingin si auntie sa naka-tayong si Emma. "Emma, kumuha ka ng maligamgam na tubig at ilagay mo sa maliit na palangga. Kumuha kana rin ng malinis na bimpo bilis!" Utos nito. Mabilis din na tumakbo si Emma papanhik sa kusina para sundin ang pinag-uutos ng kaniyang Auntie Flora. Malakas na rin ang pintig ng puso na si Emma at kasabay ng pang-gigilid ng luha sa bata ng marinig ang munting iyak ng kapatid na si Paul, para sabihin kong gaano kasakit ang sugat nito. Nang matapos kunin ni Emma ang lahat ng pinakukuha nito. Bumalik na siya sa living area. Sinimulang ilublob ni Flora ang hawak na malinis na bimpo sa maligamgam na tubig at pagkatapos piniga na iyon–para maalis ang tubig na naka-kapit sa bimpo. Hinawakan ni Flora ang braso ng bata at dahan-dahan na dinampi ang bimpo sa sugat nito para linisan iyon. "Ahh! Auntie, huwag po sobrang sakit po talaga." Napapa-ngiwi ang batang si Paul sa sakit kahit hindi naman gaanong madiin ang pag punas ng bimpo. "Ester, ate!" Sigaw na tawag ni Auntie Flora, para huminggi rin ng tulong sa kapatid. Naiyak na din si Flora na makita na ganun ang sinapit ng bata sa tuwing umiiyak iyon sa sakit. "Tiisin mo na lang Paul, ha?" Pag papasunod ni Flora sa bata, ngunit hindi pa rin ito matigil-tigil sa pag-iyak. "Ahh! Aray ko po A-Auntie. Ayaw ko na po. A-Ayaw." Hinihila ng batang si Paul ang braso na hawak ng Auntie para hindi na nito idaplis ang bimpo sa sugat nang bata. Sumisinok na ang batang si Paul na hindi maipaliwanag kong saan galing ang kirot at sakit ng sugat. "Ano ba kasing ginagawa mo sa basement huh?" "Auntie m-may nakita ako." Sumbong nito. "May nakita akong monster sa basement. A-Ayaw ko na po dito Auntie. Natatakot na ako na b-baka makita ko siyang muli." Malilikot ang mata ng bata na parang may kina-takutan ito ng nilalang. Imbes na pagalitan ni Flora ang batang si Paul, bumaling ang galit nito kay Emma na tahimik lamang sa isang tabi. "Iyan kasi Emma, kakapanuod niyo ng horror ni Paul, tignan mo na nangyari sa kapatid mo, kong ano-ano na lang ang sinasabi niya." Sermon ni Flora ng mahina ngunit malaman na pinapagalitan ang mga bata. "Diba sinabi ko naman sainyo na hindi laruan ang basement area.. Marami talaga akong naka-imbak doon na mga tools, at pwede kayong masugatan kapag hindi kayo nag-iingat. Tignan mo na Emma na nangyari sa kapatid mo, ang lalim nang sugat niya." "Pero Auntie, hindi ko naman kasalanan na mag laro siya doon." Depensa ng batang si Emma ngunit hindi pa rin talaga mag papatalo ang kanilang Auntie, kapag ito na talaga ang nag sermon sakanila. "Kahit na, dapat binabantayan mo pa rin ang kapatid mo lalo't makulit siya paminsan... Mula ngayon bawal na kayo manuod ng movies kapag natapos na ang hapunan. Nag kakaintindihan ba tayo?" Pagalit nitong asik. "P-Pero Auntie." "I made my decision Emma. Tignan mo na ang nangyari sa kapatid mo." Hindi na muling sumagot pa si Emma, dahil matalim na ang titig sakaniya ng Auntie Flora nito. Kilala na ni Emma ang ugali ni Auntie Flora mabait ito, kong sa mabait–ngunit kapag nag desisyon na ito, hindi mo na iyon mapapabago pa. "Yes po Auntie, sorry po." Sagot na lang ni Emma dito. "Pero Auntie, totoo talaga nakita ko kanina. May monster po. May monster p-po." Giit ni Paul sa Auntie. "Hinahanap ko po ang bola ko sa basement at m-may nakita akong babae Auntie. Nakaka-takot ng itsura ng baba——" hindi na natapos ng batang si Paul ang sasabihin ng sumulpot ang boses ng kaniyang Ina. "Sinong babae ang nakita mo, Paul?" Nagimbal ang bata at hindi na magawang mag sumbong. Hindi nila namalayan na naka-tayo si Ester sa isang tabi na halatang kanina pa, punapanuod ang tatlo na nag-uusap sa living area. Suot ni Ester ang paborito nitong mahabang puting bestida at kay lawak ng ngiti na gumuhit sa labi nito. Ngiti, na kayang panindigan ang mga balahibo mo. "Nakita mo ba ang mukha ng nakita mong babae kanina? Anong itsura niya, Paul?" Pang uulit pa na tanong ni Ester, at namutla ang mukha ng batang si Paul, na iniiwasan na mag karoon ng eye contact sa Ina. "W-Wala po." Iyan na lang ang naisagot ng batang si Paul at sabay yuko na tila ba takot na takot. Para kay Flora normal lamang ang kinikilos at naging sagot ng batang si Paul. Pero sa batang si Emma, napansin niya kaagad na may iba ata sa kaniyang kapatid? Bakit bigla itong umamo? Bakit parang takot na takot ito sa aking Ina? "Mabuti naman at narito kana Ate Ester." Tumayo si Auntie Flora at nilapitan si Mom. "Kukuha lang ako ng malinis na pang palit ni Paul na damit. Idadala ko siya sa hospital ngayon, para maayos ang pag gamot sa sugat niya at baka ma-infection." "Sige ako na ang bahala sakaniya, Flora." Parang natural lamang ang salita ni Mom at umakyat na si Auntie Flora para kunin ang gamit nito sa itaas. Binalingan ng tingin ni Mom si Paul na tahimik na umiiyak sa tabi. Sumilay na lang ang malawak na ngiti sa labi ni Ester at kina-putla naman ng batang si Paul sa takot. **** Kanina pa yakap-yakap ni Emma ang tuhod at naka-upo sa hagyan, at iilan na lang naka-bukas sakanilang bahay. Sobrang tahimik at mabibinggi ka sa katahimikan. Nauna nang natulog ang kaniyang Mom sa silid dahil masakit daw ang ulo nito, kaya't siya na lang ang nag-hintay sa pag-balik nang dalawa. Tuminggala si Emma sa malaking orasan at pasado na alas- dyes ng gabi–ngunit wala pa rin si Auntie at Paul. Gusto man ipikit na lang ni Emma ang mata at matulog na lamang sa kaniyang silid ngunit hindi siya mapakali. Gusto niyang hintayin na maka-balik si Paul at Auntie, para malaman kong maayos na ba ang kapatid. Kahit anong sabihin nako-konsensiya rin si Emma dahil kong, hindi lang talaga siya naging madamot sa kanilang pinapanuod kanina ni Paul– hindi sana masugatan ang kaniyang kapatid. Aaminin man ni Emma na napabayaan niya si Paul, at hindi ko ito nabantayan. Natatakot na rin si Emma, na baka maulit na naman muli na– isa na naman sa kaniyang pamilya ang mapa-hamak. Tumayo si Emma ng marinig ang pag bukas ng pintuan at lumuwa doon ang bulto ni Paul at Auntie, na kagagaling lamang nito sa Hospital. "Paul, kumusta kana?" Salubong niyang bata sa kapatid na kasunod lamang ni Auntie. May naka-lagay ng benta ang sugat nito, at parang maayos na ang kapatid niya kumpara kanina na takot na takot talaga. "Oh bakit gising ka pa Emma?" Takang tanong ni Auntie ng maabutan pa ako na gising pa. "Hini-hintay ko po kayo na maka-balik Auntie." "Hindi na dapat, dahil malalim na ang gabi. May pasok ka pa naman bukas." "I know po, gusto ko lang makita at malaman kong maayos na ba si Paul. Nag-aalala po talaga ako sakaniya." "Mahal na mahal mo talaga si Paul, kahit madalas kayong dalawa nag-aaway." Hinawakan ni Auntie ang buhok ni Emma. "Maayos na siya Emma. Medyo malalim ang sugat na natamo niya at niresitahan na siya ng gamot para sa kaniyang sugat. Mabuti na lang at hindi ganun kalala ang sugat na natamo ng kapatid mo, at baka hindi ko na ata alam ang gagawin ko." Sinilip ni Emma si Paul sa gilid at naka-yuko ito at wala pa ring imik. "Paul?" Tawag niya sa kapatid at umanggat naman ito ng tingin kaya't nag katitigan silang dalawa sa mata. "Sorry ha? Sorry kong hindi kita nabantayan kanina. Galit ka ba kay Ate?" Umiling ito pero ganun pa din ang bakas na expression sa mukha nito. Hindi malaman ni Emma ang biglang pananahimik nang kapatid, siguro nag karoon ito ng trauma kong ano man ang nakita nito kanina sa basement. "About pala sa nakita mo kanina sa basement, pwede mo bang ikwento iyon kay Ate? Anong nakita mo kanina Paul?" Sa isang iglap namutla ang mukha ni Paul sa takot. Malilikot na rin ang mata ng bata na may kina-katakutan na nilalang sa bahay nila mismo. "Paul?" Tawag ni Emma sa kapatid at konti na lang maiyak na ito. "Auntie, antok na po ako. Gusto ko nang matulog." Humawak ito sa kamay ni Auntie, para umiwas na sagutin ang aking katanungan. Domoble ang bakas na takot sa mata nito na ngayon pa lang mismo makita iyon ni Emma. "Pero Paul, gusto ko lang malama---" hindi na natuloy ni Emma dahil pinigilan na ako ni Auntie. "Bukas mo na lang siya tanungin Emma, kailangan na mag-pahingga ng kapatid mo." Paalala ni Auntie at hinila na nito ang aking kapatid papanhik sa itaas para matulog na. Naiwan na lang si Emma sa ibaba at sinusundan ng tingin si Paul at Auntie. Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko may mali?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD