Chapter 5

2035 Words
Chapter 5 Hanggang sa pag sapit ng gabi-at sabay-sabay na sila kumakain ng hapunan sa hapag-kainan. Hindi pa rin maalis sa isipan ni Emma ang nakaka-takot at kilabot na narinig at nakita kaninang umaga. Sino ang nilalang na iyon? Bakit siya kamukha ni Mommy? Okupado ang kaniyang isipan at maraming katanungan ang pumapasok sa isipan ng batang si Emma, dahil hanggang ngayon wala pa rin ako makuhang sagot-sa kahindik-hindik na karanasan niya kanina. Sa tuwing naalala at pini-pikit ni Emma ang mata, nanumbalik ang kilabot at trauma sa nakaka-takot na nilalang. Nilalang na kamukha ng Ina. Hawak ni Emna ang tinidor at pinag-lalaruan lamang ang laman ng plato–walang ganang kumain dahil sa labis na trauma.. Masayang pinapanuod Emma si Auntie Flora at si Mommy na masayang nag-kwu-kwentuhan sa hapag-kinain–kong saan-saan na nga napunta ang kanilang pinag-uusapan ngunit lumilipad ang isipan ni Emma. Katabi ni Emma si Auntie Flora samantala naman si Mommy, kaharap niya lamang at katabi nito si Paul na tahimik lamang kumakain sa tabi nito. Pinag-aaralan ni Emma ang bawat kilos at galaw ng kaniyang Ina. "Ito, kumain ka pa ng marami Paul." Sinalinan ni Mom ng pag-kain sa Paul sa plato at sabay na ginulo ang buhok nito. Naka-ngiti na lang ang kaniyang kapatid at masayang nilalantakan ang masarap na hinanda ng kanilang Ina para sa kanilang hapunan. Nang mapansin ni Ester, na kanina pa naka-masid sakaniya ang anak na si Emma. Nginitian niya na lang iyon ng matamis. At sinuklian naman iyon ni Emma ng matamis na ngiti sa labi-at kahit sa loob-loob niya natatakot siya sa presinsya nito. Nang matapos nilang kumain ng hapunan. Masayang nanuod ng horror movie sina Paul at Emma sa malawak na sala. Pasado alas otso pa lang ng gabi kaya't buhay na buhay pa ang kanilang diwa sa panunuod ng palabas sa telebisyon. "Ate! Huwag na niyan. Natatakot ako." Sabay takip ng unan sa mukha ng takot na takot na si Paul. "Cartoons na l-lang kasi. Ayaw ko niyan. Natatakot ako." Nilabas ng konti ni Paul ang mukha sa unan at hindi magawang humarap sa kanilang pinapanuod. Matatakutin kasi ang kaniyang kapatid na si Paul at ayaw nitong manuod na ganun na katatakutan. Iba naman si Emma sa lahat dahil paborito niya talaga sa lahat ang horror na palabas at kahit madaling araw pa siya manuod nito, nakakaya niya talaga. "Shhh! Huwag kang mainggay." Saway ni Emma dito para makapag focus sa pinapanuod. "Eh, ang pangit kaya ng cartoons ng pinapanuod mo." Nilayo ni Emma ang hawak na remote para hindi maagawan ng chanel na pinapanuod sa telebisyon. Tinatakpan ni Paul ang taenga at mukha sa tuwing naririnig ang malakas na sigaw at nakaka-takot na background sound sa telebisyon. "Huwag na kasi iyan A-Ate, natatakot na ako." Mangiyak-ngiyak na sumbong nito. Paminsan nasasarapan din si Emma na asarin ito–doon lamang siya nakaka-bawi ng ganti sa kapatid sa tuwing inaaway at kinukulit siya nito. Pasimpleng sinilip ni Emma ang kapatid sa tabi at naka-dapa na ito at hindi na magawang tumitig sa telebisyon. Doon naka-isip si Emma ng magandang prank dito. "Ano iyan Paul? Sino iyan naka-tayo sa likuran mo?" Pag tukso niya pa na kina-putla ng mukha nito sa takot. "Ahhh!" Matinis nitong sigaw at sumiksik pa ito ng yakap kay Emma sa labis na takot. Sumakit na ang tyan ni Emma sa kakatawa na makita ang expression ng mukha nito na hindi na maipinta. "Hahha!" Tawa niya pang muli. "Tigilan niyo na iyan dahil malalim na ang gabi." Lumapit si Auntie. Lumayo si Paul kay Emma. Maluha-luha nito sa takot. "A-Auntie, si Ate ayaw akong panuorin ng cartoons." Sumbong ni Paul dito. "Natatakot ako sa horror eh, ayaw niya naman ako panuorin ng tv." "Emma, pag bigyan mo na si Paul. Umiiyak na oh." "Eeeh ako naman nauna Auntie eh. Malapit na rin matapos itong pinapanuod ko, sayang naman kong hindi ko matatapos." Nguso niyang depensa. "Gusto ko manuod auntie ng cartoons." Paawa ng kaniyang kapatid. Napa-tampal na lang si Auntie sa noo na hindi alam ang gagawin. Gusto man sana kami pag-bigyan sa aming gusto ngunit isa lamang ang telebisyon sa bahay. "Oh siya kapag natapos na iyan na pinapanuod mo,si Paul naman ang panuorin mo? Huwag madamot Emma." Paalala nito. "Yes Auntie." "Pero Auntie. Cartoons po. Cartoons." Tumayo si Paul at kinu-kulit na nito si Auntie na cartoons panuorin nito. "Ayaw ko auntie ng horror. Gusto ko c-cars na cartoons." Nag pout ang kapatid niya para lamang mapag-bigyan lamang ito. Hinawakan ni Auntie ang buhok ni Paul. "Patapos na rin ang pinapanuod ni Ate Emma mo, at ikaw na rin ang susunod na manunuod ng cartoons okay?" Ngumuso na lang ang batang si Paul. "Gusto ko pag sapit ng saktong alas-dyes naka-patay na ang tv at naka-panhik na kayo sa inyong mga silid para matulog Emma. May pasok pa kayo bukas." Paalala nito na kina-tango naman ni Emma. "Yes po Auntie." Mabuti na lang talaga walang pasok ngayon sa callcenter si Auntie, bukas pa ng gabi ang sunod na pasok nito kaya't kampanti ang loob ni Emma na kasama nila ngayong gabi ito. "Siya nga pala Auntie, si Mommy?" Tanong ni Emma dito, dahil matapos namin kumain ng hapunan kanina, hindi ko na ito nakita pa. "Baka nasa silid na siya ngayon nag-papahingga. Naka-lock na rin ang silid niya nang dumaan ako doon." Tumango na lang si Emma muli. Nag paalam na ito na matutulog na kaya't sumama na si Paul kay Auntie palabas, dahil takot na takot ang kaniyang kapatid sa pinapanuod nilang katatakutan. **** Piniling umakyat ni Auntie Flora papanhik sa silid nito at naiwan na lang ang batang si Paul sa ibaba–napag- pasyahan na mag laro muna ng bola na madalas nitong nilalaro. Naka-patay na rin ang ilaw sa ilang bahagi ng bahay–ngunit naging matapang pa ang batang si Paul na mag laro ng gabing iyon dahil bukas pa naman ang ilaw kong saan nag lalaro ng bola na hawak nito. Pinatalbog ni Paul ang bola at rinig na rinig mo ang malakas tunog ng bola na humahampas sa sahig–dahil tahimik na rin ang gabi. Palakas nang palakas at sunod-sunod ang pag patalbog niya noon habang naka-ngiti na aliw na aliw, sa kaniyang pinapanuod. Masayang pinag-lalaruan ang batang si Paul dahil kahit saglit naalis sa kaniyang isipan ang nakaka-takot na kanilang pinanuod ng kaniyang kapatid sa sala kanina. Hindi na namalayan ng batang si Paul kong ilang minuto na siya nag lalaro hawak na bola–at patuloy na pinapatakbo na nilalaro iyon. Biglang napa-lakas nang batang si Paul ang pag hampas ng bola kaya't tumalsik ito. Nag pagulong-gulong ang bola hanggang na mahulog ito papunta sa madilim na naka-bukas na pintuan ng kanilang basement. "Asan na iyon?" Kamot-ulo na tanong ng batang si Paul at hinanap ang bola at hindi niya ito mahagilap ng kaniyang mata. Patuloy lamang na nag-hahanap si Paul ng kaniyang laruan hanggang mahinto siya sa pintuan na naka-bukas. Tinignan at sinilip ni Paul ang naka-bukas na pintuan ng kanilang basement at sabay lunok ng laway. Pilit na inaaninag ng batang si Paul ang laman ng basement para hanapin ang bola ngunit wala siyang makita, dahil nilamon na nang kadiliman ang loob no'n. Malimit lamang dumako at nag lalaro si Paul, dahil alam niya sa kaniyang sarili na imbakan lamang iyon ng kanilang mga gamit–na hindi na nagagamit at iba pang mga paint at tool–na nilalagay doon ng kanilang Auntie Flora. Binuksan ni Paul ang switch ng ilaw–para mag karoon ng liwanag ang loob ng basement. At madali na lamang para sakaniya na mahanqp ang bola ngunit sa kaniyang pag kadismaya na, hindi umilaw iyon. "Bakit hindi kaya gumana ang ilaw?" Takang tanong ng bata at kinuha na lamang ang flashlight na kaniyang nakita, na naka-patong lamang sa ibabaw ng drawer. Madali lamang para sakaniya na maabot ang flashlight dahil hindi naman gaanong kataasan iyon. Naharap ang batang si Paul sa tapat ng pintuan ng kanilang basement, at may kong anong enerhiya ang kilabot sa kaniyang puso dahil napaka-dilim sa loob. Kagat-labi na hinakbang ng bata ang paa pababa na nasabi sa basement at binuksan na rin ang hawak na flashlight, para sa ganun–maibsan ang takot sa kaniyang dibdib. Rinig na rinig mo ang nakaka-kilabot na langit-ngit na tunog na hagyan na gawa sa kahoy–sa bawat pag-apak ng batang si Paul doon. Tinutok ni Paul ang ilaw ng flashlight at tanging naka-imbak lang na gamit nila ang naroon at ang iba nabahiran na rin ng alikabok. Dahan-dahan na hinahakbang ang paa ng batang si Paul–at nag-iingat rin na hindi masagi ang anumang gamit na tinago doon ng kanilang Auntie Flora. "Hmm. Hmm." Patuloy na pag hum na tunog na kanta– at tinutok ni Paul sa kaliwang bahagi niya ang ilaw para hanapin kong saan ito nag-mumula ngunit malaking cabinet lamang ang kaniyang nakita. "Hmm. Hmm. Hmm." Iyan na naman muli ang tunog ng hum ng isang babae. "May t-tao ba diyan?"matapang na sigaw ng bata, na kahit sa loob-loob natatakot na rin siya. Mas matimbang pa rin sa bata na hanapin ang bola kaysa mag padala sa takot. Palakas nang palakas at patuloy na narinig ng batang si Paul ang pag hum ng kanta, at hindi mahulaan nang batang si Paul kong ano ba talaga ang kinakanta nito. Nag daplis ang malamig na pawis sa noo ng bata at tinu-tutok ang flashlight sa bawat kanto ng basement at wala siyang makita. Natatakot na rin si Paul, na baka maka-kita siya ng nakaka-takot na multo kapag natututok niya ang ilaw na nag mumula sa flashlight. Unti-unting namuo ang maitim na pigura sa likuran ng batang si Paul. Pigura ng matangkad na maitim na pigura at nanlilisik ang mata nito sa galit. Palapit nang palapit ang maitim na anino at walang kaalam-alam ang batang si Paul na–sasakmalin na siya ng maitim na pigura sa likuran niya lamang. "S-Sino iyan? May tao ba d-diyan?" Kautal-utal na ang boses ng batang si Paul sa labis na takot. Tumayo ang balahibo sa parte ng likuran ng bata–at ramdam niya na may tao sa kaniyang likuran. Hindi lamang ito normal na tao. Ngunit isang mabangis na nilalang, na kanina pa siya inaabangan. Mabilis na lumingon ang batang si Paul at tinutukan ng ilaw na nag mumula sa flashlight, ang kaniyang likuran para makita kong ano ba talaga ang nakakatakot na aura na kaniyang naramdaman. Nanginig ang kamay ng batang si Paul at bigla na lang nawala ang maitim na pigura na kanina lamang naroon. Mabigat ang pag-hingga ng batang si Paul at magalaw na rin ang ilaw ng flashlight –dahil nanginginig na siya sa takot. Sunod mong narinig ang nakaka-kilabot na pag-hingga. Palakas nang palakas ang hingga ng kaniyang narinig–na kahit alam ni Paul na siya lamang mag-isa sa basement na iyon. "Paul, nandito ako." Nangilabot ang bata ng maramdaman na may bumulong sa kaniyang gilid ng taenga. Humarap muli ang bata at tinutukan ng ilaw ang kaniyang harapan para makita kong sino ang bumulong sakaniya. Nagimbal at nasindak ang batang si Paul na, nabuo ang nakaka-hindik na nilalang na babae na naka-tayo sa kaniyang harapan. Mahaba ang buhok nito at naka-suot ng damit at napaka-putla nang kutis nito. Kulay puti ang mata nito at naka-nganga. Nakaka-kilabot at parang galing sa ikalaliman ng lupa ang tunog na lumabas sa bibig nito. "Ughhh!" Matinis nitong unggol at sobrang laki ng pag kakabuka ng bibig ng nilalang sa harapan ng bata– na kaya na siya nitong lamunin ng buo nito. "Ahh!" Malakas na sigaw ng batang si Paul na ngayon naka-salampak na naupo sa malamig na sementadong sahig. "Ughh!" Unggol ng babaeng nakaka-kilabot na itsura at palapit nang palapit sa batang si Paul. "H-Huwag p-po! Ahh!" Napa-hiyaw sa sakit ang batang si Paul, na sunod na kinalmot ng mabangis na–nakaka-takot na nilalang ang bata, na hudyat masugatan at matuklap ang laman nito sa talim ng kuko nito. "Ahhh!" Bakas sa mata ng batang si Paul ang terror at takot sa nakaka-takot na nilalang na kaniyang nasaksihan, at kasabay ng malakas na sigaw na mag payanig ng gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD