Chapter 4

1977 Words
Chapter 4 Kusot-matang nag lalakad ang batang si Emma sa ikalawang palapag. Tinanghali na rin siya ng gising–dahil araw naman iyon ng Linggo. Napadaan si Emma sa harapan ng pintuan ng silid ng kaniyang Mommy, at ilang segundo rin siyang naka-titig doon. Simula no'ng dumating ang kaniyang Mommy, parati na lang naka-sarado iyon at hindi ko pa nakitang naka-bukas iyon. Hindi niya pa nagawang maka-pasok doon at silipin kong ano ba talaga ang laman ng silid nito. Lumingon si Emma sa kaliwa't-kanan para masiguro na walang ibang tao. Gusto rin silipin ni Emma kong ano ba talaga ang laman ng silid na iyon, dahil parati na lang naka-kulong ang kanilang Ina doon. Hinawakan niya ang doorknob at sa kaniyang pag-kadismaya na naka-lock iyon. "Emma?" Kulang na lang mapa-talon si Emma sa gulat ng marinig ang boses ni Auntie Flora. Dumaplis ang malamig na pawis sa kaniyang noo, at hindi mawari na kinabahan siya nang ganun na kahit wala naman siyang ginagawa na masama." "Papasok sana ako sa silid ni Mom, pero naka-lock." Lumapit si Auntie Flora at chineck din nito ang doorknob. "Ah ganun ba? Parating ni-lolock din iyan ng Mommy mo." "Bakit naman po Auntie?" Nag kibit-balikat na lang ito sabay-sabing. "Hindi ko rin alam Emma. Papasok sana ako no'ng isang araw sa silid niya para mag-linis ngunit pinigilan niya ako dahil siya na lamang ang gagawa." Anito. "Naka-pasok kana po ba Auntie sa silid ni Mom?" "Sa totoo, hindi pa." Ngumiti ito. "Ayaw na ayaw niya na mag papasok sa silid, kundi siya lamang. Ewan ko ba kay Ester, naging sensitive simula no'ng umuwi siya dito."dagdag nito. "Aalis ako ngayon pupunta ako sa bahay ng aking kaibigan. Baka gagabihin na ako nang uwi mamaya. May hinanda na akong almusal niyo ni Paul, sa ibaba. Kumain na lang kayo doon." Tumango na lang si Emma at pinapanuod ang Auntie Flora na mag-lakad pababa. Tumungo na si Emma sa ibaba at sabay na silang kumain ni Paul ng tanghalian. Tinimplahan na rin ni Emma ng gatas ang kapatid. Sa katunayan sa murang edad natuto na rin ang batang si Emma na gumawa ng mga gawaing bahay. Nag lalaba, nag lilinis, nag luluto at kahit na rin ang pag-aalaga niya sa kababatang kapatid–alam niya iyon. Sinikap na matuto ni Emma, ng mga gawaing bahay dahil sila lamang tatlo noon ni Auntie Emma sa bahay at wala silang maasahan na ibang tao na gagawa no'n para sakanila dahil nag tra-trabaho din ang kanilang Auntie Flora. Nang matapos nilang kumain ng almusal, napag desisyonan nilang mag laro sa bakuran. Malawak naman iyon at may mga damo naman sa paligid kaya't hindi gaano kaputik at mabato. May konting mga bulaklak rin naka-tanim sa bakuran–ngunit ang iba nalanta at namatay na dahil napabayaan na ng kanilang Auntie Flora. Nahaharangan ng gawa sa matibay na kahoy ang bakuran ang bahay ng kanilang Auntie Flora at wala rin masyado na mga bata na makikita mo na nag-lalaro sa labas dahil na rin may distansya rin ang mga naka-tayong bahay sa kanilang lugar. Naka-upo si Emma sa mabatong bahagi at pinapanuod ang bahay. "Paul?" "Bakit Ate?" Nilalaro nito ang hawak na bola at pina-patalbog iyon sa aking harapan. "Wala ka bang napapansin kay Mommy?" "Napapansin? Tulad naman ng ano Ate?" Inosente nitong tanong at naka-tuon pa rin ang atensyon sa pag-lalaro. "Kakaiba siya." Saad ko. "Parang ibang-iba na siya nong umuwi siya. Hindi mo ba napapansin?" Palihim na inoobserbahan ni Emma ang kaniyang Ina simula no'ng umuwi ito at malakas talaga ang aking kutob na iba na ito. Hindi ko alam kong ano ang aking nakita, pero hindi pa rin ako kampante sa tuwing nakaka-sama ko ito. Alam kong matagal rin ang tatlong taon na hindi ko siya naka-sama noon. Siguro naisip ko rin–nanibago ako sa kaniyang pag-babalik. Pero iba eh. "Para sa akin, ang bait-bait kaya ni Mommy. Pinag-lulutuan niya ako ng masasarap na pag-kain at binibigyan rin ng candies." "Ang kilos niya. Ang galaw niya. Parang may mali talaga, Paul." "Anong mali ate? Hindi ko gets. Hehe." Ngumiti ito. "Ughh! Hindi mo kasi maintindihan dahil bata ka pa noon." Depensa niya. Tumayo si Emma at tuminggala sa kalangitan. Umaambon at hindi na rin maganda ang panahon. Sabayan pa ng malakas na ihip nang hangin na hudyat ko uulan ng malakas. Pumasok na silang dalawa ng kapatid sa loob ng bahay at baka maabutan pa sila ng malakas na ulan. Si Paul, naman masayang umakyat sa ikalawang palapag siguro na rin mag lalaro pa ito ng bola sa silid nito. Napag desisyonan na lang ni Emma na tumunggo sa malawak na sala para manuod na lang ng magandang palabas sa telebisyon. Nag swat na naupo si Emma sa lapag at naka-tuon ang atensyon sa tv. Naagaw ng atensyon ng batang si Emma na nakita ko ang bulto ng isang babae na pababa. Naka-suot ito ng mahabang bestida at hindi rin saayos ang buhok nito–na mukhang kagigising pa lang nito. "Good morning Mom." Bati ni Emma ng may ngiti sa labi para batiin ang Ina. Hindi niya gaanong nakita ang itsura nito dahil naka-tagilid ito. Dire-diretso lamang nag lakad si Ester na hindi pinansin ang anak, patungo sa dining. Kahit nahiwagaan na ang batang si Emma sa naging kilos ng Ina hindi niya na iyon tinuonan ng pansin dahil abala na rin siya sa panunuod sa telebisyon. Doon na bumuhos ang malakas na ulan at kasabay ng malakas na ihip nang hangin. Sobra ng nalibang ang batang si Emma sa panunuod habang tumatawa dahil comedy ang kaniyang pinapanuod. "Hay, ano ba iyan!" Himutok na tumayo ang batang si Emma ng maudlot ang pinapanuod na biglang lumabo ang imahe sa tv dahil n rin sa malakas na buhos ng hangin at ulan. Tinatapik ni Emma ang likuran ng tv at kasunod nawalan na nga ng imahe sa tv. "Ughh! Bakit ngayon ka pa? Na malapit ng matapos ang pinapanuod ko." Himutok niya pa dahil hindi niya na matatapos ang kaniyang pinapanuod. Dismayado man nawalan ng signal ng tv, at madilim na rin ang loob ng kanilang bahay dahil makulimlim ang kalangitan. Wala rin na magiging maganda ang panahon dahil sarado ang kalangitan sa walang humpay na pag-buhos ng malakas na ulan. Napa-tigil ang batang si Emma ng marinig ang malakas ng ingay. Palakas nang palakas ang aking ingay naririnig at nag mumula lamang iyon sa kusina. Palakas ng palakas iyon at hindi mapigilan ng kuryusidad na batang si Emma na silipin ang ginagawa ng kaniyang Ina. "Mommy?" Tawag ko ngunit wala akong narinig. Malakas at nakkaakilabot ang tunog na aking narinig. Tunog na nag-hihiwa ng rekado, ngunit nanunuot sa aking kalamnan ang takot na namumuo sa aking puso. "M-Mommy?" Hinakbang na ni Emma ang paa para alamin at silipin ang Ina kong ano ang ginagawa nito sa kusina. Palakas ng palakas ang malakas na t***k ng kaniyanb puso sabayan pa nang mabaga na hinahakbang ang paa patungo sa dining. Konektado kasi ang malawak na dining at kusina. "Mom?" Tawag pa rin ng batang si Emma ngunit wala pa rin akong makuhang sagot. Nilakasan niya na lang ang kaniyang loob, kahit takot na siya sa maingay na tunog na mabigat at mabibilis na pag-hiwa. Hanggang dinala ng paa si Emma sa malawak na dining at may distansya ang layo ko sa aking Ina. Naabutan ko itong naka-talikod at humihiwa ng rekado at sa kanang kamay hawak ang matalim na kutsilyo. Palakas nang palakas ang pag-hiwa ng rekado sa chopping board– Sobrang nakaka-kilabot din ang tunog ng kutsilyo. Sobrang intense ang kilos at paraang galaw ng aking Ina, na maka ramdam ang batang si Emma sa kini-kilos nang kaniyang Ina. "M-Mom?" Hindi ko alam kong narinig niya ba ang aking pag-tawag dahil sabayan ng tunog ng kutsilyo at mabilis na pag-hiwa. Patuloy nitong kinakamot ang parteng leeg na para bang napaka-kati no'n. Sobrang bilis hanggang masugatan ang parteng leeg nito sa kakamot–na napa kurap ang batang si Emma. Balisa at takot na takot ang batang si Emma sa kakaibang kini-kilos nang Ina at inatras ang paa, para tumakbo. Gusto niyang tumakbo ngunit kusang naka-pako ang kaniyang katawan sa sahig sa labis na takot. Sa sobrang takot at taranta ni Emma,hanggang masagi niya ang vase sa kabila–hudyat nabasag niya iyon. Umalingawngaw ang malakas na pag-kabasag ng vase kasabay ang gimbal na takot sa puso ng batang si Emma. Maluha-luhang binalingan ng tingin ni Emma ang Ina kong saan ito naka tayo at nerbyos sa puso na mahuli siya nito. Makita siya nito. Nahinto ang Inang si Ester na humihiwa ng marinig ang malakas na tunog. Lumingon si Ester sa gawi kong saan naka-tayo si Emma, at mabilis naman naka-tago si Emma sa malaking pader. Hawak ni Emma ang bibig para pigilan ang sarili na makawala ang iyak at anumang tunog doon. Sunod na narinig ni Emma nakaka-kilabot at mabigat na tunog nang yabag ng paa palapit sa aking direksyon. Palakas ng palakas. Palapit nang palapit na ito sa aking direksyon. Na anumang oras sasakmalin ako. Dumaplis ang luha sa mata nang takot na takot na si Emma, at sunod na ginawa kumaripas siya ng takbo paakyat sa kaniyang silid. Hindi niya na magawang lumingon pa dahil gusto niya maka-layo. Gusto niya maka-takot. Lalo pang naiyak si Emma dahil sunod na naeinig ang nakaka-kilabot na tunog ng yabag ng paa na humahabol sa akin. Para itong mabangis na hayop–na gusto akong habulin at sakmalin. "Ahh!" Malakas na tili ni Emma at pabagsak na sinarhan ni Emma ang pintuan kasabay ang malakas na kalampag ng pintuan. "No! Please!" Iyak ni Emma na ngayon naka-salampak na naka-upo sa malamig na sahig kasabay ang sunod-sunod na kalampag ng pinto na gustong-gustong pumasok ng mabangis na nilalang. "Please lumayo ka!" Patuloy niyang sigaw. Nag halo na ang malamig na pawis at luha sa mata ng takot na takot na bata– na patuloy na kumakalampag ang pintuan. "Ahhh!" Tinakpan ni Emma ang taenga sa sobrang takot na gumalaw ang doorknob at pini-pihit na buksan iyon. "Lumayo ka! Ahh!" Ang malakas na kalampag ng pintuan biglang nawala. Hinahabol ng hiningga ng batang si Emma na hindi pa din inaalis ang tingin sa pintuan ng kaniyang silid na naka-sara. "Emma? Emma?" Boses ng aking Ina mula sa likuran ng pintuan. "M-Mommy," tawag ni Emma sa Ina kasabay ang pag patak ng luha sa mata. "Anak, buksan mo ang pintuan. Emma." Patuloy na tawag nito. Tumayo ang batang si Emma sa pag-kakaupo sa malamig na sahig at nag tatalo sa kaniyang isipan kong bubuksan niya ba iyon o mananatili na lang kumulong doon. Naroon pa rin ang takot at sindak sa nakaka-kilabot na tunog na aking narinig. Kinalaunan, binuksan ni Emma ang pintuan at konti lang ang siwang na binuksan at nakita ko ang aking Ina naka-tayo–bakas nang pag-aalala ang mata nito. "Anong nangyari? Narinig kitang sumigaw kanina." Niluwagan ni Emma ang pag bukas ng pintuan na aking Mommy na ang nakita ko sa likod ng pintuan. "M-May nakita ako. M-May nakita akong nakaka-takot Mommy." Sumbong niya sa Ina kasabay ang panginginig ng katawan sa takot. "Just calm down. Ano bang nangyari? Ang putla-putla mo na." Hinawakan nito ang aking pisngi. Lumapit ang aking kapatid na si Paul dahil narinig rin siguro nito ang aking pag-sigaw. "N-Nakita kita kanina sa kusina t-tapos hinabol mo ako a——" "Ano? Sa kusina?" Kahit na rin ito nag taka sa aking sinabi. "Anong pinag-sasabi mo Emma?" Saad nito na ako'y matigilan. "Kararating ko lang Emma. Namalengke ako, hindi ba sinabi sainyo ni Auntie Flora niyo bago umalis?" Tanong nito at doon na nagimbal si Emma sa sinabi ng Ina. Ano? Umalis siya? Paano? Ano iyong nakita ko kanina? Hindi. Hindi ako pwedeng mag-kamali. Paano nangyari iyon? Bakit kamukha ni Mommy, ang nakita ko kanina sa kusina? Ano bang nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD