"Ano ba ang problema mo?!" nanggagalaiting bulyaw ni Señorito Apollo habang nagda-drive siya. Kahapon ko pa kasi siya iniiwasan dahil sa mga sinabi sa akin ng kapatid niya. Hindi ko naman magawang magtanong sa kanya o kumprontahin siya dahil gusto kong manggaling sa kanya lahat iyon. Pauwi kami ngayon sa Moncada, Tarlac kung saan naroon ang hacienda nila. Baka ilang araw din kami doon dahil wedding anniversary ng mga magulang nila at nakapagpaalam naman na sila mula sa kani-kanilang eskwelahan. Nagpauna lang na magbiyahe ang halimaw na ito dahil ayaw daw niyang magkakasama kaming tatlo ng kapatid niya sa iisang sasakyan. "Ano?!" bulyaw niya sa akin. Saglit niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada para harapin ako. Nabubuwisit na siguro siya sa kasisimangot ko. "Wala po." Nilan