"Rhomien," tawag ni Señorito Arthur sa akin. Wala si Señorito Apollo nang gabing ‘yun dahil doon daw sa kaibigan niya matutulog. Paano ko nalaman? Binigyan niya ako ng cellphone. ‘Yung may mansanas na may kagat sa likod. Ninenerbiyos nga ako tuwing tumutunog ‘yun. Nakakatakot kayang pindutin ‘yun at kahit buong maghapon niya akong tinuruan kahapon, hindi ko pa rin magawang basta-bastang galawin ‘yun. Ayun, tumawag siya kanina at ibinilin na roon lang daw ako sa loob ng kuwarto ko. Para siyang tanga. Hindi ba niya naisip kung saan ako iihi kung magkukulong lang ako sa kuwarto ko eh, nasa labas ‘yung cr? Lumapit ako kay Señorito Arthur. Alam kong nakakahalata na siya dahil isang linggo mula nang magkasagutan silang magkapatid ay todo bantay na si Señorito Apollo sa akin. Laging nakasunod k