Maaga akong natulog nang gabing iyon. Masyado akong napagod sa trabaho rito sa mansyon bukod pa sa pagod sa biyahe kaya pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa servant's quarter para makapagpahinga. Sigurado naman akong ‘di ako papasukin dito ni Señorito Apollo. Takot lang niya sa señora. Dismayado akong nagising kinabukasan. Sabi ko na nga ba. Bahag ang buntot ng walangya. Sabagay, alangan namang gumawa siya ng kabalbalan dito sa mansyon, ‘di ba? Pagkatapos kong mag-almusal at papunta na sana para tumulong sa paglilinis ng pool nang humahangos na sinalubong ako ni Mimi. "Rhomien, kanina pa kita hinahanap. Ikaw daw ang maglinis sa kuwarto ni Señorito dahil mas kabisado mo ang mga gamit niya." Humihingal pa itong napahawak sa balikat ko. "Si Señorito Arthur ba?" Dumating kasi i