CHAPTER 4

986 Words
"Ano ba naman kayo?! Bilis-bilisan n'yo naman ang pagkilos! Aba, hindi kayo sinuswelduhan para sa ganyang walang kuwentang paglilinis. Gusto n'yo bang mabungangaan na naman tayo ng Señora, ha?!" Hay nako naman. Kanina pa ako nabibingi sa tila armalite na bibig ni Aling Ditas, ang mayordoma raw ng mansyon. At kanina pa nananakit ang mga muscles ko sa katawan dahil sa nasobrahan na yata ako sa paglilinis sa malaking bahay na ito. Kahit pito na kaming mga kasambahay bukod pa kina Aling Ditas at Aling Nena ay tila kulang pa ang mga ginagawa namin para masiyahan sila sa kalinisan ng mansyon. Grabe, ha? Mga royalty ba mula Inglatera ang mga darating naming mga señorito? Aba, pwede ng gawing salamin sa sobrang kintab ang sahig na kanina ko pa nilalampaso, ah? Sobra namang kaartehan iyan kung ‘di pa sila masisiyahan. "O ikaw anong tinatanga-tanga mo dyan? Ke bagu-bago mo, pinapakita mo na ang katamaran mo sa pagtratrabaho, ah?" Dinuro niya ako gamit ang kanyang matabang daliri. "Pasensya na po. Namamanhid na po kasi ang mga binti ko. Kanina pa po kasi ako naglalampaso, eh." Pilit kong pinakakalma ang nagrerebeldeng pakiramdam na bumabangon sa akin. Aba, bulag ba siya? Halos limang oras na kaya akong naglalampaso nang walang pahinga. "Huu! Nagpapalusot ka pa! Ituloy mo na 'yang ginagawa mo. Arte!" bulyaw niya sa akin kaya wala na akong pagpipilian kundi ipagpatuloy ang paglalampaso sa sahig kahit na ramdam ko na ang panginginig ng mga binti ko. Alam kong kailangan kong magtiis dahil kailangan kong mabuhay at wala naman na akong iba pang mapupuntahan. ‘Di bale, mamaya naman sigurong pananghalian ay makakapagpahinga ako kahit sandali lang. Pilit kong pakuwenselo sa aking sarili. Ngunit ang pahingang inaasahan ko ay hindi nangyari. Dahil nang sa wakas ay makontento na si Aling Ditas sa paglalampaso ko ay siya namang dating ng mga señorito. Hindi ko pa man napupunasan ang mga pawis ko ay kinakailangan na naming pumila sa harap ng mansyon bilang pagsalubong sa kanila. Agad na nagsipagyukuan ang mga kasama ko nang makitang may lumabas sa sasakyang pumarada kaya gumaya na lamang ako. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang paglalakad nila sa harap namin. Natigilan ako nang may huminto sa harap ko. Hinintay ko itong umalis ngunit tila wala itong balak dahil andoon pa rin siya sa harap ko samantalang nakapasok na ang mga kasamahan niya. Unti-unti kong inangat ang aking ulo para malaman kung sino ba siya. Unang bumungad sa akin ay ang mga paang nakasuot ng leather shoes. Sumunod ay ang mahahabang binti na nababalutan ng maong na pantalon. Pagkatapos ay isang malapad na katawan na nakasuot ng simple ngunit mamahaling t-shirt. Iniangat ko pa ang aking ulo at nagulat ako dahil sobrang tangkad pala ng lalaking nasa harap ko. Ni hindi ako umabot sa leeg niya. Nasalubong ng mga mata ko ang isang napakaguwapong lalaki na matiim na nakatitig sa akin. Diyos ko, nangilabot talaga ako sa klase ng tingin niya sa akin. Diyos mio, si Prince Charming ba ito?! Na-in love na ba siya sa isang feeling Cinderella'ng katulad ko? O baka naman nabahuan siya sa akin dahil ‘di ko man lang napalitan ang damit kong basa sa pawis? Kahit na sigurado akong wala akong putok, alam kong nangangamoy pawis ako sa mga oras na ito. Naku, nakakahiya naman! Mabilis akong muling yumuko lalo na nang marinig ko ang sinabi niya. "Next time kapag humarap ka sa akin, maligo ka muna o magsuklay man lang," malamig pa sa yelong sabi niya. Napapikit ako nang mariin sa sobrang kahihiyan. "Patawad po, Señorito," mahina kong paghingi ng paumanhin ngunit nang magmulat ako ng mga mata'y wala na siya sa harap ko. "Masanay ka na kay Señorito Apollo. Mataray. Manang-mana sa nanay. Tara na sa loob," yaya sa akin ni Mimi, ang isa sa mga kasambahay na mas matanda sa akin ng tatlong taon ngunit ayaw patawag na ate. "Teka, Mimi. Bakla ba ang señorito? Antaray nga talaga, eh. Sayang guwapo pa-- ammph!" Biglang tinakpan ni Mimi ang bunganga ko. "Loka, marinig ka. Gusto mo bang malintikan? Manahimik ka. At dumiretso ka na sa kuwarto n'yo para maligo. Mamaya maputukan ka na naman," utos nito sa akin na nagmamadali kong sinunod. Mahirap nga namang masungitan na naman. Bago ako lumabas sa kuwarto ay siniguro ko munang maayos ang pagkakasuklay ng buhok ko at amoy safeguard na ako. Hmmp, oa naman kasi sa kalinisan 'yung señorito naming 'yun. "Next time kapag humarap ka sa akin, maligo ka muna o magsuklay ka man lang," panggagaya ko sa sinabi ng señorito gamit ang pambaklang boses habang isinasara ko ang pintuan ng kuwarto namin ni Aling Nena. Napahagikgik ako sa kalokohang ginagawa ko. Nang humarap ako para magpunta sa mansyon ay napasigaw ako sa gulat sa mukhang nasa harap ko. Putcha si señorito! "Sorry po! Sorry po! Nagbibiro lang po ako. Please, 'wag n'yo po akong palayasin, Señorito!" pakiusap ko sa kanya nang makabawi ako. Bumagsak ang panga ko sa gulat nang imbes na pagalitan ako ay tumawa pa siya nang malakas. "Hahahaha. I don't think he sounded that gay when he said that!" Muli na naman siyang tumawa nang pagkalakas-lakas kaya hindi ko agad maproseso ang sinabi niya. "Lagot ka! Isusumbong kita!" pananakot niya sa akin na may nakakalokong ngiti. "Po? 'Wag po señorito. Gusto ko pa pong magtrabaho rito. Parang awa n'yo na po. ‘Di ko na po uulitin 'yung kalokohan ko!" Naiiyak na ako sa takot. Linsiyak naman, ayokong maging palaboy. "Hahaha! You're so funny! Hahaha. Ano ka ba? Joke lang 'yung sinabi kong isusumbong kita." Kinindatan niya pa ako pagkatapos niya ulit akong pagtawanan. "Talaga po?!" Sa sobrang saya ko ay napahawak ako sa kanya at napatalon sa tuwa na sinabayan naman niya. "Yup!" tumatawang tugon niya sa akin. Nagpa-cute pa siyang kumindat. Oh, gulay! Binabawi ko na. Binabawi ko na ang pagtawag sa kanyangng mataray na bakla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD