"Hoy, Rhomien, pinapatawag ka."
Hmmp. Kung maka-hoy naman itong si Aling Ditas akala mo siya ang nagpapasahod sa akin. Kalma, Rhomien, kalma.
"Sino po sa mga amo natin, Aling Ditas?" may kaba kong tanong.
Sana si Señorito Apollo. ‘Di ba mabait naman pala 'yun?
"Si Señorito Apollo." Yes! ‘Di ko maiwasang mapangiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Hooy, baka nakakalimutan mong katulong ka rito. Bawal kang lumandi sa amo natin!" Huu. Lumandi agad? ‘Di ba pwedeng magpa-cute lang muna?
"Aling Ditas naman. Para nangiti lang, eh." Napasimangot ako sa sinabi niya.
"Tse! Bilisan mo at nasa pool siya. Mainipin pa naman ang isang 'yun!" Wow, pool! As in swimming pool?! Naks! Susuwertehin ata ako at masisilayan ko ang kamachohan ni Señorito. Hihihi. Napatalikod na ako ay Aling Ditas dahil kinikilig ako!
Nagmamadali akong tumungo sa pool area ng bahay. Syempre pa inayos ko muna ang gusot sa suot kong uniporme at ang buhok ko. Inaamoy-amoy ko rin ang bandang kili-kili ko. Mahirap na.
Nang makarating ako sa may swimming pool ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa nilalang na nagtatampisaw doon na hindi ako pansin.
Huwaw! Ang guwaapoo! Ang macho niya! Napanganga ako sa mga nagswi-swimming na muscles sa harapan ko. Grabe!!! Pwedeng tumili?!
Napatayo ako nang diretso nang makita kong sumulyap siya sa akin. Pumunta siya sa gilid ng pool at umahon. Dali-dali kong iniwas ang mga mata ko sa nakaumbok na bukol sa harap niya. Napalunok ako ng laway nang maramdaman kong naglalakad siya palapit sa akin. Kalma, Rhomien! Parang awa mo na 'wag kang mahihimatay!
Bumilis ang t***k ng puso ko nang nasa harap ko na siya. Pwinersa ko ang leeg ko at dahan-dahan kong tiningala ang mukha niya. Shete 'wag kang yuyuko, Rhomien, 'wag kang yuyuko. Kinanta ko ito sa isip ko dahil tila may puwersa ang mga mata kong maglakbay sa katawan niya pababa at titigan siya sa bandang doon.
Nanginig ako sa nerbyos nang makita ko sa gilid ng mata ko ang isang kamay niya na umangat. Shete naman, Señorito pakiusap 'wag mo akong hawakan at baka bigla na lang akong mangisay sa kilig. Ngunit hindi narinig ng Diyos ang dasal ko. Halos magkumbulsyon ang buong katawan ko nang haplusin niya ang ibaba ng labi ko at niyuko niya ang mukha ko. Shet! Shet! Shet! Hahalikan niya ako! Pumikit ako at naghintay. Shet, kinikilig ako!
"Laway mo, tutulo na," malamig niyang bulong malapit sa bibig ko sabay bitaw at layo sa akin. Ay, putcha! Halik na naging laway pa!
"Pagtimpla mo ako ng juice. Tapos pumunta ka sa kuwarto ko. Ipaghanda mo ako ng damit. Plantsahin mo muna. Ayoko na lukut-lukot ang isusuot ko. Tapos kolektahin mo 'yung mga marurumi at labahan. Siguraduhin mong matutuyo na bukas 'yung itim na t-shirt kong Nike. Isusuot ko iyon sa pupuntahan ko bukas," halos hindi humihingang utos niya. At wala naman akong nagawa kundi mapatango na lang at pilit na tinatandaan lahat ng bilin niya.
"Ano na?!" bulyaw niya sa akin nang hindi pa rin ako makahuma sa mga nakakahiyang karanasan ko ngayun- ngayon lang. Takang-taka din ko dahil parang hindi na siya si Señorito Apollo na katawanan ko kahapon. Halah, nasasaniban ba si Señorito ng ibang kaluluwa?
"What?!" masungit pa nitong sabi kaya nawala ang paninigas ng katawan ko.
"Aahem... Opo, gagawin ko na po, Señorito." Mabilis ko siyang tinalikuran upang ipagtimpla siya ng juice.
Nakakahiya ka, RHOMIEN!
Bakit ganon? Nagtataka kong tanong sa aking sarili habang maayos kong tinitiklop 'yung mga maruruming damit sa kuwarto ng binatang amo ko. Parang nag-ibang tao talaga si Señorito Apollo kanina ,eh. Para siya 'yung mataray na Apollo noong una ko siyang makaharap. Pero okay na okay naman siya sa ikalawang pag-uusap namin, 'di ba? Nakipagtawanan at biruan pa nga ito sa akin. Ano ba talaga, kuya?! Napailing na lang ako sa aking sarili. Siya siguro 'yung sinasabi nilang bipolar na tao o kaya naman 'yung nakuwento ng teacher namin noon na may multiple personality disorder. Napalatak na lang ako. Sayang na kaguwapuhan kung may tililing naman.
Binuhat ko na ang laundry basket at lumabas na ng silid. Nasa may hagdan na ako nang masulyapan kong paakyat si Señorito. Agad akong yumuko nang makita kong magkakasalubong na kami. Akala ko iisnabin niya ako pero laking gulat ko nang sapuhin niya ang basket na hawak ko kaya napatingin na ako nang tuluyan sa kanya. Aba, ambilis naman nitong makapagbihis ng panlabas.
"Hey, pretty girl. ‘Di mo man lang ba ako babatiin?" Abot tenga ang pagkakangiti niya sa akin na labis kong ikinagulat. Teka, nasasapian na naman ata si Señorito.
"Po?! Ah, eh... Hi?!" nahihiya kong bati sa kanyang. Hay, bipolar nga ata talaga.
"Hahaha. You really never failed to amuse me." Halah, tawa pa siya nang tawa.
"Pakitimplahan mo naman ako ng juice, please? Kanina pa ako uhaw na uhaw eh. Puhlease?!" Nag-beautiful eyes pa siya. Napanganga naman ako sa gulat. Aba ambilis naman niyang naubos 'yung isang pitsel ng juice na tinimpla ko kanina. Wala pang bente minutos mula nang iwan ko siya sa pool kanina, ah? Grabe naman itong makalaklak ng juice.
"Ah eh, sige po." Tuluyan na akong ngumiti sa kanya. Sige na, pagbibigyan ko na kung anuman ang trip niya. Mahirap na at baka isumbong pa ako sa nanay niya.
"Sige, isunod mo sa room ko, ha?" Kinidatan pa ako nito bago tuluyang iwan.
Pagkatapos kong magtimpla ay agad kong iniakyat ang juice. Nakakalimang katok na ako sa pintuan ng kuwarto niya pero wala pa rin akong naririnig na sagot kaya nagdesisyon na akong pumasok na. Aba, saan nagpunta 'yun? Wala naman siya rito sa loob.
"Iwan ko na nga lang ito," nagkakamot ng ulo kong sabi.
Ipinatong ko ang baso ng juice sa may side table at tumalikod na para umalis nang makarinig ako ng pagbukas ng pintuan ng banyo. At tila humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko nang makita ko si Señorito Apollo na nagpupunas ng kanyangng buhok at hubo't hubad na naglalakad palabas ng banyo!
"AAAHHHH!!!"