Jam Manalo is calling… AGAD na sinagot ni Coffee ang tawag na iyon ni Jam. Nasa kalagitnaan siya ng pag-i-impake ng mga gamit niya na dadalhin para sa ten days out of town work niya. Bukas na siya aalis at sampung araw niyang hindi ito makikita. Naiinis siya dahil dapat next week pa ang alis niya. Nagpilit lang si Steffi na mas agahan ng team niya sa Davao para ma maging pulido daw ang event na hahawakan niya. Magmula noong bumalik sila ni Jam galing Isabela, after work na lang sila nagkikita na dalawa. Saglit pa iyon dahil ihahatid lang siya nito sa bahay at uuwi na din ito agad. “I’m on my way to your house. May gusto ka ba ipabili para madaanan ko bago pumunta dyan,” anito sa kanya. Natigil siya sa ginagawa saka nag-isip. “Diretso ka na lang dito then gala tayo after we ate lunch.