chapter 6

1489 Words
Habang kumakain ay masayang nagkukwento si Ate Ellie tungkol sa mga batang nasa ampunan. Minsan na niya akong dinala roon kaya natatandaan ko pa kung sino iyong ilan sa mga tinutukoy niya. Tahimik lang akong nakikinig habang pilit na itinutok ang buong pansin sa kinakain sa halip na silipin ang lalaking parang aliw na aliw na nakikinig kay Ate. Masarap ang mga nakahaing pagkain pero medyo nahihirapan akong lumunok dahil sa malakas na presensiya ni Rusca- teka, dapat ba kuya rin ang itatawag ko sa kanya? Hindi naman siya kumontra kanina nang mabanggit ni Ate Ellie na Kuya Rusca ko raw siya. Parang may sarilig isip ang mga mata ko na kusang dumadako ang mga ito sa gwapong mukha ni Rusca at tuwina ay struggle talaga iyong pagbawi ko ng tingin. Kung nakayuko naman ako ay ang malaki niyang mga kamay na may mahahabang mga darili ang umaagaw sa pansin ko. Kung ano-anong bagay ang mha pumapasok sa isip ko habang nakatanaw sa mga daliri niya. Hindi ko lubos akalaing darating ang sandaling maeengganyo akong titigan ang mga daliri ng isang tao at habang tumatagal ay nagkakasala ako sa isip! "What do you think, Yolliza?" "Huh?" nagulat kong baling kay Ate Ellie nang marinig na binanggit niya ang pangalan ko. Napansin ba nito ang kakaiba kong interes sa mga daliri ni Rusca? Bumilis ang t***k ng puso ko dahil ayokong mapahiya kay Rusca kung sakaling hindi ko masagot nang maayos ang tanong ni Ate pero wala talagang pumasok sa isip ko kung tungkol saan ang tanong niya. Masyado yata akong tutok sa mga daliri ni Rusca at hindi ko na napagtuonan ng pansin ang tinakbo ng pag-uusap. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilaan kong pisngi kaya siguradong namumula ako. "Okay ka lang ba?" kunot-noong tanong ni Ate Ellie. "You look distracted or... something." Eksaherada akong napalunok. Para akong nagka- stiff-neck na ayaw kong tumingin sa direksiyon ni Rusca dahil ayaw kong makita ang reaksiyon nito. Tantiya ko ay mukha siguro akong katawa-tawa ngayon dahil sa hitsura ko. Effortless ko talagang nailalagay ang sarili sa nakakahiyang sitwasyon. "Masama ba ang pakiramdam mo?" "H-hindi po , Ate. Okay lang po ako," taranta kong sagot. "Medyo nanibago lang siguro ako sa lamig dito sa loob ... mainit po kasi sa labas." Alam kong napakababaw ng dahilan ko pero wala na akong ibang maisip. Ayoko namang sabihin sa kanya ang nararamdaman kong parang mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko dahil sa presensiya ng boyfriend niya. "Pwede tayong lumipat ng puwesto kung gusto mo." Mabilis ang ginawa kong paglingon kay Rusca dahil sa suhestiyon nito. Sinalubong ako ng maganda nitong mga mata na parang tumatagos sa kaluluwa ko kung tumitig. Nakakalunod ang ang matiim na titig ng mga ito kahit na wala namang mas malalim na kahulugan ang mga iyon. Huwag naman niya akong titigan nang ganyan! Maawa siya sa katiting kong self-control. "H-huwag na po," mahina kong tugon. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang asul niyang mga mata. "Napag-usapan namin ni Kuya Rusca mo na mag-a-outing this coming Saturday," wika ni Ate Ellie. Kuya Rusca? Bakit parang ayaw ko itong tawaging gano'n? Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa tinidor na hawak. Pinilit ko ang sariling makinig sa gustong sabihin ni Ate Ellie. "Gusto ko sana ay sumama ka sa'min kung free ka," nakangiting pagpapatuloy ni Ate. Ito siguro ang ibig sabihin ng tanong niya kanina na hindi ko nasagot. "We're going to my family's resort. Malapit lang dito," segunda ni Rusca. Parang ayaw nakisama ng isip ko na tawagin itong kuya. Gusto ko iyong tunog ng pangalan niya kahit sa isip ko lang. Pinilig ko ang ulo mentally. Hindi ko gusto ang mga tumatakbo ngayon sa utak ko. "Titingnan ko lang po... magpapaalam ako sa bahay," kimi kong tugon. "Gusto mo, ipapaalam kita? Kakausapin ko ang parents mo." "No! Hindi!" napalakas kong tanggi. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginawa. "I-ibig ko pong sabihin ay ako na lang po ang kakausap sa p-parents ko," medyo kabado kong dugtong. Abot-abot ang kaba ko habang pilit na nilalabanan ang nagtatakang titig ni Ate Ellie. Kunot-noo siyang nakamasid sa mukha ko na para bang may hinahanap doon. "Yolliza, tell me honestly. May problema ka ba sa bahay ni'yo?" mahinahon niyang tanong. Sunud-sunod na iling iyong sinagot ko, kulang na lang ay matanggal ang ulo ko. "W-wala po, Ate," mabilis kong sagot at sinundan pa ng mahinang tawa upang itago ang kaba at takot na unti-unting umuusbong sa puso ko. "Medyo busy po sina Mama at Papa nitong nakaraan. Nami-miss ko lang po siguro sila." Isang masuyong ngiti ang ibinigay sa'kin ni Ate Ellie. Napasunod ang tingin ko sa kamay niya nang pumatong ito sa nakakuyom kong palad sa ibabaw ng mesa. Agad kong ikinalma ang sarili upang hindi halata ang mariin kong pagkakakuyom sa palad ko. "Nandito lang ako palagi kung may gusto kang sabihin," magaang wika ni Ate Ellie at tinapik ang likod ng kamay ko bago parang walang nangyaring bumalik sa pagkain. Pinanood ko siyang ngumiti kay Rusca at nilagyan ng ulam ang pinggan nito. Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na magkasintahan sila kaya normal lang ang gano'n kaya hindi dapat sumagi sa isip ko na gumaya kay Ate Ellie at pagsilbihan din si Rusca. Nakilala ko lamg si Rusca ay biglang sumobra na ako sa pagiging mapagkawang-gawa kahit hindi naman ito mukhang charity case. Gwapo lang talaga ito kaya lumalabas ang kalandian ko—este pagiging maasikaso... which hindi naman kailangan dahil nga uulitin ko ulit para tumino sa utak ko na hindi ako iyong girlfriend! "Masarap ba ang tubig sa Austramica kaya lalo kang pumupogi ngayon?" nakangiting tanong ni Ate sa kasintahan. Kunwari ay abala ako sa pagkainnpero iyong tainga ko ay alertong sumasagap sa paligid. "Walang kinalaman ang tubig sa genes ng pamilya namin," natatawang sagot ni Rusca. Pasimple ko silang pinagmasdan at masasabi kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Masama man sa loob ko ay iyon ang nakikita ko sa mga titigan at ngitian nila. May pag-asa pa pala akong makabingwit ng hot chupapi dahil heto at buhay na patunay si Ate Ellie— makakatapo rin ako ng katulad ni Rusca. Pero kung papalarin ay pwede na rin siya. Nakapanghihinayang talaga at una silang nagtagpo ni Ate Ellie. Huli na kasi akong isilang kaya hindi agad nag-krus ang landas namin ni Rusca. "Kumain ka pa, Yolliza," nakangiting baling sa'kin ni Ate Ellie. "Magsabi ka lang kung may iba ka pang gustong kainin. Libre lahat ito ni Kuya Rusca mo." Gusto kong itama ang sinabi niya at sabihing hindi ko kuya si Rusca at ayaw ko itong maging kuya pero masyado nang madrama iyon. Mas matimbang din ang kagustuhan kong mapanatili ang kakaibang kislap ng kasiyan sa mga mata ni Ate Ellie tuwing tumititig siya kay Rusca. Matimbang kasi mabigat sa loob ko! Ang kasama kong kapatid! Iyong natirirang meron ang kapatid ko ay pinagkainteresan ko pa! Dahil sa amin ni Mommy ay hindi nabigyan ng pagkakataon si Ate Ellie upang makilala at alagaan ng tunay niyang ama. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga dahilan kung bakit napagkaitan si Ate Ellie ng magandang buhay kaya hangga't maaari ay ayokong maging hadlang sa kasiyahan niya. Bata pa ako at kakakilala ko lang dito kay Rusca. Natitiyak ko na kung ano man itong nararamdaman ko ngayon ay mawawala rin ito. Parang sipon lang ito pero hindi ako sure! Crush lang naman siguro ito, isang matinding paghanga na nagpapakatog sa mga tuhod ko. Dapat mananatiling malinaw sa isip ko na si Rusca ay para kay Ate Ellie at itong pagkabog ng puso ko ay normal lang pakiramdam kapag nakakita ng gwapo. Wala lang 'to, lilipas din. Ang dapat kong gagawin ay magiging masaya para kay Ate Ellie. Lumaki man siyang walang kinikilalang pamilya at mayroong amang walang sapat na lakas upang ipaglaban siya at panindigan ay maswerte naman siya dahil may isang Rusca na nagbibigay kulay sa kanyang mundo. Sana all na lang talaga may Rusca! Sa kabila nang nararamdaman pagkirot ng puso ko ay gumaan naman ang pakiramdam ko habang pinagmasdan ang masayang ngiti ni Ate Ellie. Sige lang Ate, ngumiti ka... magiging masaya ka, nandito lang ako. Hindi mo man alam na magkapatid tayo at tulad ni Papa ay takot man akong magpakilala sa'yo ay buo ang suporta ko para sa kaligayahan mo. Wala sa sariling napadako ang tingin ko kay Rusca. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ko na agad ko ring inalis bago mabilis na ibinalik sa pagkaing nasa aking harapan ang atensiyon ko. Kailangan kong maging masaya para sa mahal kong kapatid at sa lalaking hindi ko mapigilang gustuhin sa unang tingin pa lamang. Napapansin ko, habang tumatagal ay padrama nang padrama ang buhay ko! Kailangan ko na yatang magpapayat pero next life na lang, tamad ako! Mas masarap kumain kaysa mag-effort na pumayat! Wala rin naman akong Rusca kaya wala ring saysay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD