Sa kabila ng mga kagulugan sa isip ko ay nagiging maayos naman ang pakikipag-usap ko kay Ate Ellie at paminsan-minsan ay pagsagot ko sa ilang mga katanungan ni Rusca habang kumakain kami. Tuwing kinakausap niya ako ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ay hindi ko talaga kaya. Pero kahit para akong timang na first time nakakita ng gwapo ay hindi ko naman napahiya ang sarili sa harapan nito. Napaparami lang iyong kain ko dahil minsan ay hindi ko na nginunguya iyong pagkain... subo sabay lunok na lang ako. Kasi naman mas masarap pa sa kinakain ko iyong nasa harapan ko! Iyon nga lang bawal tikman kaya mas lalo akong natatakam. Mas masarap daw kasi iyong bawal! Ilang beses kong kinastigo ang sarili dahil nga off limits ang ginawa kong ap