chapter 3

1371 Words
Nang sumunod na mga araw ay pinag-iisipan kong mabuti kung papaanong ipakilala ang sarili kay Ellie nang hindi ko kailangang banggitin ang pagiging magkapatid namin sa ama. Ayaw kong magkaroon siya bang kahit na konting pagdududa sa biglaan kong paglapit sa kanya lalo na matapos iyong nangyari no'ng huli kaming magkaharap. Ilang beses ko nang sinadyang magpunta sa kainang pinuntahan ko rati kung saan ko siya tinakbuhan pero hindi ko talaga siya natiyempuhan doon. Sa edad na eighteen ay 'di ko akalaing pinanabikan ko pa rin pala ang magkaroon ng kapatid. Pero may halo ring kaba dahil kapag malaman ito ni Mama ay tiyak malaking gulo! Habang nakatuon pa kay Papa ang atensiyon ni Mama ay malaya akong nakakakilos. Nagagawa ko rin ang mga gusto ko kaya nang magdeklara na walang pasok ngayong araw ay napagpasyahan kong dumayo ulit malapit sa pinagtatrabahoan ni Ellie sa halip na umuwi ng bahay pagkagaling sa school. Wala pa akong nagawang plano para sa susunod kong gagawin pero sure akong sa pagkakataong ito ay hindi na ako tatakbo 'pag kakausapin ako ni Ellie. Atapang na tao hindi atakbo na ako ngayon. Umupo ako sa rati kong pwesto at nagpasyang doon gagawin ang isa kong assignment habang inaabangang masilip si Ellie. Gala with a cause itong ginagawa ko ngayon kaya hindi na rin gano'n ka lugi kung uuwi akong bigong makita si Ellie. Juice at meryenda na iyong in-order ko sa halip na kape upang nabawas-bawasan ang pagiging nerbyosa ko kapag magkaharap kaming muli. Gusto ko siyang tawaging ate pero baka masyadong halata. Alam ko namang normal lang na paggalang iyon pero masyado akong paranoid dahil sa balak kong paglilihim sa kanya. Ilang minuto lang at subsob na ako sa ginagawa kong assignment. Medyo mahirap ang sinasagutan kong activity kaya 'di ko napansin ang paglapit ng isang tao sa inuukopa kong mesa at naguklt na lang ako nang pag-angat ako ng mukha ay kaharap ko na ang nakangiting mukha ng taong inaabangan ko... si Ellie. "Hi," magiliw niyang bati sa'kin. Hindi na nga ako nagkape pero ninyerbus pa rin ako bigla. Parang tatalon iyong puso ko lakas ng kabog nito. Hindi agad ako nakatugon sa kanya at parang nawalan ako saglit ng kakayahang magsalita. "Natatandaan mo pa ba ako?" tanong niya sa'kin. "O-opo," utal kong sagot. Agad akong nag-alis ng bara sa lalamunan dahil parang pipiyok iyong boses ko. Nabubulol talaga ako kapag kinakabahan! "Makiupo ako rito ha. Wala na kasing bakante, marami yata silang customer ngayon." Wala sa sariling pinasadahan ko ng tingin ang paligid at tama nga siya, halos ukopado lahat ng mesa. Tanging tango lang ang sinagot ko sa kanya bago nagkukunwaring itinuon ang atensiyon sa sinasagutang mga papel. Kung kanina ay nahihirapan akong intindihin ang mga nakasulat dito, ngayon naman ay halos hindi ko na mabasa bawat titik na nasa harapan ko Masyado akong apektado sa presensya ni Ellie sa harapan ko. Nang sulyapan ko siya ay nakatutok ang buong atensiyon niya sa hawak na cellphone habang paunti-unting kinakain ang biniling pagkain. Wala sa sariling napatingin ako sa cheesecake na nasa harapan niya. Pareho kami ng paborito. "Nag-aaral ka pala sa St. Jude," bigla ay komento niya. Muntik na akong mapatalon dahil sa pagkagulat nangpabigla-bigla iyang pagsasalita. Di ko na pala kailangan ng kape upang kabahan dahil si pa Ellie lang ay sapat na. "O-opo." Gusto kong kutusan ang sarili dahil ang salitang iyon lang yata ang kaya kong bigkasin tuwing kaharap itong si Ellie at maging iyon ay lagi pang pautal. Ang lakas ng loob kong magdesisyong makipaglapit dito gayong hindi ko alam kung paano kumilos nang tama sa harapan nito na hindi masyadong halatang may agenda ako. "Ang layo ng St. Jude mula rito," komento niya na pumukaw sa paglalakbaw ng isip ko. Parang aatakihin ako bigla ng anxiety dahil sa tanong niya kahit wala ako niyon. Para naman akong kriminal nito na kabado sa bawat kilos at baka mahuli kahit wala naman akong gagawing masama. Ang tanging hindi maganda sa binabalak ko ay ang maglihim sa kanya. Hindi rin naman nakabubuti sa kanya kung malaman niya ang tungkol sa Papa namin dahil tiyak magugulo ni Mama ang buhay niya. Pinoprotektahan ko siya at maging ang sarili ko dahil dalawa kaming malalagot 'pag nagkataon. "May pinupuntahan ka ba rito?" untag niya sa pananahimik ko. "Iyong cheesecake," mabilis at hindi na nag-iisip kong sagot. Mabuti na lang at hindi ako nautal. "Cheesecake?" nagtataka niyang tanong sabay sulyap sa kinakain niyang nangangalahati na. "Oo!" Maging sa sarili kong pandinig ay nakakaduda ang tono ko. "Paborito ko kasi ang cheesecake nila rito kaya lagi kong dinadayo," mabilis kong pahabol. May halong katotohanan naman sa sinabi ko dahil paborito ko talaga ag cheesecake. Hndi nga lang totoo na ito ang pinunta ko rito. Nagliwanag ang buo niyang mukha at ngumiti nang malaki sa'kin. Hindi ko nga lang alam kung gaganti rin ba ako nang ngiti o ano. "Alam mo, pareho tayo!" masaya niyang pahayag. "The best talaga ang cheesecake nila rito! Pampawala ng stress kaya nevermind na ang karagdagang taba,"tumatawa niyang dagdag. Parang may kakaiba sa tawa niya na biglang nagpawala sa anumang nerbyus at kabang nararamdaman ko. "Iyong pakiramdam na parang natutunaw sa bibig mo bawat subo... heaven talaga!" 'Di ko mapigilang mahawa sa ngiti niya habang binibida niya kung gaano kasarap ang paborito namin. Masarap sa pakiramdam na kahit ngayon ko lang siya nakakausap at hindi nga niya alam ang totoo naming relasyon ay may pagkakapareho kaming dalawa. Parang bigla kaming nagkaroon ng koneksiyon. Kaya rin siguro pareho kaming chubby dahil pareho rin ang paborito naming pagkain. "Bakit pala hindi cheesecake ang in-order mo?" bigla ay tanong niya habang iminuwestra ang green salad na nasa harapan ko. Napapalatak akong napatingin sa tinitingnan niya. Lagi kong insecurity ang malapad kong balakang at medyo malusog kong pangangatawan na laging pinapaalala sa'kin ni Mama kaya kahit gaano ko kagustong kumain ng cheesecake ay mas pinili ko ang suhestiyong mga pagkain ni Mama tulad nitong kinakain ko ngayon. "Kung balewala lang po sa inyo ang karagdagang timbang ay iniiwasan ko naman po iyon," kimi kong sagot. "Kaya heto... pasimpleng damo-damo muna ako na parang kambing," pabiro kong dagdag pero totoo ko iyong saloobin. "Ay naku! 'Di bale nang lumobo basta makatikim ng masarap," puno nang kumpyansa niyang sagot. "Masyado ka pang bata para magiging conscious sa mga simpleng bagay! Enjoy life muna at dahil food is life ay kain lang nang kain... tapos sisi later na lang." Sjnundan niya iyon nang magaang tawa. "Sana katulad ni'yo po ako," himutok ko. Hindi pa nga kami nagpakilala sa isa't isa pero magaan na ang loob kong maghinaing sa kanya. "Bakit? Binu-bully ka ba dahil sa timbang mo?" nanunuri niyang tanong. Sa paraan nang pagkakatanong niya ay parang handa na niya akong ipagtanggol kung sakaling ganoon nga ang sitwasyon. "Hindi naman po," tugon ko. Kay Mama ko lang naman naririnig ang tungkol sa timbang ko kaya tuwing may ibang tao akong kaharap ay feeling ko pareho rin sila ng iniisip ni Mama. "Sabihin mo sa'kin kapag tinutukso ka dahil sa timbang mo para sabay nating daganan at nang 'di makahinga," kumindat niyang sabi na nagpatawa sa'kin. "Pero seryoso, isumbong mo sa'kin dahil bubungangaan ko at lalatagan ng human rights natin." Ganito pala ang pakiramdam nang may taong handang magtanggol sa'yo? Mas matimbang nga lang siguro dahil alam kong kapatid ko siya. Kung pwede ko lang sanang sabihin iyon sa kanya. "A-ako nga po pala si Yolliza," nahihiya kong pakilala kapagkuwan. Bahagya pang nanginig iyong boses ko dahil hindi birong emosyon ang pinipigilan ko habang nagpakilala. "Ako naman si Ellie. Tawagin mo na lang akong Ate Ellie." Kakaibang saya ang naramdaman ko dahil sa narinig kong gusto nitang itawag ko sa kanya. Sa wakas ay matatawag ko na siyang ate kahit hindi niya alam na pareho kami ng ama. "It's nice meeting you, Ate Ellie," emosyonal kong pahayag. "Sa tono ng pananalita mo ay parang napakaimportante kong tao," tumatawang wika ni Ate Ellie. "Relax ka lang, ako lang ito... si Ate Ellie mo na kasing ganda mo rin." Sabay kaming tumawa. Siya siguro ay dahil nakakatawa talaga ang sitwasyon pero sa parte ko ay dahil natatanaw ko ang mas masaya pa naming pagsasama sa susunod na mga araw. Mission accomplished!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD