Nang sumunod na mga araw ay muling balik sa rati ang routine ko. School tapos pupuslit papunta kay Ate Ellie. Sumasama na ulit si Mama kay Papa kaya wala nang nagbabantay sa kilos ko sa bahay namin. Sa loob ng ilang araw naming pagkikita ni Ate Ellie ay hindi namin kasama si Rusca na lubusan kong ikinapapasalamat. Hindi na rin ako nagtatanong dahil mas maigi ngang wala ito para komportable ako at iwas pagkakasala na rin. Kahit ang totoo ay may parte sa'kin na palihim itong hinahanap-hanap at hiniling na sana ay bigla itong lilitaw. Umiiral na naman ang pagiging maligalig ko. "Wala kayong pasok bukas kaya kailangang sumama ka sa outing namin ni Rusca," nakangiting kausap sa'kin ni Ate Ellie. Nabitin ang akma kong pagsubo ng kinakaing cheesecake dahil sa narinig. Nabanggit niya lan