Tulad nang bilin sa'kin ni Ate Melva ay maaga pa kinabukasan, nasa mansion na ako. Agad kong tinungo ang guestroom na lilinisin ko. Maraming guestroom itong mansion ng mga amo ko. Sa totoo niyan ay isang buong palapag talaga ay para sa mga bisita. Kabisado na namin iyong mga guestroom dahil bawat bisita ay may nakatalaga talagang guestroom para sa kanila. Kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit dito ako tinuro na maglinis sa west wing ng mansion. Sa pagkakatanda ko ay naroon sa east wing iyong para kay Sir Rusca at sa kapatid nitong si Sir Migoh. Ayon kay Ate Melva ay walang kasama si Sir Rusca kaya siguro sa ibang guestroom ito tutuloy. Nagkibit-balikat na lang ako dahil maglilinis lang naman ako kaya hindi ko na dapat poproblemahin ang tungkol sa mga gano'ng bagay. Si Sir Rusca la