Ang bilis ng mga araw. Hindi ko namalayan halos mag-aanim na buwan na ako sa mansion ng mga Carson. Gamay na gamay ko na iyong trabaho at sanay na sanay na ako sa palagiang pagkakaroon ng bisita ng mga amo ko. Talo pa talaga ng mansion na ito ang isang hotel dahil hindi nauubusan ng mga panauhin. Halos kilala ko na rin iyong ibang Carson na bigla na lang sumusulpot dito at isa lang ang masasabi ko, magandang lahi ang mga Carson! Dalawang beses na ring nakabisita ulit dito sina Sir Rusca at Sir Migoh. Mukhang naka-move on na yata si Sir Rusca dahil wala akong narinig na nagkaproblema ang mga taga-kusina sa paghahanda ng pagkain para dito. "May bisitang dumating!" anunsiyo ni Ate Melva pagkabalik nito sa quarter namin. Sabay kaming napatingin dito ni Ate Ving mula sa pinapanood naming n