Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi niya dahil sa ibang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Pilit kong hinamig ang sarili upang makawala sa mahika ng kagwapuhan niya. Nang magawa ko iyon ay agad akong kumawala mula sa kanya. Mabuti na lang at wala siyang ginawa upang pigilan ako. Ilang hakbang ang ibinigay kong distansya sa pagitan namin upang tuluyan kong mapanghawakan ang sumasablay kong katinuan. "Alam mo ba na ang mga lalaki sa pamilya namin ay kalimitan sa iisang babae lang magpapakabaliw?" Tinapunan ko siya ng matalim na tingin na sinuklian niya ng isang simpatikong ngiti. Wala talaga akong kalaban-laban kapag ganitong dinadaan niya ako sa pangiti-ngiti! "Aba malay ko riyan," paismid kong sagot sa sinabi niya. "Mukha ngang nababaliw ka na." Sa halip na ma-offend ay m