Kinabukasan ay maaga akong nakatanggap ng text mula kay Ate Ellie. Laman nito ang address ng tinitirhan niya kung saan kami magkikita-kita bago sabay na pupunta sa pagdarausan ng birthday niya. Unang beses akong makapunta sa tinitirhan ni Ate Ellie kaya naghahalo iyong kaba at excitement ko. Pwede ko namang hilingin na roon na kami magkikita-kita sa dadausan ng birthday niya pero nanaig sa'kin ang kuryusidad na makita kung saan siya nakatira. Matapos mag-ayos ay agad kong hinanap si Mama upang magpaalam. Kagabi ko pa pinag-aaralan iyong mga sasabihin ko ngayon. Sa rami ng mga project na idinadahilan ko nitong mga nakaaraan tuwing aalis ako ay imposible na talagang hindi ako mag-top sa klase namin. May kung anong pinagkakaabalahan si Mama nang matagpuan ko ito sa likod-bahay namin. "Ma